Share

Kabanata 4

Author: Gailines
last update Last Updated: 2022-12-19 23:24:43

"Levi, ikaw ba 'yan?" tanong ko sa taong nakaupo sa kubo.

Hindi ko alam pero habang papalapit ako sa kung nasaan siya, kahit malayo paman ako ay hindi ko maiwasan na mapansin kung paano niya pahidan ang gilid ng kaniyang mga mata.

"Ikaw nga." pag-kumpirma ko rito. Hindi siya ngumiti sa'kin katulad ng nakasanayan ko.

"Ikaw pala 'yan, anong ginagawa mo dito?" ikaw ang dapat kong tanungin niyan.

"Wala lang naisipan ko na maglakad lakad hanggang sa mapadpad ako dito." ngumiti ako dito para hindi naman masiyadong awkward.

Matagal din naging tahimik ang paligid sa pagitan namin. Naninibago ako.

"Yung papa ko... hindi kami okay." bigla siyang nagsalita. Natuon naman ang pansin ko sa kaniya para iparating sa kaniya na nakikinig ako.

"Nakakapagod.." tumigil muna siya sa pagsasalita bago tumingin sa'kin. "May alam ka ba na part time job?"

Naawa naman ako sa kaniya dahil kitang kita ko sa mga mata niya na para bang nahihirapan na siya.

"Gusto mo sumama saakin na maghanap ng trabaho?" tanong ko dito. "Pero kung ay--"

"Gusto ko!" halos magulat pa ako dahil halos pasigaw na niya itong sinabi.

Hindi ko alam na may ganito din pala siyang side. Buong akala ko ay isa siya sa mga clown ng class room pero sabi nga nila don't judge a book by its cover.

Sa masaya at makulay niyang personality ay may tinatago din pala itong lungkot at problema.

Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga para sana iwasan si Levi dahil nung pagkauwi ko lang narealized yung pag-aya ko sa kaniya. Naalala ko tuloy yung sinabi nung babae na leader ng mga pokspoks.

"Classmates wala pala tayo ngayon klase. Half-day lang daw tayo dahil may mga meetings daw na dapat attendan ng ating mga teachers." Biglang nagkakulay ang class room nung i-announced ito ng aming Class President.

"Tara na mag-apply" hindi ko na namalayan ang paglapit sa akin ni Levi.

Anong apply ang sinasabi nito e, wala nga kaming dala na kahit isang requirements at kahit nga resume ay wala kami.

"Wala pa tayong requirements." sabi ko dito.

"May nakita ako na coffee shop malapit dito sa school. Tumatanggap sila kahit student." nakita ko naman ang ngiti nito habang sinasabi niya ang bawat salita.

Hindi niya ba ako naintindihan?

Bago paman ako makapagsalita ay naramdaman ko nalang ang paghila niya sa'kin. Yung ibang gamit ko na-iwan!

Pero bago paman kami makalayo ay natanaw ko ang masamang tingin na binibigay sa akin ng tatlong bibe.

"S-Saan ba kase tayo pupunta?" Hindi ko na ma-iwasan na magtanong pa dito. Hinihingal na ako sa kaniya dahil hanggang ngayon ay tumatakbo pa din kami at ang lalaki ng hakbang niya!

"Nandito na tayo!" nahimigan ko ang excitement sa boses niya.

Nilibot ko ang mata ko sa labas ng coffee shop, maganda ito at mapapansin mo din ang pagka-modern ng design.

May nakita kami ni Levi na karatula sa gilid ng pinto nito kaya naman nilapitan ko muna ito para basahin.

"No requirements required?" Basa ko dito. "Students only with the name of Levi and Celestine?"

Gusto kong matawa dito pero coincidence lang ba ito o may nanti-trip sa amin ni Levi.

"Tara pumasok." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para makapasok sa loob.

Nakita ko pa ang sabay sabay na pagtingin ng mga staff saamin at halos lahat din sila ay sabay sabay na nagulat.

"Si---" hindi na natapos ang sasabihin nung babae na isa din sa mga staff dito dahil tinakpan na nung babaeng kasamahan niya ang kaniyang bibig.

"Welcome! Ma'am and Sir!" bati nung babae na nagtakip nung bibig nung isa.

"Gusto po sana namin mag-apply." nakangiti ko na sabi.

Sinamahan naman niya kami sa manager nila para sabihin ang aming pakay.

"Mag-aapply kayo? Hmm... name please." sabi nung manager na bakla at parang may isinusulat pa ito sa papel.

"Celestine Calli Grey po and ito naman po si Isaiah Levi Ferrer." pagpapakilala ko.

"Okay tanggap na kayo." hindi ko alam ang irereact ko dahil sa sinabi niya. Paano kami natanggap?

"Joke po ba 'to?" hindi makapaniwala na sabi ko rito.

Nakita ko naman ang pagseryoso ng mukha niya. Okay seryoso siya.

"No, We want to do interviews." malamyang sabi ni Levi. Sinipa ko pa ang paa nito para ayusin ang pananalita.

"That's right Sir, I'm sorry." pagpapaumanhin ng manager at parang may tinype pa siya sa computer bago tumingin sa'min.

"Eto ang oras ng magiging schedule ng interview niyo. See you there!" masaya nitong sabi.

Pero bago kami umalis ay may sinabi din siya about sa mga events na ginagawa ng coffee shop na ito. And now ang main focus daw ng coffee shop na ito na makatulong sa mga students na naghahanap ng trabaho.

Yung about naman sa events na ginagawa nila ay isa din naman na nakakatuwa dahil pumupunta sila sa mga bahay-ampunan para magpasaya ng mga bata at tumulong sa mga ito. Nagpapakain din sila sa mga pulubi.

"Ang ganda pala ng ginagawa ng shop na ito." hindi ko maiwasan na matuwa dahil ang laki ng tulong na binibigay ng shop na ito para sa mahihirap.

Nagpaalam na din kami matapos makuha ang schedule at matapos kaming i-ulit sa buong coffee shop.

Ngayon ay nandito kami ni Levi sa 7/11 at kumakain ng ice cream. Libre niya daw ako dahil may chance na makapasa kami sa interview.

"May isusuot ka na ba sa sabado para sa interview?" tanong nito bigla saakin sabay dila ng kaniya ice cream.

"Meron naman akong damit saamin na formal, okay na siguro 'yon." Sagot ko dito.

"Cheer's!" bigla niyang pinagdikit ang aming ice cream kaya naman nung ihihiwalay na niya sana ay sumama sa ice cream niya ang ice cream ko!

"Yung ice cream ko!" pagmamaktol ko dito, pinalo ko pa siya ng mahina dahil sa inis.

"Tignan mo ako."

Nakita ng dalawang mata ko kung paano niya kainin lahat ng ice cream kaya naman nakaramdam agad siya ng pagka-ngilo. Buti nga sa kaniya!

"Yan karma mo, bitch!" Hindi ko maiwasan na tawanan siya dahil sa kaniyang itsura habang nangingilo.

"Ang ganda mo talaga, Celestine."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dating the Billionaire's Son   EPILOGUE

    "Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 62

    "Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 61 - After 5 years

    Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 60

    Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 59

    Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 58

    [WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status