Share

CHAPTER 4

Inis kong itinapon ang walis na hawak ko dahil sa pagod. Kanina pa ako walis ng walis dito sa field at hanggang ngayon ay hindi pa ako matapos-tapos. I think it's around 3 PM na, kanina pa akong 1PM dito. Pano ba naman, ako lang mag isa , hindi man lang nagpadala ng back up si Ms. Layla, hayst. Nakakainis pa yung mga bruha kong kaibigan dahil sa halip na tulungan ako ay pinagtatawanan pa ako, mga wala talagang silbi tsk.

"Hindi ka ba marunong kumain ng hindi nagkakalat, ano ka 1 year old? Hindi ka na nga nakakatulong, nagkakalat ka pa, lumayas ka na nga rito!" Inis kong tinignan si Davon na nakaupo sa bench sa ilalim ng silong ng mangga. Bw!sit talaga ang kupal na 'to. Kanina pa siya kain ng kain, sa tingin ko nga ay hindi niya naman kinakain, ikinakalat niya lamang para inisin ako at pahirapan. He's doing it on purpose, ang sarap ihampas sa kaniya yung walis tingting.

"Ikaw na nga yung sinasamahan, galit ka pa." Napairap ako sa kaniyang sinabi at lumapit sa kaniya. Lalo lamang akong nainis ng basta na lamang niyang tinapon sa tapat ang plastik ng piatos na kinain niya, may laman pa nga yata iyon eh. 

"Hoy mister-"

"Yes, misis ko?" 

"Arg, manahimik ka nga,kanina ka pa eh. Alam mo, hindi naman ako nakiusap sayo na samahan ako rito, ano. Mabuti sana kung may naitutulong ka, wala naman, pambubuw!sit lang ang alam mo! Kaya pwede ba, just get the fvck outta here, assh0le!" Hinihingal ako matapos ko siyang sigawan. Wala naman siyang sinabi at nanatili lamang na nakatingin sa akin. Ilang saglit pa ay nakita ko kung paano tumagos sa akin ang tingin niya at nang tingalain niya ako ay isang ngisi ang lumabas sa labi niya.

"Ms. Quinzon, ano at nakatayo ka lamang diyan! Move, continue cleaning the field!" Nanlaki ang mga mata ko bago lingunin si Ms. Layla na parang lion na naman sa galit. Anak ng tokwa, basta na lamang sumusulpot ang gurang na'to.

"Ms. Layla, can I just continue this tomorrow? Nakakapagod na eh saka ang init po kaya." Kunwari pa ay pinunasan ko ang invisible na pawis sa noo ko habang nagmamakaawa sa kaniya. C'mon old lady, makumbinsi ka. Kapag talaga nasunog ang precious skin ko, ipapa-tulfo kita, mamahalin pa naman ang skin care ko. 

"Wala akong pakealam at saka anong pagod ka na? Mas marami pa nga yung pahinga mo kesa sa nilinis mo eh. Hala, sige at magwalis ka riyan. Kababaeng tao mo kase ang bastos ng bunganga mo." Nagpapadyak ako at napasigaw sa inis nang umalis ito. Tamaan ka sana ng kulog at kidlat, akala mo principal kung umasta. Kaya matanda na hindi pa nagkakajowa eh, napaka sungit kase. 

"Arg, sana habang buhay kang walang jowa." Inis na bulong ko saka nanlilisik ang mga matang nilingon si Davon na ngayon ay nakangising aso sa akin. Isa pa itong tukmol na 'to, kasalanan niya 'to eh!

"pakyu!" Napataas ang kilay niya nang ipakita ko sa kaniya ang middle finger ko. Inirapan ko pa siya bago ko siya talikuran at nagdadabog na sinimulan na ulit ang pagwawalis. Waaa, mommy, masyado na nila akong inaalipin dito aahh!

"WATER?" Masama ang tingin kong tiningala si Davon na kakarating lang. Tinitigan ko ang mineral water na iniabot niya sa akin saka ko siya tinaasan ng kilay.

"C'mon, I know you're thirsty, huwag ka nang mag-inarte. Mahiya ka naman na ang master mo pa ang nagseserbisyo sa'yo ngayon." Aba at tignan mo ang isang 'to, nagmamagandang loob ba 'to o nang-iinis na naman? Nakaupo ako sa bench ngayon habang siya ay nakatayo naman sa harap ko.

"Salamat nalang, baka may lason pa yan." Inirapan ko ito at nag-iwas ng tingin. Grabe, sa wakas, after so many years ay natapos din ako. Akala ko ay aabutin pa ako ng gabi rito, hayst, I'll never gonna do this again. Maya-maya pa ay naupo na siya sa tabi ko kaya naman mabilis akong umusog palayo sa kaniya para may distansya kami.

"Just take this, slave. Look, your lips are dry." Napatingin ako sa kaniya at pinanliitan siya ng mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Napansin kong nakatitig siya sa labi ko kaya't hindi ko maiwasang mailang at nag-iwas na lamang ng tingin. Shocks, what did he think he's doing?

"C'mon, Zayara. Are you going to drink this water or I'm going to use my lips instead para basain iyang labi mo?" Namilog ang mga mata ko at mabilis pa sa alas kuwatrong kinuha ang mineral bottle na iniaalok niya. Sa isang iglap ay naubos ko agad iyon, kulang pa nga yata eh, sobrang uhaw na uhaw ako. Siraulo to, eh kung ingudngod ko kaya yung labi niya sa lupa? 

"YARAAA!"

Tila umalingawngaw sa buong field ang malakas na sigaw na iyon. Hinanap ko kung kanino iyon at mula sa di kalayuan ay nakita ko ang mga nagtatakbuhang sina Lesley at Beatrix papunta sa gawi namin. Kasunod noon ay ang pagtunog ng school bell,senyales na tapos na ang klase. Hanep, nauna pa sila kesa sa dismissal ah.

"Mga bruha, ano at nauna pa kayo sa school bell?" Pagkarating nila sa tapat ko ay pareho silang hinihingal. Deserve, takbo pa more, akala mo may sasalihang funrun eh. Nang mahimasmasan yata sila ay sabay nilang hinila ang buhok ko.

"G@ga, parang hindi mo ginagawa yun ah, ikaw pa nga lider namin eh!" singhal ni Beatrix sa akin. Napanguso naman ako at maya-maya ay natawa na lamang. Yeah right, ako nga pala ang pinakamabait sa aming tatlo, mark the sarcasm.

"Oh, hi captain! You're with our dear bestfriend pala." Napangiwi ako sa sinabi ni Lesley. Ang g@ga, may pahawi-hawi pa ng buhok niya eh mas maganda pa rin naman ako sa kaniya, tsk.

"Ikaw naman, Yara, sinosolo mo si captain ah." Mabilis na dumapo ang kamay ko sa tagiliran ni Beatrix kaya agad siyang napatili sa sakit. Kinurot ko lang naman siya ng bonggang-bongga. Ako, sosolohin ang captain kupal na 'to? Like duh, kanina pa nga ako nasu-suffocate sa presensya niya.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, kanina pa nga ako nabubuw!sit sa mukha niya eh." Yes, sinabi ko talaga iyon sa harap ni Davon pero ang g@go, di man lamang tinatablan sa sinabi ko. Sa halip, tumayo na ito habang nakatingin sa akin.

"Gym later after your chitchat with your friends,may practice kami ulit mamaya so I need you there, slave." Pagkatapos ang mga salitang iyon ay mabilis siyang umalis at nawala sa paningin namin. Ulol, bahala ka na, uuwi na ako no. Nang tingnan ko ang mga kaibigan ko ay nagtatanong ang mga mata nila sa akin. Yeah, right, hindi ko pa pala nabanggit sa kanila ang tungkol sa pagiging alipin ko ng pesteng Davon na iyon. Isa pa, alam kong pagtatawanan lamang nila ako. Alam niyo naman, mababait din sila tulad ko, mana talaga sila sa akin eh.

"Tingin-tingin niyo?" Kinunotan ko sila ng noo. Ilang saglit pa ay nagkatinginan silang dalawa at maya-maya ay humagalpak ng tawa. What now?

"Pfft, slave? Si Freya Zayara Quinzon, isang SLAVE?  Laptrip, akala ko ba senyorita ka sa mansyon niyo, tapos isa ka lang palang alipin ni Xavier Davon Conner, pfft HAHAHAHA" See? Mga wala talagang kwentang kaibigan. Ghad, paano  ko nga ba naging bestfriends ang mga tinamaan ng kulog na 'to?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status