FUSION PARADISE BAR
Pagkagaling kay Glory ay dumiretso si Ralph sa Bar, iiinom niya na lang ang sakit na nararamdaman niya dahil kailangan niyang makalimot. Sobrang sakit ng ginawa ni Glory na para bang pinagkaitan na siya ng mundo dahil namatay na nga ang asawa niya at pagkatapos ay rebelde naman ang anak niyang si Danice. Hindi niya napalaking maayos ang kaisa isang anak dahil kahit ang sarili niya ay napabayaan niya rin. He feels like a failure to everyone, especially to Glory pero pilit niyang tinatanong sa sarili kung anong kasalanan niya, paano nagawa ni Glory ang bagay na iyon, bakit?... bakit nito pinatay ang anak nila?
“Ninong? What a surprise, you’re here! Anong ginagawa mo dito? Where’s daddy?” tanong ni Rosenda kay Ralph.
Napakunot naman ng noo si Ralph dahil hindi niya naiitindihan ang sinasabi ng dalagang lumapit sa kanya.
Ninong daw? Wala naman akong natatandaan na may inaanak akong ganito kaganda. saad ni Ralph sa isip.
“Uhm, who are you?” tanong ni Ralph kay Rosenda.
“Ninong Renzo naman eh, lasing ka na ba? Tatawag na ako ng taxi for you,” saad ni Rosenda na natatawa habang kinukuhang pilit ang cellphone nito sa purse niya.
Doon niya naintindihan na ang akala ng dalaga ay siya si Renzo.
“May dala akong kotse Hija, wag mo na akong itawag ng taxi, Who's your father?” tanong ni Ralph sa kanya.
“Hija? Eew! Kailan mo pa ako tinawag na Hija? Hindi ba’t pumpkin ang tawag mo sa akin? Nakakatawa ka talaga Ninong at saka bakit tinatanong mo pa pangalan ni Daddy Joaquin? Lasing ka na nga talaga!” saad ni Rosenda na walang ka alam alam.
Ah, si Joaquin pala tatay niya. Saad ni Ralph sa isip.
“Don’t worry! Order ka lang dyan, inom ka pa! Ako naman may ari nitong bar! Sige, maiwan muna kita Ninong, drive safe okay?” saad ni Rosenda na tatawa tawang tinapik ang balikat ni Ralph at saka umalis.
Sa wari niya ay nakainom na rin ito ngunit nagulat siya sa sinabi nitong siya ang may ari ng bar na napuntahan niya. Totoo kaya iyon? Hindi niya na lamang pinansin at uminom pa ng uminom sa may bar counter.
Napalingon siya sa pintuan ng Bar at nahagip ng mata si Luz, she was wearing a black mini skirt a chub top and a leather jacket at naka boots pa. She’s so gorgeous the moment she walks in, halos mabali ang leeg ng mga lalaking customer na naroon kakatingin sa kanya, she was flashing her brightest pretty smile ever. Lumapit siya kaagad kay Ralph nang makita niya ito sa may bar counter.
“Baby, totoo ba yung sinend mong text sa akin? Papakasalan mo na ako?!” masayang tanong ni Luz na kaagad hinawakan ang kamay ni Ralph.
Napatingin siya doon at tila naalala ang bigat at sama ng loob na nararamdaman para kay Glory.
“Luz, you like me don’t you?”
“Yes, I like you so much, Daddy,”
“You can’t forget about me, right?”
“Yes!”
“Congratulations! You got what you wanted,”
Napangiti si Luz at tuwang tuwang napayakap kay Ralph.
“Thank you, Sweetheart! I love you! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon!” saad nito ngunit kumalas si Ralph sa pagkakayakap sa kanya at marahas nitong hinawi ang kamay niya.
“But know this Luz… hindi na kita gusto dati pa, at kahit kailan ay hinding hindi kita magugustuhan at kahit magsama pa tayo, si Glory lang ang mamahalin ko, naiintindihan mo?!” saad ni Ralph na umigting pa ang mga panga na ipinaintindi iyon kay Luz at saka tumayo at umalis.
He hated Luz. He hated everything about her but he needs her for his pain.
Nang makalabas siya ng Bar ay pinagmasdan niya ang black ferrari niyang kotse. It’s an 812 Superfast. Napa iling siya ngunit sinimulang sumakay roon at saka inilagay ang susi at sinimulang pihitin iyon.
He drove as fast as he could. Wala siyang pakialam sa kalye at tila iniisip na para lang siyang nasa race field. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman, gusto niyang makalimot ngunit hindi niya magawa, lasing na lasing siya ng mga oras na iyon.
Gusto niya ang naririnig na tunog ng tambutso at gulong niya. Napakabilis niya ng magpatakbo ng kotse. Hindi niya na mapigilan ang mabilis na simoy ng hangin na tumatabon sa kanyang mukha, nakabukas kasi ang bintana ng kotse niya.
“Whoooohooo!” sigaw niya ng maabot niya na ang speed limit ng kanyang sports car.
High na high siya ngayon na para bang adrenaline drinker.
Lahat ng sakit at galit ay ibinuhos niya sa pagmamaneho noong gabing iyon.
“How dare you Glory? What did you do? Hindi mo ba talaga ako mahal kaya pinalaglag mo ang anak natin? Sobrang sakit. Pakiramdam ko mamamatay na ako,” saad niya sa isip.
Hindi niya na makita ang daan dahil nagsisimula ng magdalawa at mag blur ang paningin niya, pilit niyang inaagapan ang manibela ngunit tila nawalan na ito ng preno at mabilis ang mga pangyayaring nabunggo siya sa isang puno, ngunit bago iyon ay napindot niya ang airbag ngunit sugatan pa rin siya. Nagawa niya pang makalabas ng kotse ngunit sa tinamong sugat ay bumagsak din siya.
Isinugod siya sa ospital ng gabing iyon ngunit tila nag hahallucinate ata siya dahil mukha ni Glory ang nakikita niya, ang maganda nitong ngiti, ang nakakaakit nitong mga mata.
“Glory,” Iyon na lang ang nasambit niya at nawalan ng malay.
Samantala, nakatulog si Glory dahil sa sobrang iyak, ngunit tumatawag si Renzo sa kanya kung kaya’t sinagot niya iyon kaagad.
“Yes, Renzo?”
“May relasyon kayo ni Ralph diba?”
“Ha? Bakit mo natanong?”
“Isinugod siya ngayon sa ospital, kritikal ang lagay niya, I thought you might want to visit him,”
“Ano?! Nasa ospital si Ralph?!” gulat na tanong niya mula sa kabilang linya.
“Oo, naaksidente siya sakay ng sportscar niya,” saad ni Renzo.
“Sige, papunta na ako!” iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag.
Nagmadali siyang magbihis ng gabing iyon. Ang buong akala niya ay walang pakialam si Renzo sa kanilang dalawa ni Ralph pero nagkamali siya, nag o observe lang pala ito sa kanilang dalawa ng kakambal niya.
Nang makarating siya sa kwarto nito ay tumambad sa kanya ang isang babae na nakaupo sa gilid ng kama ni Ralph, kaagad siyang nagtago sa may pinto upang hindi siya makita nito. Pinagmasdan niya ito habang umiiyak sa tabi ni Ralph.
Napahawak siya sa dibdib niya kung saan naroon ang parte ng kanyang puso. Nanlulumo siya sa sinapit ng kanyang manliligaw, hindi niya alam kung anong gagawin, hindi niya naman kasi ineexpect na maaaksidente ito.
Alam niyang wala siyang karapatang lumapit kay Ralph ngayon dahil siya ang dahilan kung bakit ito naaksidente, pinanghihinaan siya ng loob. Kasalanan niya ang lahat. Hindi niya na mapigilan ang mga luha niyang pumapatak habang pinagmamasdan sa malayo si Ralph, may benda ang ulo nito at nakakunot ang noo na para bang may masakit sa kanya habang natutulog.
Sapat na ang nakita niya, akmang aalis na siya ng makasalubong niya si Renzo, kaagad siyang niyakap nito.
“Hey… it’s alright,” saad pa ni Renzo na kino comfort siya.
“It’s my fault Renzo, I’m so sorry, I broke up with him… nag away kami at pagkatapos ay umalis siya,” paliwanag ni Glory.
“It’s alright… ipagdasal na lang natin na magising siya, pumasok ka na ba sa loob?” tanong nito.
“I’m sorry, pero hindi ko pa kayang harapin si Ralph ngayon, sana maintindihan mo Renzo, aalis na ako, pag nagising siya balitaan mo na lang ako,” saad ni Glory habang umiiyak pa rin.
“Okay, sige, ingat,” saad ni Renzo.
Kaagad na lumabas si Glory ng ospital at doon umiyak ng umiyak sa loob ng kotse niya ngunit nabaling ang atensyon niya sa kotse sa likod niya, alam niyang kotse iyon ni Enrico at posibleng sinundan siya nito. Kaagad niyang hinawakan ang manibela at umalis na sa lugar na iyon. Kailangan niya ng lumayo simula ngayon kay Ralph dahil kapag lumapit pa siya ay baka mas lalo lamang itong mapahamak.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako mula sa malakas na pagkatok sa kwarto ko. “Danice?! Danice! Uncle Renzo ‘to!” “Uncle, ano po iyon?” “Buksan mo ‘to, may bibigay ako sayo.” saad niya kung kaya't binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang malaking bouquet ng fresh red roses. “Oh ayan, galing yan kay Mr. Dominguez. Hindi raw natuloy ang date niyo kahapon kaya ngayon na lang daw.” Napabuntong hininga ako at nagmake face kay Uncle. “Oh, bakit?”“Uncle, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko siya type?! and he’s way too older than me. He’s 40 something and I’m just 26 years old.” “Sobra ka naman! come on, Mr. Dominguez is a fine man.” “Uncle naman, wag mo naman akong ipagkasundo sa mga ka-edaran niyo ni daddy! at saka kung ganyan rin lang edi sana ikaw na lang ang pinatulan ko!” “Hey, kung anu-anong lumalabas na masama dyan sa bibig mo! Ikaw bata ka, hindi naman kita pinalaking ganyan ah!” “Ang sinasabi ko lang wag naman ho matanda ang ipa-blind date niyo sa akin!”
Danice's POV: “Argh! kainis! nasiraan pa! kung kailan naman kailangan na kailangan!” singhal ko na sinipa-sipa ang gulong ng bulok kong kotse. Napakalakas ng ulan ngunit nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada at basang-basa na ako at nasira pa ang kotse ko. “Damn it!” asik ko sabay pasok sa kotse ko upang hagilapin ang cellphone ko. Kaagad kong tinawagan ang foster dad/uncle ko na si Renzo Romualdez. “Hello, Uncle!” “Ano?” “Can you please help me? nasiraan ako ng kotse, na-flat ang gulong and I’m in the middle of nowhere right now! natatakot na ako Uncle, it's so dark in here!” “Okay, calm down.” “Anong gagawin ko?!” “Lumabas ka pumara ka ng taxi at magpahatid ka sa Mansyon. Ako nang bahala dyan sa kotse mo, ipapakuha ko nalang.” “Fine! ugh! damn it! such a hassle! bakit kasi hindi mo nalang ako ibili ng bagong kotse eh! ang luma luma na nitong Montero ko eh!” “Aba, anong akala mo sa akin?! nagtatae ng pera?! pasalamat ka nga at tinanggap kita sa pamamahay ko kahit na may
ONE YEAR AGO…Nagbakasyon si Ralph at Glory kasama ang kanilang mga anak na si Cale, Cole at Sabrina sa napakagandang isla ng Palawan. Isang tahimik na Villa ang binili nila doon. Magsisilbi itong vacation house nila. She wanted to live peacefully. Malayo sa magulong mundo na meron siya kung kaya’t nandito sila ngayon. “Mommy, this is our paradise,” saad ni Sabrina na itinuro ang napakagandang beach habang ngayon ay nasa pangpang sila. Puting puti ang buhangin at asul ang dagat na napapalibutan ng kulay berdeng paligid. Sariwa ang hangin ng umagang iyon at maaliwalas ang paligid. “Yes, Baby, this is paradise,” saad ni Glory na ngumiti sa anak. “I want to live here and play forever,” saad pa nito. “Sure,” saad naman ni Glory na hindi mapawi ang ngiti sa mukha habang pinagmamasdan ang anak. Pumupulot ito ng mga kabibe sa pangpang. Maya maya ay nagulat siya ng may biglang umakbay sa kanya at nang mag angat siya ng ulo ay si Ralph pala iyon. “Hon, yung mga bata ayaw ng umahon, tig
Kumakain na ang mga bisita at tahimik na ang lahat nang bigla may mga sunud-sunod na putok ng baril na narinig sa reception. Nagsiyukuan ang ilang bisita ang iba naman ay tumakbo at nagkakagulo na doon. Papalapit si Sonia sa harap kung saan naroon si Glory at Ralph. Nasa harap ni Glory si Ralph dahil pinoprotektahan siya nito. “Talagang nagpakasal ka sa babaeng yan?!” “Tita, this is over! it's none of your business! mahal ko si Glory!” saad ni Ralph na puno ng paninindigan. “I only care for you, Ralph, that woman is a golddigger!” “Oh really?! care to explain to me paano napunta sayo ang ibang shares ng pamilya Romualdez?!”“Sonia! tama na yan! wag kang manggulo dito!” sigaw naman ni Renzo na ipinagtatanggol ang kapatid. “Tumabi kayo, papatayin ko ang babaeng yan na siyang sagabal sa mga plano ko!” mariing saad ni Sonia na hawak ang isang baril na nakatutok kay Glory. “Ma, tama na, please! Glory has nothing to do with this!” pag-aawat din ni Enrico na tinutukan ng baril ang sar
Masayang masaya sila dahil natapos ang wedding ceremony ng walang nangyayaring aberya. “You may now kiss the bride.” saad ng Pari at kaagad namang ginawa iyon ni Ralph at hindi na nag aksaya ng oras pa. Mabilis niyang tinanggal ang belo nito at hinalikan si Glory ng marahan sa labi. “Romualdez! Romualdez! Romualdez!” kantyaw ng mga bisita at mga piling empleyado ng Dela Vega Corp. “Hi, Ninong– este Mr. Ralph Romualdez.” bati ni Rosenda kay Ralph. Napakunot naman ang noo ni Ralph.“You're Rosenda, right? Joaquin's daughter?” “Yes po. I just want to congratulate you Sir and… to give you this, bye!” saad ni Rosenda at binigay ang isang polaroid sexy photo ni Glory. Hindi naman makapaniwala si Ralph sa nakita at napatakip ng kamay sa bibig. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya at nag-iinit ang katawan niya. Naka-puting nighties ito at hantad na hantad na ang dalawang malulusog na dibdib nito kung kaya't mabilis niyang ibinulsa ang polaroid photo. Napatingin siya kay Ros
CASA JOAQUINNagsimulang maglakad si Glory sa isle kasama ang kanyang ama. Iyon ang una nilang pagkikita matapos ang matagal na panahon. Habang naglalakad si Glory at ang kanyang ama sa isle ay hindi maiwasang mag reminisce ni Ralph tungkol sa una nilang pagkikita ni Glory. *Flashback* Dumalaw si Glory sa opisina ni Renzo. Walang sabi-sabi siyang pumasok sa opisina nito at nagbunganga. "Mr. Romualdez, I wanna know, totoo ba ang balita na may plano kayong i-restore ulit ang Dela Vega Corp? Without me knowing it? Hoy, baka nakakalimutan ninyo, I won't be Glory Sanjuan for nothing! isa ako sa mga pioneer na shareholder, bakit hindi niyo ipinaalam sa akin ang bagay na ito?! Wala ba akong karapatan malaman ang tungkol dito? huh?! Kung inalok nalang sana ni Joaquin ang offer ko na magpakasal kami edi sana ay walang problema,” saad ni Glory na naiinis.“So you’re single now,” saad ng lalaki.“What?” naguguluhang tanong ni Glory dito.“And your name is Glory,” saad ng lalaki na ngumiti