Share

CHAPTER 31

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2023-07-04 02:34:13

IBINATO ni Cameron ang kopita ng alak na hawak dahil sa inis at galit niya, dahil maglilimang araw na ay hindi pa rin nakikita ng mga tauhan niya si Charity. Tumayo siya sa tabi ng bintana at nagpamulsa.

"Have you check her friend kung nagpunta ba siya roon?" Magkasalubong ang kilay na usisa niya kay Servant Kim.

"Yes, Sir Cameron. Sinusubaybayan din ng mga tauhan hangang ngayon si Milet Suarez, pero wala silang impormasyon na nagkikita ang dalawa." -Servant Kim

Nilingon niya si Servant Kim. "How about her family? Ang tiyahin niyang kinalakhan?"

"Chineck na rin po namin at wala siya roon, imposible rin pong lalapit siya sa mga iyon dahil hindi maganda ang samahan nila," muling sagot ni Servant Kim sa lalaking nagpupuyos.

"How about the ins and apartment rito sa manila? Hindi pwedeng hindi siya sa manuluyan."

"Marami nang napuntahan ang mga tauhan at kasama po ako, pero so far ay wala silang record ni Charity."

"Ang mga kalye suyurin niyo! Baka nasa tabi-tabi lamang ang babaeng iyon. I
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
𝙼𝚛𝚜.𝙹𝚎𝚘𝚗 💜
𝚘𝚑𝚑 𝚐𝚎𝚎 𝚠𝚑𝚊𝚝 𝚒𝚏 𝚗𝚊𝚗𝚊𝚢 𝚗𝚒 𝚌𝚊𝚖𝚎𝚛𝚘𝚗 𝚝𝚑𝚎 𝚖𝚘𝚗𝚜𝚝𝚎𝚛 𝚌 𝚖𝚊𝚍𝚊𝚖 𝚊𝚍𝚊....𝚜𝚊𝚗𝚊 𝚝𝚞𝚕𝚞𝚗𝚐𝚊𝚗 𝚌𝚕𝚊
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
Author d kaya si Ms Ada ang tunay na ina ni Cameron or ang asawa nya ang tunay na ama ni Charity??
goodnovel comment avatar
Leni Isla
Sana dalhin n lng sila abroad
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Deal with the Mafia Lord   THE END

    SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 95

    ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 94

    NANG sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Charity, pero kailangan pa rin obserbahan sa mga susunod na araw. Agarang pinuntahan ito ni Cameron sa private room nito. Mahimbing ang tulog ng babae, nilapitan niya ito at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Cameron. She's safe now. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ito sa kamay. "He heard my prayers, our prayers for you..." marahan niyang sambit. Ang takot na naramdaman niya nang malagay sa peligro ang buhay ni Charity ay walang katumbas. Doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya nalaman na ganoong kalaki na pala ang espasyo sa puso niya ang naokupa ng babae, ganoon na rin pala kalaki ang pagmamahal ang naibigay na niya sa babae. He can risk everything for her. Even his life. Niyakap niya si Charity sa paraang hindi ito masasaktan lalo na ang sugat nito. Isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito at sinamyo ang natural na amoy ng babae. Nanatili siya ng ilan

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 93

    PAGKARINIG ni Charity sa sinabi ni Cameron na tumakbo na siya ay ginawa naman niya. Kahit nakatali pa ang mga kamay niya ay hindi niya alintana iyon, tumakbo siya. Alam niyang susunod si Cameron sa kaniya at kumukuha lang ito ng tiyempo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil siya at nilingon si Cameron sa pag-aakalang binaril ito ng mga kalaban. Kita niyang nakatingin ang lahat sa kaniya at doon lang niya naramdaman ang biglang kirot sa kaniyang balikat malapit sa puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa sarili and she saw a blood on her shirt. God! Siya ba ang binaril?! "Charity!" Sigaw ni Cameron ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil ang pansin niya ay sa kumikirot na bahagi ng kaniyang katawan na naghatid sa kaniya ng kakaibang kaba. God! Dito na ba sila mamamatay ni Cameron?***** PINAPUTUKAN ni Cameron ang tauhan ni Pilat na bumaril kay Charity. Nakawala sa pagkakasakal niya si Pilat

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 92

    "CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apat na lalaki. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng boss ng mga 'to, 'pilat' na lang ang itatawag niya rito. Ang ibang tauhan nito ay nakatago pa sa mga madidilim na pa

  • Deal with the Mafia Lord   CHAPTER 91

    KUYOM ang mga kamao ni Cameron habang pinapanood ang cctv footage kung saan makikita ang pagdukot kay Charity. Habang tumatakbo ang bawat minuto ay mas lalong lumalaki ang kaba at takot niya sa puwedeng mangyari kay Charity. Pero kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may lead naman sila kahit paano at anumang sandali ay matutunton na ng mga magagaling niyang tauhan ang pinagdalhan kay Charity. Sinisigurado niyang hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa ng pagdukot sa babae.. pagbabayarin niya ang mga 'to ng malaki. Napakislot siya nang makitang may tumatawag sa cellphone ni Charity na unknown number. May kutob na siya. Inutusan niya ang tauhan niya na itrack ang location ng sinumang tumatawag na 'yon. "Hello," pirming bungad niya sa tumatawag. "Mr. Silvestre," bungad ng lalaki sa kabilang linya. Mas lalong naikuyom ni Cameron ang mga kamao nang nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nais sana akong iparinig sa'yo," muling s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status