Share

Chapter Twenty-five: The Start Of Battle Royale

Nababalot ng katahimikan ang buong kwarto, tanging mga kalansing lang ng mga inaayos naming gamit at hangin ang maririnig. Isinilid ko sa lalagyan ng aking espada ang mapa at isinukbit 'to sa aking likod. Tahimik at walang sali-salitang naglakad kami papunta sa tapat ng forbidden garden. Bago pa man kami tuluyang maghiwa-hiwalay ay tinapik ni Ryleigh ang braso ko at si Miranda naman ay ginawaran ako ng ngiti. Ngiting hindi ko alam kung makikita ko pa ulit. Ang pakiramdam ko ay sasabak ako sa isang gyerang walang kasiguraduhan kung makakauwi pa kami ng kumpleto. Just by thinking about it, parang dinudurog na ang puso ko.

Puno na ng mga estudyante ang palibot ng forbidden garden nang makarating kami dito at nasa unahan na rin si Headmistress at ang aming mga propesor. Tumabi ako kay Lucian na nakatayo sa tapat ng ikatlong gate. May limang gate ang forbidden garden at kada isang gate ay isang pares ng kalahok lang ang pwedeng pumasok.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status