"Ang kapatid ng Emperatrice.." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at kusa akong napalingon kay Acheron.
'1%' wika niya sa isip ko. Posible kayang..
"Ma..may kapatid pa ba sila?" tanong ko ulit kay Ryleigh pero si Lucian na ang sumagot. "Meron. Si Headmistress." Nawiwindang ako sa mga nalalaman ko. Kung ganoon posibleng ang Emperatrice o si Headmistress ang ina ko?
"Bakit niyo ba inaalam 'yan?" tanong ni Donovan.
"Thank you."
Imbis na sagutin ni Acheron ang tanong nito ay pinasalamatan niya lang 'to. Muli kong sinulyapan ang bangkay at sa gilid nito ay nakatayo si Headmistress na wala man lang bahid na kahit anong emosyon ang mukha. Posible kayang ikaw ang aking ina..
"Pero sino kaya ang pumatay sa kaniya? Sigurado akong magagalit ang Emperatrice sa oras na makarating sa kaniya 'to," pahayag ni Ryleigh.
"Bakit hindi natin imbestigahan?" suhesty
Ryleigh's point of viewPag-alis ni Tanisha ay siya namang dating ni Lucian. Hindi ko alam kung paano siya nakapunta dito gayong bawal ang mga lalake sa dorm namin. Hindi ko man alam kung paano siya nakapunta dito ay tiyak ko naman na alam ko ang dahilan ng pagpunta niya."Tuwing umaalis siya, kay Prince Acheron siya napunta hindi ba?" diretsong tanong niya. Nababakas ko sa kaniyang tono ang pagkalungkot at tuluyan na ngang bumagsak ang mga balikat niya nang tumango ako."May gusto ka kay Tanisha no?" kaswal na tanong ko sa kaniya.Nagulat siya pero agad din siyang tumawa. "Ganoon ba ako ka-obvious?" natatawang tanong niya. Kung alam niya lang, tanga na lang siguro ang hindi
Third person point of viewPrenteng nakaupo ang isang ginang sa kaniyang balkonahe habang nakangising nakatunghay sa kaniyang sinasakupan."Hindi ko lubos akalain na ilang taon ko na silang nililinlang," ani niya sa sarili at humalakhak nang nakapangingilabot. Natigil lamang siya nang may tumikhim sa kaniyang likuran. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan para tingnan kung sino ang kaniyang bisita."Kamahalan, naririto po ang hari ng—" hindi na niya pinatapos ang taga-sunod at sumenyas siya na papasukin na ang naturang hari. Pagka-alis ng taga-sunod ay siya namang pasok ng hari. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ng ginang nang matanaw kung sino iyon.Bahagyang yumukod ang hari at hinagkan ang ginang. "Kamahalan, ilang taon na ang lumipas ngunit hindi parin ako masanay sa bago mong katauhan.""Huwag kang mag-alala aking mahal, sandali na lamang. Kaunti
"You are the lost princess?" gulat na tanong ni Olivia. Yes, si Olivia 'yong lumabas galing sa dulong cubicle. Pagka-minamalas ka nga naman oh."No. I'm not," matigas na sagot ko. Aalma pa sana si Ryleigh pero pinanlakihan ko siya ng mata. Sumiksik siya sa gilid ko at bumulong. "Hindi ko maatim na panoorin ang babaeng 'yan na binabastos ang isang prinsesa lalo ka na. Kakalbuhin ko na talaga 'yang kahit isa rin siyang prinsesa." Mas lalo ko lang siya pinanlakihan ng mata at bumulong pabalik. "Let me handle this woman.""Anong binubulong bulong niyo diyan?" mataray na tanong ni Olivia. Kung pwede ko lang isampal sa kaniya ang mga alam ko, ginawa ko na but this is not the right time for that. There's always a perfect time for everything. "So you are claiming that you are the lost princess?" she asked with her brow raised.I slowly shook my head and raised my brow higher than hers. "I did not claim anything,
"The headmistress is planning something," Acheron muttered. I nodded my head to show my approval. "Definitely." Lumingon-lingon siya sa paligid para siguro tingnan kung merong nakakarinig o nakakakita sa amin. Nang masiguro niyang walang nakakakita sa amin ay lumingon siya ulit sa'kin."Let's talk about this somewhere else."I know exactly where is that somewhere else. Nauna siyang naglakad papunta sa hide out habang ako naman ay naka-sunod lang sa kaniya. Tinitignan-tingnan ko din kung may nakasunod sa amin. Wala naman kaya napanatag na ako. Pag-akyat namin sa hide out ay nagdiretso agad siya sa paborito niyang upuan at ipinagsalin ang kaniyang sarili ng tubig at inubos ito sa isang tunggaan lang. Hindi naman siya uhaw na uhaw no. Pinapanood ko lang ang mga bawat galaw niya at hindi mo maipagkakailang isa nga siyang prinsipe dahil sa pino ng mga galaw niya."We need to find out her plan. Kung ang trono ang gusto niya pero
Third person point of viewMalapit sa hardin ng kanilang dormitoryo ay taas noong naglalakad si Lady Allison. Ang bawat kapwa estudyante niya ay nangingilag sa tuwing mapapatingin sa kanila ang naturang binibini. Kilala siya ng karamihan bilang isang tahimik at misteryosong anak ng heneral. Ni hindi nangiti o natawa, laging walang emosyon ang kaniyang mga mata. Wala rin itong masyadong kinakausap na kahit na sino kaya nananatiling misteryo ang kaniyang katauhan. Kung siya ay ipalalarawan sa mga taong nakasalamuha na niya gamit ang isang salita ang tanging masasabi lang nila ay 'tuso'.Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isang Sarzon ang binibini ngunit ang hindi nila alam ay ang kakayahan nito bilang Sarzon. Sa taong pamamalagi niya sa unibersidad ng Trealvale kailan man ay hindi nila nakitang ginamit ng binibini ang kaniyang mana. Ang kaniyang natural na kakayahan sa pakikipaglaban ay matuturing ng malakas, paano pa kaya
A violent nudge to my elbow had me jerk awake. Upon opening my eyes the first thing I saw was the annoyed face of Ryleigh, her eyebrows almost formed one line from creasing too much. Let me guess, I've been in a deep slumber and she's been waking me up for too long."Eto kape," wika niya at inilapag ang tasa ng kape sa lamesita malapit sa kama ko. Still half asleep, I jumped out of my bed almost carrying my limbs. I turned my slightly open eyes on the table and lifted the cup then smelled it. The aroma of caffeine ran down my nostrils. How much I love mornings and coffees. The smell still lingers. I was about to drink the coffee when I remember something. It's a memory of me drinking an awfully done coffee."What is this? If this is a caffeinated slug then I don't want it," I said and place the cup back on the table. I swear to myself na hindi na ulit ako titikim ng kape na 'yon. Iniisip ko pa lang ay parang masusuka na ako.
Nababalot ng katahimikan ang buong kwarto, tanging mga kalansing lang ng mga inaayos naming gamit at hangin ang maririnig. Isinilid ko sa lalagyan ng aking espada ang mapa at isinukbit 'to sa aking likod. Tahimik at walang sali-salitang naglakad kami papunta sa tapat ng forbidden garden. Bago pa man kami tuluyang maghiwa-hiwalay ay tinapik ni Ryleigh ang braso ko at si Miranda naman ay ginawaran ako ng ngiti. Ngiting hindi ko alam kung makikita ko pa ulit. Ang pakiramdam ko ay sasabak ako sa isang gyerang walang kasiguraduhan kung makakauwi pa kami ng kumpleto. Just by thinking about it, parang dinudurog na ang puso ko.Puno na ng mga estudyante ang palibot ng forbidden garden nang makarating kami dito at nasa unahan na rin si Headmistress at ang aming mga propesor. Tumabi ako kay Lucian na nakatayo sa tapat ng ikatlong gate. May limang gate ang forbidden garden at kada isang gate ay isang pares ng kalahok lang ang pwedeng pumasok.
Donovan's Point of ViewKanina pa kami nakaupo dito at hindi umuusad. Nang makasalubong kase namin sina Acheron kanina ay panay na ang reklamo ni Lady Iqra na masakit na ang mga binti niya kaya wala na kaming nagawa kundi ang magpahinga. Hindi ko rin mapag-aralan ang mapa dahil hindi dapat malaman ni Lady Iqra na ninakaw namin ito mula kay Headmistress. Hays. Ang dilim dilim pa naman, pakiramdam ko sobrang haba ng gabi dito, naiinip na ako at napapanis na ang laway ko. Wala akong makausap dito."Magpatuloy na tayo," pagbasag ni Acheron ng katahimikan.Kasabay ng pagtayo ko ay napasigaw ako. "Sa wakas!" Naginat-inat ako dahil pakiramdam ko kinalawang na ang mga buto ko. Akmang maglalakad na ako pero nabitin sa ere ang binti ko nang magsalita si Lady Iqra."Saglit lang.. mamaya na. Magpahinga muna tayo.." Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Lady Iqra at Acheron