Share

CHAPTER 1

"Tsk, alam mo naman pala ang sagot, nagtatanong ka pang panot ka." Napairap ako sa hangin dahil sa inis. Parang t@nga kase itong propesor naming panot, tanong ng tanong eh alam naman pala niya ang sagot, tss.

"Hoy, Yara, nakuha mo ba?" Inilingan ko si Beatrix nang kalabitin niya ako. Ang tinutukoy niya ay iyong formula na tinuturo ni Prof. Gord/ Prof. Panot. Bruha, ako pa ang tinanong eh alam niya namang b0b0 ako sa numbers, well hindi naman as in b0b0. Slight lang naman, ganun. Kaya ko naman sagutan iyong 1 + 1 ano, chariz lang.

Nang natapos ang aming subject kay Sir Panot ay dinismiss na rin kami and now, lunch break na namin. Hinintay muna namin nina Lesley at Beatrix na maubos ang mga classmates namin bago kami lumabas. Mabilis  lamang naman silang nagliparan palabas, may mga lahi yatang patay gutom, charr. 

"Nakakagutom, kanina fried chicken na ang tingin ko kay sir Panot." Napangiwi ako sa sinabi ni Lesley. Fried chicken talaga?

"Kung magiging isang fried chicken lang din naman si Sir Panot, hindi nalang ako kakain." Nagtawanan kaming tatlo dahil sa sinabi ni Beatrix. Kahit naman ako ano. Titiisin ko nalang ang gutom ko kesa kumain ng chicken.

"I agree with you, Ley," I said as we enter the cafeteria. Dahil sabay-sabay ang break ng lahat ng level, halos mapuno na ang cafeteria sa dami ng estudyante. The good thing here is malawak naman ang cafeteria kaya siguradong walang mauubusan ng pwesto not to mention na umabot ito sa second floor. 

Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at dumeretso na para bumili ng pagkai- opps I mean kumuha. Charles university is a private school, kasama na sa tuition fee namin ang aming pagkain kaya hindi na namin kailangan pa na bumili. Great, right?

"Oh my gosh, hindi talaga ako maka-get over about sa kanina, Yara!" Sinamaan ko agad ng tingin si Beatrix dahil sa pagtili niya, ang tinutukoy niya ay iyong nangyari sa gym which is the worst and embarassing thing I did. Gosh, hindi ko yata alam ang gagawin ko kapag nakaharap ko si Davon! The good thing here is, walang ibang estudyante ang nakakita so I'm safe naman, I guess?

"Yeah right, Bea. Davon's face was so priceless HAHAHA!" Nagtawanan silang dalawa samantalang tanging pag-ikot lamang ng mata ang ginawa ko. Bahala sila, nagugutom na ako. Hindi naman madami ang kinuha kong pagkain since I'm on my diet, yes, DIET. Bakit ba, I want to be sexier oh no, I mean sexiest.

"Speaking of, he's here!" Hindi ko alam pero nang marinig ang sinabi ni Lesley ay mabilis na kumilos ang katawan ko at napatingin sa entrance ng cafeteria.

"Fudgee bar!" 

Halos panawan ako ng ulirat nang makita ang grupo ni Davon na papasok ng cafeteria. Kasabay noon ay ang tilian ng mga kababaihan at kabaklaang estudyante sa loob ng cafeteria. Paano, kahit naman ako ay hindi talaga maitatanggi na gwapo sila lalo na ang naglalakad sa unahan na si Davon. Arg, Zayara, nakailang puri ka na ba sa Davon na iyan?

"Look, Yara, their going on our table, shocks magkakajowa ka na ulit!" Napatakip ako sa mukha nang marinig ang sinabi ni Beatrix na sinundan naman ng tili ni Lesley. Oh ghad, I wanna die right now!

"Mga imp0kr!ta, itago niyo ako!" singhal ko sa kanilang dalawa ngunit ang mga bruha, parang nabingi lamang sa akin. Leche flan, mga walang kwenta!

At dahil walang gustong tumulong sa'kin, gumawa ako ng paraan para pagtaguan si Davon. Guess what? Nagtago lamang naman ako sa ilalim ng table. Halos hilahin ko na yata ang buhok ng dalawang kaibigan ko sa inis nang dumungaw pa sila sa akin. Ang gagaling talaga, hanep!

"Pakyu talaga kayo, nagtatago ako mga bw!s!t," natataranta kong singhal sa kanilang dalawa at tinakpan ang mukha ko. Nag-iingay pa rin ang mga estydyante na tila ba may artista rito sa loob.

"Hoy, lumabas ka na nga diyan,look o, parang hinahanap ka ni Davon." Muli akong napairap sa hagikgik ni Beatrix. God, why did you gave me a friends like them?

"t@ng!n@ niyo talaga!" nanggigigil kong aniya at inirapan na naman ang mga ito. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang mga pares ng sapatos na tumigil sa tabi ng aming table. Nakita ko kung paano umayos ng upo ang dalawa pero halos mapasigaw ako sa sakit ng maapakan ni Lesley ang kamay ko. Humanda talaga kayong dalawa sa akin,kakalbuhin ko kayo, arg!

" Stop hiding, lumabas ka na riyan." Namilog ang nga mata ko nang marinig ang malalim at malamig niyang boses. Tumahimik na rin ang paligid ngunit maya-maya ay mga bulungan naman ng estudyante ang pumuno sa cafeteria. Issue na naman to, bw!s!t talaga!

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin sa isang pares ng puting-puti na nike shoes sa harap ko. Alam kong sa kaniya ang mga pares ng sapatos na iyon. Maya-maya ay narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya.

"Mukhang pinagtataguan ka, captain." Boses iyon ni Yoshi. Hindi pa rin ako lumabas bagkus ay napakagat na lamang sa ibabang labi ko. Bahala ka riyan, hindi ako aalis dito.

"I'll count of three Freya Zayara Quinzon," madiing sambit niya na siyang nagpakaba sa akin. Bw!s!t, kasalanan to ng mga bruhang to eh!

"One." Fudgee bar talaga! Napapikit ako ng mariin, what should I do now?

"Two." Ganoon ba iyon kabig-deal sa kaniya? Parang halik lang eh! Saka hindi ko naman iyon ginusto eh. Dare lang iyon for the f-ck sake!

"Three." 

Napatili ako sa gulat nang biglang tumumba ang table namin. T@ng!na hindi ko pa nauubos yung caldereta, sayang naman!

"Hardheaded,eh?" Napalunok ako ng ilang beses matapos tumingala kay Davon na nakatayo sa harap ko samantalang para naman akong t@ngang nakasquat dito. Nakita ko kung paano sumilay ang ngisi sa mga labi ng mga kaibigan niya. Geez, dapat na ba akong kabahan?

"Ah eh,h-hi?" Dahan-dahan akong tumayo at alanganing binati si Davon. Tinaasan lamang ako nito ng kilay saka humakbang palapit sa akin. Wala sa oras akong napaatras ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko saka ako hinila palapit sa kaniya. Nanlalaki ang nga mata ko at hindi makahinga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Lalo na nang bigla na lamang siyang tumungo para pantayan ang mukha ko.

Lumakas ang bulungan ng mga estudyante samantalang dinig na dinig ko naman ang iniipit na tili ng dalawang bruha kong kaibigan. Leche flan naman oh!

"Alam mo ba kung anong ginawa mo?" Napalunok ako ng sariling laway nang madama ng mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga. Shook, ano kayang toothpaste niya?

"Y-yung ginawa ko kanina? Ahm, sorry na, dare lang naman yun eh." Napakagat ako sa ibabang labi, hoping na bitawan na niya ako at maniwala sa aking sinabi which is totoo naman. Ilang segundo pa niya akong tinitigan bago maya-maya ay tumaas ang isang sulok ng labi niya. At  halos mapapikit ako nang muling lumapit ang mukha niya sa akin na halos  magtama na ang mga ilong namin.

"I don't need your sorry, Zayara. What I need is to get.back.my.first.kiss."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status