Share

Kabanata Dalawa

Tinahak namin ang isang kuwarto na nasa ikalawang pinto mula sa bulwagan. Huminto kami sa tapat noon. Si Sister Chriselle na ang nagbukas ng pinto at nauna na rin siyang pumasok, sumunod naman ako.

"Israel? Nandito si nanay," malambing nitong anunsyo sa bata.

My breathing hitched. Nanlalamig ang buo kong katawan. Panay rin ako sa paglunok ng laway. I could not describe what I was feeling.

"Nay?" Inosente nitong pagkaklaro. Bakas sa kaniyang boses na kagigising lang.

"Yes, Iza. Nandito siya para sa'yo."

Lumabas ako mula sa likod ng madre and there I saw a little girl wearing strappy floral dress, holding a brown teddy bear na nagmula pa sa akin.

"Baby..." sambit ko't lumuhod sa harap niya. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at lumapit sa akin. "Na-miss mo ba si nanay?"

Tumango lang siya habang nakanguso nang bahagya.

Lumandas naman ang luha sa aking pisngi. Masaya ako at nasasaktan, all at once. Masaya dahil kahit isang araw lang ay magkakasama kami. Nasasaktan naman dahil alam kong hindi ko siya kayang buhayin. Hindi ko siya kayang i-expose sa lahat dahil alam kong nabuo siya sa isang pagkakamali. Pero kahit na ganoon, wala akong pinagsisihan. I would be forever grateful and blessed dahil ibinigay sa akin ng Diyos ang katulad niya.

"Bakit ka umiiyak, 'nay? May masakit po ba?" Malungkot niyang tanong. Tumawa naman ako nang mahina saka siya niyakap.

Oh, god. I wished I could be with her someday. Iyong titira siya sa puder ko, na ako na ang mag-aalaga sa kaniya. Ako na ang makakasama niya buong araw. Ako ang makikita niya sa pagmulat niya ng mata sa umaga at bago pumikit para matulog sa gabi. Pero alam kong malabo. Sa ngayon ay kasing labo ng putik na mangyari iyon. Hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong paa. But one day, kapag may sarili na akong buhay, I'll make sure she'll be part of it.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap at h******n siya sa noo. I smiled saka hinawi ang kaniyang buhok. Her brown eyes reminded me of a caramel.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kaniyang katawan. I remembered when I was just like her age, ganito rin ang katawan ko.

"'Di pa po, 'nay. Pero nagugutom na po ako." Ngumuso siya.

A short laughter bubbled out of me. I looked up at Sister and she gave me a shrug with an amused smile on her lips.

Bumaling ulit ako kay Israel. "Anong gusto mong kainin? Gusto mo... si nanay na magluluto?"

Lumawak ang kaniyang mga mata sa tuwa. 

"Talaga, 'nay? Yehey!" Tumalon-talon siya sa tuwa. "Thank you po!" 

She hugged my neck and planted a kiss on my forehead. Tumawa naman ako nang mahina. 

Goodness! I really missed my daughter so much.

Pinaliguan ko muna siya bago kami pumunta sa kusina para magluto ng gusto niyang ulam— scrambled egg. At nang natapos ang lahat ay pinapunta ko muna siya sa playground para maglibang.

Napabuntong hininga ako habang nanonood sa kaniya na ngayo'y nakikipaglaro sa batang lalaki. Tulak tulak ang sasakyang pambata habang nakasakay siya roon. Bakas sa mukha niya ang sobrang tuwa.

"Sheika..." sambit ng pamilyar na boses. Umikot kaagad ako para maharap siya.

"Sister," nakangiti kong sambit sa kaniya na ngayo'y mukhang may problema. Nawala agad ang ngiti ko. "Bakit po? May... problema ba?"

Bumuntong hininga siya saka tumabi sa akin.

"Wala naman," aniya habang nakatingin sa harap. Ang kaniyang mga kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa.

"Is it about Israel, sister?"

Alam kong problema sa kaniya si Israel. Marahil hindi niya kayang tanggapin na lalaki ang bata dito. Kahit naman ako. Kung bibigyan ako ng pagkakataon, ako nalang ang magpapalaki sa bata. Pero hindi e. Sa ngayon, kailangan ko siyang itago sa lahat. I needed to protect her from everything. Alam kong mapapahamak siya once na malaman ng lahat na bunga siya ng isang pagkakamali.

"Ayaw mo ba talaga siyang iuwi? Gusto mo bang lumaki siya dito?"

My breathing hobbled. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Nakatingin lang ako sa kanya.

Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa harap. Hindi ko na napansin si Israel. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Baka nasa loob na.

"Mahirap ang sitwasyon ko ngayon, sister. Ayaw kong madamay siya dito." Hinarap ko ang madre na ngayo'y nakatingin na sa akin nang diretso. "Kung sasabihin ko sa lahat na anak ko siya, they'll ask me who is the father. Wala akong maisagot, sister. I can't remember the stranger who got me pregnant."

"I'm sorry, hija. Naiintindihan kita. Nag-aalala lamang ako sa kalagayan ni Iza dito. Ayaw ko namang malayo ang loob niya sa'yo."

I smiled bitterly. "I understand, sister. Pero hindi ko pa talaga masasabi kung kailan ko kukunin si Iza. As much as possible, no one will know about her. Kahit pa ang tatay niya. I love my daughter so much kaya ayokong husgahan siya ng mga tao sa labas."

Sister Chriselle held my back at ngumiti. Nag-iwas nalang ako ng tingin at bumaling sa labas. Alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon ko ngayon. Saka hindi ko naman pababayaan ang bata. Kaya nga nagdo-donate ako ng pera dito.

When afternoon dropped, ako ang nagluto ng kanilang tanghalian. Tinolang manok ang niluto ko para mabusog sila nang husto. At pagkatapos ay ako na rin ang naghugas ng pinagkainan.

Nasa playground ako when my phone beeped. Tinignan ko ang nagtext at napagtantong si Jeremiah iyon.

Jeremiah:

Got my lunch. How 'bout you?

Napangiti ako roon. Kung hindi ko siya pinsan, iisipin kong may gusto siya sa akin.

Ako:

Same. Aren't you busy?

Pagkatapos kong i-send iyon ay pinatay ko na ang cellphone. Bumuntong hininga muli ako habang dinaramdam ang haplos ng katamtamang init ng hangin.

Dito payapa, masaya at ligtas. Kaya dito ko rin naisipang ipaampon si Israel. Actually hindi siya totally ipaampon. I just wanted her to be under the supervisor of sisters. Alam ko namang walang masamang mangyari sa kaniya dito. At bilang kabayaran, I promised to them na magdo-donate ako. Hindi man kalakihan, I knew it would be good for one month. Siguro kapag magkakatrabaho na ako, tataasan ko nalang.

"Sheika!" Rinig kong nagagalak na tawag sa akin ng pamilyar na boses. Tumayo ako saka umikot para maharap ang tumawag sa akin. "Halika, bilis!" She gestured her hand na lumapit ako sa kaniya. Sinunod ko naman ito.

Pumasok kami sa isang opisina. Opisina ito ni Sister Ana, ang Mother Superior.

"May problema po ba?" Tanong ko kaagad. Hindi naman sila mukhang problemado bagkus tuwang tuwa sila.

"May nag-donate kasi sa amin ng dalawang milyon!" Pahayag ng Mother Superior.

Umawang ang labi ko. Tama ba ang narinig ko? Dalawang milyon?!

"H-Ho? S-Sino naman po 'yon?" Takha kong tanong.

Dalawang milyon?! Saan ako kukuha noon?! For sure nalulunod sa yaman ang nagdonate ng ganoong halaga!

"Ah! Isang koreanong negosyante na naka-base ngayon dito sa Pilipinas," sagot niya.

Korean tycoon? Sino 'yon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status