Kylie
“Ibinalita sa ’kin ni Caleb ang nangyari kahapon. Ngayon ka lang ata nagtangkang tumakas nang dahil sa isang bodyguard. Why is that? Can’t you at least give him a chance?” Natigilan ako sa akmang pagsubo bago sinamaan ng tingin si Caleb na kasalukuyang nakatayo sa dulo ng hapag kainan. As usual, his face was void of any emotion. He looks like a robot that’s being controlled, or whatever. “Ngayon lang din po ako nakakita ng bodyguard na sumbungero,” sarkastiko kong sagot. Pinunasan ni Papa ang tabi ng kaniyang labi bago uminom at tumayo. “Ayoko ng mauulit pa ’yon. Naiintindihan mo ba? If that’s your way of getting rid of him, then you’re just wasting your time,” he said in a warning tone. Aapela pa sana ako pero mabilis na niya akong tinalikuran. Agad namang sumunod sa kaniya ang ilan sa mga tauhan namin. Napakuyom ako ng kamao nang muli akong mapabaling sa direksyon ni Caleb. Pero dahil wala namang epekto ang kahit na anong himutok ko sa kaniya ay naiinis na nagpatuloy na lang ako sa pagkain at tinusok-tusok ang kinakain kong bacon at ham. Para mabawasan ang iritasyon na nararamdaman ko ngayon ay iniisip ko na lang na si Caleb ang mga ito. “If you continue that childish act of yours, you’ll be late from school.” Napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. Me? Childish? “I’m not being childish! Ikaw itong masyadong bida-bida riyan! If I know, s********p ka lang kay Papa,” asik ko sa kaniya. Sa pagkakataong ’yon ay nakuha ko ang atensyon niya. Matiim niya akong tinitigan at para bang may kung ano sa kulay tsokolate niyang mga mata na nahihipnotismo ako ng mga ito. “Paano kung s********p nga ako sa papa mo? May magagawa ka ba?” makahulugan niyang tanong. Nahigit ko ang hininga nang dahil sa sinabi niya. Why do I have this feeling that we are referring to two different things? “Jerk!” sambit ko at hindi na siya pinansin pa. This man is really weird and creepy at the same time. I needed to be extra careful whenever he was around. Baka mamaya ay ibang s****p pala ang ginagawa niya. *** Habang nasa daan kami papuntang university ay hindi ko maiwasan ang mapasulyap kay Caleb. “Hey,” untag ko sa kaniya. Diretso lang siyang nakatingin sa daan. “Yes?” Napataas ako ng kilay. Like a boss talaga kung magsalita ang isang ’to. Kumibot ang mga labi ko. “I don’t trust you and I never will.” Inihinto niya ang kotse nang biglang maging kulay berde ang traffic lights. “I know that already,” balewala niyang wika. I crossed my arms. “I hate you.” “That’s obvious. There’s no use of telling it right in front of my face.” “Why are you here anyway? Nabanggit ni Papa na kilala ka na niya mula pagkabata. Sino ka ba talaga? Bakit ngayon lang kita nakilala?” Hindi ko na naiwasan ang maging usisera. Nahihiwagaan kasi ako sa kung ano ang tunay niyang pagkatao. He tapped his fingers on the steering wheel. “Believe me. You wouldn’t want to know who I really am,” makahulugan niyang sagot. Natigilan ako nang dahil sa naging sagot niya. Parang may kung ano rin sa boses niya na nagpataas sa mga balahibo ko. Pero napakunot noo ako nang may maalala. Halos ganoon din kasi ang naging sagot sa ’kin ni Vien noong tinanong ko sila tungkol sa tunay nilang pagkatao. Hindi na lang ako umimik pa hanggang sa makarating kami sa university. “You stay here. Kung gusto mo ay puwede ka rin namang gumala muna. Pero mas maigi kung hindi ka na babalik pa,” bilin ko sa kaniya pagkababa ko ng kotse. He shook his head. “I’m sorry to disappoint you, but you’re asking for the impossible.” I rolled my eyes at him. “Whatever. Do whatever you want. Just don’t follow me around.” Nagsimula na akong maglakad. Taas noo na binabaybay ko ngayon ang hallway. Sanay naman akong pinagtitinginan ng bawat nakakasalubong ko kaya hindi na ako nababahala pagdating sa bagay na ’yon. Pero mukhang iba ata ang sitwasyon ngayon. Madalas na hindi ko sila pinag-uukulan ng pansin. Pero dala ng kuryosidad ay hindi ko naiwasang ilibot ang tingin sa paligid. They seem to be ogling with someone, most especially the girls. Tila ba tumatagos ang tingin nila sa bandang likuran ko. Kaya naman ay dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Caleb na nakasunod sa ’kin. “What the hell are you doing here?” gulat na tanong ko sa kaniya. Mas lalo tuloy naming nakuha ang atensyon ng iba pang mga estudyante rito. “You told me to do whatever I want.” He shrugged. I stomped my feet out of frustration. “But I also told you not to follow me around!” He roamed his eyes, then looked at me intently. “Are we really going to argue here with all eyes fixed on us, or will you just keep on going?” I stood still while gawking at him. This man is unbelievable! Dahil nagsisimula ng dumagsa ang mga nakikiusyoso ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang magmartsa patungo sa lecture room namin. Mukhang hindi magiging maganda ang buong araw ko nang dahil sa presensya niya. Pagkarating ko roon ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang humahangang tingin ng mga kaklase ko kay Caleb. Lalo na ang mga kababaihan at feeling babae. Kung alam lang sana nila ang ugali ng lalaking ’to ay nasisiguro ko na madidismaya lang sila. “Kylie, who is he?” puno ng kuryosidad na tanong ng isa sa mga kaklase kong babae na si Marie. “Yeah. Ngayon lang namin siya nakita. Hindi naman siya kasama sa mga bodyguard mo na palaging naghahatid sa ’yo,” komento ni Aya na bigla na lang tumabi sa ’kin. Napataas ako ng kilay. Now they’re talking to me. Samantalang para akong may sakit kung iwasan nila noon. Not that I’m bothered since it’s much better. Hindi ako umimik at dumiretso lang ng upo sa bandang likuran. Pakiramdam ko ay umaakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha nang dahil sa sobrang inis, lalo na nang tumayo si Caleb sa likod ng upuan ko. Hindi makapaniwalang nilingon ko siya. “Are you really serious? Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase at professor ko kung maghapon ka lang nakatanga riyan?” Pinandilatan ko siya ng mga mata. Inilagay niya ang dalawang kamay sa kaniyang likod. “Don’t worry. Your professors already knew that I’d be guarding you throughout the class. Mister Aragon has already talked to the dean about what happened to you and explained the situation.” Mariin akong napapikit. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat. They’re acting as if I’m the daughter of the President of the Philippines. “Okay! As if I have a choice!” Tinalikuran ko na siya at padabog na isinandal ko ang likod sa upuan. Ilang sandali pa ay dumating na ang professor namin. Sa ngayon ay titiisin ko na lang muna ang presensya niya. Pagod na rin kasi akong makipagtalo pa sa kaniya. Nakakaubos siya ng enerhiya. Nagpokus na lang ako sa harap nang simulan na ni Sir Rivera ang discussion. Pero kahit anong pilit ko na hindi magpaapekto ay hindi ko mapigilan ang ma-distract sa mga kaklase kong effort na nililingon si Caleb sa likod. Sana lang ay tawagin sila ni Sir Rivera for recitation. Nang sa gano’n ay baka sakaling ituon na nila ang atensyon sa klase. I clicked my tongue. Can’t he see that he’s distracting the class? This man is a standing distraction! “Miss Aragon.” Napakurap ako nang bigla akong tawagin ni Sir Rivera. Agad naman akong tumayo. Sa dinami-rami ng mga hindi nakikinig sa kaniya ay bakit ako pa ang napansin niya? Umupo siya sa ibabaw ng mesa habang pinaglalaruan sa pagitan ng kaniyang mga daliri ang hawak na marker. “Based on our course subject, what do you think leadership-decision-making means?” Ramdam ko ang ilang pares ng mga mata na napatingin sa ’kin. For the first time, I even heard Caleb chuckle from my back. Pinigilan ko naman ang sarili na lingunin siya at batukan. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. Hindi ko hahayaan na magkaroon si Caleb ng pagkakataon na asarin ako. “Leadership is a process wherein the leader is able to influence a group of people in order to achieve a common goal. While decision-making is a process involving a certain amount of consideration, weighing the con’s and pro’s to choose among a certain number of alternatives when faced with difficulties,” I answered confidently. Napatango naman si Sir Rivera bago sinenyasan na akong umupo. “That’s right. Thank you for your well-explained answer, Miss Aragon.” Nakangiting bumalik ako sa pagkakaupo. Sisiguraduhin ko na hindi ako mapapahiya sa harap mo, Mister Bodyguard. “Kung ayaw mo talagang mapahiya, then you must try harder. I’m not even impressed with your answer.” Nabitiwan ko ang hawak na ballpen. Mabuti na lang at hindi naman ito naglikha ng gaanong ingay. Mahina lang ang pagkakasabi niya no’n pero sapat na para umabot sa pandinig ko. Did he just read my mind? But that’s impossible. Pagkatapos ng klase ay ganoon na lang ang gulat ko nang biglang pagkaguluhan ng mga kaklase ko si Caleb. Instant celebrity ang loko. As much as I hate it, I took that opportunity to escape from him as I made my way from the sea of people. Sa paglabas ko ng building ay napalingon ako sa likod ko. Napangisi ako nang mapansin na hindi siya nakasunod. Mukhang tuluyan na siyang naharang ng mga kaklase ko. Mamayang hapon pa naman ang susunod kong klase. Kaya balak ko muna sanang pumunta sa mall. Isang sakay lang naman ang papunta roon mula sa university. And I don’t really mind commuting. Ngunit bago ko pa man marating ang gate ay biglang may humawak sa kamay ko dahilan para matigilan ako. Para akong kinilabutan nang maramdaman ang lamig na nanggagaling mula roon. Mabilis na hinarap ko naman ang pangahas. I formed a fist as I leaned forward. Then, I tilted my fist as I grabbed it. I bend down quickly and pull my arms into a vertical position while maintaining the lock on my fist and pulling my arm out. “Woah. I must say that you really have the skills. You are not bad yourself.” Napaawang ang bibig ko nang marinig ang pamilyar niyang boses. Napaangat ako ng tingin at sinalubong ako ng nagbabagang tingin ni Caleb habang umiigting ang kaniyang panga. Paano niya nagawa na makarating agad rito? “Again, there’s no use for you to escape, Kylie. You can tell me where you want to go, and I’ll drive you to that place right away. Is it really hard for you to do so?” I bit my lower lip. “No, it’s not. The thing is that I don’t want to be with you!” singhal ko sa kaniya. May kung anong emosyon ang dumaan sa kaniyang mga mata na agad rin namang nawala. “When are you going to accept the fact that you can’t do anything about it anymore?” malamig ang boses niyang sambit. Bumaba naman ang tingin ko sa kaniyang kamay. It’s cold as ice; I’m sure of that. Hindi ko nga lang ’yon naramdaman kahapon dahil nakasuot siya ng gloves noong mga panahong nahuli niya ako. “Your hand is cold,” I said instead. Agad na ipinamulsa naman niya ang mga kamay. “That’s normal for me, as I’m always feeling cold.” Kumunot ang noo ko. May ganoon ba? Samantalang ang init naman ng panahon ngayon. “Let’s go.” Nauna na siyang naglakad patungong parking lot. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Who knows what he’s capable of doing? Kahit pa kakilala siya ni Papa at ang pamilya niya ay kailangan ko pa ring malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa kaniya. Habang naglalakad ay tinawagan ko ang taong inupahan ko na mag-imbestiga sa nangyaring insidente kina Adrian noon. “I’m sorry, Kylie. Pero wala pa rin akong nahahanap na lead hanggang ngayon,” bungad niya pagkasagot sa tawag ko. Malalim akong napabuntonghininga. Sa ilang taon naming pagsisiyasat ay wala pa rin kaming nahahanap na konkretong ebidensya hanggang ngayon na maaaring magturo sa pagkakakilanlan ng suspek. “Alright. I’m sorry to burden you again, but I have another favor to ask,” I urgently said. “Okay. Let’s see what I can do. What is it?” Natigilan ako sa hindi kalayuan nang buksan na ni Caleb ang pinto ng sasakyan. “I want you to investigate a certain man and my bodyguard named Caleb Valiente.”Caleb “You’re so mean! Why can’t I go?” Palabas na kami sa mansyon nang biglang humabol sa ’min ang magaling kong kapatid. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang dahil sa pagkakabusangot. “Because I said so.” I patted her head. “No worries. You can come tomorrow though,” I assured her. Sa pagkakataong ’yon ay biglang sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. “Alright. I’ll just go to the company then.” “She’s really energetic.” Kylie shrugged. “It can’t be helped. Despite her age, she’s still my little sister for me.” Nauna na kaming umalis kay Caitlin dahil mag-aasikaso pa siya. Pagkarating namin sa university ay agad kaming sinalubong nang maingay at magulo pa ring paligid pagkababa namin sa kotse. “Don’t you dare try to play any more of the games. Lalo na kung hindi mo naman kukunin ang premyo at itatambak mo lang sa ’kin,” Kylie warned as we started walking. “Alright. So what should we do now here? Tutunganga maghapon?” I can’t help but to be sarcastic. Napaira
Kylie Foundation week na. Pero heto ako at nakatambay lang sa isang tabi. I’m really bored to death. Gustuhin ko mang manatili na lang sa mansyon ay hindi rin naman matatahimik ang mundo ko dahil nandoon si Caitlin. Paniguradong kukulitin niya lang ako para mag-practice. Ang energetic pa naman masyado ng babaeng ’yon. Malayong-malayo ang ugali niya sa kuya niya. Sa Friday pa ang schedule ng pageant. Pero sana ay nauna na lang ’yon para tapos na agad. “Coffee?” Napaangat ako ng tingin kay Caleb bago lumipat ang atensyon ko sa hawak niyang styro cup na naglalaman ng kape at kinuha ’yon. “Thanks.” Mula sa pagkakatayo ay tumabi siya sa ’kin ng upo. Hinayaan ko na lang ito dahil wala rin namang mangyayari kahit ipagtabuyan ko pa siya. Isa pa ay pagod na rin akong makipagtalo sa kanilang magkapatid. “Handa ka na ba sa Friday?” tanong niya bago sumimsim ng kape. It’s really weird to see a vampire drinking coffee. Napasimangot ako. “Wag mo akong simulan ng pang-aasar.” He looked at me
Caleb “Kylie, gumising ka na raw sabi ni Mr. Aragon. Handa na ang almusal,” malakas kong tawag mula sa labas ng pinto pagkatapos kong kumatok. Ilang minuto rin akong naghintay ngunit wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. “I’ll come in,” wika ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto. There, I saw her still sleeping peacefully. Palibhasa kasi ay late na rin siyang natulog kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw na rin ’yon. Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya. Bahagyang nakababa ang kumot na tumatakip sa kaniyang katawan at halos nasa gilid na siya ng kama. Marahan akong napailing habang nakapamulsa. “Ang likot mo pa ring matulog.” Hindi ko napigilan ang sarili na mapatitig sa kaniyang maamong mukha. Sa isang iglap ay nakalimutan ko ang dahilan ng pagpasok ko rito. “I guess there are some things that still don’t change no matter how many years have passed.” Ilang minuto na rin akong nakatayo rito at pinagsasawa ang sarili na titigan ang mukha ni Kylie per
Kylie Everyone is busy. Foundation week na kasi ng university sa susunod na linggo. Kaya naman ay aligaga na sa pag-aasikaso ang iba’t ibang organisasyon at clubs ngayon para sa kanya-kanya nilang pakulo. Well, not me. I’m not really interested in such events. I’d rather sleep all day than participate with them. “Aren’t you going to join the event?” Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakahalumbaba. Para bigyang daan ang ginagawang preparasyon ay wala kaming gaanong klase buong linggo. Nag-iwan lang ng take home activity ang mga professor namin. Pero nang dahil sa sobrang bored ko ay natapos at naipasa ko rin naman agad ang mga ito. “No. Wala ako sa mood saka hindi ako interesado.” Hindi ko nilingon si Caleb. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya kayang harapin. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa ’kin noong gabing ’yon. Will you get mad if I kiss you right here? My lips thinned from irritation. Ang akala ko ba ay ma
Kylie Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan. Akala ko ay sa mga palabas lang posible ang ganoong klase ng mga pangyayari. But the fact that Caleb is already 425 years old and has even taken a number of degree programs in different countries keeps bugging me. It sure is nice to do everything because you have unlimited time in this world. But at the same time, I bet it makes him sad too. “My father is friends with your parents, right? Where are they now?” I asked curiously as I checked his old CDs and DVDs. He has some cassette tapes too. But I frowned when I saw a vinyl record player on the other side. It really feels so old. “They’re dead already.” Akmang aabutin ko ang naturang record player nang bigla akong matigilan nang dahil sa naging sagot niya. “Oh. I’m sorry to hear that.” Malungkot akong napaharap sa kaniya. He shrugged. “It’s okay. After all, they have lived for a thousand years already.” Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. “
Caleb Kasalukuyan kaming nagkakape ni Mr. Aragon at nag-uusap tungkol sa negosyo rito sa hardin nang biglang dumating si Kylie at malakas na hinampas ang ibabaw ng bilugang mesa. Pinigilan ko naman ang pagsupil ng ngiti sa ’king mga labi dahil may ideya na ako sa dahilan ng paghuhuramentado niya. After all, I was the one who instructed Brent—also known as Arlo to her—to provide that information about me. “What the hell, Kylie? Anong problema?” gulat na tanong ni Mr. Aragon sa anak. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na tasa pero mabilis ko naman itong naalalayan. “Anong problema, Pa?” Mula sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagturo niya sa ’kin. “Itong bampirang ’to ang problema ko!” Lumalim naman ang gatla sa noo ni Mr. Aragon. “What is it this time, hija?” “Pa! Since you have been friends with his family, just like you told me before, I guess you already know that Caleb is the CEO of Valiente Investments Corporation. How come the CEO of the top company in our country ag