Share

CHAPTER 5

"Mommy, I'm home!" Dere-deretso akong naupo sa couch pagkapasok sa bahay. Hindi na ako nagpunta sa gym tulad ng gusto ni Davon. Like duh, ano naman ang gagawin ko dun? Kaya niya naman siguro magpractise ng walang ALIPIN, diba? Saka isa pa, hindi ba siya aware na napagod ako, meron naman siguro siyang malambot na puso para maawa sa kagandahan ko diba?

"Ay sinyureta, nandetu ka na pu pala." Napangiwi ako nang lumapit sa akin  si Yaya Dora. Pasensya na, pinanganak yata siyang ganyan magsalita. 

"Where's my mom?" tanong ko rito matapos kunin ang cellphone sa bulsa ng skirt ko at ini-open iyon. Tinext ko si Bea at Ley na maghahang-out kami sa bar mamaya since today is friday naman.

"Ay omales pu sya, sinyureta. Sabe nya po, sosonod daw po sya sa dade mo." Napanguso ako sa narinig, wala na naman sila. Bakit ba hindi pa ako nasanay? Palagi namang ganito, minsan nalilito na ako eh. Sino ba talaga ang anak nila,ako o iyong company nila? Mas importante pa yata iyon kesa sa akin.

"For how long? 1 day or 2 ? 3 days? 4 days?" Tiningnan ko si Yaya Dora na pilit na nginitian ako.

"2 weeks daw po selang mawawala,sinyureta. Segi na po, ipaghahanda ko po kayu ng meryinda." Marahas akong napabuntong hininga at mapait na ngumiti. Tumayo ako at hindi pinansin ang sinabi ni Yaya Dora na nakasunod ang tingin sa akin habang paakyat ako ng hagdan. 

Lumaki ako sa mayamang pamilya. Lahat ng gusto ko nabibili ko. May marami at mamahalin akong mga damit, collections of shoes and sandals, alahas, sa isang buwan malaki at sobra-sobra ang allowance ko. But still, it's not enough. Kung may kulang, iyon ay ang pagmamahal at aruga ng mga magulang ko. Sa isang linggo, may isa o dalawang beses ko lamang silang nakakasama because of their business. Fvck that business, how about me naman? I need their attention, I need their love and care for fvck sake!

Pagkapasok sa kwarto ko ay pabagsak akong nahiga sa queen-size bed ko. Ilang saglit pa ay nagpakawala na naman ako ng malalim na paghinga bago bumangon. Pumasok ako sa bathroom ko para maligo at pagkatapos ay nagbihis na rin. I wore a wide-leg denim jeans and a knitted tank top. Sinuot ko rin ang beige cardigan ko. I also wore my white rubber shoes took my black purse. It's already 7:25 PM nang matapos ako at bumaba na sa kwarto ko. 

"Senyorita, saan po kayo pup-senyorita!" Hindi ko pinansin si Yaya Agnes at nagdire-diretso lamang palabas ng bahay. Ano bang pakealam nila kung saan ako pupunta? I will do what I want and no one can stop me, even my parents.

Dumeretso ako sa bar at uminom na rin agad. Nakailang glasses na yata ako ng tequila bago ko naisipang tawagan ang dalawang bruha upang ipaalama na narito na ako.Medyo nakakaramdam na ako ng hilo nang dumating sila at pumasok dito sa VIP room. Nagulat pa sila nang maabutan ako sa ganitong itsura. 

"Gosh, kanina ka pa rito? Look, mukhang nakarami ka na ng nainom." Naupo na sila sa tabi ko at tinignan ang bottle of red wine, tequila, and rum. 

"Mga 1 hour palang I think?" Mahina akong napatawa sa sinabi at muling sumimsim sa wine glass ko na may lamang rum. Nang maubos ay napanguso ako.

"Let's go downstairs, let's dance!" Maya-maya ay masiglang aniya ko pagkatapos tumayo. Napatanga naman silang pareho sa akin at sabay na umiling.

"Mamaya na, hindi pa nga kami nakakainom oh." Napanguso ako at inirapan silang dalawa. Kill joy, edi wag! Kaya ko naman sumayaw mag isa eh, hmp!

"Bahala kayo diyan!" Lumabas na ako ng VIP room at naglakad pababa sa hagdan. Napakapit pa ako sa hagdan nang makaramdam ng hilo. Oh come on, I just wanna dance.Nang makarating sa gitna ng dance floor ay ako ang naging sentro. Of course, I'm the most sexy and hot here, oh , in the universe I mean. Haha, just kidding.

"Party party yeah!" Lahat na yata ng klase ng sayaw ay sinayaw ko, iba-ibang step. I don't care if I look weird here, ang mahalaga, maganda ako, charr. Habang abala ako sa pagsasayaw ay napansin kong pinalilibutan na ako ng mga lalaki. Dahil siguro sa may tama na ako ng alak ay mas lalo kong pinag-igihan ang pagsasayaw na ikinahiyaw na nila. Mayroon pa ngang naglakas na ng loob na lumapit sa akin.

Dahil sa kalasingan ay hindi ko na pinansin pa ang paghawak nito sa bewang ko saka ito sumabay sa paggiling ko. Ilang saglit pa ay namalayan ko na lamang na naglalakad na ako paalis sa dance floor, hila-hila ako ng kung sinong lalaki na ito. Hindi ko siya makilala dahil nakatalikod siya sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa labas ng bar.

"D-Davon?" Nanliit ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya nang isandal niya ako sa kotse. Nakita ko kung paano gumalaw ang kaniyang panga bago niya ako tignan at sinamaan ng tingin. Why? What the fvck did I do to him? Saka anong ginagawa niya dito? And bakit ba niya ako hinila, nagsasayaw yung tao eh.

"What the fvck do you think you're doing?" Napapitlag ako sa gulat nang bigla na lamang niya akong singhalan. Now, he's mad? What for? What the fvck is his problem now? Ako nga dapat itong galit dahil bigla na lamang niya akong hinila eh. This man is irritating me, arg!

"Baka ikaw? Nagsasayaw ako bigla mo nalang akong kinaladkad, okay ka lang ba?Ha!" Napaatras siya nang bigla ko na lamang siyang sigawan. Oh, ano ka ngayon?

"The fvck? Dancing with so many boys around you? Nag iisip ka ba, what if may gawin silang masama sa'yo? Damn, look what the fck you are wearing!" sigaw niya pabalik sa akin. Kung iba siguro ang makakakita sa amin ay iisipin nilang magjowa kami na nagtatalo rito. At ngayon ang suot ko naman ang problema niya? Aba at may saltik yata ito eh. 

Tinignan ko ang sarili at ngayon ko lamang napansin na hindi ko na pala suot ang cardigan ko at tanging ang tank top nalang ang suot ko sa itaas. Sus, hindi naman revealing eh. Yung iba nga dun sa loob, halos naka panty at bra nalang. 

"G@go, ngayon ang suot ko naman? Problema mo ba, ba't nangengealam ka? Umalis ka na ngalang, panira ng trip to eh." Hinawi ko siya at nagtangka nang umalis sana nang bigla na lamang niya akong buhatin na parang isang sako ng bigas. What the fvck?

"H-Hoy ano ba, ibaba mo akong gunggong ka!" Pinagpapalo ko ang likod niya pero parang hindi siya nasasaktan. Pakshet lang, lalo lang akong nahilo.

"Ihahatid kita kaya wag ka nang malikot diyan." Matapos niyang sabihin iyon ay ipinasok niya ako sa sasakyan niya. Napanguso naman ako nang ikabit na niya sa akin ang seatbelt kaya kinunutan niya ako ng noo.

"What?" tanong pa niya at nagulat pa ako nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok ko at iniipit iyon sa likod ng tenga ko. Now what the fvck is he doing?

"Gusto ko pa magsayaw, balik mo na ko dun," nakangusong sabi ko. Saglit siyang nag iwas ng tingin ngunit muli din naman akong nilingon. Maya-maya pa ay inilingan niya ako na ikinanguso kong lalo.

"It's already late, Zayara. It's better if you'll just sleep." Nanlumo ako sa kaniyang sinabi bago niya isara ang pinto at umikot sa kabila para sumakay naman sa driver's seat. 

"Hoy, ayoko balik mo na ko dun," pakikiusap ko sa kaniya pero sinamaan lamang niya ako ng tingin. Napanguso ako. Bakit kase hinila-hila niya ako palabas at pauuwiin, nag eenjoy pa ako eh! Ang lalaking 'to, panira talaga ng gabi ko. Sinira na nga niya yung araw ko at pati ba naman gabi ko? Yung totoo, ano bang problema nito?

"Davo-"

" Shut the fvck up, Zayara if you don't want me to kiss you para manahimik ka na!" Namilog ang mga mata ko at napatakip sa aking bibig. Manyak ang pvta, halik agad? Heto na nga,tatahimik na o. Kagaya ng kaniyang sinabi ay tumahimik na ako at tinuon na lamang sa kalsada ang tingin. Nakakainis, ang daming alam ng isang 'to. Ilang saglit pa yata ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ko hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status