Nagising si Ralph na walang maalala pagkatapos ng tatlong araw na pagkakatulog. Ni ang pangalan niya ay hindi niya alam kung kaya’t tinulungan siya ng kakambal na si Renzo at pilit na ipaalala rito ang lahat.
Nagkausap naman si Luz at si Renzo.
“Hindi ko alam na nagkabalikan na pala kayo at may balak magpakasal,” saad ni Renzo.
“Oo Kuya, masyadong naging mabilis ang mga pangyayari at hindi na rin namin kayo nasabihan ni Ralph, ang kaso ay nangyari naman ang trahedyang ‘to,” saad ni Luz.
“Hayaan mo, gagaling din si Ralph at maalala niya ang lahat, kailangan lang nating maghintay sa ngayon,” saad ni Renzo.
Simula ng maaksidente si Ralph ay hindi na umalis sa tabi niya si Luz, inaalagaan niya ito at siya rin ang nagpapakain dito, para kay Luz, kaligayahan niya na ang asikasuhin si Ralph, bagama’t hindi pa siya gaanong maalala nito ay sapat na iyon upang maramdaman nito na mahal na mahal niya ito.
“Gaano katagal na tayong magkasintahan?” tanong ni Ralph kay Luz.
“Uhm, limang taon na sana, kaya lang ay nag abroad ako at kakauwi ko lang dahil nga inalok mo na akong magpakasal,” saad ni Luz.
Hindi naman siya nagsinungaling dahil totoong limang taon silang naging magkasintahan at kung hindi lamang siya umalis at kung hindi nagpakasal si Ralph sa namatay na asawa na si Sophia ay malamang ay baka matagal na silang nagkatuluyan.
“Ah ganon ba,” saad ni Ralph.
Samantala, nasaksihan iyon ni Glory na tahimik lamang na nanunuod sa gilid, sa labas ng kwarto nito. Nanlulumo siya dahil sa narinig mula sa babaeng kaharap ni Ralph ngunit wala siyang magawa at kung totoong magpapakasal talaga sila ni Ralph, alam niyang may malalim na dahilan ang manliligaw niya kung bakit gagawin ito. Pilit bumabalik sa isip niya ang tagpong ipinakita niya ang abortion consent form kay Ralph at sinisisi ang sarili, kung sana ay hindi niya iyon pinakita kay Ralph, sana ay hindi nalagay sa peligro ang buhay nito at naaksidente.
Buong isang linggo ay walang ibang ginawa si Glory kundi panuorin mula sa bintana ng hospital room si Ralph. Hanggang doon lang ang kaya niya dahil nagu guilty pa rin siya sa nangyayari, napag alaman niyang nawalan ito ng ala ala mula kay Renzo na nagkwento kay Joaquin.
Nagkausap sila ni Joaquin pagkatapos non.
“Paano na yan Glory? Walang maalala yung tao, hindi mo pa sinabi sa kanya na buntis ka,” saad ni Joaquin.
“Mas mabuti ng ganon Joaquin, mas mabuti ng hindi niya na maalala ang lahat lahat ng tungkol sa akin kaysa naman masaktan ko siya,” saad niya kay Joaquin na nag aalala.
“Pero paano ka? Paano ‘yang anak mo?” tanong ni Joaquin.
“Kaya ko naman eh, kilala mo ako Joaquin, buong buhay ko naging matapang ako sa kahit anong pagsubok, ngayon pa ba ako manghihina?” tugon niya sa dating kasintahan.
Naihilamos ni Joaquin ang palad niya sa kanyang mukha.
“Help, ano naman ang tulong na maibibigay niya sa akin Joaquin? Tutulungan niya akong mas lalo pang guluhin ang buhay ni Ralph? No way! Masyado ng nagdusa sa akin yung tao, ni hindi niya nga alam ang tungkol kay Enrico eh, ayoko ng dagdagan pa,” saad ni Glory at saka umalis.
May site visit pa kasi siya at hinihintay na siya ng kliyente niya. Maya maya ay huminto na ang kotse nito sa harap niya at bumukas ang bintana non.
“Glory Sanjuan, right?” tanong ng babae.
“Yes, Mrs. Samaniego, pleasure to finally meet you,” saad ni Glory at nakipag kamay sa ginang.
Si Mrs. Marissa Samaniego ay may ari ng isa sa mga oil company sa Pinas at napagesisyunan nitong ipaayos ang parte ng kanyang mansyon at si Glory ang napili niyang architect para gawin ang trabaho, bukod sa parehas silang hiwalay sa asawa ay babae sila, alam nila ang pinagdadaanan ng isa’t isa. Sumakay na siya sa kotse nito at sinimulan ng magmaneho ng driver nito.
“Ilang buwan na yan Ms. San Juan?” tanong ng ginang.
Namangha siya dahil kahit na nakaitim siyang dress ay nahalata pa rin nito ang pagbubuntis niya.
“Uhm, magta tatlong buwan na ho,” saad ni Glory.
“Alam ba yan ng ex husband mo?” tanong pa nito.
“Oho,” simpleng tugon niya.
“Talaga? At pumayag siyang i keep mo ang batang hindi naman sa kanya?” tanong pa nito.
“Matagal naman na ho kaming hiwalay Mrs. Samaniego, wala na siyang karapatan sa buhay ko,” matapang na saad ni Glory dito.
“Hmm, my kind of girl,” saad ni Mrs. Samanigeo at ngumiti.
Tahimik lang siya habang tinitignan ang dinadaanan nila ngunit habang tumatagal ay napansin niyang parang hindi iyon ang lugar kung saan ito nakatira.
“Mrs. Samaniego, nasaan ho tayo?” tanong niya sa ginang.
“Ay sorry, sa Tondo ito, hindi ko pala nasabi sayo, may dadaanan muna ako bago tayo umuwi sa bahay,” saad ng ginang.
Hinayaan niya na lang ang kliyente niya dahil marami pa namang oras. Naglabas ito ng isang parihabang envelope at binuklat iyon, may lamang lilibuhing pera at litrato ng ex husband niya, sandali niyang tinignan ang litrato non at saka ipinasok muli sa envelope, at saka bumaba.
Palaisipan sa kanya kung ano ang nakita niya ngunit mas minabuti niya na lang na hindi magtanong at makialam sa buhay ng kliyente niya.
Tinanaw niya ito na pumasok sa isang masikip na eskinita, sa isang lumang bahay ay doon nito isinilid ang envelope na naglalaman ng salapi at litrato ng kanyang asawa at saka bumalik sa kotse nito.
Pagbalik nito ay sarkastikong ngumiti ito sa kanya ngunit hindi niya na lang pinansin iyon, ang pakay niya sa kliyente ay ang project na ipapagawa sa kanya nito at hindi iyon.
***
“I like you, you’re very professional,” saad ni Mrs. Samaniego sa kanila matapos silang mag site visit at mag ocular.
“Thank you Mrs. Samaniego, I will send the quotations right away para ma estimate natin ang total budget,” saad ni Glory na nakipag kamay rito at saka umalis.
Pupuntahan niya sana si Ralph sa ospital ngunit sumasakit na ang tiyan niya kung kaya’t minabuti niya na lang na umuwi. Kailangan niyang alagaan ang sarili dahil nag iisa lamang siya sa buhay.
Pag uwi niya sa Condo Unit niya ay sandali siyang nagpahinga at nag shower, habang nasa shower ay paulit ulit sa isipan niya ang mga pagmamalupit ni Enrico sa kanya, kung paano siya tratuhin nitong basura, parausan at alila sa pamamahay nila noon, hinayaan niyang pawiin ng maligamgam na tubig ang lahat ng masasakit na alaala. Isinusumpa niyang hindi na siya magmamahal ulit at sapat na sa kanya ang kambal niyang anak dahil sa labis na pagka trauma sa dating asawa.
Bigla niya namang naalala ang ginawa kanina ni Mrs. Samaniego. Tondo. Pera at litrato ng ex husband nito sa envelope. Posible kayang… may balak itong patayin ang asawa nito?
KINAUMAGAHAN ay nagising ako mula sa malakas na pagkatok sa kwarto ko. “Danice?! Danice! Uncle Renzo ‘to!” “Uncle, ano po iyon?” “Buksan mo ‘to, may bibigay ako sayo.” saad niya kung kaya't binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang malaking bouquet ng fresh red roses. “Oh ayan, galing yan kay Mr. Dominguez. Hindi raw natuloy ang date niyo kahapon kaya ngayon na lang daw.” Napabuntong hininga ako at nagmake face kay Uncle. “Oh, bakit?”“Uncle, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko siya type?! and he’s way too older than me. He’s 40 something and I’m just 26 years old.” “Sobra ka naman! come on, Mr. Dominguez is a fine man.” “Uncle naman, wag mo naman akong ipagkasundo sa mga ka-edaran niyo ni daddy! at saka kung ganyan rin lang edi sana ikaw na lang ang pinatulan ko!” “Hey, kung anu-anong lumalabas na masama dyan sa bibig mo! Ikaw bata ka, hindi naman kita pinalaking ganyan ah!” “Ang sinasabi ko lang wag naman ho matanda ang ipa-blind date niyo sa akin!”
Danice's POV: “Argh! kainis! nasiraan pa! kung kailan naman kailangan na kailangan!” singhal ko na sinipa-sipa ang gulong ng bulok kong kotse. Napakalakas ng ulan ngunit nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada at basang-basa na ako at nasira pa ang kotse ko. “Damn it!” asik ko sabay pasok sa kotse ko upang hagilapin ang cellphone ko. Kaagad kong tinawagan ang foster dad/uncle ko na si Renzo Romualdez. “Hello, Uncle!” “Ano?” “Can you please help me? nasiraan ako ng kotse, na-flat ang gulong and I’m in the middle of nowhere right now! natatakot na ako Uncle, it's so dark in here!” “Okay, calm down.” “Anong gagawin ko?!” “Lumabas ka pumara ka ng taxi at magpahatid ka sa Mansyon. Ako nang bahala dyan sa kotse mo, ipapakuha ko nalang.” “Fine! ugh! damn it! such a hassle! bakit kasi hindi mo nalang ako ibili ng bagong kotse eh! ang luma luma na nitong Montero ko eh!” “Aba, anong akala mo sa akin?! nagtatae ng pera?! pasalamat ka nga at tinanggap kita sa pamamahay ko kahit na may
ONE YEAR AGO…Nagbakasyon si Ralph at Glory kasama ang kanilang mga anak na si Cale, Cole at Sabrina sa napakagandang isla ng Palawan. Isang tahimik na Villa ang binili nila doon. Magsisilbi itong vacation house nila. She wanted to live peacefully. Malayo sa magulong mundo na meron siya kung kaya’t nandito sila ngayon. “Mommy, this is our paradise,” saad ni Sabrina na itinuro ang napakagandang beach habang ngayon ay nasa pangpang sila. Puting puti ang buhangin at asul ang dagat na napapalibutan ng kulay berdeng paligid. Sariwa ang hangin ng umagang iyon at maaliwalas ang paligid. “Yes, Baby, this is paradise,” saad ni Glory na ngumiti sa anak. “I want to live here and play forever,” saad pa nito. “Sure,” saad naman ni Glory na hindi mapawi ang ngiti sa mukha habang pinagmamasdan ang anak. Pumupulot ito ng mga kabibe sa pangpang. Maya maya ay nagulat siya ng may biglang umakbay sa kanya at nang mag angat siya ng ulo ay si Ralph pala iyon. “Hon, yung mga bata ayaw ng umahon, tig
Kumakain na ang mga bisita at tahimik na ang lahat nang bigla may mga sunud-sunod na putok ng baril na narinig sa reception. Nagsiyukuan ang ilang bisita ang iba naman ay tumakbo at nagkakagulo na doon. Papalapit si Sonia sa harap kung saan naroon si Glory at Ralph. Nasa harap ni Glory si Ralph dahil pinoprotektahan siya nito. “Talagang nagpakasal ka sa babaeng yan?!” “Tita, this is over! it's none of your business! mahal ko si Glory!” saad ni Ralph na puno ng paninindigan. “I only care for you, Ralph, that woman is a golddigger!” “Oh really?! care to explain to me paano napunta sayo ang ibang shares ng pamilya Romualdez?!”“Sonia! tama na yan! wag kang manggulo dito!” sigaw naman ni Renzo na ipinagtatanggol ang kapatid. “Tumabi kayo, papatayin ko ang babaeng yan na siyang sagabal sa mga plano ko!” mariing saad ni Sonia na hawak ang isang baril na nakatutok kay Glory. “Ma, tama na, please! Glory has nothing to do with this!” pag-aawat din ni Enrico na tinutukan ng baril ang sar
Masayang masaya sila dahil natapos ang wedding ceremony ng walang nangyayaring aberya. “You may now kiss the bride.” saad ng Pari at kaagad namang ginawa iyon ni Ralph at hindi na nag aksaya ng oras pa. Mabilis niyang tinanggal ang belo nito at hinalikan si Glory ng marahan sa labi. “Romualdez! Romualdez! Romualdez!” kantyaw ng mga bisita at mga piling empleyado ng Dela Vega Corp. “Hi, Ninong– este Mr. Ralph Romualdez.” bati ni Rosenda kay Ralph. Napakunot naman ang noo ni Ralph.“You're Rosenda, right? Joaquin's daughter?” “Yes po. I just want to congratulate you Sir and… to give you this, bye!” saad ni Rosenda at binigay ang isang polaroid sexy photo ni Glory. Hindi naman makapaniwala si Ralph sa nakita at napatakip ng kamay sa bibig. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya at nag-iinit ang katawan niya. Naka-puting nighties ito at hantad na hantad na ang dalawang malulusog na dibdib nito kung kaya't mabilis niyang ibinulsa ang polaroid photo. Napatingin siya kay Ros
CASA JOAQUINNagsimulang maglakad si Glory sa isle kasama ang kanyang ama. Iyon ang una nilang pagkikita matapos ang matagal na panahon. Habang naglalakad si Glory at ang kanyang ama sa isle ay hindi maiwasang mag reminisce ni Ralph tungkol sa una nilang pagkikita ni Glory. *Flashback* Dumalaw si Glory sa opisina ni Renzo. Walang sabi-sabi siyang pumasok sa opisina nito at nagbunganga. "Mr. Romualdez, I wanna know, totoo ba ang balita na may plano kayong i-restore ulit ang Dela Vega Corp? Without me knowing it? Hoy, baka nakakalimutan ninyo, I won't be Glory Sanjuan for nothing! isa ako sa mga pioneer na shareholder, bakit hindi niyo ipinaalam sa akin ang bagay na ito?! Wala ba akong karapatan malaman ang tungkol dito? huh?! Kung inalok nalang sana ni Joaquin ang offer ko na magpakasal kami edi sana ay walang problema,” saad ni Glory na naiinis.“So you’re single now,” saad ng lalaki.“What?” naguguluhang tanong ni Glory dito.“And your name is Glory,” saad ng lalaki na ngumiti