Share

CHAPTER 27

DINIG ni Charity ang paparating na chopper at umaasa siyang sana ay naroon si Cameron. May plano siyang kausapin ang lalaki ngayong araw at sana ay lumambot ang puso nito. Desidido siyang gawin iyon para sa kaniyang anak at sa kalayaan nila. Lumabas siya ng balkonahe at tinanaw kung nasa dumating ngang chopper ang lalaki at hindi siya nabigo. Bumaba ito at kasama si Servant Kim. Muli siyang pumasok sa loob at hinintay kung pupuntahan ba siya ni Cameron ngayon upang tignan.

After fifteen minutes ay may nagbukas ng pinto ngunit hindi iyon si Cameron, si Servant Kim ang pumasok. May dala-dala itong pagkain na alam niyang para sa kaniya.

"Ipinabibigay ni Sir Cameron, Miss Charity," anito at marahang inilapag ang pagkain sa may bedside table.

"Pakisabi sa kaniya salamat." Tsaka tumayo si Charity at naglakad ng pabalik-balik sa harapan ni Servant Kim.

"Kamusta ka na, hija? Wala naman bang sumasakit sa'yo?" Usisa ng matanda na sinusundan-sundan ang bawat lakad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
Hay ang hirap naman ng sitwasyon mo Charity a kagustohan mong makalayo sa Pamilya na kinagisnan mo dahil sa pagmamaltrato na muntikan Ka pang ma rape at para makaahon sa hirap . Sana darating sau ang pagkakataon na maging masaya at makasama ang iyong anak. Ms A please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status