Share

Kabanata 2

Author: eysteambun
last update Huling Na-update: 2022-04-04 07:51:19

“Take the girl. Kill them if they block the way.”

Gino chuckled at pinakita na walang laman ang baril. Sinundan niya muli ang kasamahan at kinaladkad ang dalaga habang nagmamatigas.

Tatlong Mercedes Gelandewagen ang sasakyang bumungad kay Rousanne. Nagsusumigaw ito sa kamahalan at kitang-kita ni Rousanne ang reflection niya sa malinis at makintab nitong balat. Napatingin siya kay Demetrius na sa kakaibang sasakyan ito pumasok. Isang Mercedes Benz S Class. Ito ang kauna-unahang beses na makakita ng ganito si Rousanne. Nakita niya lang kasi ito sa pictures. Gaano kaya kayaman si Mr. Romanov. Ang ganitong klaseng sasakyan ay tumataginting sa milyon.

Ilang sandali pa ay humina ang takbo ng kanilang sinasakyan. Tanaw na tanaw ni Rousanne ang itim na metal gate ng bahay na papasukan nila. Sa gilid nito ay may outpost na nagbabantay ang dalawang lalaki. The gate automatically opened, and they went inside. Napahanga siya sa laki at ganda ng bahay. Sa gilid kung saan may mini pool ay may gazebo kung saan nakita niya ang ilang lalaki na nag-uusap doon.

Ilang sandali pa ay pumarada ang sasakyan sa tapat ng bahay. Bumaba si Rousanne at tiningnan ang kabuuan nito. Ang pula ng ilong at mata niya dahil sa kaiiyak.

Napakarangya. Ito ang unang salita na pumasok sa isipan ni Rousanne nang makita ng malapitan ang bahay. It was painted in white and gray with dim lights inside, adding to the luxury and elegance of the house. The style is characterized by windows flanking the front door, dormer windows on the roof, and cedar shingles. Akala niya nga ay sa isang masukal na gubat naninirahan ang mga ito para magtago. Well, as if naman wanted ang mga ito kaya magtatago.

Hinawakan siya ni Gino sa braso at kinaladkad papasok ng bahay. Hindi niya alam na natulala siya sa pag-appreciate ng bahay. Dinala siya nito sa isang hallway pababa at binuksan ang isang pinto.

“Dito ka matutulog. Magiging isa ka sa mga kasambahay bilang kabayaran sa utang ng tatay mo,” wika nito at binitawan siya. Napatunganga si Rousanne sa binata. What? Hindi siya nito papatayin kagaya ng ini-expect niya?

Gino snickered. “Bakit? Ano’ng akala mo didispatyahin ka namin? Hindi naman kami gano’n kasama.” Pagkatapos ay iniwan siya nito doon. Hindi niya alam kung makakahinga ba siya ng maluwag o kakabahan. Feeling niya kasi ay may tsyansang patayin nga siya ng mga ito. Pero kahit naman hindi alam n’yang hindi na magiging maganda ang buhay niya dito. Hindi niya aasahan iyon. Isa lamang s’yang pambayad utang.

Bumukas muli ang pinto at napaangat siya ng mukha. Isang matandang babae ang pumasok. Gray na ang buhok nito, matalim ang kurba ng kilay nito, naka-straight line ang labi at nakatingin sa kanya ng malamig. Kahit sa katandaan nito ay makikita na maganda ito noong dalaga. Nakasuot ito ng itim na mahabang damit na lampas tuhod. May kwelyo iyon at apron na kulay puti.  Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Na-conscious naman si Rousanne sa sarili. Inaalagaan naman niya ang katawan kaya masasabing maganda ang pagdadalaga niya.

Ilang segundo ay napatango ang matanda.

“Ako si Mary, ang mayordoma ng bahay na ito. Ano’ng pangalan mo?”

“Ako po si Rousanne,” sagot niya at napalunok. Ganito ba ang mga tao dito? Parang ang lalamig ng pakikitungo.

“Hmm. Baguhan. Matagal na rin bago magkaroon ng bagong kasambahay ang bahay na ito. Akala ko ay hindi na kukuha muli, pero mukhang sinwerte ka,” wika nito.

Sinwerte? Swerte dahil napunta siya sa sitwasyon na ito na kailan man ay hindi niya lubusang inisip? Siguro nga dahil hindi kamatayan ang naging katapusan niya. Paano na ang mga pangarap niya? Paano ang pamilya niya? Kailangan n’yang masabi sa mga ito na okay siya.

Mapang-uyam na napa ‘tsk’ si Mary. “Magbihis ka na d’yan at tumulong ka sa kusina. Hindi ka prinsesa dito at dapat ma-adapt mo agad ang bago mong buhay.”

Napahinga na lang ng malalim si Rousanne at pumunta sa cabinet kung saan naroon ang maid uniform. Teka! Wala s’yang ibang damit. Sa puntong iyon ay muling bumukas ang pinto at pumasok si Gino dala ang isang bag.

“May mga damit dito. Huwag kang mag-alala hindi pa ‘yan gamit.”

Tiningnan niya isa-isa ito at may sampung t-shirts at shorts na may tatlong pajamas. Napaka-plain ng mga t-shirt. Dalawa lang ata ang may design buti na lang at may kulay ang iba.

---

“That girl sure will have a lot to learn,” sambit ni Gino nang pumasok siya sa isang kwarto kung saan naroon din si Van at dalawa pa nilang kasamahan na sina Benedict at Alex. Their boss was busy flipping a book, minding his own world.

“Nakita ko siya kanina. She’s young,” komento ni Alex. “Shoot!” He smiled at Benedict when he hit the bullseye on the dartboard.

“Siya nga pala. Akala ko ba hindi na kukuha ng maid?” Tumingin si Benedict kay Gino na nagkibit-balikat lang. Nginuso nito si Demetrius sa unahan.

“Adding one doesn’t cost a fortune. This is her fate now,” malamyos na wika nito. Napakaaya-aya ng boses nito na tipong mala-prince charming, pero hindi. He’s a beast with honeyed voice. A dangerous combination of seduction.

Nagkatinginan ang mga ito at maya maya’y naglaro at umalis sa loob ng silid.

Demetrius closed the book and stared at the door.

It’s up to that girl if she wants to survive. He spared his father and she should be grateful that this is just the outcome of his debt.

He moved his eyes on the book and opened it again.

---

Sa bahay ng mga Cabrero. Hindi maayos ang sala ng mga ito dahil sinipa ito ni Ymir. Hindi niya inaasahan na ta-target-in ng mga lalaking iyon ang kapatid niya. Ayaw n’yang mag-isip ng kahit ano, pero galit siya sa sarili dahil wala s’yang nagawa!

“T-Tumawag kaya tayo ng pulis? Sigurado akong tutulungan nila t-tayo...” Tiningnan ni Beth ang asawa na kanina pa tahimik at nakaupo. Siguro naman ay makukuha nila ulit ang anak nila. Hindi pwede ang ginawa nila. Forced kidnapping na iyon!

“Hindi. Talo tayo, Beth,” mahinang wika ni Roman. Tila ba tumanda siya ng limang taon dahil sa nangyari. Hinang-hina siya at nalulungkot. Ang dalaga niya... kinuha nila ang anak niya. Ano’ng magiging buhay nito?

“Pa, paano kung... paano kung masama ang gawin nila kay R-Rousanne?”

Umiling si Roman. He doubts it. Hindi gano’n kawalang moral si Mr. Romanov lalo na ang pagpatay at paggalaw sa babae. Pero hindi niya alam kung ano ang gagawin nila.

“Susubukan kong makausap ulit siya. Susubukan kong kunin si Rousanne.” Napayuko siya at kinuyom ang kamo ng mahigpit. Ang mga mata niya ay nagsisisi.

“Patawad. Hindi sana mangyayari ito kung hindi dahil sa akin.”

Nilapitan siya ng asawa at niyakap habang si Ymir naman ay umiwas ng tingin. Napasuntok siya sa pader at nagtagis ang bagang.

He needs to see his sister. He needs to get her back.

But why does that man seem familiar to him?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Debt Exchange   Kabanata 95

    “Siya ang dahilan kung bakit ka nagkagan’yan, pero hahayaan mo s’yang umalis na wala man lang ginawa para pagbayaran ang kasalanan niya sa’yo?” tanong ni Rousanne nang makaalis si Tiara at silang dalawa na lang ni Ymar ang nasa loob. She just doesn’t know why his brother let her go just like that. Sinira nito ang buhay niya at kung hindi agad ito naabutan ni Benedict malamang ay may pinaglalamayan na sila ngayon.“Hindi ko na gagawin iyon dahil alam kong naghihirap na siya,” malamig na sagot ni Ymar.“Ano? Sinira niya ang buhay mo muntik ka nang mawala sa amin!”“Pero buhay pa rin ako, Rousanne. Wala na s’yang kasama sa buhay, hindi ba’t mas malala pa ang mararanasan niya ngayong walang-wala siya? Wala s’yang malapitan, wala s’yang mapuntahan at higit sa lahat, dala-dala ng konsensya niya ang ginawa niya sa akin.”Natahimik si Rousanne at tinitigan ang kan’yang kapatid. Sobrang protective ni Ymar sa kan’ya, pero pagdating sa sarili nito ay napaka-selfless. Mabait ang kuya kaya minsan

  • Debt Exchange   Kabanata 94

    “Are you sure, Mr. Romanov? Hindi niyo na iko-continue ang case na ‘to regarding your sister?” ulit ng police officer na s’yang nag-handle ng case noon ng kapatid ni Demetrius. Mahabang panahon rin ang ginugol nito para mahanap ang suspek sa pagkamatay ng kapatid nito. “We found her killer already and it was Roman Cabrera—”“No. I won’t push the case anymore,” putol ni Demetrius dito. “Iyon lang ba ang sasabihin niyo?” Hindi niya na gustong pahabain pa ang usapan nila dahil gusto niya nang makabalik sa tabi ni Rousanne, ang asawa niya. “Iyong kaso kay Emil din.”Namulsa ang Don at tumingin ng malamig sa officer na nakaramdam naman ng pagtaas ng balahibo sa batok nito. Of course, they were aware of how powerful this man is. Kaya naman hindi rin biro ang makipag-usap dito.The police officer spoke, “Maraming nakapataong na kaso kay Emil. Baka nga hatulan siya ng habang-buhay na pagkakakulong or worse ay death penalty.”“Pahirapan niyo. Ang dali lang sa kan’yang mamatay. Paano niya pagb

  • Debt Exchange   Kabanata 93

    A knock interrupted Hazel and Tiara’s rest. Nagkatinginan ang dalawa at bakas sa kanilang mukha ang pagtataka kung sino ang nasa labas. Wala kasi ang mag-asawa ngayon dahil may pinuntahan ito sa labas kaya sila lang nag naiwan sa bahay. “Sino sa tingin mo ang nasa labas? Nasundan kaya tayo ni Jackson?” tanong ni Tiara na binalot ng kaba ang katawan. A-ang bilis naman nito at agad silang natunton. Umiling si Hazel habang matalim ang matang nakatitig sa pinto. “Hindi ko alam. Paano kung kakilala nila? Huwag na lang natin sagutin—” Natigil ang pagsasalita ng dalaga nang marinig ang pamilyar na pagkataok na tanging sila lang ang gumagawa. Ginagawa iyon para malaman na miyembro nga ng organisasyon ang nasa labas. Napatayo siya at lumiwanag ang mukha. “Ano’ng gagawin mo? Baka si Jackson ‘yan!” pigil ni Tiara sa dalaga nang bubuksan nito ang pinto. “Kung talagang kakilala ‘yan ng mag-asawa dapat una pa lang ay tinawag na nila ang pangalan ng isa sa dalawa.” “Trust me, kilala ko ang

  • Debt Exchange   Kabanata 92

    Nagising si Rousanne na puno ang pawis ang noo. Hinihingal pa siya at balisa ang mukha, tanda na kung ano man ang napanaginipan nito ay hindi maganda. “Gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Beth sa anak. Bakas sa mukha ng ginang na hindi maayos ang tulog nito, ngunit makikitaan din na parang pagod na pagod ito at may malalim na inaalala. “Ma,” mahinang tawag ni Rousanne habang nagsasalin ng tubig sa baso ang naturan. “Nasaan si Demetrius?” “Umuwi muna siya. Dalawang araw kang tulog. Wala ka bang ibang nararamdaman? Teka lang at hintayin mo ang papa mo. Bumili lang ng pagkain.” Umiling si Rousanne. “Dalawang araw akong tulog? Ang mga anak ko, ma? Naaalagan ba silabng maayos? Gusto ko sanang makausap si Hazel.” “Anak, mamaya na okay? Pagkatapos mo na lang kumain.” Hindi talaga mapakali si Rousanne lalo pa’t pakiramdam niya ay may tinatago ang ina. “Ma, may nangyari ba? Please, ‘wag niyo naman itago sa’king kung ano ‘yan. Kailangan ko rim malaman lalo na kung tungkol s

  • Debt Exchange   Kabanata 91

    “T-Tiara a-ano’ng... bakit ka— ano’ng nangyari sa’yo?” Ni-lock agad ni Tiara ang gate ng bahay at kinuha ang kamay ni Hazel bago ito kinaladkad papasok ng bahay.“Kailangan n’yong umalis ngayon din, Hazel!” tarantang aniya ni Tiara. Tumingin siya sa likod at mas binilisan ang paglalakad sa loob sabay lock ng pinto ng bahay.“Teka! Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit gan’yan ang hitsura mo?” Pigil ni Hazel sa dalaga. Hindi siya makapaniwala na may gagawa nito sa dalaga. “Ang amo mo ba ang gumawa nito? Kailangan natin tunawag ng pulis!”“Hindi!” Pigil ni Tiara rito na nanlalaki ang mata. Nang ma-realize kung gaano siya nag-react ay napakagat siya sa ibabang labi. “Hazel, kailangan na nating umalis dito! Hindi kayo safe pati na ang mga anak ni Rousanne!” nagpa-panic na saad nito habang tumitingin-tingin sa labas ng bahay. Kumunto ang noo ni Hazel. “Ano bang pinagsasabi mo? Tapos na ang laban. Iyong Emil ay nasa kustodyo na ng mga pulis pati na rin ang mga alagad nito kaya huwag kang mabahala,”

  • Debt Exchange   Kabanata 90

    “Demetrius, bakit hindi ka muna umuwi sa bahay? Hindi ka pa bumabalik ng limang araw. Kailangan mo rin magpahinga.” Naaawa si Beth sa binata na ‘di umuwi at tanging nakabantay lamang sa tabi ni Rousanne. “Okay lang ako, Ma. Baka ‘pag nawala ako may mangyari na naman.” Umiwas ng tingin si Ymar. Dahil sa kapabayaan niya ay napahamak ang kapatid sinisisi niya ang sarili doon. Nalaman na rin ng magulang niya ang nangyari sa kan’ya— hagulgol ang inabot niya sa ina at mangiyakngiyak naman ang kan’yang ama. “Tapos na ‘di ba? Wala nang balak gawin iyon. Nandito rin naman ang mga tauhan mo. Demetrius, umuwi ka na muna alam kong gusto mong nasa tabi ng anak ko pero kailangan ka rin ng mga anak mo.” “Tama ang mother-in-law mo, hijo. Nandito naman kami sige na.” Humigpit ang kapit ni Demetrius sa kamay ng asawa. The twins, of course the twins need him. Wala ngayon ang ina at siguradong hahanap-hanapin ng mga ito ang kalinga niya. He stood up and kissed the head of his wife. “I’ll be back,” h

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status