Share

Chapter 16

Raven's POV

NAGKAHIWALAY kami ni Haze dahil kinailangan niyang pumunta kay Headmaster Luther. Kaya naiwan akong nag-iisa at imbes na sumama sa mga estudyante na patungo sa kung saan man ang darating na mga panauhin ay naglakad ako sa ibang direksyon.

Naglakad lakad ako sa malawak na lupain ng fortress. May mga iilan puno akong nakikita at wala doon mga estudyante kaya lumapit ako sa isang malaking puno ng akasya at umupo ako sa lilim at isinandal ko ang aking likod sa puno.

Napapikit ako at ninamnam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadapo sa katawan ko. Sana palaging ganito. Tahimik at walang gulo. Nakakamis din pala ang ganito. Lumaki akong sanay sa isang tahimik na lugar at puro kalikasan lang ang nakikita. Wala akong naging kalaro, dahil puro aral lang din ang inaatupag ko.

Kung babalikan ko ang aking ala-ala ay napapangiti ako ng mapait. Lalo na tuwing sumasagi sa isipan ko ang mukha ng aking mama. Yung ngiti niya tuwing sumasalubong sa akin pauwi sa bahay. Nawala ang mga yu
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status