Share

Kabanata 3

Kylie

Naalimpungatan ako nang dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa ’king mukha. Kaya naman ay bahagya muna akong tumagilid ng higa bago dahan-dahang binuksan ang aking mga mata.

Ngunit bigla akong napabalikwas ng bangon nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko ngayon. Nasapo ko naman ang ulo ko nang bigla itong kumirot.

Nakangiwing hinilot ko ang sentido at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Pero bukod sa ginawang pagtatraydor nina Arc at Vien ay may isang bagay pa na mas nangingibabaw at gumugulo sa isipan ko ngayon.

Sino ang lalaking nagligtas sa ’kin? Saka paano niya ako nagawang maiuwi rito sa isang iglap lang?

In the first place, how did he even know where I live?

Nilingon ko ang maliit at bilugan kong orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na alas-diyes na pala ng umaga.

Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ng kuwarto. Ni hindi ko na alintana kung ano ba ang hitsura ko at maging ang ayos ng buhok ko.

Agad na hinagilap ko si Papa pagkababa. Sinalubong naman ako ng mga nagkalat naming tauhan na bahagyang yumuko pagkakita sa ’kin.

Hindi ko napigilan ang makaramdam ng magkahalong iritasyon at pagkabahala. Paano pa nagagawang magtiwala ni Papa sa ibang mga tauhan namin ngayon pagkatapos ng nangyaring insidente kahapon?

Nilampasan ko lang sila at muling nagpatuloy sa paghahanap. Hanggang sa matagpuan ko siyang prenteng nakaupo sa hardin habang abala sa pagtitipa sa kanyang laptop. Kuyom ang kamao na nilapitan ko siya.

“What happened?” I asked the moment I stopped right in front of him.

He let out a deep sigh while his eyes were still focused on the laptop screen.

“I’m sorry. I didn’t know that they were one of our enemies’ assassins. They even lured the others. Good thing I discovered it and managed to deploy your new bodyguard just in time.” He suddenly stopped typing and laid his back on the chair.

My forehead knotted because of what he said. “My new bodyguard?”

“Yes. Your new bodyguard.” He looked up at me this time. “But don’t worry. He can be trusted. There’s no doubt about it.”

Magsasalita pa sana ako para umangal nang mapatingin siya sa likod ko at bahagyang tumango.

“Here he is.”

Nagtatakang napalingon naman ako sa likuran ko.

I held my breath that very moment our eyes met. His chocolate-colored eyes look familiar and feel like they are hypnotizing me at the same time.

Just who the hell is he?

He’s even standing in front of me with so much confidence, and I hate the compelling aura around him. It’s something strange, which screams danger.

“Who is he, Pa? Where did you even meet him? And how sure are you that he can be trusted?” I asked without breaking eye contact with the man in front of me.

Tumayo naman si Papa bago lumapit sa ’ming dalawa at pumagitna.

“Kylie, this is Caleb Valiente. And Caleb, this is my one and only child, Kylie Aragon,” he introduced us to each other.

Nagsalubong ang kilay ko. Maging ang pangalan niya kasi ay tila pamilyar sa pandinig ko. Kahit pa nasisiguro ko na ngayon ko pa lang naman siya nakilala.

“It’s nice to finally meet you, Kylie,” he said in a formal tone, as he maintained his good posture and stoic face.

Napaawang ang bibig ko. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakakilala ng bodyguard na kumportableng tawagin ako sa pangalan ko.

The audacity of this man!

Hindi ako umimik. Kumibot ang labi ko nang dahil sa iritasyon na nararamdaman ko ngayon.

Papa cleared his throat. “You have nothing to worry about, hija. I have known Caleb since he was a child. That’s why I assured you that he can be trusted among anyone else here. And with that, starting this day, he is going to be your one and only personal bodyguard.”

Napasimangot ako. Ano ba ang espesyal sa lalaki na ’to at tila ba sobrang laki naman ata ng tiwala ni Papa sa kanya?

“But I don’t trust him. Hindi pa po ba kayo nadala sa mga nangyari? Sa ngayon ay wala na tayong ibang puwedeng pagkatiwalaan. Besides, I can protect myself.” Sa pagkakataong ’yon ay hindi ko na napigilan pa ang magkomento.

Pero natigilan ako nang may maalala. “Hold on. I just remembered something strange.”

Bakas ang kuryosidad sa mukha ni Papa na nakatitig sa ’kin. “And what is that?”

Kinagat ko ang ibabang labi. “Gusto ko sanang isipin na ilusyon lang ’yon. Pero nasisiguro ko na kahit nanghihina ako noong mga panahon na ’yon ay hindi ako dinadaya ng aking paningin. Nakita ko kung paanong pumula ang mga mata nina Vien at Arc katulad na lang sa lalaking nakamaskara noon.” Napahawak ako sa baba ko habang pilit na inaalala ang mga nangyari. “Bukod roon ay tila ba mayroon silang kakaibang lakas na hindi mo magagawang tibagin.”

Napuno ng katahimikan ang buong paligid. Hindi ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nilang dalawa dahil wala akong makita na emosyon sa kanilang mga mukha.

Ilang saglit pa ay napailing si Papa at bahagyang tinapik ang balikat ko.

“I guess you’re just seeing things because of your weak state at that time, hija. You don’t have to bother yourself about things that you’re not even sure of. How can their eyes turn red?” He asked in disbelief.

I already knew about that. But still, I know what I saw.

Napataas ako ng kilay nang mapansin na wala pa ring emosyon na mababakas sa mukha ni Caleb. Tila balewala lang sa kanya ang mga sinabi ko.

“I’m sorry, but I beg to disagree with what you said earlier. As we all know, you weren’t able to protect yourself back then. If I didn’t come in time, who knows what might happen to you already?”

I gasped the moment he finally spoke again. No one dares talk back to me like he did!

Marahas na nilingon ko si Papa na tila hindi man lang ininda ang ipinakitang asta ng bago kong bodyguard.

“Pa! Did you hear what he just said? There’s no way that I’ll be with someone with an arrogant attitude like his!”

Sa pagtataka ko ay natawa lang si Papa.

“But Caleb has a point. It’s time for you to accept the fact that you can’t defend yourself most of the time, hija. All of us have our own limits. You need to bear that in mind.”

Muli siyang bumalik sa kinapupuwestuhan niya kanina para isara ang laptop at bitbitin ito.

“Anyway, naipaalam ko na sa university na hindi ka muna makakapasok ngayong araw. Magpahinga ka na lang muna.” Seryoso niya akong tiningnan. “Wag na wag mong tatangkaing tumakas. Masyado pang mainit ang sitwasyon lalo pa at hindi na naman nagtagumpay ang mga kalaban sa plano nila. Caleb will report everything to me.”

Bago pa ako muling makaangal ay tinalikuran na niya ako at naglakad paalis. Nagpupuyos sa galit na nilingon ko naman si Caleb na hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan niya.

“Hindi ko alam kung ano ang ipinakain mo kay Papa para pagkatiwalaan ka niya ng husto. But one thing is for sure: I won’t trust you.”

He shrugged as he shoved his hands inside his pockets. “It’s alright. You don’t really need to trust me. But it won’t change the fact that I’m now your bodyguard. Whether you like it or not,” he said in a baritone voice.

Inirapan ko lang siya at nagmamartsang bumalik na lang ako sa kuwarto ko.

That man annoys the hell out of me!

***

Alas-otso na ng gabi pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Papa. Sobrang bored na rin ako dahil maghapon lang akong nakakulong sa loob ng kuwarto ko. Hindi ko kasi gustong makita ang bago kong bodyguard.

He’s such an arrogant and cold bastard. His face was so void of emotion that he could pass like a statue. And I also have a strong feeling that he’s harboring a lot of secrets. That’s what I need to find out.

Dinalhan lang din ako ng pagkain ng katulong namin kanina. Sa tuwing tatangkain ko kasing lumabas ay agad na bumubungad sa ’kin si Caleb na nakatayo sa tabi ng pintuan ng kuwarto ko. Kaya naman ay hindi na ako nag-abala na lumabas pa.

Pero iba ang sitwasyon ngayong gabi.

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng mahaba at makapal na kumot. Mahigpit ko itong itinali mula sa paanan ng kama bago itinapon sa bintana ang dulo nito.

Nang masigurong ayos na ang lahat ay eksperto akong humawak sa kumot at dahan-dahang bumaba. Para akong pusa na naglalambitin sa ere.

Sigurado naman na ako sa balak kong gawin. Pero kahit ganoon ay ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko dala ng sobrang kaba.

Nang marating ko ang pinakadulo nito ay agad akong tumalon. My feet landed safely on the grass. Nang makatayo na ako nang maayos ay nagpalinga-linga ako sa paligid. May dalawang bantay akong nakita mula sa hindi kalayuan. Pero kasalukuyan silang nakatalikod sa direksyon ko.

Kaya naman ay dahan-dahan kong sinimulan ang paglalakad patungo sa likod ng mga malalagong halaman. Siniguro ko na hindi ako maglilikha ng kahit anong klase ng ingay.

Halos pigil ko ang hininga hanggang sa malampasan ko sila at matunton ko ang pinakalikod na bahagi ng mansyon kung saan ay mayroong daan palabas. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit sa bakod nito ay may narinig akong nagsalita.

“Where do you think you’re going, Kylie?”

I froze on my spot. Of course, I already know who the owner of that voice is. But what made me stop was the way he called out my name again.

It’s as if we’ve known each other already for a long time. He’s used to saying my name, so it actually comes out of his mouth naturally.

Dahil doon ay muling bumangon sa dibdib ko ang inis.

Napatingin ako sa gilid ko at mula roon ay nakita ko si Caleb na nakasandal sa isa sa mga puno rito. Kahit medyo madilim ang paligid ay ramdam ko pa rin ang matiim niyang titig na tila tumatagos sa kalamnan ko.

Wait. As far as I know, he’s just guarding outside my room. How did he manage to get down here that fast? And how did he even know that I was here in the first place?

“Don’t talk to me as if we’re close,” I snapped at him.

Hindi ako natinag mula sa kinatatayuan ko nang magsimula na siyang maglakad palapit sa ’kin bago tumigil sa harap ko. Kahit isang dangkal na lang ang layo ng pagitan naming dalawa ay pilit na inignora ko ang kakaibang klase ng pakiramdam na nagsisimulang mabuhay mula sa kaloob-looban ko.

“There. If this isn’t close enough to you, then just tell me.” His breath fanned against my face, which made me shiver.

Napalunok naman ako at buong lakas na itinulak siya palayo. “That’s not what I’m talking about, you pervert!”

He clenched his jaw, which made me feel confused by his actions.

“Now, tell me. Where are you going? Do you plan to escape under my watch so that you can prove to your father that it is useless to have me as your bodyguard?” He shook his head. “I’m sorry. But it’s not going to happen.”

I smirked at him as I held my head high. There’s no way that I’ll let him do as he pleases.

“Let’s see then.”

Mula sa beltbag na nakasabit sa beywang ko ay kinuha ko ang isang maliit na smoke bomb at mabilis na binato ito sa direksyon niya. Pagkatapos ay dali-dali ko siyang tinalikuran at kumaripas ng takbo.

Malapit na ako sa sikretong lagusan na nakatago sa likod ng nagtatasang mga damo at halaman nang maramdaman ko ang presensya niyang mabilis na nakasunod sa likod ko.

Without thinking twice, I backhanded him. But to my surprise, he swiftly grabbed my hand and made me face him. He didn’t give me time to recover, as he pulled me towards him.

“Not that fast, Kylie. There’s no way that you can escape from me.” His husky voice is making the situation worse than it already is.

With all the strength that I have, my free hand balled into fist and shot towards his face. But he manages to deflect it as he throws up a forearm block without even looking at it.

“And you’re telling me that you can protect yourself? But you can’t even give me a single hit,” he mocked.

I gritted my teeth. This man is really something!

Bago pa man ako makapagsalita ay balewalang binuhat niya ako at mabilis na isinampay sa balikat niya na para bang sako.

“Take me down!” I punched his back as much as I could, but it feels like hardened steel.

“Try harder next time, Kylie. But for now, your imprudent action will be reported to your father.”

I sighed in defeat as I looked down on the grass.

This is not good. I need to get rid of him as soon as possible.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status