ログインShe was rescued from a dark underground auction by a silent, dangerous billionaire who was never meant to save anyone. What begins as an escape turns into an intense psychological game of control, trauma, and forbidden closeness, as the man who took her from hell slowly loses control of his own heart. In a world of power, secrets, and obsession, safety becomes more dangerous than captivity, and love may be the most reckless decision of all.
もっと見るAmaryllis Kaye POV
Amoy Alikabok, Pawis, at Pekeng Pabango
Kung may award ang pinakapangit na gabi ng buhay ko, siguradong panalo na ako.
Nakatayo ako sa loob ng isang glass case sa gitna ng isang entabladong parang galing sa bangungot. Transparent na kahon, malamig ang ilaw, at ramdam ko ang bawat titig ng mga lalaking nasa paligid. Mga matatanda sila. Mga lalaking amoy mamahaling pabango pero mukhang bangkay na tinapalan lang ng pera. Yung iba may tungkod, yung iba may batang babaeng akay, pero lahat pare pareho ang mata. Gutom. Malagkit. Nakakadiri.
Kung pwede lang magsuka, kanina ko pa ginawa.
“HOY KAYO MGA DEMONYO” sigaw ko habang pinupukpok ang salamin. “MGA WALANG HIYA KAYO”
Walang pumansin.
May lalaking naka tuxedo sa gilid ng stage, may hawak na mikropono, parang auctioneer sa isang livestock market. Pero hindi baka ang binebenta. Babae. Kami.
“Next item” sabi niya, kalmado, parang nagbebenta lang ng antique vase. “Twenty six years old, Filipina, no record, fresh"
FRESH.
Gusto kong kagatin ang ulo niya.
“Hindi ako item” sigaw ko ulit. “TAO AKO”
May tumawa. Isa. Dalawa. Parang nakakatawang eksena sa kanila ang pagkasira ng buhay ko.
Sa totoo lang, kanina pa dapat ako umiiyak. Pero hindi. Galit ang nararamdaman ko. Galit na kayang pumatay. Kung may superpower lang akong laser eyes, siguradong butas na ang lahat ng noo nila.
Tinapik ko ang salamin ulit. “Mga manyakis kayo” bulong ko, pero ramdam ko pa rin ang boses ko na nanginginig.
Bigla akong nakaramdam ng hilo. Hindi ko alam kung dahil sa ilaw, sa amoy, o sa takot na pilit kong nilulunok. Ang huling naaalala ko, naglalakad lang ako pauwi sa Quiapo. May nagtanong ng direksyon. May panyo. Tapos dilim.
At ngayon, eto ako. Naka bestida. Parang regalo. Sa isang ilegal na auction ng mga halimaw.
“Starting bid” sabi ng auctioneer. “Five million”
Limang milyon.
Para sa katawan ko.
“Putangina niyo” pabulong kong sabi.
Biglang may sumigaw mula sa audience. “
Seven”
“Ten”
“Fifteen”
Para akong hinihiwa ng bawat bilang. Parang bawat dagdag ng pera, nababawasan ang pagkatao ko.
“STOP” sigaw ko, kahit alam kong wala akong laban. “MGA ANIMAL KAYO”
At doon nangyari ang hindi ko inaasahan.
Isang malakas na putok.
Hindi baril. Pinto.
Bumukas ang malaking pinto sa likod ng hall. Sumabog ang ingay. Sigawan. Footsteps. Mga lalaking naka itim na uniporme.
“POLICE” may sumigaw.
Akala ko nananaginip ako.
Nagkagulo ang lahat. May mga upuang natumba. May mga lalaking nagtakbuhan parang ipis na binuhusan ng baygon. Yung auctioneer, kanina lang akala mo hari, ngayon nanginginig na parang basang papel.
“FREEZE” sigaw ng pulis.
May putok ng baril. May sigaw ng babae sa ibang bahagi ng hall. Ang ilaw nag flicker. Yung glass case ko, nanginginig.
“HETO NA” sabi ko sa sarili ko. “ETO NA ANG HIMALA”
Tumawa pa ako kahit nanginginig ang tuhod ko. “AMARYLLIS, BUHAY KA PA”
Pero habang nagkakagulo ang lahat, walang lumalapit sa stage. Abala sila sa paghabol sa mga tumatakas.
Abala sila sa pag aresto.
At ako?
Nasa kahon pa rin.
“HELLO” sigaw ko. “NANDITO PA AKO”
Walang pumansin.
Medyo natawa ako sa sarili ko. “Ayos ah. Na rescue pero naka display pa rin”
Biglang may anino sa gilid ng stage.
Isang lalaki.
Hindi siya naka uniporme. Hindi rin siya tumatakbo. Kalmado siyang naglakad papunta sa akin, parang wala siyang pakialam sa chaos sa paligid. Matangkad. Nakasuot ng itim na suit. Hindi siya mukhang kriminal. Hindi rin pulis.
“Hoy” sigaw ko agad. “Kung sino ka man, buksan mo to”
Hindi siya nagsalita. Tumingin lang siya sa akin. Yung tingin na parang sinusukat ka. Parang binabasa ka.
“Uy wag ka namang ganyan” sabi ko. “Hindi ako libro”
Bigla siyang ngumiti. Isang maliit na ngiti lang, pero ewan ko ba kung bakit mas kinabahan ako.
Binuksan niya ang glass case. Ang bilis. Parang alam niya ang ginagawa niya.
“Salamat” sabi ko agad, sabay hakbang palabas. “Tara na bago pa tayo mahuli”
Pero bago pa ako tuluyang makalabas, bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Aray” sabi ko. “Gentle naman kuya, fresh pa nga ako di ba sabi nila”
Hindi siya natawa.
Sa halip, hinila niya ako palayo sa stage. Palayo sa pulis.
“Hoy” sigaw ko, biglang nag sink in ang lahat. “SANDALI LANG”
Tinakpan niya ang bibig ko.
“Shhh” bulong niya sa tenga ko. Malamig ang boses. “Kung ayaw mong bumalik diyan, sumunod ka”
Nanlaki ang mata ko.
Bumalik diyan?
Bigla kong nakita sa peripheral vision ko ang isang pulis na papalapit sana sa stage pero biglang pinigilan ng putukan sa kabilang banda.
Wala akong oras mag isip.
Kaya tumango ako.
Tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko pero hindi sa braso ko. Mabilis kaming naglakad sa likod ng hall, sa isang pintuan na hindi ko napansin kanina.
“Wait” bulong ko. “Hindi ka ba pulis”
Hindi siya sumagot.
“Hindi ka rin trafficker” dagdag ko. “Kasi swear, pag oo, kakagatin kita”
Binuksan niya ang pinto at itinulak ako palabas.
Isang parking area. Madilim. May itim na kotse na nakaandar na.
“AY HINDI” sigaw ko, umatras. “DEJA VU NA TO”
Pero huli na. Binuksan niya ang pinto at halos ihulog ako sa loob.
“Second kidnapping?” sigaw ko. “SERIOUSLY LORD”
Sumakay siya pagkatapos ko at agad nagsara ang pinto. Umandar ang sasakyan.
“Congratulations” sabi ko, hingal na hingal. “You just kidnapped a very traumatized woman”
Tahimik siya.
“Alam mo ba” dagdag ko, “Kung masama ka, sana nag hintay ka na lang sa auction, mas mura pa”
Doon lang siya nagsalita.
“Hindi kita binili” sabi niya, diretso ang boses.
“Kinuha kita”
Mas lalo akong kinabahan.
“Wow” sabi ko, pilit na tumatawa. “Mas comforting pakinggan ah”
Tumingin siya sa akin. Yung titig niya mabigat. Parang may lihim. Parang may dahilan.
At doon ko naramdaman.
Hindi pa pala tapos ang bangungot ko.
Nagsisimula pa lang.
Leandro Iñigo Valeza POVHindi kasama sa plano ang maramdaman ang bigat ng katawan niya sa mga bisig ko.Kasama sa plano ang kunin siya. Ilabas siya. Ilayo siya sa auction bago tuluyang maging imposible. Yun lang. Walang emosyon. Walang pag aalinlangan. Isang malinis na hakbang sa gitna ng gulo.Pero nang buhatin ko siya palabas ng hall, doon ko unang naramdaman na may mali.Magaan siya. Mas magaan kaysa sa inaasahan ko. Hindi dahil payat siya kundi dahil parang matagal na niyang bitbit ang sariling bigat mag isa. Nang mahawakan ko ang braso niya, ramdam ko ang panginginig. Hindi hysterical. Hindi dramatic. Tahimik na takot. Yung klaseng takot na mas delikado dahil sanay na.Narinig ko ang sigaw niya. Malakas. Galit. Hindi iyak. Hindi pagsusumamo. Galit na pilit itinatayo ang sarili.Hindi ko siya tinignan agad. Alam kong kapag tinignan ko, may magbabago.Kailangan kong kumilos.Bumukas ang glass case sa isang galaw. Sanay na ako sa mga mekanismong ganito. Hindi ito ang unang ilegal n
Amaryllis Kaye POVNagising ako sa tunog ng ulan.Hindi yung simpleng patak patak lang na parang background music sa café. Ito yung klase ng ulan na parang may galit ang langit. Malakas. Tuloy tuloy. Parang binubuhos lahat ng bigat na kinimkim buong taon.Nakatitig ako sa kisame ng kwartong hindi akin. Tahimik ang loob pero ramdam ko ang bawat kulog sa dibdib ko. Bigla kong naramdaman ang lamig, hindi sa katawan kundi sa loob. Yung klase ng lamig na hindi kaya ng kumot.Mag isa ako.Biglang bumalik lahat. Ang auction. Ang salamin. Ang mga mata. Ang sigawan. Ang kamay na humila sa akin palayo sa chaos. Ang halik na nagpatahimik sa akin nang mas mabilis pa sa baril ng pulis.Napaupo ako bigla.“Hinga” bulong ko sa sarili ko. “Okay ka pa”Pero hindi. Hindi ako okay.Mas lalo pang lumakas ang ulan. May kulog na parang sumabog mismo sa bubong. Napa yakap ako sa sarili ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko.“Ang arte mo” sabi ko sa sarili ko. “Malakas ka diba”Pero ang totoo, p
Amaryllis Kaye POVTahimik pa rin ang bahay. Yung klase ng katahimikan na parang may sariling tunog. Parang humihinga ang mga pader, parang may matang nakamasid kahit alam mong wala.Nakaupo pa rin ako sa sofa, hawak ang baso ng tubig na hindi ko iniinom. Tinitigan ko lang ang malinaw na laman nito na parang doon ko makikita ang sagot sa tanong kung bakit ako nandito.Behave.Paulit ulit na salitang naglalaro sa isip ko.“Behave ka na ha” bulong ko sa sarili ko. “Para kang bata”Pero hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko. Parang may sariling buhay ang pisngi ko. Kahit ilang beses kong pigilan ang ngiti, kusa pa rin siyang sumusulpot.Nakakainis.Bakit ba kasi ganon.Narinig ko ang yabag ng paa niya. Mabagal. Sigurado. Parang alam niya na sa bawat hakbang niya, may epekto sa paligid. Tumayo ako agad, reflex. Parang may exam na biglang dumating.“Hindi mo kailangang tumayo” sabi niya.“Oo nga no” sagot ko, sabay upo ulit. “Sorry. Muscle memory”Tumingin siya sa akin mula ulo hangg
Amaryllis Kaye POVTahimik ang Lalaking Ayaw Manahimik ang Bibig KoKung may rekord sa pagiging madaldal sa gitna ng trauma, siguro nasa top ten na ako.Sa loob ng kotse, tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. Tanging tunog lang ng makina at ng sarili kong paghinga ang maririnig. Samantalang ako, parang radyo na walang off switch.“Excuse me ha” sabi ko habang yakap ko ang sarili ko, “normal lang ba sa’yo ang mang kidnap ng babaeng kakagaling lang sa auction ng mga manyakis”Tahimik siya.“Hindi ka ba natatakot” dagdag ko. “Kasi ako oo. Very much. As in nanginginig ang kaluluwa ko”Walang sagot.“Alam mo, kung ransom to, wala kang mapapala. Wala akong mayamang kamag anak. Ang meron lang ako ay utang sa tindahan at trauma”Tumingin siya sa daan. Diretso. Walang emosyon.“Kung serial killer ka, sana sabihin mo na. Para makapaghanda ako mentally”Wala pa rin.Napabuntong hininga ako. “Grabe ka naman. Kahit konting reassurance lang. Sabihin mo man lang na hindi mo ako papatayin ngayong gab



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.