Share

Chapter 3

Raven's POV

NAGING matiwasay ang mga araw na nakalipas at hindi na naulit ang pagkakita ko ng multo. Dapat lang dahil kumuha ako ng isang psychic para itaboy ang masamang espirito na dumalaw sa kuwarto ko noong nakaraan na naging dahilan para mahirapan akong makatulog.

Wala na akong multong nakikita pero lagi naman akong nananaginip na may tumatabi sa akin sa pagtulog. Pero pagkagising ko naman ay wala. Hindi ko alam kung bakit ganoon lagi ang panaginip ko, tila totoo. Lagi kong napapanaginipan na may yumayakap sa akin sa pagtulog. This weird dream started after that ghost incident.

Binuksan ko na lamang ang laptop ko at chineck ko ang email at nakita ko doon ang isang email galing kay Chief. Binasa ko iyon at balita iyon na tapos na ang misyon. Ubos na ang kaaway, kaya wala na kaming trabaho patungkol sa mga fugitives.

Binuksan ko naman ang telebisyon para manood ng balita. Pero pagkabukas ko sa TV ay huminto naman ang kamay ko ng makita ko ang mukha ni Vander. Nakasuot siya ng itim na three piece suit at sa unang pagkakataon mula noon huli ko siyang nakita ay ngayon ko lang ulit nakita ang buong mukha niya. He's more than handsome than before. He's more mature. His jet black hair is tussled and he has stubbles but not that thick. It's enough to make him look, more enticing and attractive even just standing there.

Ngayon ko lang siya nakita na humarap sa mga press. I know that he always avoided them for some reason, pero ngayon ay nagpakita siya.

"Mr. Cambridge, everyone is anticipating and wanting to hear your answer. I believe you know the rumor of you settling down soon." Tanong ng isang lalaking reporter na ikinatigil ng hininga ko. Sa lahat ng pwedeng itanong, bakit yun pa?

Vander did not smile even a little bit. Nakita ko na tila nag-isip siya bago sumagot.

"I am." Maikling sagot niya na mad lalong ikinagulo ng mga press.

"Mr. Cambridge, are you tying the not with Miss Harriette Delacroix?" Parang may pait sa ilalim ng aking lalamunan at agad kong pinatay ang TV. I think that happened last night.

Naging hindi maganda ang pakiramdam ko kaya nagbihis na lamang ako. Pupunta ako kay Papa. I'll look at him from a far dahil wala naman akong trabaho.

Nagbaon na rin ako ng iilang mga damit dahil balak kong magstay doon ng iilang araw. I wanted to forget what I saw in the television at pakiramdam ko ay mababaliw ako kung mananatili ako rito.

Bumaba na ako mula sa kuwarto at natagpuan ko si Lux na nasa sala at nanonood ng basketball. Agad itong napatingin sa akin at lumipat ang tingin nito sa dala kong hindi naman kalakihang bag.

"Saan ka pupunta?" Naitanong niya sa akin at napatayo ito mula sa kinauupuan niya. Inilapag niya muna ang remote at lumapit sa akin.

"Aalis ako ng ilang araw. Pupunta ako sa lugar ng Papa ko to check on him." Sagot ko sa kanya. "Pasensya na kung biglaan. I just suddenly miss him."

Napabuntong hininga naman si Lux. "I'll send you there."

"Wag na. Masyado yung malayo. Magkocommute lang ako." Pigil ko sa kanya. Ayokong distorbohin siya. I want them to rest dahil alam ko na busy pa rin sila sa kanilang negosyo kahit wala na kaming trabaho.

"That's the point, malayo ang Wilshire Raven. I want to make sure you're safe there." Tutol naman nito sa akin. If only my heart doesn't belong to someone else, I hope I can learn to love him.

"Lux, wala kang dapat ipag-alala. Baliw na ang lalapit at gawan ako ng masama o kaya ay di nila mahal ang buhay nila. Basta, kaya ko na doon. Just stay here and I need you to explain to Kiera for me dahil alam ko na tatadtarin ako nun ng tanong." Natatawang saad ko sa kanya. Despite of him, knowing me as an assassin, he still think of me like a frailly woman who needs protection. Kung alam lang niya ang kaya kong gawin at kung ano ako, he will surely not think about that.

Napabuntong hininga naman si Lux, senyales na sumuko na siya. "Okay. Pero magtext ka kung nakarating ka na at kung saan ka tumutulog, okay?"

Tumango naman ako. "Oo na boss Lux. Sige, aalis na ako at pupunta pa ako sa terminal ng mga bus."

"Hatid na kita doon." At nauna na itong lumabas kaya wala na akong nagawa. Lumapit na lang ako sa lamiseta at pinatay ko yung TV dahil iniwan niya lang iyon ng nakabukas.

Sumunod naman ako kay Lux at ginamit niya ang kanyang kotse para ihatid niya ako sa terminal ng bus. Hindi naman matagal ang biyahe at narating namin ang terminal. Agad akong bumaba at nagpaalam ako kay Lux na inihatid na lang niya ako ng tanaw.

Agad na tumingin ako sa mga sign board at nakita ko naman ang isang bus na air conditioned at nakalagay doon na patungo ito sa Wilshire. Agad akong sumakay doon at nakita ko naman na hindi pa iyon puno dahil marami pa ang bakante. Naupo na lang ako sa bandang gitna. Two seaters iyon at wala naman akong katabi.

Naupo ako at komportable naman ang upuan at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nakatanaw ako sa mga tao doon na naghihintay sa bus na sasakyan nila. Napalingon naman ako ng may pasaherong tumabi sa akin.

Isa itong babae at isang tingin ko pa lang ay alam ko na isa itong eon and she's an epic. Ngumiti ito sa akin.

"Pasensya na kung dito ako umupo. Medyo nahihilo kasi ako kung nasa likod ako uupo." Hinge niya ng pasensya dahil marami pa ngang bakante pero pinili niyang tumabi sa akin.

"Okay lang yun." Sagot ko naman rito.

"Sa Wilshire ka din?" Tanong niya pa sa akin at humugot ito ng isang bag ng mani. "Gusto mo?"

Umiling ako. Hindi ko ugali na bastang tumanggap ng pagkain sa mga taong hindi ko kilala. Bad experience made me into this.

"Oo, sa Wilshire ako. Taga doon ka ba?" Balik tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang mabait.

Umiling naman ito. "Trabaho ang ipupunta ko doon. Taga doon ka?" Nagbabalat ito ng mani at tsaka nginuya.

"Hindi din. May bibisitahin lang ako doon." Sagot ko sa kanya.

"Boyfriend?" Tanong pa niya sa akin.

"Hindi." Sabay iling ko.

Inilabas naman nito ang cellphone. Isang outdated model ng iPhone iyon pero maganda pa rin ang kalidad.

"Pwede selfie tayo? Gusto ko lang may remembrance." Saad pa nito sa akin at inihanda na nito ang camera.

Naweirdohan naman ako sa kanya pero pumayag na rin ako. She took one picture of us. I smiled a little while her is beaming at nag peace sign pa siya. Nakatingin lang siya sa picture at napanguso pa ito.

"Ang ganda mo naman. Kahit sa picture, hindi na kailangan ng filter. Habang ako, kailangan ko pa ng filter para maging cute." Reklamo nito.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Hindi naman kasi ako mahilig kumuha ng sarili kong larawan. I think that is too narcissistic. Opinyon ko lang naman yan.

"Cute ka naman kahit sa personal." Saad ko sa kanya.

"Syempre! Oops, kanina pa tayo nag-uusap hindi mo man lang ako kilala. Ako pala si Jollana." At inilahad naman niya ang kanyang palad para makipagdaupang palad.

"Raven." Sagot ko sa kanya. Hindi naman ako kilala nito kaya hindi ko kailangan na magbigay ng ibang pangalan. At tsaka maraming Raven sa mundo at hindi lang ako iyon.

"Ganda ng pangalan mo, bagay sayo." Nakangiting komento niya sa akin.

"Panlalaki nga ang pangalan ko, paanong naging bagay yun sa akin?" Natatawang tanong ko. Nalaman ko kasi na panlalaki pala ang pangalan ko. Si Kiera kasi ay mahilig sa mga pangalan.

"Hindi naman. Unisex kaya yun, kadalasan nga lang, sa lalaki pinapangalan ang Raven at hindi sa babae." Paliwanag naman nito sa akin.

Nagpatuloy lang ang kwentohan namin. Sa totoo lang ay hindi siya nakakabagot kausap. Marami siyang mga alam at mga interesanteng bagay.

Kanina pa tumatakbo ang bus. May kundoktor naman na lumapit sa amin para magbigay ng ticket at magbayad kami. $25 ang halaga ng pamasahe patungong Wilshire. Tatlong oras na biyahe ito at maraming bayan kaming nadaanan bago kami nakarating sa Wilshire.

Agad na bumaba kami sa bus at ang una kong ginawa ay naghanap ng cab. Naghiwalay naman kami ni Jollana dahil magsisimula na daw siya sa kanyang dapat gawin.

Marami naman cab doon kaya sumakay na ako at sinabi ko na lang ang hotel na tutuloyan ko. Gumawa na ako ng reservation online habang nasa biyahe ako. Mabuti naman at may vacant room pa kahit standard room lang yun. Ito na ang pinakamalapit na hotel sa bahay ni Papa at ng babaeng kinakasama niya.

Hindi naman nagtagal ay ibinaba na ako ng cab sa tapat ng hotel. Nakasuot ako ngayon ng sumbrero at face mask na kulay itim. Mabilis na pumasok ako sa hotel at agad akong nagcheck in. I checked in with my other identity as Maria Clarkson. Dahil sa ipinalabas na patay na ako, nagpagawa ako ng pangalawang identipikasyon para kung sakali na kailangan kong mag check in o kaya naman ay kailangan kong ipakita ang I.D ko. This is fake, but I need to not leave a trace with my identity.

Binigay naman sa akin ng receptionist ang key card at room number. Agad akong pumasok sa elevator para marating ang floor. Kailangan kong magpahinga dahil mahaba din ang biyahe kanina. Nas trabaho din si Papa ngayon na medyo malayo ito dito.

Narating ko naman ang floor ng room ko. Iilan lang ang kuwarto doon dahil hindi naman kalakihan ang hotel na ito. Agad na binuksan ko ang room at pumasok ako doon. The room is cozy and it has a queen size bed, may TV, aircon, table and one hair at may CR. Hindi kalakihan ang kwarto, sa palagay ko ay nasa fifty square meter lang itong kwartong ito.

Ibinagsak ko na ang bag sa sahig. Mamaya na ako mag-aayos at humiga na ako sa malambot na kama. Pero wala pang isang segundo ay nagring na ang cellphone ko. Parang alam ko na kung sino ang tumatawag.

Bumangon naman ako at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinanggal ko ang aking face mask.

"Kiera." Sagot ko rito.

"Hindi ka man lang nagpaalam. Sana sinabi ko ng sumama ako." Agad na reklamo nito mula sa kabilang linya.

I rolled my eyes. Alam ko na nababagot na ito pero hindi ko siya pwedeng isama dito dahil hindi naman pamamasyal ang pakay ko dito. I am literally stalking my father para malaman kung kumusta na siya.

"Kie, alam mo naman na hindi pwede. Hindi ako nagbabakasyon. I am spying my own father. Tsaka nagpaalam ako kay Lux." Sagot ko sa kanya dahil umiiral ang pagkabatang isip nito.

"I know. Nakakainis lang kasi, I am so bored here. Ayaw naman akong payagan ni Kuya na maglakwatsa. He still thinks of me like I am underage!" Reklamo nito ulit.

Ano pa ba ang aasahan kay Lux? He loves his sister at hindi mawawala kay Lux ang trauma na nangyari sa kanyang pamilya kaya over protective ito masyado kay Kiera kaya kahit sa misyon ay magkasama sila.

"Intindihin mo na lang ang kuya mo. He's just protecting you. Alam mo naman na puno ng karahasan ang mundong ito." Paliwanag ko sa kanya.

"I can protect myself." Maktol pa nito.

"Hindi natin masasabi yan, Kie. Dahil kung talagang tatamaan ka ng sitwasyon, kahit ikaw pa ang pinakamalakas, wala kang magagawa." Tila bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari. Kung sana ay pinagkatiwalaan ko si Vander noon, kung sana ay sinabi ko sa kanya. Masyadong malaki ang tiwala ko sa sarili na kaya ko si Mr. Brookes. Pero ano ang napala ko? Eto ako ngayon, wasak at kulang.

"Oo na. Basta mag-ingat ka diyan. Malayo pa naman yan." Paalala nito sa akin.

"Oo, mag-iingat ako dito. Kayo rin diyan." At nagpaalam na ako sa kanya at ibinaba ko na ang cellphone ko.

Humiga ako ulit at ipinikit ko ang aking mga mata. Sana, pagkagising ko ay limot ko na ang lahat. Sana wala na itong nararamdaman ko kay Vander dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa oras na ikakasal na siya.

©️charmaineglorymae

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status