Share

Chapter 24

Isang linggo na ang nakalipas simula noong pumayag ako sa panliligaw ni Nathan. Kung noon ay sobrang kulit at clingy niya, mas lumala pa ata simula noong hayaan ko siya sa gusto niya.

Katulad na lang ngayon. Napabuntong hininga ako at humalukipkip habang nakatayo sa harapan niya. Nakangisi naman siya sa akin at pilit na inaabot ang beywang ko para umupo sa kandungan niya.

"Gusto ko lang naman matulog ngayon dito dahil pagod na akong bumiyahe pauwi. Galing pa ako sa trabaho tapos namiss kita kaya ako pumunta rito. Hindi ka ba naaawa sa akin? Alas dose na ng madaling araw oh. Paano kung ma-aksidente ako sa daan kasi biglang namanhid yung daliri ko sa paa? ‘Edi nawalan ka ng future husband?" pangangatwiran niya sa akin sa nagpa-paawang tono.

Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa dahilan niya. Parang bugok din minsan ‘tong si Nathan eh.

Mabilis niya akong hinatak paupo sa kandungan niya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Ipinulupot niya pa ang dalawa niyang braso sa beywang ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status