KINABUKASAN ay maagang nagising si Ralph at Glory. Para silang susugod sa giyera ng araw na iyon. Nagbihis sila at saka tumungo na sa Dela Vega Corp. Sa lobby pa lang ay naging mainit na ang pagpapalitan nila ng matatalim na tingin. Naroon na rin si Harold Xiu at saka naglakad kasama si Ralph habang si Glory at Joaquin naman ay kasama si Renzo. Ang iba pang mga investors kagaya ni Dean Alvarez, ay naroon din. Inabangan ng lahat ang kanilang pagpasok sa board room. "Bakit nandito ang mga 'yan?" tanong ni Renzo kay Joaquin na narinig naman ni Glory. "Relax, Bro," saad ni Joaquin sa kaibigan. Napatingin naman si Glory kay Ralph at nagtama ang mga mata nila. Kumawala ang sarkastikong ngiti kay Ralph at saka kumindat kay Glory. Lumabi naman si Glory at saka itinuon ang pansin sa discussion. Tumayo si Jonas at humarap sa mga investors."Okay, let's start the meeting, well this is the problem, the Dela Vega Corp got scammed and the Romualdez Group too. The two strong companies and it t
Naisaayos na ni Ralph at Glory ang lahat. Nakabalik na si Ralph at nagtatrabaho na ulit ngunit sa Xiu Group na siya nag o-opisina dahil mas kailangan siya ni Harold doon. Kumuha rin sila ng maid na mag aasikaso sa kambal dahil pareho na silang nagtatrabaho. Pinahiram naman ni Ralph si Joaquin at Glory ng pera upang maisalba ang Dela Vega Corp. mula sa pagkaka-bankrupt nito. “Salamat dito, Love, promise pag nakabawi kami ibabalik namin ito kaagad,” saad ni Glory habang hawak ang isang tseke at may matamis na ngiti sa mga labi. “Wag mong intindihin yan, maliit na bagay lang ‘yan kumpara sa nabigay mong tulong sa akin mahal ko, kaya… wag ka na mag alala ah, alam mo naman ayokong naiistress ka, gusto ko palagi kang masaya,” saad ni Ralph na ngumiti rin ng matamis sa kasintahan at hinawi ang buhok nito na nakatabon sa maganda nitong mukha.“Napakatamis naman, nakakainggit!” saad ni Joaquin na sumingit sa usapan ng dalawa. Natawa naman si Ralph at Glory. “Ay sorry, may naiinggit pala
Pagpasok ni Glory ng Dela Vega Corp ay nagulat siya dahil naabutan niyang lasing na lasing at nakahiga sa sofa sa loob ng office niya si Renzo. Nakatulog ito kakainom at hawak pa sa isang kamay na lumaylay ang bote ng alak. Nahilot niya ang sintido at tinawagan si Ralph. "Hello Love?" "Yes, Love? Napatawag ka? May problema ba?""Pwede ka bang dumaan dito, please? Ano eh… si Renzo, lasing na lasing, nandito sa office ko," "Ano? Sige sige, patapos na yung meeting namin ni Harold, papunta na ako dyan," "Okay, ingat Love, love you!" "I love you too!" iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag. Maya maya ay narinig niya na ang mga empleyado na bumabati kay Joaquin na ibig sabihin ay kakapasok lamang nito. "Good morning!" masiglang bati ni Joaquin kay Glory habang nakangiti ng malapad. "Walang good sa morning ko Joaquin, tignan mo naman," saad ni Glory at tinuro si Renzo. "Tsk tsk tsk! Mukhang problemado talaga ang isang yan," saad ni Joaquin na napabuntong hininga. "Masyado kasin
Matapos mag usap ng dalawa ay naghaharutan na ang mga iyon, napangiti na lang si Glory dahil sa wakas ay magkasundo na ulit ang magkapatid. "Saturday night, okay? Wag kayong mawawala ah," saad ni Renzo at saka umalis. Napakunot naman ng noo si Glory at ibinaling ang tingin kay Ralph."Ano iyon? Anong meron sa saturday night?" tanong nito. "Ahh, nag organize si Renzo ng dinner," saad ni Ralph."Kasama mga bata?" tanong ni Glory. "Yeah, sure, pwede naman, Danice will be there too. It's a dinner for the whole family," saad ni Ralph. "What? You mean, makakasama natin sila Renzo, Danice and yung mommy mo?" nag aalalang tanong ni Glory. "Yes, actually mom wants to meet you personally at saka yung mga apo niya," saad ni Ralph na napangiti. Lumatag ang kaba kay Glory, "Naku, paano kung hindi nila ako magustuhan? Nahihiya ako Ralph," "Love naman, ano namang kahiya-hiya sayo? They should be proud nakahanap ako ng fiance na magaling at successful, mas successful ka pa nga sa akin," saad
Dumating ang gabing pinakahihintay ng lahat ang dinner party sa loob ng mansyon ng mga Romualdez. Kinakabahan si Glory at hindi na siya mapakali. "This is a bad idea…" saad ni Glory. "Hey, you'll gonna be fine… don't worry, mabait naman si mommy," paninigurado ni Ralph sa kasintahan sabay hawak sa kamay nito. Napahawak naman si Glory sa sinapupunan niya, hindi niya pa kasi nasasabi kay Ralph na buntis siya, balak niya sanang sabihin na ngayon sa dinner party na mas lalo pang nagpakabog ng dibdib niya sa kaba.Naroon din si Joaquin, Bruce at Daniel Alvarez, maging si Dean na inimbitahan ni Renzo. Si Harold naman ay nagsabi na medyo male-late daw. Marahil ay nahibiya rin ito dahil sa alitan ng mga Romualdez at Xiu noon kung kaya't hindi siya maagang pumunta.Samantala, ang kambal naman ay kanina pa nag iikot sa lugar at naglalaro. Sila lang kasi ang bata na naroroon kung kaya't nililibang nila ang kanilang mga sarili. Maya maya ay bumaba na ng hagdan sila Renzo, kasama nito si Ross
Dahan-dahang napawi ang ngiti ni Ralph at hinarap si Glory. "Totoo ba, huh?" tanong ni Ralph, mababakas na ang galit sa kanyang mukha. "Ralph, I can explai–" hindi na nasabi pa ni Glory ang mga sasabihin niya ng biglang tumaas ang boses ni Ralph. "Explain what Glory?! Na all this time pinaglololoko mo ako?! Huh?!" "I was going to tell you…" saad ni Glory na napahagulgol na ng iyak. "Wag kang maniniwala sa babaeng yan hijo, tignan mo naman ang nangyari sa kuya Enrico mo dahil sa kanya, he's now six feet under, ewan ko kung anong ginawa ng babae na yan at bigla na lang namatay ang anak ko," sulsol pa ni Sonia. "Glory naman!" saad ni Ralph na nasabunutan ang sarili sa sobrang sama ng loob. "Wala akong ginagawang masama! Sinasaktan ako ni Enrico! I became a battered wife because of him!" singhal ni Glory na ipinagtanggol pa ang sarili ngunit hindi niya na kaya pa ang mga nagaganap kung kaya't kinuha niya ang bag niya. "Excuse me, Cale, Cole, halika na," saad ni Glory. "Hindi mo k
Pinagmasdan ni Ralph palayo ang police car na lulan ni Glory, gusto niyang sagipin ito, gusto niyang ilayo ito sa lahat ng kahit sinong mananakit dito ngunit ngayon ay halos hindi niya magawa, nanghihina siya at hindi niya malaman kung anong gagawin. Samantala, napalabas din sila Joaquin at Renzo nang makita nila iyon ngunit naabutan nilang umaalis na ang mga pulis at palayo na ng mansyon. "Anak ng teteng, akala ko alam ni Ralph ang tungkol dito, hindi pala, tsk tsk," saad ni Renzo. "Bakit hindi mo kasi sinabi na magpinsan pala kayo ni Enrico at tiyahin niyo si Mrs. Villanueva?" tanong ni Joaquin. "Eh akala ko nga alam ni Ralph kasi sige lang siya ng kalalapit kay Glory eh dahil nga hiwalay na sila ni Enrico nung nasa Cruise Ship tayo diba? Malay ko ba na magkakaganito," saad ni Renzo na nahilot ang sintido. "Pambihira ka oh," saad ni Joaquin kay Renzo at nilapitan si Ralph. "Don't worry, kukuha ako ng magaling na lawyer," saad ni Joaquin at tinapik ang balikat ni Ralph. "Hindi
PENTHOUSE"Daddy! Daddy! Ang tagal bumalik ni mommy! nasaan ba siya? Naka dalawang tulog na ako wala pa din," saad ni Cale. Nagbibihis naman si Ralph dahil hindi niya pwedeng pabayaan ang trabaho niya. "Babalik din siya, I promise," saad ni Ralph sa anak ngunit maging siya ay hindi sigurado. "Daddy, nag vacation ba si Mommy? Siguro ayaw niya na kami alagaan kasi makulit kami ni Cale," saad naman ni Cole na nalungkot. "No kiddo, of course not," saad ni Ralph at saka hinawakan ang magkabilang balikat ng dalawa niyang anak at yumuko upang makita ang mga mukha nila. "Ito ang tatandaan niyo mga anak, mommy and daddy loves you so much. You're the best thing that ever happened in our lives," saad ni Ralph na pilit kinukumbinsi ang mga bata. "Eh bakit wala dito si mommy kung love niya kami?" saad ni Cale. "Mommy is just busy, okay? Pero gagawa ako ng paraan para magkasama-sama tayo ulit, pangako yan," saad pa ni Ralph. "Okay, Daddy," saad ng kambal na yumuko at napabuntong hininga na
“We’re presentable now! you can come in.” saad ni Bruce na pinagbuksan ng pinto si Ralph at Glory. Naka-cross arms naman si Danice habang nakasandal sa table ni Bruce. “Dad, Learn to knock, will you?!” inis na saad ni Danice. “Care to explain why you're here?” tanong ni Ralph sa anak. “Dad, this is Bruce, my boyfriend.” pakilala ni Danice kay kay Bruce. “Yeah, I know Bruce pero hindi ko alam na mag boyfriend kayo.” “Now, you know.” “Nice to meet you, Sir, I’m Bruce Alvarez.” pakilala naman ni Bruce sa sarili at inilahad ang kamay niya kay Ralph. Tinanggap naman iyon ni Ralph at nag shakehands sila. “Well Bruce, I don't see anything wrong. You look like a decent man for my daughter and if you can handle her then–”“Hinding hindi ko po siya sasaktan, mahal na mahal ko po ang anak ninyo, wag ho sana kayong mag-alala.” saad naman ni Bruce sa sinserong mga mata. “Okay, sabi mo eh… but please, could you use some protec–” “Honey! nasa tamang edad na sila! wag mo ng pagbawalan ang
Nang makatulog ang mga bata ay sinenyasan siya ni Ralph na mag shower sila. Nauna na si Ralph sa bathtub at sumunod naman siya at naghubad ng damit. “Honey, still mad?” tanong niya kay Ralph sabay yakap dito ngunit isinandal lang ni Ralph ang ulo niya sa balikat ni Glory. “Hindi ko na alam gagawin ko sayo Glory, this is madness.” saad ni Ralph na hinimas-himas ang braso niya. Nagsalin naman si Glory ng alak sa baso at uminom silang dalawa dahil alam niyang pag lasing lang siya nagkakaroon ng lakas ng loob magsabi kay Ralph ng totoo. “Tell me now, everything.” “I don't know where to start.” saad ni Glory at tinungga na yung isang bote ng Brandy. “Hey, enough of that.” pag-awat naman ni Ralph na inagaw kay Glory yung Brandy. “What's going on, Glory?” Naiiyak na siya sa harap nito at nangangatog na naman. Para siyang nagkakaroon ng panic attacks sa tuwing naaalala niya ang mga sinabi ni Enrico. “Si Sonia, nakatakas siya.” “Ano?!” “Nakausap ko si Enrico.” “Nagkita kayo?!” “No
“Buo na ba ang desisyon mo?” tanong ni Ralph kay Glory habang nakaupo sila sa sofa. Tulog na ang mga anak nila at sila nalang ang naiwan sa sala habang nanunuod ng TV. “Oo, I really want to work again, Ralph,” “Kasi yung mga bata lang yung inaalala ko.” “Ralph, they're gonna be fine, I promise.” saad pa ni Glory na hinawakan ang kamay ni Ralph. Mas lalo tuloy siyang nahihirapan ngayon. Ayaw niyang maging maramot sa anumang naisin ni Glory ngunit nag-aalala siya. “Pwede bang… wag ka muna magtrabaho? hindi naman sa ayaw kitang payagan, nag-aalala lang talaga ako, sana maintindihan mo.” saad ni Ralph kay Glory.“Honey, I’m fine, everything will be fine, I promise. Just give me a chance, please?” “Okay, sige, kung ‘yan ang gusto mo but please, mag-ingat ka. I don't want some random people calling me saying that you're in trouble again.” “Not gonna happen, I promise.” Labag man sa kalooban niya ngunit pinayagan niya si Glory at nagtiwala siyang hindi ito mapapahamak kung kaya't na
KINABUKASAN ay nag asikaso na si Glory. Inayos niya muna ang mga uniporme na gagamitin ng mga bata sa school pati na rin ang mga gamit ng mga ito at gumawa ng baon ng mga ito at saka siya nagbihis. She needs to go out. She needs to work at iyon ang hindi maintindihan ni Ralph.Hindi ito umuwi kung kaya’t siya na ang nag asikaso sa mga bata. Ayaw niya munang makipagtalo dito kung kaya’t ginawa niyang abala ang sarili. Nang makapasok ang mga bata sa school ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp.ngunit laking gulat niya ng naroon si Ralph at tila tulog na tulog pa dahil sa labis na kalasingan.“Tumawag sa akin yung bodyguard ko ng hating gabi at ang sabi nga ay nagpipilit daw pumasok ang gago na yan dito sa Opisina ko at may hawak na alak kaya sabi ko sa guard ay hayaan na lang dahil wala rin namang saysay makipagtalo pa sa taong lasing,” paliwanag ni Joaquin habang hinihilot ang sintido. “Pasensya ka na, nag away Kasi kami kagabi eh, actually, ayaw niya pa akong papasukin sana, a
3 months later… Naka recover na si Glory ngunit wala pa rin siyang maalala at kahit na ikinuwento na ni Ralph sa kanya ang mga nangyari ay nananatiling misteryo para sa kanya ang pagkabuhay na muli dahil sa ulo siya napuruhan ng baril. Napag isipan niya namang mabuti ang tungkol sa pag uusap nila ni Joaquin at ang sabi ng kaibigan ay magsabi lang kung handa na siyang bumalik sa trabaho upang maipaayos ang kanyang opisina ngunit kailangan niyang puntahan ito ng hindi nakaayos. Umaasa pa rin siya na may maalala kahit kaunti. Pagkahatid niya sa eskwelahan ng mga anak ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp. Sa unang sulyap pa lamang ay tandang tanda niya na ang lugar. Nakita niya ang mga nalalantang bulaklak na naroon, binasa niya ang card at galing lahat iyon kay Ralph. Ganon siya kamahal nito. Lumapit siya sa desk niya at binuksan ang mga drawers, nakita niya doon ang isang maliit na picture frame at pagtingin niya ay wedding photo nila iyon ni Enrico na ex husband niya
Maghapon silang nag usap dahil miss na miss nila ang isa’t isa. Gayon din ang mga anak na halos ayaw umalis sa private room ni Glory kung kaya’t ginawan sila ni Ralph ng higaan upang makatulog ng komportable ang mga bata. “Hon, are they sleeping now?” tanong ni Glory dahil hindi na siya mapakali. Masyadong nakakaakit si Ralph ng mga oras na iyon. "Oo, tulog na," saad ni Ralph na lumapit kay Glory at umupo sa gilid ng kama nito.May mga bagay pa ring hindi nagbago kay Ralph katulad na lamang kanyang pananamit. Gwapong gwapo pa rin ito sa simpleng white long sleeve polo na tinupi niya ng ¾ ang manggas habang nakabukas ng bahagya ang butones nito sa may bandang dibdib. Napakagat ng labi si Glory. She wants him so bad. Hindi na napigilan ni Glory ang kanyang sarili at para bang may sariling isip ang kanyang mga kamay na gumapang sa pagkalalaki ni Ralph. “Glory… hindi ka pa tuluyang magaling, baka makasama sayo,” saad ni Ralph na tila nahihirapan ang mukha. Pinipigilan niya ang saril
“Tell me now, I’m ready,” saad ni Glory kay Ralph. “Well, after I got treated at the hospital, Enrico voluntarily helped me to save you,” saad ni Ralph, may lungkot sa kanyang mga mata habang iniisip ang nakaraang pangyayari. Muling bumalik sa ala ala ni Ralph ang lahat ng nangyari ng mga panahong iyon. “Okay, that’s it, that’s good, aalis na ako Ralph, kailangan kong iligtas si Glory but you’re coming with me Luz,” mariing saad ni Enrico kay Luz. “As if I have a choice, jerk!” sarkastikong saad ni Luz. “No!” mariing saad ni Ralph kay Enrico. “What the fuck do you want?! there’s no time! kapag hindi ko naabutang buhay si Glory, tapos tayong lahat Ralph!” singhal ni Enrico. “I’m coming with you!” “Hindi ka pa magaling, Ralph,” “Listen, you asshole! ikaw ang nagdala sating lahat sa sitwasyon na ‘to kaya tutulungan mo akong makaalis dito at pupunta tayong dalawa kay Glory!” mariing paninindigan ni Ralph. “Sigurado ka bang kaya mo na?!” galit na saad ni Enrico. “I’m losing her
Nagising na nga si Glory ng sandaling iyon. Noong una ay puro puti at maliwanag lamang ang nakikita niya ngunit unti-unti na ring luminaw at nakita niya sa tabi niya si Ralph. “Honey, you're finally awake…” saad ni Ralph na ngayon ay nakaupo sa tabi ng kama nito. Walang maisagot si Glory kundi ang pagtulo ng kanyang mga luha sa maganda niyang mukha. Hindi siya makapaniwalang buhay siya. Isa iyong himala dahil hanggang ngayon ay siguradong sigurado siyang napuruhan siya ng bala ng baril ni Sonia sa kanyang sintido na dahilan kung bakit siya nakatulog ng napakahabang panahon. Nag e echo sa isip niya ang tunog ng gatilyo at ang pagsabog non sa kanyang ulo. Malamig na parang wala na siyang buhay ng mga oras na iyon. Masakit. Sobrang sakit na pakiramdam mo ay paulit ulit kang pinaparusahan at nakakatrauma na parang gusto mo na lamang magtago. “Glory… are you alright? gusto mo bang magpahinga muna?” tanong ni Ralph na nagpabalik sa kanyang ulirat. “The kids… where's Cale and Cole?..
Bumisita si Rosenda sa ospital kung nasaan si Glory dala dala ang isang malaking box na pinaglalagyan ng wedding dress nito. Gaya ng dati ay natutulog pa rin ito ng mahimbing. “Tita Glory, nagawa ko na itong wedding dress mo, ikaw na lang ang kulang, please wake up,” saad ni Rosenda. “Ma’am Rosenda, saan ho ito ilalagay?” tanong ng lalaking staff nito na may hawak na mannequin. “Uhm, dito na lang po sa gilid, kuya,” saad ni Rosenda na tinuro ang sulok sa hospital room nito. “I want to flaunt this here at your room so I hope you don't mind, Tita,” saad ni Rosenda habang binibihisan ng wedding dress ang mannequin. “Hindi naman siguro magagalit si tito Ralph nito diba?” saad pa ni Rosenda habang inaayos ang wedding dress. “Alright, tapos na! alam mo, I always imagined na malapit ng dumating yung time na masusuot mo na itong wedding dress na pinagawa mo sa akin,” saad pa ni Rosenda habang nakangiti sa natutulog na si Glory. “Please, wake up Tita, your family needs you. Ang kambal mo