Share

Daxon Atlas Walker(Wild Men Series #7)
Daxon Atlas Walker(Wild Men Series #7)
Author: Nicole Park

WMS7: Chapter 1

2011

"Wala kang kwentang anak! Wala ka ng magandang naidulot sa pamilyang ito kundi puro kamalasan!"

"Ikaw ang malas! Hindi mo lang matanggap na wala kang kwentang ama kaya you found me as a scapegoat. You're a loser, Adam Walker!

"You son of a bitch! You got the balls to disrespect me!"

"At least I have balls, devil! Unlike you, you don't have the balls to admit that you're a loser, dimwit!"

This is where my conversation with my dad always goes. He was blaming me for my mother's death. I know he loves my mom that much, so do I. But is it my fault? My mom took her body to dodge the bullet that was meant for me when I was a kid. I was kidnapped with my twin sister Devon by people I don't know. Until now I couldn't figure out why things went wrong.

"Dad, Kuya, please stop! Lagi na lang kayong nag-aaway. Wala na bang katahimikan sa bahay na 'to sa tuwing nagtatagpo ang mga landas niyo? Para kayong mga bata," my twin sister said suddenly. Hindi ko namalayang nandoon pala siya. Nakatanghod sa amin sa ibaba.

I looked up at the stairs. There, I saw her, tears streaming down her face looking at me and my dad alternately.

Muli na namang binaha ng katanungan ang aking isipan nang mapatingin ako kay dad. I can see tenderness in him when he sees Devon on the stairs. He then scurried to reach her but Devon ran back to her room.

Am I his son?

Ito ang lagi kong naitatanong sa isipan ko kada maalala ko kung paano niya ako tratuhin. Parang hindi isang anak ang turing niya sa akin. He always told me that I am the reason why my mom died. Anong alam ko? Bata pa ako nang mangyari 'yon. Why does it seems that it was my fault? But I am not convinced. There is something deeper I know. But what is it? Parang sasabog ang ulo ko sa pag-iisip.

I glared at him bago pumihit patalikod.

Aalis para makaiwas sa maaring sagutan na naman naming mag-ama. Binuksan ng isang tauhan ni daddy ang pintuan para sa paglabas ko pero napatigil kaming pareho nang magsalita ito.

"Accept your grandpa's offer. That way, you can find those people responsible for your mom's demise. And maybe, maging proud na ako sa 'yo."

Parang bomba sa pandinig ko ang sinabi ni dad. His voice echoed in my mind. Paulit-ulit na isinisigaw ang lolo ko at ang grupo nito.

Grandpa!

Kulto!

Hindi ako tumugon. Deretso akong lumabas na hindi man lang siya nilingon.

Barrel Emporium, Makati

Nasa bar counter ako waiting for my cousin Elliot. I called him while on my way here in the bar. Isa ito sa ipinatayo kong business at my young age. I'm nineteen and I have enough funds from my grandpa to build a business of my own at ito ang naisip kong itayo. Ayokong umasa kay daddy at baka idagdag pa niya sa isusumbat niya sa akin. Blaming me for my mom's death is enough.

Damn!

Until now, I can't forgive him for what he's done to me. Wala na yatang pag-asa na maging maayos ang relasyon naming mag-ama.

I clenched my teeth when I thought of what he said. Me? Become a cult leader? Tinungga ko ang nalalabing alak sa hawak kong kopita nang maalala ang sinabi niya. Grandpa doesn't usually talk to us, to me and Devon. His messages always pass through our dad. Kahit ang ipinapadala niyang pera sa amin ay deretso lang sa aming mga bank accounts. I even barely remember what he looks like. I just saw him once. Sa huling sandali ni mommy. Sa araw ng libing niya, sa family mausoleum namin sa probinsya na siya rin ang nagpagawa. Sadyang nauna lamang si mommy sa kanya.

"Hey, Dax! What's up!"

Napalingon ako nang marinig ang boses ng taong hinihintay ko. My cousin Elliot James Hart. Magkapatid sina mommy at tita Erina, Elliot's mom.

As usual, kahit masigla ang boses nitong tinawag ako, wala pa ring nabago sa aura nito. The suplado vibe was there. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon but we're close.

"Elliot!"

Bumaba ako sa kinauupuan kong bar stool and naglakad pasalubong sa kanya. I mean sa kanila. Napadako ang tingin ko sa lalaking kasunod niya.

"By the way, Lev, he is my cousin Daxon. Daxon Atlas Walker and Dax, my friend, Lev Petrov."

Pagpapakilala ng pinsan ko sa kasama niya. Mas matanda ito sa amin sa tingin ko. He has a grim facial expression which makes him look mysterious. Tumango lang ako sa kanya at ibinaling ang mga tingin sa pinsan ko.

"Want to have a drink?" alok ko sa kanila.

"No, thanks! I had someone with me when I met Elliot."

"Oh, okay!"

"I met him here. Pero, I wanted to introduce you to each other kaya nandito siya," sabi ng pinsan ko.

"Ah, kaya pala!"

Tanging sagot ko at akmang tatalikod na para sana dalhin sila sa bakanteng private lounge nang may biglang nagkagulo sa isang table na hindi kalayuan sa amin.

My blood boiled when we looked in the direction of the commotion. Eksaktong may lumipad na silya paglingon ko. I didn't waste time and walked swiftly toward the group of people fighting.

"What is happening here?"

My voice amplified the four corners of the bar na ikinalingon ng ibang naroroon. Saglit na tumahimik ang lahat at tila slow motion ang galaw ng kung sinumang siga itong nagwawala sa bar ko.

"Wala kang pakialam dito!"

Pasigaw nitong tugon makalipas ang ilang sandali at inundayan ako ng hampas ng silya pero sinalubong ko ito ng sipa kaya tumilapon ang silya.

"Hindi mo ba ako kilala?" tanong pa nito sa 'kin.

"The hell I care who you are. I just want you to get out of here!" wika ko rin sa mataas na boses.

Nakita ko sa sulok ng mga mata kong nanonood lang ang pinsan ko at ang kasama nito.

"Ah, gano'n ha," wika ng lalaking nanggugulo sabay niya akong inundayan ng suntok. Sinalubong ko ito ng sipa kaya nabuway ito at sumadsad patalikod sa katabing mesa. Hindi pa man ito nakahuma ay dinaluhong ko ito at binigyan ng sunud-sunod na suntok sa mukha. Lalaban pa sana ito pero inawat na ito ng mga kasamahan gano'n din ang paghatak ng pinsan ko sa braso ko para pigilin ako sa maari ko pang gawin sa barumabadong 'yon.

"You are nineteen yet you defeated that guy," wika ng kasama ni Elliot sabay nguso sa papalayong grupo habang inaalalayan ang lalaking nabugbog ko. Medyo may kalakihan din kasi ang katawan ng lalaki kaya sinong mag-aakala na sa edad kong ito ay kaya ko ng mambugbog. Well, kasalanan niya. Teritoryo ko 'to at akin ang batas. Bumalik na rin sa kani-kanilang mesa ang iba na parang walang nangyari.

Bahagya lang akong napatingin sa kanya. Tama siya, I am still young at nineteen pero sinong mag-aakala sa bulas ng katawan ko. I stand six foot and 1 inch with well-built muscles na pinaghirapan ko sa pag-eehersisyo sa gym na nasa loob mismo ng townhouse ko.

"He is the governor's son!"

Napatigil ako sa akmang paglakad pabalik sa bar counter nang magsalita si Elliot. Napatingin ako dito at tumugon.

"So, what? I don't fucking care!"

Si Elliot na mas matanda sa akin ng ilang taon pero we're close. I don't call him kuya. Hindi uso sa akin but I respect him that much. He is one of the few people I trust.

Tumalikod na ako pabalik sa bar counter and ordered vodka at agad ininom in one gulp. Nakasunod lang din sa akin ang pinsan ko at ang kasama nito.

"I'll go back to my company," wika ng kaibigan ng pinsan ko. Hindi ako lumingon. I assumed that he was saying that to my cousin.

"What's the problem that you told me to hurry?" Elliot asks while sitting on the bar stool next to mine. Nakaalis na ang kaibigan niya para bumalik sa mga kasama nito.

"I had a quarrel with dad," tugon ko.

"There's nothing new with that. Lagi naman kayong nag-aaway. Suntukan na nga lang ang kulang sa inyo eh."

"That's not my point. He told me to accept my grandpa's offer."

"What is it?"

"To take over his position as a leader of his cult," I answered nonchalantly.

"What?! Cult?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status