Share

Chapter Thirty-nine: Imprisoned

Third person's point of view

"Huwag ka ngang puro sorry diyan! Sagutin mo ang tanong namin. Nasaan si milady?" nakatiim-bagang na tanong ni Lucian. Nakakuyom na ang kaniyang mga kamao. Hindi niya makapa ang kaniyang emosyon. Galit, pagka-inis, kaba at takot. Halo halo na ang kaniyang nararamdaman para na siyang sasabog.

Hikbi lang ang tanging isinagot sa kaniya ni Acheron at nanatili itong nakaluhod. Mas lalong nagpuyos sa galit si Lucian. "Ano ba!" sigaw niya ulit. Nagtatagis ang mga ngipin niya sa galit at parang malalagot na ang litid niya sa lakas ng kaniyang sigaw.

"Acheron.." nangingilid ang luhang tawag sa kaniya ng kaniyang ina.

Hindi siya makapagsalita. Hindi matagpuan ni Acheron ang boses niya. Pakiramdam niya ay bigla siyang na-pipi. Hindi niya kayang sabihin na wala na Tanisha kaya't ang Emperatrice na ang nagsalita bagamat katulad ni Acheron ay hirap din ito.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status