Chapter 11
NAIWANG nakatitig si Marina sa mukha ni Filan, bagsak ang buhok nito na nagtatakip sa noo nito. “Seryoso ako, Sir Filan, sigurado ka ba na siya ang bumaril sa iyo?”
“Bakit kailangan mong pumunta para rito?” seryosong tanong pabalik ni Filan sa dalaga.
“Nakakaawa yung pamilya nong pinakulong mo, hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa papa mo. Alam ninyong sa kanila ang palaisdaan na iyon kukunin ninyo para sa pang sarili ninyong hangarin…”
“Hindi ko alam-”
Nanatiling nakatitig si Filan kay Marina.
“Hindi mo alam o ayaw mong alamin. Nakikita mo ang kamalian ng papa mo pero pinipilit mong magbulag-bulagan, alam mong pang kabuhayan nila iyon, kanila iyon, proyekto iyon ng local office sa kanila, bakit…” hindi natuloy ang sasabihin ni Marina nang umayos ng pagkakahiga ang binata at nagkumot para makaiwasa kanya.
“Hindi ako aalis dito.”
“Kailangan kong magpahinga, Ms. Hidalgo, kung ang concern mo ay tungkol sa magsasaka, sa mayor ka pumunta. I thought you’re concern about me that’s why you’re here, just what I thought.”
“Ano?” hindi na narinig pa ni Rina ang mga huling sinabi ng binata dahil pabulong na ito. Naawa rin si Rina sa binata kaya napabuntong-hininga siya. “I’m sorry, hindi ko sinasadya. Gusto ko lang makatulong, gusto ko lang na makipag-coordinate ka, baka magbago pa ang isip mo. Iniisip ko kasi na baka hindi ka katulad ng ama mo.”
Tumalikod na si Rina at lumabas ng silid na wala man lang siyang nagawa. Umayos ng pagkakahiga si Filan nang umalis si Rina, nawala ang seryoso niyang mukha at napasulyap sa box na iniwan ng dalaga. Bigla namang pumasok ang isang nurse para tignan ang kalagayan niya.
“Excuse me, nurse, can you give some slice of blueberry cheesecake sa box na dala ng mama ko?” sabay turo niya sa box na dala ni Rina.
Nag-aalangan man ang nurse ay agad na kumuha ng plato at maliit na tinidor. Nag-slice ang nurse para sa kanya saka inabot sa kanya.
“Kailangan ko pa ba kayo alalayan?” magalang at malambing na tanong ng nurse.
Umiling si Filan at nag-umpisang tikman ang cake. “Kaya ko na ang sarili ko, thank you.”
Tumango-tango ang nurse bago umalis. Tahimik lang na kumakain si Filan doon na para bang bata na binigyan ng kendi ng kanyang ina.
MGA sumunod na araw ay ganu’n pa rin, pagdating ni Marina sa opisina nila pagkatapos ng kanyang klase ay abala ang mga kasama niya na nagbabalot ng mga manila paper na may mga nakasulat na against sa mga Sanchez.
“Anong nangyayari?” tanong ni Rina sa mga kasama niya habang pinapanood pa rin niya ang mga ito.
Wala pa rin si Hendrix na abala pa rin sa pag-aasikaso sa pamilya nito at sa ama.
“Mag-rally kami sa labas ng munisipyo dahil sa mayor, sasabayan natin ng pag-rally ang mga mangingisda sa bahay naman ng mga Sanchez,” wika ni Alexis.
“Sasama ka ba?”
Sandali siyang napaisip bago siya nagsalita. “Sige, ano bang maitutulong ko?”
“Ito balutan mo lang para kung sakaling umulan ay hindi mabasa,” sabay abot ni Alexis sa manila paper na may sulat na.
Hindi na nagtanong pa si Marina at inasikaso na niya ang kanyang parte. Hindi nagtagal ay hindi na sila pumasok sa kanilang mga klase, kung sa ganitong paraan sila maririnig ay gagawin niya bilang pagtulong na rin nila sa kaibigan si Hendrix.
Makalipas ng kalahating oras ay nakarating sila roon sa harapan ng munisipyo, kasama ang ilang estudyante from Aquaculture and Arts department, sa kanilang departaminto ay agad namang pinagtataas ang kanilang dala. Nilabas ni Alexis ang kanyang megaphone na dala.
“Mga Sanchez! Mandurugas!”
“Mangingisida’y ninakawan!”
Agad na nakakuha sila ng atensyon mula sa mga tao roon at hindi pa sila nagtatagal doon nang agad na lumabas ang mga pulis na nagbabantay sa munisipyo. Agad na hinatak kay Alexis ang megaphone na dala pero nainis ang binata kaya agad niyang yinakap ang pulis kaya parehas silang natumba, napasingharp sa gulat si Rina nang agawin ang hawak niya.
May ilang natulak nang nagpapatuloy pa rin sa pagsigaw ang ilan para sa hinaing nila nang makatanggap ng suntok ang isa nilang kasamahan mula sa pulis, agad na umagap si Rina pero siya naman ang pinuntirya nito nang masampal siya nito, nabingi at natumba si Rina dahil sa gulat. May tumulong likido sa gilid ng bibig niya.
May humatak sa kanya patayo at para lang siyang laruan sa mahigpit na pagkakahawak sa kanyang braso. Ilang segundo bago niya narinig ang iyakan ang mga kasama niya at ilang sigawan sa pagsaway sa kanila.
*
Nakita na lamang ni Rina ang kanyang sarili sa loob ng silda kasama ang ilang kakilala niya na nag-rally sa unibersidad, natuyo na lamang ang dugo mula sa gilid ng labi niya pero nag-iwan ang ilang pasa sa braso at sa kanyang mukha dahil sa nangyari. Sa kabilang silda naman dinala sila Alexis at Mia.
Bumukas ang silda nang buksan ito ng pulis na nagbabantay sa kanila. “Andito na ang mga magulang ninyo,” wika nito.
Nag-umpisa na namang mag-iyakan ang mga kasama niya nang makita ang mga magulang nila, dahan-dahan siyang lumabas at hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya nang makita ang kanyang ina na seryosong nakatingin sa kanya.
Tumalikod na ang kanyang ina at umalis kaya mabilis siyang sumunod. Alam niyang mapapagalitan siya kaya mas lalo siyang natatakot sa pagiging tahimik ng kanyang ina, lalo na nong pumasok sila sa loob ng kotse. Sinensyasan nito ang driver kaya iniwan silang nasa loob, napabuntong-hininga ang ina niya at napalunok siya si Marina para ihanda ang kanyang sarili.
“Hindi ko alam na aabot tayo sa ganito, Marina,” inabot ng kamay ng kanyang ina sa mukha niya at saka hinaplos ang pasa sa gilid ng mukha niya kaya napasulyap siya sa ina na para bang nagpapaawa dito. “Ano na lang sasabihin mo sa ama mo pag nakita niyang may ganyan ka sa mukha mo, huh?”
“I’m sorry, ma, bigla na lang niya kami inatake pero wala naman kaming ginagawang masama. Nagbibigay lang kami ng hinaing tungkol sa nangyari, para sa papa ng kaibigan namin, wala naman silang kasalanan, kung hindi natin gagawin ito iisipin nila na wala tayong pakialam sa kanila.”
“Alam ko, anak, pero hindi mo kailangan sumali sa ganito. Huwag mo nang uulitin ito kung ayaw mong madamay sa gulo, naiintindihan mo ba ako?”
Hindi na nagsalita pa si Rina.
“Kailangan muna kitang ihatid sa hospital para ipalinis yang sugat mo, kailangan ko ring makausap kung sinong pulis ang nanakit sa inyo.”
“Salamat, ma’am.”
“Ginagawan na ito ng paraan ng ama mo, pinayagan na nilang kumuha ng attorney si Mr. Filimon, ang papa mo ang tatayo sa korte para sa ama ng kaibigan mo…”
Napangiti si Rina sa kanyang nalaman.
“Sa susunod na linggo mag-uumpisa ang hearing, kailangan pang kumuha ng mga evidence para rito, kailangan pa nilang hintayin na maging okay si Sir Filan,” dagdag pa ni Mrs. Hidalgo.
*
Hindi nagtagal nang ihatid si Rina sa hospital para magpa-check-up sandali at linisin ang nakuha niyang sugat. Kailangan lagyan ng benda ang kaliwa niyang siko dahil nakakuha siya ng sugat doon sa pagkakabagsak niya lalo na sa kaliwa niyang kamay para suportahan ang pagkakabagsak sa semento. Pagkatapos linisan at mabalutan ay agad din siyang pinalabas sa clinic ng hospital, paglabas niya ng silid nang agad niyang nakasalubong si Filan na inaalalayan ng nurse sa paglalakad habang nakahawak sa poste ng dextrose na nakakabit sa kanya.
Agad na napansin ni Filan ang pasa niya sa labi, ang balot na gasa sa kaliwa niyang kamay at siko saka tinignan ang mga mata niya, wari’y nagtatanong kung anong nangyari sa dalaga. Agad na umiwas si Marina lalo na nang lumapit ang ina niya sa kanya saka siya hinawakan sa braso para alalayan.
Sumulyap din si Mrs. Hidalgo kay Filan at saka ngumiti bilang paalam bago sila tuluyang umalis. Gustong lumingon ni Marina ngunit hindi na siya nagpahalata pa.
Chapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b
Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr
Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.
Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n
Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n
After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai