Share

CHAPTER 2

Pagod kaming bumalik sa classroom. Kaming tatlo nila Beatrix at Lesley. Kakagaling lamang naming tatlo sa clinic. Inutusan kase kaming maglinis doon dahil raw paparating na bukas ang bagong nurse ng school namin. Pakiramdam ko ay amoy gabok na nga ako dahil sa dumi doon. Simula kase nung umalis iyong nurse namin dati which is nung isang buwan pa, isang beses nalang yata sa isang araw iyong nalilinisan. And unkuckily, kasama pa ako sa nautusang maglinis, kainis.

"Mauna na ako," paalam ko sa dalawa. May pupuntuhan pa ako mamaya kaya need ko na talagang umuwi before 6 PM. Tinanguan lamang ako ng dalawa, abala pa sila sa pagliligpit ng gamit nila. Pagkatapos kunin ang aking bag ay naglakad na ako palabas ng classroom.

Ngunit hindi pa man ako nakakalampas sa pintuan ay laking gulat ko na lamang nang isang bulto ang humarang sa harapan ko. Nanlaki ang aking mga mata at biglang nakaramdam ng kaba. Napalunok pa ako ng sariling laway bago dahan-dahang tiningala kung sino man ito.

"Halimaw.." Napatakip ako sa sariling bibig dahil sa sinabi nang makita ko kung sino ito. Tinaasan niya ako ng kilay at maya-maya ay sinamaan ako ng tingin. Shet, narito na ang sugo ni k@matayan!

"Ehem, mauna na kami Yara ah!" narinig kong pamamaalam ni Lesley at Beatrix saka sila lumabas ng classroom. Put@ng!na, iniwan ako!

"H-hoy, hintay!" Akmang susunod sana ako sa kanilang dalawa nang isang braso ang humarang sa akin. At dahil sa napakatangkad nitong nilalang ay nakatingala ako ngayon sa kaniya at wala sa sariling pinagdaop ang aking mga palad. Mukha akong t@ngang nagpapaawa sa kaniya ngayon.

" D-Davon-"

"Oh, shut the fvck up, Quinzon!" Napapikit ako sa bigla niyang sigaw sa akin. Arg, nakakatakot naman siya. Wala nang katao-tao dito sa classroom maliban sa amin and I guess kahit sa ibang classroom ay sarado na rin since it's already 5:00 PM. Kanina pa sana ako nakauwi, kung hindi lamang kami nautusang tatlo nila Beatrix at Lesley na maglinis ng clinic kanina. Nakakainis, bakit kase hindi sila kumuha ng tagalinis eh private naman 'to. Malaki naman sigurado ang pondo ng school since napakamahal ng tuition fee na sinisingil nila sa amin.

"S-Sorry na kase, hindi ko naman sinasadya eh." Sinubukan ko na naman na gamitin ang charm ko sa kaniya ngunit talagang walang epekto, bw!s!t. Hindi niya kasama ang mga kaibigan niya kaya't kami lamang dalawa rito. 

"May magagawa ba yang sorry mo kapag nabaog ako?" Napakagat ako sa ibabang labi at napakapit sa laylayan ng skirt ko. Kasalanan niya naman kung bakit ko ginawa yun eh. Okay fine, kasalanan ko rin since ako naman ang nauna. But no! Sinunod ko lang naman ang dare ng mga bvllsh!t kong kaibigan, arg ewan!

[FLASHBACK]

"I don't need your sorry,Zayara. What I need is to get.back.my.first.kiss"

Namilog muli ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Suraulo ba 'to? Pwede ba yun? Teka lang, hindi lang naman siya ang nawalan ng first kiss ah,napaka- OA naman!

"T-Teka lang, anong gagawin mo?" Napahawak ako sa kaniyang dibdib na hindi ko sana ginawa. T@ng!na, nakuryente ako! Sa halip na sa kaniyang dibdib ay sa balikat niya ako napakapit para itulak siya ngunit wala lamang  iyong epekto sa kaniya. 

Napalunok ako ng sariling laway nang makitang nakatitig siya sa labi ko. Teka, huwag niyang sabihing may plano siyang halikan ako? Wtf! 

"C-Captain," bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti niyang ilapit ang labi niya sa labi ko. Narinig ko ang muling pagsinghap ng mga estudyante at pagsipol ng kaniyang mga kasama. Samantalang nagtitili naman ang mga t@rantada kong kaibigan. Hanggang sa ipinikit na niya ang kaniyang mga mata. Maglalapat na ang aming mga labi ngunit...

"FVCK! BVLLSH!T! Y-YOU!"

Kumaripas ako ng takbo papalabas ng cafeteria matapos ang nangyari. Guess what? Tinuhod ko lang naman ang the most important and precious thing sa gitna ng mga hita niya. Oh ghad gracious, bahala siya pag nabaog siya!

Dumeretso na ako sa classroom at hingal na hingal nang maupo sa arm chair ko. Naabutan ko pa doon si Chance na abala sa pagbabasa ng libro pero hindi ito ang time para magpacharming ako sa kaniya. Maderpaker,siguradong mas malalagot ako nito kay captain, arg!

[END OF FLASHBACK]

" He he, sorry na please. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta palampasin mo na yung ginawa ko." Pakshet, ano naman tong pinasok ko? Sana ay huwag ko itong pagsisihan, darn! Kase naman, pasmado na yata 'tong bibig ko.Tinaasan niya ako ng kilay at ilang saglit pa ay bigla akong nginisian. Oh no  stop smirking assh0le kinakabahan ako.

"Lahat-lahat?" ngisi pa niya na ikinalunok ko. Napakagat pa ako sa ibabang labi at sandaling nag-isip. Arg, bahala na si Dora. Alanganin akong tumango na ikinangiti niya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Ang humanga kase mas lalo siyang guma-gwapo kapag nakangiti o kabahan dahil alam kong may hindi magandang nasa isip ang tukmol na 'to?

"Okay then, be my slave for two months." What the pakening shet? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Ako? Slave? Anong tingin niya sa beauty ko, pang ALILA? Ginag@g0 yata ako ng kurimaw na 'to eh. 

"G@go ka ba? Hoy kurimaw, hindi pang alila ang beauty ko. Kung gusto mo ng alipin, maghanap ka ng iba. Jusme, gagawin pa akong alipin, ano ka GOLD?" Napairap ako matapos kong bitawan ang mga salitang yun. Taena, naii-stress ako sa tukmol na 'to.

"I'll give you a choices, then. Be my slave for 2 months? Or be my..." Sinadya niyang bitinin ang mga salita. Hinintay ko kung ano ang idudugtong niya doon ngunit napaatras ako nang nilapit niya ang mukha sa akin ngunit hindi rin ako nagtagumpay dahil agaran niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya saka sinabing...

"or be my girlfriend?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status