Share

Chapter 24

Raven's POV

WALA ako sa magandang mood ng lumabas ako ng kuwarto. Tumingin naman ako sa sala at wala doon si Vander. Baka nasa silid niya ito at mas mabuti na rin na huwag muna itong lumabas.

Pumanhik na ako sa kusina at kumuha na lang ako ng kanin dahil hindi ko na kinaya pa ang gutom. Malamig na yung ulam dahil hindi ko ito nakain kanina, pero nakita ko naman na may bawas na ito. Kumain na si Vander at hindi man lang nag-aya.

"Malamang, nilayasan ko kanina." Saad ko naman. Para naman akong tanga na magtatampo tapos may pasabi sabi pa ako na wag niya akong kausapin. Para naman akong siraulo nun.

Umupo na lang ako sa hapag at nagsimulang kumain. Nakatulala ako habang kumakain, hindi ko alam kung paano ko ito nagagawa na nakatulala habang kumakain, alam ko na hindi ko ito talento, pero ganito talaga siguro lalo na at may problema akong kakaharapin.

Isang tao lang ang pinaghihinalaan ko. Ang mga Delacroix lang ang may kayang gumawa sa akin nito at kung may malaking galit man. Harriette'
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status