"GUSTO ko ng mansanas at peras."Kumunot ang noo ni Cameron habang nakatingin kay Charity na nasa mesa sa terrace na nasa labas ng puting bahay. Pagkatapos nitong magsuka kanina ay heto siya ngayon at sinamahan pa ito sa labas dahil ang sabi nito ay bigla itong nanlambot. Damn, don't get him wrong, he's worried to his child inside her womb, not to her."Are you for real? Halos katatapos mo lang kumain ng pizza," masungit na turan niya rito.Ngumiti ang babae. "Basta, gusto ko ng mansanas at peras," hirit nitong muli."Then, get some."She pout. "Nanlalambot nga ako hindi ba?"Pilit niyang hinabaan ang pasensyang mayroon siya nang mga sandaling iyon. "Fine. I'll tell Servant Kim to bring you some." Tumalikod siya upang puntahan ang matandang lalaki pero muli siyang tinawag ni Charity."Ayoko. Gusto ko ikaw ang magbalat nun para sa akin at ikaw ang magdadala rito," sabi ni Charity na ikinasalubong lalo ng kaniyang mga kilay."Don't play with me. You're not a baby." May himig pagbabantan
"WHAT are you doing here?" Nakasimangot na tanong ni Cameron kay Charity nang mabungaran ito sa harapan ng pintuan ng kaniyang silid nang gabing iyon. "Gusto ko ng gatas," anito na tila batang nanghihingi ng candy. Nagkasalubong ang kilay ni Cameron. "So?" Sarkastikong turan nito. "Gawan mo ako, please?" "Hindi ka baldado." Tsaka niya nilampasan ang babae at bumaba upang kumain ng dinner. Nakasunod pa rin dito si Charity na nakasuot ng mahabang pantulog. "Hindi nga ako baldado pero ikaw ang gusto kong magtimpla ng kape ko," aniya habang habull-habol ang malalaking hakbang ng lalaki. Biglang humarap ang lalaki sa kaniya at halos bumangga siya sa dibdib nito. "Akala ko bang gatas ang gusto mo at bakit naging kape?" Kunot noong tanong ni Cameron sa babae. Natigilan si Charity at napaisip. Kape ba ang nasabi niya? Hirap talaga kapag nagsisinungaling lang. Sa totoo niyan ay ayaw naman niya ng gatas totally, pero naisipan niya lang pagtr
KINAGABIHAN, hindi alam ni Charity kung bakit bigla siyang nilagnat, nanlalamig din siya at hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Baka dahil siguro sa pagligo niya sa dagat kaninang hapon habang malakas at malamig ang simoy ng hangin. Pero dati naman na niyang ginagawa iyon. Namaluktot siya sa gitna ng kaniyang kama at ibinalot ng kumot ang sarili, nais niyang maiyak sa helplessness na nararamdaman ng gabing iyon. Dati naman niyang nararamdaman ang magkasakit at walang ibang nag-aalaga sa kaniya maliban sa sarili niya, at okay lang iyon sa kaniya. Pero iba kasi ngayon, may bata sa sinapupunan niya kaya mas nakakaramdam siya ng takot hindi para sa sarili niya kung hindi para sa anak niya. Wala naman siyang mahingan ng tulong since silang tatlo lang nina Kier at Miss Salve ang nasa isla. Ayaw niyang magsabi sa matandang babae at baka isipin nitong nag-iinarte siya, napakasungit kaya nun sa kaniya, hindi ba? Magtiis ka! Pinasok mo 'yan at dapat mong panindigan. Ka
"HALATANG-halata na ang tiyan mo," komento ni Kier habang kumakain sila ng lunch sa mesang nasa ilalim ng mga puno ng niyog. Napakapresko roon at nakaugalian na nilang doon magtanghalian ng sama-sama. Umalis saglit si Miss Salve at kinuha ang fresh buko juice na pinalamig nito sa ref. "Lalo na kapag busog ako,nakaumbok na," natatawa niyang tugon habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Apat na buwan na ngayon ang tiyan niya at hindi na siya masyado nagke-crave ng kung anu-ano. Isang buwan mahigit na rin pala niyang hindi nakikita si Cameron o nakakabalita man lang dito, noon ngang nilagnat siya ay wala man lang nakuhang kumusta mula rito. Nasanay naman na siyang sila-sila lamang tatlo nina Kier at Miss Salve sa isla. "May naisip ka na bang ipangalan sa kaniya?" Usisa ni Kier na patuloy sa pagkain. Siya namang pagdating ni Miss Salve na dala na ang kinuha. "Pangalan? Ako ba ang magpapangalan sa kaniya? Hinihintay ko pa kung papayagan ako ni Cameron na ako ang
ISANG oras mula nang i-lock ni Cameron ang pintuan sa kaniyang silid, naramdaman ni Charity na tila may bumukas nun. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga at hinintay kung sino ang papasok. Mugto ang kaniyang mga mata dahil sa kakaiyak. Iniluwa ng pintuan si Servant Kim, kasama si Miss Salve na may dalang tubig at iba't ibang pagkain pa. "Miss Charity, kumusta ang pakiramdam mo?" Banayad na tanong ni Servant Kim sa kaniya. Bakas sa mukha ng matandang lalaki ang awa patungkol sa kaniya. Hindi napigilan ni Charity na muling maiyak. Agad na inilapag ni Miss Salve ang mga dalang pagkain sa bedside table at dinaluhan siya. "Huwag kang masyadong mag-iiyak, hija. Makakasama sa'yo at sa bata," nag-aalalang pag-alo nito sa kaniya. "Ayoko dito, Miss Salve. Para naman akong preso rito," aniya sa pagitan ng mga hikbi. Binalingan ni Miss Salve si Servant Kim. "Wala ba tayong magagawa, Servant Kim?" Marahang umiling si Servant Kim. "Ta
"CONGRATS, it's a girl. Babae ang magiging anak mo, Charity." Iyon ang masayang sabi sa kaniya ni Dra. Lesley nang matapos siyang i-ultrasound. Binili lahat ni Cameron ang mga machine na ginagamit ni Dra. Lesley upang hindi na ito magdala pa ng mga kagamitan. Talagang hindi siya nito nais lumabas ng silid na iyon, tama na ang paminsan-minsang lakad niya sa tabing dagat at tumatagal lamang iyon ng thirty minuto. "Babae? Babae ang magiging anak ko?" Maluha-luha niyang ulit sa sinabi ng kaniyang OB. Napakasaya niya, walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya. Tama nga ang nabasa niya noon na 'you will never understand life until it grew inside you'. "Oo, Charity. Pero napansin ko lang, ba't namayat ka at namutla? Huwag mong sabihin sa akin na nagpapaka-stress ka?" Ani Dra. Lesley habang nakakunot ang noo. Marahang tumayo mula sa pagkakahiga si Charity. Inalalayan siya ni Ms. Salve na naroon din sa silid. "Masyado siyang na-stress nang dahil siguro sa pagk
"SOBRANG dami naman po ng mga ito?" Nalululang turan ni Charity nang makita ang napakadaming damit ng kaniyang ipinagbubuntis, branded lahat iyon alam niya at talagang napakadami! Dala ni Servant Kim ang mga ito at ibinigay sa kaniya nang umaga paggising niya. "Inutusan akong bumili ng mga 'yan ni Sir Cameron. Nagpatulong ako sa kakilala kong maalam sa mga gamit pambata." Nakangiting saad naman ni Servant Kim na nakatayo sa paanan ng kama. Tahimik na pinagmasdan ni Charity ang mga damit na nakalapag sa kaniyang kama na halos mapuno na. Nakaramdam siya ng saya dahil mararanasan ng anak niya na magkaroon ng maraming magagandang damit na hindi niya naranasan noon. "Baka gusto mong maglakad-lakad ngayon sa tabing dagat, Miss Charity?" Gulat na napatingin si Charity sa matanda na nakangiti. "Lalabas? Hindi ba magagalit si Cameron the monster?" Natawa si Servant Kim at napailing. "Hindi, Miss Charity. Sa katunayan ay siya ang nagsabi niyan sa akin ngayong
PAG-AKYAT ni Charity sa kaniyang silid doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. "Aalis na muna ako, Miss Charity. Sasabihan ko na lamang si Ms. Salve na ipagdala ka ng almusal." Marahan siyang tumango kay Servant Kim bago nito isinara ang pintuan. Umikot na lamang ang paningin ni Charity sa apat na sulok ng silid na kaniyang kinaroroonan at napabuntong hininga. Buti na lamang at hindi siya gaanong naiinip doon dahil may mga libangan siya. Naalala na naman niya ang hitsura at ang mga sinabi ni Cameron kanina sa kausap nito sa telepono. Pilit man niyang paniwalaan ang sarili na may mabuting puso si Cameron kagaya ng paniniwala rin ni Servant Kim, pero taliwas talaga ang nakikita niya sa lalaki. Kaya ang ending, hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan. Halos mapatalon pa sa gulat si Charity nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa taas ng unan niya. Alam niyang si Milet iyon at ilang araw na itong tawag nang tawag sa kaniya, ngunit iniiwasa