Share

Chapter 12

Chapter 12

TAHIMIK na kumakain ang pamilya Hidalgo, ayaw ding makagawa ng ingay para makuha ang atensyon ng mga magulang niya si Rina. Hindi niya napansin na ilang beses nang napapasulyap sa kanya ang kanyang ama, sinenyasan ni Mrs. Hidalgo na huwag na muna pansinin ang anak pero hindi ito magpapaawat.

Binalik ang atensyon kay Rina. “Hindi ko gustong makikita kang ganyan uli dahil lang sa rally.”

Nabigla si Rina at napasulyap sa ama. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. “Sorry po, hindi na po mauulit.”

“At dapat lang Marina Hidalgo.”

Napapikit si Rina nang banggitin ng ama ang buo niyang pangalan na ibig sabihin lang nito’y seryoso ito sa pagpapaalala sa kanya. “Iwasan mo muna ang pangingilam sa mga Sanchez, kami na ang bahala ng mama mo roon. Pwede kang tumulong sa mga kaibigan mo, pero huwag na huwag mong ipapahiya ang pangalan ng ina mo at papabayaan ang pag-aaral mo.”

Tanging pagtango na lamang ang nagawa ni Rina. Halos hindi na rin niya malunok ng maayos ang kanyang kinakain.

Hinawakan ni Mrs. Hidalgo ang kamay ng asawa na nakapatong sa lamesa para paamuhin na nagawa naman niya. Sobra lang nag-aalala ang mag-asawa sa panganay nilang anak, ayaw nitong madamay sa nangyayari.

“Kumusta na ang kaso?”

“Napag-alaman ko na kaya inaangkin ng Mayor ang palaisdaan dahil nagtatayo sila ng Crab Processing and Canning Facility para sa mga isda na makukuha nila roon ng libre, ibebenta nila sa labas at sila ang kikita na galing sa mga mahihirap.”

Natigilan si Rina sa kanyang pagkain at hindi niya napansing seryoso na siyang nakatingin sa mga magulang na nag-uusap sa harapan niya.

“Isa pa wala silang dalang armas, nakikiusap lang sila na ibalik sa kanila iyon lalo na’t sa dating administration pa iyon nang galing na ibinigay na tulong sa kanila at sila rin ang nagpalago. Tinaniman sila para hindi na sila mang gulo…”

“Sino naman ang bumaril kay Sir Filan ng mga oras na nangyari iyon?”

“Iyon ang kailangan mahanap, at saka si Mr. Filan Sanchez lang ang makakapagsabi kung sino ba talaga ang bumaril sa kanila at hindi si Mr. Filimon,” dagdag ni Mr. Hidalgo.

PAGKAPASOK ni Rina sa unibersidad ay agad niyang nakita ang kasama sa organization na kinabibilangan niya na may ilang pasa pero mas nakakuha ng maraming tama si Alexis na siyang kinakaawan niya. Abala ang mga ito sa pagbabasa ng kanilang mga notes at ngitian lang siya nang makita.

Naupo na rin si Rina para ayusin ang gamit niya sa lamesa bago siya umalis para sa klase. Kinalabit siya ni Mia kaya agad siyang napaharap sa kaibigan.

“Nalaman mo na ba ang balita?” bulong nito.

“Hindi pa, bakit?” nakakunot-noo niyang tanong saka niya kinuha ang upuan at naupo sa harapan ng kaibigan.

“Narinig ko sa mama ko galing sa bayan na yung pulis na nanakit sa atin eh biglang pinalipat ng opisina na malayo rito sa atin, actually tatlo sila na bigla na lang pinalipat kaya may bago nang pulis sa station,” kwento ni Mia. “Nagsumbong ka ba sa mama mo? Galing ah naaksyunan agad,” tuwang wika nito.

Napailing si Rina. “Hindi, at kung magsabi man ako hindi niya gagamitin ang kapangyarihan niya bilang vice mayor para palitan o ipalipat yung nanakit sa atin kahit na galit siya sa nangyari sa atin kahapon.”

Nagtaka bigla si Mia at ganu’n din si Rina. “Talaga ba, o baka nga yung chief officer nila,” sabay nagkipit-balikat si Mia saka bumalik sa ginagawa.

Lumabas na si Rina sa loob ng opisina at saka niya nakita ang pamilyar na tuxedo cat na naglalambing sa paanan niya nang makita niya ito’y agad niyang kinarga. Hinimas-himas ang balahibo nito na para bang bata.

“Nandito lang ba amo, ibig sabihin ba nu’n?” tanong niya sa pusa na akala mo’y sasagot.

Maglalakad na sana siya nang may humintong lalaki sa harapan niya, ayon sa suot nito’y halatang body guard lalo na sa katawan.

“Kailangan kang makausap ng amo ng pusang hawak mo, sumunod ka na lang para hindi makahalata,” bulong nito.

Tumango na lamang si Rina, laking pasalamat na lamang niya at walang masyadong tao roon kaya sumunod na lamang siya na walang makakahalata sa kanila. Hindi nagtagal nang makarating sila sa private parking lot ng unibersidad, nang huminto sila sa harapan ng itim na kotse, kinuha ng lalaki ang pusa sa kanya saka siya sinenyasan na pumasok sa loob.

Kinagat ni Rina ang labi bago niya binuksan, unang bumungad si Filan na seryosong naghihintay sa kanya. Pumasok na siya at sinara ang pinto. “Anong kailangan mo sa akin?” pansin niya ang pamumutla ng binata pero hindi na ‘to nakasuot ng hospital gown katulad kahapon, halatang may benda pa rin sa katawan nito kahit nakasuot ng jacket.

Hindi nagsalita ang binata at pinagmasdan lang ang pasa niya sa gilid ng labi niya. Kinuha ang kamay niya saka tinignan ang braso niya, agad din niyang binawi pabalik.

“Ano bang problema mo?”

“Pinayagan na akong lumabas ng hospital, I just want to see you kung okay ka lang.”

Bahagyang nagulat si Rina sa kanyang narinig, biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

“At bakit naman?”

“You don’t have to worry now.”

“At bakit nga?”

Ayaw sagutin ng binata ang tanong ng binata. “You can go now at baka may klase ka pa, kailangan ko na rin magpahinga,” naupo ng maayos si Filan at saka ipinikit ang mga mata.

Sandaling tinitigan ni Rina ang mukha ng binata. Handa na sana siyang umalis nang magsalita pa ito.

“Thank you for the cheesecake even though I’m lactose intolerant…”

Muling napaharap si Rina sa binata na nakapikit pa rin. Naiisip ni Rina na mukhang tumambay sa banyo ang binata dahil sa kanya, but the thought na kinain ni Filan ang binigay niya’y iba ang pakiramdam para sa kanya.

“You don’t have to worry now, wala naman yung pulis na nanakit sa inyo.”

“Ano, ikaw ang may gawa nu’n?”

“Ng alin?”

“Yung pagpapalipat sa kanila.”

“Yes, ayoko ng ganu’ng pagdidisiplina sa mga batang katulad ninyo, beside wala ang tinatamasa ng ilan kung hindi dahil sa demokrasya.”

“Hindi mo dapat gawin iyon.”

“Then, what? Uulutin nila uli sa iba? Once is enough, Ms. Hidalgo.”

Sometimes, she can’t understand kung ano bang meron kay Filan lalo na ang iniisip nito, hindi niya matimpla ang binata. Kahit din siya’y hindi niya maintindihan ang sarili na dapat nagagalit siya rito pero nagagawa pa niyang makausap at maawa sa kalagayan nito.

“Ipagdadasal ko ang fast recovery mo, maraming salamat,” hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Filan nang lumabas na siya sa kotse.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status