“THE pretty woman is my mother and the man with long hair is my younger brother. My mother is a doctor kaya hindi ka na namin dinala sa ospital dahil sabi ni Mommy hindi naman daw malubha ang nangyari sa `yo. Kailangan lang daw ng katawan mo ang mahabang pahinga kaya hindi ka nagigising kahit anong gawin kong paggising sa `yo.”
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. “Hindi ako nagigising kahit anong gawin mo?”
Tumango ito.
Napahawak na lang siya sa dibdib dahil sa balitang iyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero naaalala niyang nakakulong siya sa isang matatag na bisig. Hindi iyon noong nagising siya kundi mas nauna pa kaya baka niyakap nga siya nito sa sobrang pag-aalala.
Medyo blurry ang alaala niya ng mga sandaling iyon. Hindi rin siya sigurado kung totoong nangyari iyon o halusinasiyon lamang niya. Ang naaalala lang niya ay ang matipunong bisig na nakapalibot sa kaniya at ang dalawang taong nakatayo sa tabi ng kama.
Napatingin siya rito. Napakaguwapo nito at alam niya at sigurado siya na maraming babae ang naghahabol dito kaya bakit naman ito mag-aalala sa isang babaeng hindi nito kakilala?
May isang tanong din na bumabagabag sa kaniya. Nahihiya lamang siyang tanungin ito. Pero kailangan niyang malaman. “Ahm…s-sino nga pala ang nagbihis sa `kin?” nakayukong tanong niya rito.
Nang hindi ito sumagot, napilitan siyang magtaas ng tingin. Sinalubong nito ang mga mata niya at saka lang ito sumagot. “You yourself.”
“Oh.” Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. Mabuti naman kung ganoon. Akala niya ay ito pa ang nagbihis sa kaniya. Nakakahiya kaya iyon. Pero ganoon na lamang ang pagkagulat niya sa sunod na sinabi nito sa kaniya.
“You undress in front of me dahil naiinitan ka kahit na malakas naman ang aircon ng sasakyan ko.” Prankang sabi nito sa kaniya. May kakaibang kinang sa mga mata nito na hindi masyadong nagustuhan ni Lyxelle.
Napasinghap siya sa sinabi nito kasabay nang pag-iinit ng kaniyang mukha. Baka naman ginu-good time lang siya nito. “Liar!”
Bakit naman niya iyon gagawin sa harap nito? May delikadesa naman siguro siya bilang babae. Hindi niya matanggap ang sinabi nito.
“Ano namang mapapala ko kung magsisinungaling ako sa `yo?" nakataas ang isang kilay ni Raziel nang tanungin siya nito.
Umurong din ang dila niya dahil hindi niya alam kung paano itong sasagutin. Wala nga naman itong dahilan upang magsinungaling sa kaniya. But she found his statement absurd.
When she could not come up with any retort, Raziel grinned at her. Now, she's not sure if he's making fun of her or was utterly serious.
Raziel shrugged. "Isa pa tinulungan kita.”
Marahan siyang tumango sa sinabi nito. Iyon din ang hula niya na tinulungan nga siya nito. Why else is she in a stranger's house if he wasn't the one who helped her? And she didn't see anything that could lead her to believe they knew each other before.
Isang eksena ang lumabas sa balintataw niya. Siya, naghuhubad ng damit at lumapit si Raziel para tulungan siya. Ito na ang tumapos sa paghuhubad niya. Hinawakan nito ang dibdib niya at minasahe iyon. She didn’t even flinch at the way he touched her. In fact, she leaned into his warmth.
Napalunok siya sa larawang gumuhit sa kaniyang isip, kasabay ng pamumula ng kaniyang mga pisngi. Totoo ba ang nangyaring iyon o imahinasiyon lamang niya? Please let it be just an imagination. Patung-patong na ang kahihiyang pinaggagagawa niya sa harap ng binata.
But if those images are true, why did he do it to her? And why did she let him do it to her..?
Ipiniling niya ang ulo. Masyado lang nagiging wild ang kaniyang imahinasiyon kaya kung anu-ano na ang kaniyang naiisip. Kailangan niyang ituwid ang kaniyang pag-iisip.
“What I mean is iniligtas kita.” sabi nito.
“Oh,” she said breathlessly. She did know he saved her. Kung paano niyang nalaman iyon, hindi niya alam. Pakiramdam? Instinct? Subalit takot siyang tanungin kung anong klase ng aksidente ang kinasangkutan niya. Handa ba siyang malaman ang pinag-ugatan ng nawawala niyang memorya?
Medyo nanginig ang kaniyang mga kamay kaya ikinuyom niya ang mga iyon. Nagdesisiyon siyang huwag munang magtanong kung paano siyang iniligtas nito. Inaamin niya sa sarili na natatakot siya sa isasagot nito.
Litong-lito pa ang kaniyang isip ng mga sandalling iyon. Hindi niya alam kung saan siya lulugar dahil sa malaking blanko sa kaniyang utak. May kamag-anak ba siyang naghahanap sa kaniya?
Ano ba siya? Single? Married? Complicated?
Sa dami ng tanong sa kaniyang isip ay hindi niya alam kung saan magsisimula. Dahilan din iyon kung bakit wala siyang ganang kumilos at mag-isip. Nakakasakit sa ulo pala itong walang maalala.
Palihim na tiningnan niya si Raziel, ang kaniyang tagapagligtas. Hindi na ito muling nagsalita pa. Tila ba pinapakiramdaman lamang siya. He’d been generous and kind to her pero hindi niya puwedeng pagsamantalahan ang kabaitan nito.
Baka nga napipilitan lang itong patuluyin siya sa bahay nito. Na ang totoong gusto nitong mangyari ay palayasin na siya sa bahay nito.
Nakakailang na katahimikan ang pumagitna sa kanila. Hindi siya nakatiis kaya siya na rin ang unang bumasag niyon.
Wala pa siyang konkretong plano pero nakakahiya kung aasa lamang siya kay Raziel. “Aalis nga pala ako rito sa bahay mo pero—”
“What?! Why?!”
Napapiksi siya dahil sa pagtaas ng boses nito. Kung nagulat siya sa biglaang reaksiyon nito ay halata ring maski ito ay nagulat.
Natigilan ito at muling umayos ng upo. Tumikhim ito bago magsalita. “I mean, bakit ka pa aalis? Wala kang maalala. Hindi mo alam kung saan ka nakatira. At wala kang pera.”
Napahiya siya sa sinabi nito. Wala nga pala siyang kahit na ano. Iyon ang pinag-ugatan ng dilemma niya ngayon. Ano ang unang magiging hakbang niya ngayong wala siyang kahit ano? Ang mayroon lang siya ay ang bahay na ito ng kaniyang tagapagligtas. Hindi rin siya komportableng mabubuhay nga siya ng matiwasay sa loob ng bahay na iyon.
The house was her safe haven. For now.
Raziel seemed to have realized what he said and calmed down. “I’m sorry. I didn’t mean to say—”
“It’s okay. Naiintindihan ko naman ang pinupunto mo. Pero nakakaabala na ako sa iyo. Nagiging pabigat na ako.”
“Silly. Kahit kailan ay hindi ka nakakaabala sa `kin.”
Napatingin siya rito. Seryoso itong nakatitig sa mukha niya. Pakiramdam niya ay isa siyang diyosa at siya lang ang pinakamagandang babae sa buong mundo, mapa-mundo man ng tao o ng engkanto. That's the feeling Raziel was giving her every time he was looking at her intently.
Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa klase ng pagkakatitig nito sa kaniya lalo na nang haplusin nito ang kaniyang pisngi.
“Lyxelle, please stay. Hindi ka naman pabigat sa `kin. At nag-aalala ako sa `yo. Kapag umalis ka rito nang hindi mo pa naaalala ang pagkatao mo, mag-aalala lang ako sa iyo. Baka pumuti agad ang mga buhok ko kakaisip kung nasaan ka ba, kung nakakakain ka pa ba.”
Hindi na siya makahinga dahil sa lapit ng mukha nito at dahil na rin sa sinabi nito. Nag-aalala ito sa kaniya! Isang diyos ng kaguwapuhan ang nag-aalala sa kaniya. Kaagad naman niyang pinagalitan ang sarili. Hindi iyon ang oras para lumandi siya.
Napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa kaniyang mga labi. Napalunok siya. Will he kiss her? It might be too ambitious of her to think, but Lyxelle can’t help herself. No woman can for sure.
Muli siyang napalunok nang maglandas ang hintuturo nito sa ibabang labi niya.
Napatingin siya sa mga mata nito at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya roon. Pagnanasa. He wanted her! There is also longing in his eyes. It's making her unconsciously hold her breath. Pakiramdam kasi niya oras na gumalaw siya ay lalamunin siya nito.
“Raziel…” she breathes, trying to calm her raging heart.
“Your lips are inviting, Lyxelle.” bulong nito sa kaniya.
Nagwala ang puso niya nang tawagin siya nitong Lyxelle. Maybe it was her real name after all dahil hindi naman siguro magre-react ang puso niya kung hindi, `di ba?
“I want to taste you, I want to lick you…” Tinitigan siya nito sa mga mata. “But not now, soon.”
She gasped at the pleasure he promised. A shiver ran down her spine and her body trembled in anticipation. Is it too much of her to get this excited about a promise of a hot as hell stranger when she can't remember anything about herself?
“Magpahinga ka muna sa kuwarto, Lyxelle.” seryoso ang mukha nito habang inuutusan siya. Yes, inuutusan. His voice was every commanding. Like a strong leader giving out a command that cannot be broken by his subordinate.
Yes, his voice sounded more of a command than a person asking for a favor.
Wala sa sariling sinunod niya ang utos nito. Nang makarating siya sa kaniyang kuwarto ay napahilig siya sa nakasarang pinto at dahan-dahang dumausdos sa sahig.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kung makapag-react ang katawan niya sa mga sinasabi ni Raziel. It felt like she was very familiar with him.
Talaga bang hindi sila magkakilala noon pa man? Because she got this feeling that they knew each other a long time ago.
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
RAZIEL took Lyxelle’s virginity the night she agreed to be his. Hindi na niya naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing nakakablanko pala ng isip ang pakikipag-isa sa taong gusto mo.Ang akala niya ay pagsisisihan niya ang gabing iyon. Akala niya, sex lang ang habol ng binata sa kanya. Maraming mga “akala” ang nagsulputan sa kanyang isip kinabukasan. Lalo na nang magising siya na mag-isa sa kama.Nagsimula ang kaba sa kanyang dibdib dahil baka totoo ang mga iniisip niya at pinaglalaruan lang siya ni Raziel. Isa nga lang naman siyang dukha.Nakahinga siya ng maluwang nang makita ito sa kusina at nagluluto ng agahan nila. Muntik na siyang maiyak sa ginhawang naramdaman niya ng mga sandaling iyon kaya patakbo siyang pumasok sa banyo bago pa siya makita nito.Noong humarap siya rito ay nagulat ito sa pamamaga ng kanyang mga mata pero tinukso pa siya nito na dahil daw magaling ito sa kama kaya naiiyak na lang siya sa sarap. Namula ang kanyang mga pisngi dahil doon.At
TUMAWA si Lyxelle nang mag-dive sa sahig ang kasamahan niya sa trabaho. May bago kasing pakulo ang may-ari ng resort na pinagtatrabahuan niya, gusto nitong gumamit sila ng sapatos na may gulong habang nagse-serve ng mga pagkain sa restaurant.Isa siyang waitress at sarili na lang niya ang binubuhay dahil nasa Cebu ang ina at kapatid niya. Hindi naman siya itinuturing na kapamilya ng mga ito kaya kung tutuusin, mag-isa na lang talaga siya sa buhay.Nangungulila pa rin naman siya sa kanyang natitirang pamilya kaya lang hindi talaga siya tinuturing na parte ng pamilya kaya kusa na lang siyang lumayo. Minsan ay naiinggit siya sa kapatid dahil ito ang palaging paborito ng kanilang ina.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras at lugar para mag-isip ng mga negatibong bagay.“Ang hirap naman nito Sir CL.” reklamo ng kasama niyang nag-dive.Tatawa-tawa lang si Sir CL at ibinigay sa kanya ang sapatos na may gulong. “Ikaw naman ang mag-try, Lyxelle.”Inilapag niya ang bitbit na tray sa bar co
NAPALUNOK si Lyxelle sa klase ng titig ni Raziel. Hindi niya sinasadyang gawin iyon. She was unconsciously running her finger in his chest.Namula ng husto ang kanyang mga pisngi. Hindi niya sinalubong ang tingin nito dahil nahihiya siya.“Err—didn’t mean to touch your—” she closed her eyes. “your chest.”“Lyx,”Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang palayaw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot.He cupped the left side of her cheek, his thumb caressing her lips softly. Nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng hinlalaki.Pakiramdam ni Lyxe
IPINIKIT ni Raziel ang mga mata habang naghihintay ng sagot ni Lyxelle. Mabilis ang pintig ng puso niya. Halos mabingi na siya dahil doon. Nang lumipas ang isang minuto na wala siyang narinig kay Lyxelle ay iminulat niya ang mga mata. Siguro hindi lang niya narinig ang reaksiyon nito dahil halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso. Nang tingnan niya ang dalaga ay nahulog ang kaniyang panga nang makitang natutulog ito. “Lyxelle…?” he softly called her name, afraid and was holding his breath. When she didn’t budge, he sighed. Nakahinga siya ng maluwang pero at the same time ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kailan ba niya masasabi rito ang totoo? Kailangan na niyang magsalita habang puwede pang masalba ang kanilang relasiyon.
“NASAAN ang bagong dating?”“No.”“No…”“No!”“Inject her.”“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”Marahas na binawi niya ang kamay at malakas na pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. May malakas na puwersang nagsasabi sa kanya na lumayo siya sa taong iyon bago siya tuluyang hindi makalaya.Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso niya na para bang anumang sandali ngayon ay l
KUMABOG ng husto ang puso ni Lyxelle dahil sa sinabi ni Raziel. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang narinig. “M-Mahal mo ako?”Tumango ito, he was looking at her softly it almost melted her heart. “Yes, I love you. I’ve always been in love with you. Even when we first met.”Talaga bang mahal siya nito? How though? She was nothing but a woman with a lot of baggage on. She doesn’t even remember her past.“Lyxelle,” he cupped her checks. “I know what you’re thinking. Stop it. I love you. And that’s it. I want to stay with you for as long as I can.”“Pero…hindi ka ba nandidiri sa akin noong una tayong magkita?”Umiling ito. “No.”“Pero Raziel…”“Hindi mo ba ako mahal?”“Ano kasi…” She wanted to avoid his gaze, but he wasn’t letting her. “P-Paano kung may asawa na ako?”Tinitigan siya nito. “I do hope you don’t have any men in your life. Or else I’d have to fight them to get you.”Her heart swelled. Can she let herself be swayed by his words? Gusto rin niyang makasama ito. Dahil