"S-Sinabi ba kung sino, sister?" Tanong ko.
Ang ibang donor kasi ay hindi nagpapakilala. Mayhaps to keep their privacy or reputation.
"Si Mr. Hans Estrabo, Sheika!" Masayang sagot ni Sister Chriselle.
Hans Estrabo? Parang pamilyar ang kaniyang pangalan. Kung hindi ako nagkakamali, kilala siya ni Genesis.
"Kilala ba mo siya, anak?" Tanong ni Sister Jenevive.
"H-Ho? Sounds familiar lang po."
"Ah." Tumango siya at hindi na muling nagtanong po.
"Actually lagi siyang nagdodonate ng pera dito. Usually kalahating milyon lang ang pinakamataas. Nakakagulat lang dahil dalawang milyon ngayon," si Mother Superior.
"Eh baka naman big time na talaga si sir!" Masayang konklusyon ni Sister Jenevive.
"Baka nga." Tumawa si Sister Chriselle.
Buong hapon ay wala akong ibang inisip kundi ang tungkol kay Hans. He must be very rich. Two million, 'yon! Kung pera ko 'yon, sapat na 'yon sa dalawang taon kong pamumuhay sa mundo. One million will be for me at ang isang milyon ay para dito sa bahay-ampunan.
"'Nay?" Gumuho ang lahat ng imahinasyon ko nang narinig ko ang boses ng aking anak.
"Yes, baby?"
Tumayo siya sa harap ko. Nasa playground kami ngayon. Nakaupo ako sa bench.
"Kailan ka ulit dadalaw dito?"
I smiled at her. "Depende, 'nak. But I'll try to visit you often times. Malayo kasi ito e." Paliwanag ko.
Fifty kilometers ang tatahakin ko para makarating dito. Knowingly I didn't have my own car at ayaw ko namang magpahatid palagi kay Jeremiah, paminsan-minsan lang talaga ang dalaw ko rito.
"Babalik ka pa naman po, 'di ba?"
"Oo naman, 'nak. Bakit mo naman natanong 'yan?"
"E kasi po mamimiss kita, 'nay."
Nagbabadyang tumulo ang kaniyang luha. Uminit naman ang sa akin. Sobra akong nasasaktan para sa kaniya. I knew I should be the one to take care of her pero hindi eh. At pakiwari ko'y wala akong kwentang ina. I got pregnant at the age of 23 na hindi man lang alam kung sino ang ama.
Wow, Sheika. Unbelievable! I've never known any woman like you na may anak pero 'di man lang alam kung sino ang ama nito.
Hinawakaan ko ang magkabilaan niyang pisngi. Pinunasan ko ang lumandas na luha sa kaniyang pisngi gamit ang hinlalaki.
"Mamimiss ka rin ni nanay, baby. Sorry ha? Hindi kita puwedeng iuwi."
"Pero bakit po?" Umiiyak niyang tanong. "Hindi niyo po ba ako mahal?"
Umiling kaagad ako. Parang pinipiga nang husto ang puso ko. Kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal.
"Mahal na mahal ka ni nanay, Israel. Pero kailangan muna kitang itago sa lahat," umiiyak kong sabi.
"Bakit po?"
"Shsh." Niyakap ko na lang siya.
Alam kong hindi niya pa ako maiintindihan sa ngayon. She was still too young and innocent. Someday, if she's mature enough, maiintindihan niya kung bakit ko ginagawa ito. Para sa kaniya lang din ito.
Pagkatapos ng iyakan ay nilaro ko siya para malihis ang kaniyang iniisip. Mabuti at bumalik muli ang ngiti sa kaniyang labi. I could not stand watching her cry before my eyes. Hindi ko kaya lalo na kung ako ang dahilan noon at wala man lang akong magawa para sumaya muli siya.
Three o'clock in the afternoon ay kumain sila ng merienda. At dahil busog pa ako at wala akong ganang kumain, I excused myself. Mabuti at pumayag naman ang mga madre at 'di na ako pinilit pa.
Kinuha ko ang aking telepono para i-text si Jeremiah. I hope he's not busy right now.
Ako:
May kilala ka bang Hans Estrabo?
That name kept bothering me. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin ang lalaking iyan. I just could not believe people like him existed in this world. Siguro pinagpala talaga siya sa yaman.
Kinse minuto ang lumipas bago dumating ang mensahe ni Jeremiah. Ayos lang sa akin iyon dahil alam kong nasa kalagitnaan siya ng trabaho ngayon.
Jeremiah:
Sorry late reply. Yup I know him. Why?
Napalunok ako sa tanong niya. Bigla akong dinalaw ng kaba.
Tumunog ang telepono ko at nakita ko kaagad ang pangalawa niyang mensahe.Jeremiah:
Hans Gilbert Estrabo is his real name. He's a korean tycoon na may malawak na lupain for their real estate. He's an English speaking businessman. Ano pa ba ang gusto mong malaman? Na mas guwapo ako kesa sa kaniya? Yup, Sheika. I'm way better than him.
Napangisi ako sa huli niyang salita. Kahit kailan talaga 'tong aroganteng 'to. Lahi na talaga nito ang pagiging hangin.
Ako:
Loko ka! I'm just curious about him. Nag-donate kasi ng two million pesos dito sa bahay-ampunan. He must be very rich, huh?
Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang kaniyang mensahe.
Jeremiah:
Just kidding. And yeah, he's very rich. He owns thousand hectares of real estate.
Now I knew why it was so easy for him to donate two millions. Barya lang pala 'yon sa kaniya.
Ako:
Thanks for the info.
Binalik ko na ang cellphone sa bag ko at bumalik sa loob. Paniguradong tapos na silang kumain at busog na rin.
Nilubos ko ang huli kong mga oras sa paglalaro kay Israel. Gusto kong hindi niya makakalimutan ang huling sandaling kasama niya ako. Gusto kong hahanap-hanapin niya ang mga alaalang iyon, nagbabasakaling hindi lalayo ang kaniyang loob sa akin.
Aminado akong natatakot akong lumaki si Iza na hindi ako ang kinikilalang ina. Who would be happy with that? It's like losing a child forever. At ayaw kong mangyari iyon kaya hangga't kaya ko, bibigyan ko siya ng rason para kilalanin niya ako bilang kaniyang ina.
Six in the evening ay nagkaroon kami ng prayer for the Holy Rosary. Gawain nila ito tuwing pagpatak ng ganoong oras. At pagkatapos ay kakain ng hapunan.
"Maraming salamat po, sister. Maraming salamat sa lahat at lalo na sa pag-aalaga kay Iza." Sabi ko nang pauwi na ako. Ang sabi ay papunta na si Jeremiah.
"Walang anuman, Sheika. Masaya kaming nakakatulong kami sa iyo." Si Mother Superior sa gitna ng ngiti.
I stiffened. Naiiyak ako dahil kailangan ko ng umuwi. Isang buwan na naman ang lilipas bago ako makakabalik dito. Mamimiss ko silang lahat lalo na ang aking anak.
I smiled with tears. "Hindi ko po alam ang gagawin ko kung sakaling wala po ang bahay-ampunan niyo."
"Ay sus." Si Sister Chriselle. "Nakakatulong ka rin naman sa amin, anak. Saka pamilya tayong lahat. Ang pamilya ay nagtutulungan at nagdadamayan."
"Salamat po."
"'Nay?"
Napatingin kami sa isa't isa nang narinig namin ang boses ng batang babae. Hinanap ko kaagad siya na ngayo'y nakasuot nang pantulog habang hawak hawak ang brown teddy bear.
"Baby..." sambit ko't lumuhod sa kaniyang harapan.
Her hair was straight at bagsak na bagsak. Makintab ito lalo na't naiilawan. And what I loved the most is her eyes. Kulay kape.
"Mamimiss kita, 'nay. Balik ka kaagad ha?" Nakalabi niyang sabi.
"Oo naman, 'nak. Mamimiss din kita. Pagbalik ko, maraming teddy bears. Gusto mo ba 'yon?" Ngumiti ako, trying hard to hide my real emotion. I wanted to break down.
"Gusto ko ikaw, 'nay. Ayaw ko pong umalis ka. Dito ka nalang po." Naiiyak niyang sabi.
"Iza..." tawag ni Mother Superior. Nag-angat ako saglit ng tingin sa kaniya saka kay Israel muli.
"Babalik naman si nanay, 'nak. Pangako ko 'yan."
"Talaga po? Pangako?"
"Oo naman! Basta magpakabait ka dito ha? Huwag kang maging pasaway na bata. Ayaw ni nanay sa ganoon."
"Opo, 'nay." Ngumiti siya, making me feel relieved. "Pangako po."
"'Yan! So ano bang gusto mong pasalubong?"
"Gusto ko po ng maraming tsokolate, 'nay! Gusto ko pong bigyan ang mga kaibigan ko!" Nagagalak niyang pahayag.
Napangiti ako dahil doon. Mabuti nalamang at nakumbinse ko siya. Ayaw kong umalis na hindi siya maayos.
"'Yon lang ba? O sige, bukas magpapadala ako ng maraming tsokolate. Ayos ba 'yon?"
"Opo!" Ngumisi siya, revealing her little teeth.
I hugged her again. Matagal-tagal din bago ko siya mayakap ulit. Kung puwede lang na hindi na matapos 'to.
The car arrived outside St. Claire's big gate. Pinagbuksan si Hans ni Tacio ng pinto at lumabas kaagad ang binata. He tugged his tux down and preened his hair."Good morning, Sir Hans!" bati ng guwardiya sa kaniya nang nakangiti."Good morning," he replied, emotionless.Pumasok na siya sa loob ng St. Claire. Sinalubong siya ng tanawing ang mga bata ay abala sa pagtatanim at paglilinis ng bakuran. He roamed his eyes around, wondering if he could see a familiar face of a woman.Lumabas ang mga madre mula sa kusina. Kaagad nilang nakita si Hans na nakatayo 'di kalayuan mula sa kanila."Sir Hans!" nagagalak nilang tawag.Hans looked at them. Tipid siyang ngumiti saka tinaas lang ang kamay."Good morning, Sir Hans," bati ng mga madre sabay yuko sa koreano. Ganoon din ang ginawa ng binata."Good morning. I just made a sudden visit," Hans stated,
Sheika went home straight and checked her bank account. Lagpas limampung libo na rin ang naipon niyang pera. Maybe that was enough to buy a lot or kahit downpayment lang muna. Naghanap siya online ng binibentang lupain. Puwede na siguro ang malapit sa dagat. Puwedeng maglaro doon si Israel. She found one pero sold na pala. Sayang naunahan na siya. It was even perfect for sunset viewing. Sa baybayin kung saan doon lulubog ang araw. May kumatok sa pinto niya. She closed her laptop and stood up. Pinagbuksan niya kung sino man iyon. Bumungad ang pagmumukha ni Immanuel. He was sad, or more like felt sorry for Sheika. "I'm all ears, Sheika," ani Immanuel. Tipid na ngumiti ang dalaga at bumalik sa kaniyang higaan. She sat on the edge of her bed, Immanuel followed. "Isaiah can't tell me what happened to you. It would be better if I'll ask you directly."
Vans, who was sitting comfortably on his chair, slid the paper against the table, reaching it towards Sheika who was standing across from him."I have signed your resignation letter, Chef Fernando. I hope it will give you peace," Vans stated and brought his legs down. Tumayo siya at inayos ang kaniyang necktie. "It's an honor to work with you. For the short span of time I have witnessed how incredible you are as an employee. I am saddened for your sudden resignation but I can't hold you if you really want to go. I respect your personal issues."Yumuko si Sheika sa harap ni Vans."Thank you, Sir Vans. I know things aren't good between us but I still respect you as a person.""May I know what is your next plan? Are you planning to look for another job?""I don't have any plans yet, Sir Vans, but this is for the better.""Won't you regret resigning?"Sheika s
Pumasok na si Sheika at dala na niya ang resignation letter. Alam naman niyang wala si Sir Vans ngayon pero nagbabasakali pa rin siya. Wala kasing sekretarya ang koreanong 'yon unlike kay Hans. Iaabot nalang sana niya sa sekretarya."Magreresign ka na pala, chef? Bakit naman?" tanong ni Donny na nalungkot nang mabalitaan ang pag-resign ng chef."May kailangan lang akong asikasuhin. Ayoko namang madamay ang restaurant dahil doon.""Eh kailan ka babalik, chef? Mamimiss ka namin dito."Malulungkot din naman si Sheika sa pag-alis niya. Napamahal na siya sa restaurant. But some things were needed to end before they break and hurt her.Sheika smiled weakly. "I'm not sure, Donny. But, I'm really honored to work with you all. I can say I grow as a person and also as a chef. Marami akong natutunan mula sa inyo."May namuong luha sa mata ni Donny. Pinalis niya kaagad iyon at ngumiti
"Your Appa told me you once handled your restaurant and now you're taking over the company," pahayag ni Ms. Ryu habang mabagal na ngumuya ng kaniyang pagkain. Ang dalawang kamay ay abala sa paghihiwa ng lutong karne."Yes, but he let Vans run the restaurant instead. He kicked me out of the restaurant."Natigil sa pagnguya si Ms. Ryu dahil sa narinig. Ang pagkakaalam niya, sabi ni Lans Estrabo sa kaniya ay si Hans ang umalis sa restaurant dahil gusto niyang patakbuhin ang real estate nilang negosyo. Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo?"Is that so? Maybe you did something to displease him," tantiyadong sabi ng dalaga."I never, not even once, I failed Appa. Things have changed now.""I'm sorry to hear that."Nilapag ni Ms. Ryu ang kaniyang kubyertos."Is there something I can help?" she asked him.She wanted to help beca
Nakabalik na ng restaurant si Vans at tulad ng sabi ni Hera sa kaniya ay hihintayin siya. But when he saw her, he was filled with surprise."I thought you went home already, Hera," Vans said, knitting his brows in confusion. Natagpuan niya ang dalaga na nakaupo mag-isa sa isang mesa.Hera faked a sweet smile and stood up. Yumuko ito silbi bilang galang. "I told you I will wait for you here, Sir Vans. It's okay.""God, you took all the troubles for me. Anyway, what is it that you want from me?"Gustong matawa ni Hera dahil sa choice of word ni Vans. As if she wanted something from him. Like a thing.Hera took a deep breath. "Can we talk in private?"Muli na namang nabigla si Vans. This woman was full of surprises! How far can she go for him? Hmm.Vans smirked. "Yeah, sure."Vans led the way to the private room. Su