Rousanne had no idea what would happen to her when a bunch of men barged into their home, demanding her father to pay a ten-million-peso debt. But where can they acquire such an enormous sum of money right away? It’s at this point that she knows her life takes a turn into a nightmare when Demetrius, the boss, wants Rousanne to become the payment.
View MoreTiningnan ni Rousanne ang sarili sa salamin matapos maligo at magbihis. Nakangiti siya. Iyon agad ang napansin niya sa repleksyon. Sino ba naman ang hindi? She just graduated from college with a bachelor’s degree in nursing. Sa katunayan ay excited siya sa bagong journey ng buhay niya. Ang sabi sa kanya ng ama ay mahirap daw ang buhay kapag nakatuntong ka na sa labas ng eskwelahan. Bihira na lang ang second chance and consideration kaya naman hinanda niya ang sarili na harapin ang kinabukasan.
Lumabas siya ng kwarto para bumaba sa kusina nang sumalubong sa kanya si Ymir, ang kanyang kuya na hinilamos ang kamay sa mukha niya. She made a face and glared at him who just laughed.
“Mama, si kuya, oh!” sumbong ni Rousanne pababa. She twitched her lips and made way to the kitchen. “Wow! Ang sasarap naman nito,” komento ni niya nang maupo. Nandoon ang mga paborito n’yang Cordon Bleu Chicken Roll.
“Ano pa ang hinihintay niyo? Maupo ka na, Ymir. Kakain na tayo. Ito na rin ang panggabihan natin mamaya,” wika ni Beth. Alas kwatro palang ng hapon. Ngayon kasi nila ise-celebrate ang graduation ni Rousanne na natapos kahapon since sumama ang anak sa mga kaklase nito para mag-aliw.
Nagsimula silang magdasal at pagkatapos ay kumain. Hindi mawala ang ngiti ni Rousanne sa mukha habang kumakain kasama ang pamilya. Hindi naman marami ang handa nil ngunit sakto lang para sa kanilang apat.
“Cheers sa ating bunso! Congratulations! Proud na proud kami sa’yo,” nakangiting bati ni Roman sa anak. Hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil nakapagtapos ang dalawang anak niya. His eyes became teary and he immediately blinked.
Napailing si Rousanne. Soft na soft sa kanila ang ama. Kahapon lang ay habang tumataas sila sa stage ng papa niya ay hindi nito maiwasan umiyak. “Salamat po, Papa. Kung hindi dahil sa inyo hindi po ako makakapagtapos. Hayaan niyo po at susuklian ko ang mga ginawa ninyo,” pangako ni Rousanne sa magulang at sarili.
Masayang nag-kwentuhan ang pamilya, hindi alintana ang mga lalaking nasa labas ngayon ng bahay at nakatitig lamang. Hindi alintana ang pilegrong mangyayari sa buhay nila. Napaka-creepy kung titingnan. Kadalasan itong nakikita sa mga movies na tila mga sindikato at kagaya sa telebisyon ay masamang bagay ang idudulot nito.
“Open it,” utos ng lalaki na nasa loob ng kotse habang nakababa ang bintana at may hawak na sigarilyo. Tumango naman ang lalaking inutusan nito at sumunod sa kanya ang iba pa.
Limang lalaki ang naroon lahat. Kakaiba ang mga aura nito at sumisigaw ng panganib. Their aura was something that many won’t dare to go near them. May mga kapit-bahay pang nakasilip sa mga bintana para alamin ang nangyayari. Hindi nila magawang lumabas dahil may mga armas ito at ayaw nilang madamay.
“Tapos na ba magsaya?” nakangising sambit ni Gino, isa sa mga lalaking pumasok ng bahay. May piercing ito sa tenga at prenteng umupo sa silya na kinuha nito. Dumagdag sa nakaka-intimidate na aura nito ang peklat sa may kilay papuntang noo.
Natigil ang pamilyang Cabrero sa kwentuhan at gulat na napatingin sa pinagmulan ng boses. Napatayo si Roman nang makilala ang mga ito. Gino smirked at him and his body trembled in fear. Napalunok siya dahil alam niya kung ano ang pinunta ng mga ito dito.
“Sino kayo?! Bakit kayo pumasok nang walang paalam? Trespassing ang ginagawa niyo!” singhal ni Ymar at tumayo bago pumunta sa unahan para protektahan ang kapatid at ina. He sternly narrowed his eyes on them.
“Tanungin mo ‘yang magaling n’yong ama kung bakit kami naririto.” Tumingin si Gino kay Roman na maputla ang mukha.
Sabay-sabay na bumaling ang paningin ng tatlo sa ama ng pamilya. Nagtataka at nagtatanong ang kanilang mukha. Naguguluhan sila sa gustong ipahiwatig ng mga lalaking ito.
“Pa, ano’ng ibig sabihin nila?” tawag pansin ni Rousanne nang makita na tulala ang ama at bakas ang takot sa katandaan nitong mukha. Napalunok siya at parang bumigat ang paghinga habang naghihintay ng kasagutan. Her eyes were seeking answers.
Someone sneered. “May utang ang tatay niyo sa boss namin na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran. Sa tingin niya ba ay makakalimutan iyon ni boss? Binigyan siya ng palugit pero wala. Walang Roman ang dumating,” paliwanag ni Van, isa sa mga lalaki na may mahabang buhok at nakatali.
Napanganga na lamang si Rousanne at tumitig muli sa ama. Ymir looked at his father with confusion. Hindi nabayaran?
“Ano’ng ibig mong sabihin? Ilan ang utang ng asawa ko?” Sinubukang ngumiti ni Beth sa grupo ng mga kalalakihan, peros a loob-loob niya ay nag-aalala siya. Roman on the other hand gripped the back of the chair.
“Ilan? Ilan ang inutang ni Papa?” tanong ni Rousanne. Bakit pakiramdam niya ay napakalaki niyon?
“Ilan nga ba, Roman? Bakit hindi ka makapagsalita d’yan? Hindi mo ba inaasahan na tutubusin ka namin pagkatapos ng pag-utang mo ng napakalaki?”
“Papa, please! Sabihin niyo na po sa amin!” pagpilit ni Rousanne.
“Roman, ano ‘to? Ipaliwanag mo sa amin? Utang? Kailan?” segunda naman ni Beth na nag-aalalang tumingin sa asawa. Kahit siya ay worried na rin sa mga nangyayari. Hindi maganda ang kutob niya sa mga kalalakihang ‘to.
“Sampu…” mahinang sagot ni Roman. He looked at his family with sorry on his face.
“Sampung milyon. Sampung milyon ang inutang ng ama niyo sa boss namin na hindi nabayaran,” sagot ni Gino. Gustong-gusto niya makita ang mukha nitong bakas ang takot at pangamba. Sa tingin ba nito ay malulutasan nito ang boss nila dahil lang sa matagal iyong hindi tinubos?
“Ano?!”
“Jusko!”
Nanghihinang napakapit sa upuan si Beth habang nakatitig sa asawa. Nanghina ang tuhod niya at tila matutumba siya kung hindi lang naagapan ni Ymir ang pag-alalay dito.
“A-Ano? Sampung milyon? Bakit naman mangungutang ng sampung milyon si papa?” hindi makapaniwalang tanong ni Rousanne. Tila ba pinagbagsakan siya ng lupa. Saan sila kukuha ng gano’ng halaga?!
“Pa, totoo ba?” Ymir gritted his teeth.
Nanghihinang napatango si Ymir. Hindi niya kayang tingnan ang mga anak sa mata.
“Sa tingin niyo bakit kayo makakapagtapos? Bakit kayo namumuhay ng maganda? Kakarampot lang naman ang kinikita niya sa trabaho, eh.”
“Pero sampung milyon?! Napakamalaking halaga na niyon!” katwiran ni Rousanne.
“Aba, itanong mo sa ama mo kung saan niya pa ginamit ang pera.” Nagkibit-balikat si Van at pinanood ang drama ng pamilya. Napahikab naman si Gino at ilan naman ay bored na nakatitig lamang sa nagaganap. Hindi na ito bago sa kanila. Ilang beses na bang may mga taong walang utang na loob at kinalimutan na lang ang inutang? Tss.
Napayuko si Roman. Umutang siya para pag-aralin ang mga anak at makapag-ayos ng bahay. Ito talaga ang pinakarason niya. Ginamit niya naman ang natitirang pera para magtayo ng negosyo pero nalugi naman ito. At oo, ang iba naman ay ginamit niya sa pagsusugal. Akala niya noon madadagdagan ang pera dahil may mga pagkakataon na nananalo siya, pero naubos din. Hindi dapat siya nagpatukso sa sugal
“Patawad…” mahinang bulong nito. Lumapit si Roman sa mga lalaki at lumuhod. Na-estatwa si Rousanne at hindi makagalaw. Hindi niya kayang makita ang ama na ganito. Umagos ang kanyang luha na kanina pang nagbabadyang lumabas sa mata niya. Napakagat siya sa labi.
“P’wede niyo ba kaming bigyan ng pagkakataon? Palugit na bayaran ang utang ni Papa? Pangako, hindi kami tatakas,” she tried to negotiate with them.
Napailing si Van at tumingin sa dalaga.
“Ito na ang huling palugit, young lady. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo kailangan n’yong bayaran iyon.”
Sa gilid naman ay mariing nakakuyom ang kamao ni Ymir. Hindi sapat ang pera niya— nila kaya saan sila kukuha?
Tumayo si Gino at kinuha ang baril na nakatago sa likod bago tinutok kay Roman. Napasigaw ang mga ito sa takot. Hindi nila inaasahan ang sumunod na sinabi nito.
“Tama na ang drama. Magbabayad kayo ngayon o ibang kabayaran ang kukunin namin?” nakangising tanong nito. His eyes glinted with wickedness. One shot and he’s dead.
“Siya ang dahilan kung bakit ka nagkagan’yan, pero hahayaan mo s’yang umalis na wala man lang ginawa para pagbayaran ang kasalanan niya sa’yo?” tanong ni Rousanne nang makaalis si Tiara at silang dalawa na lang ni Ymar ang nasa loob. She just doesn’t know why his brother let her go just like that. Sinira nito ang buhay niya at kung hindi agad ito naabutan ni Benedict malamang ay may pinaglalamayan na sila ngayon.“Hindi ko na gagawin iyon dahil alam kong naghihirap na siya,” malamig na sagot ni Ymar.“Ano? Sinira niya ang buhay mo muntik ka nang mawala sa amin!”“Pero buhay pa rin ako, Rousanne. Wala na s’yang kasama sa buhay, hindi ba’t mas malala pa ang mararanasan niya ngayong walang-wala siya? Wala s’yang malapitan, wala s’yang mapuntahan at higit sa lahat, dala-dala ng konsensya niya ang ginawa niya sa akin.”Natahimik si Rousanne at tinitigan ang kan’yang kapatid. Sobrang protective ni Ymar sa kan’ya, pero pagdating sa sarili nito ay napaka-selfless. Mabait ang kuya kaya minsan
“Are you sure, Mr. Romanov? Hindi niyo na iko-continue ang case na ‘to regarding your sister?” ulit ng police officer na s’yang nag-handle ng case noon ng kapatid ni Demetrius. Mahabang panahon rin ang ginugol nito para mahanap ang suspek sa pagkamatay ng kapatid nito. “We found her killer already and it was Roman Cabrera—”“No. I won’t push the case anymore,” putol ni Demetrius dito. “Iyon lang ba ang sasabihin niyo?” Hindi niya na gustong pahabain pa ang usapan nila dahil gusto niya nang makabalik sa tabi ni Rousanne, ang asawa niya. “Iyong kaso kay Emil din.”Namulsa ang Don at tumingin ng malamig sa officer na nakaramdam naman ng pagtaas ng balahibo sa batok nito. Of course, they were aware of how powerful this man is. Kaya naman hindi rin biro ang makipag-usap dito.The police officer spoke, “Maraming nakapataong na kaso kay Emil. Baka nga hatulan siya ng habang-buhay na pagkakakulong or worse ay death penalty.”“Pahirapan niyo. Ang dali lang sa kan’yang mamatay. Paano niya pagb
A knock interrupted Hazel and Tiara’s rest. Nagkatinginan ang dalawa at bakas sa kanilang mukha ang pagtataka kung sino ang nasa labas. Wala kasi ang mag-asawa ngayon dahil may pinuntahan ito sa labas kaya sila lang nag naiwan sa bahay. “Sino sa tingin mo ang nasa labas? Nasundan kaya tayo ni Jackson?” tanong ni Tiara na binalot ng kaba ang katawan. A-ang bilis naman nito at agad silang natunton. Umiling si Hazel habang matalim ang matang nakatitig sa pinto. “Hindi ko alam. Paano kung kakilala nila? Huwag na lang natin sagutin—” Natigil ang pagsasalita ng dalaga nang marinig ang pamilyar na pagkataok na tanging sila lang ang gumagawa. Ginagawa iyon para malaman na miyembro nga ng organisasyon ang nasa labas. Napatayo siya at lumiwanag ang mukha. “Ano’ng gagawin mo? Baka si Jackson ‘yan!” pigil ni Tiara sa dalaga nang bubuksan nito ang pinto. “Kung talagang kakilala ‘yan ng mag-asawa dapat una pa lang ay tinawag na nila ang pangalan ng isa sa dalawa.” “Trust me, kilala ko ang
Nagising si Rousanne na puno ang pawis ang noo. Hinihingal pa siya at balisa ang mukha, tanda na kung ano man ang napanaginipan nito ay hindi maganda. “Gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Beth sa anak. Bakas sa mukha ng ginang na hindi maayos ang tulog nito, ngunit makikitaan din na parang pagod na pagod ito at may malalim na inaalala. “Ma,” mahinang tawag ni Rousanne habang nagsasalin ng tubig sa baso ang naturan. “Nasaan si Demetrius?” “Umuwi muna siya. Dalawang araw kang tulog. Wala ka bang ibang nararamdaman? Teka lang at hintayin mo ang papa mo. Bumili lang ng pagkain.” Umiling si Rousanne. “Dalawang araw akong tulog? Ang mga anak ko, ma? Naaalagan ba silabng maayos? Gusto ko sanang makausap si Hazel.” “Anak, mamaya na okay? Pagkatapos mo na lang kumain.” Hindi talaga mapakali si Rousanne lalo pa’t pakiramdam niya ay may tinatago ang ina. “Ma, may nangyari ba? Please, ‘wag niyo naman itago sa’king kung ano ‘yan. Kailangan ko rim malaman lalo na kung tungkol s
“T-Tiara a-ano’ng... bakit ka— ano’ng nangyari sa’yo?” Ni-lock agad ni Tiara ang gate ng bahay at kinuha ang kamay ni Hazel bago ito kinaladkad papasok ng bahay.“Kailangan n’yong umalis ngayon din, Hazel!” tarantang aniya ni Tiara. Tumingin siya sa likod at mas binilisan ang paglalakad sa loob sabay lock ng pinto ng bahay.“Teka! Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit gan’yan ang hitsura mo?” Pigil ni Hazel sa dalaga. Hindi siya makapaniwala na may gagawa nito sa dalaga. “Ang amo mo ba ang gumawa nito? Kailangan natin tunawag ng pulis!”“Hindi!” Pigil ni Tiara rito na nanlalaki ang mata. Nang ma-realize kung gaano siya nag-react ay napakagat siya sa ibabang labi. “Hazel, kailangan na nating umalis dito! Hindi kayo safe pati na ang mga anak ni Rousanne!” nagpa-panic na saad nito habang tumitingin-tingin sa labas ng bahay. Kumunto ang noo ni Hazel. “Ano bang pinagsasabi mo? Tapos na ang laban. Iyong Emil ay nasa kustodyo na ng mga pulis pati na rin ang mga alagad nito kaya huwag kang mabahala,”
“Demetrius, bakit hindi ka muna umuwi sa bahay? Hindi ka pa bumabalik ng limang araw. Kailangan mo rin magpahinga.” Naaawa si Beth sa binata na ‘di umuwi at tanging nakabantay lamang sa tabi ni Rousanne. “Okay lang ako, Ma. Baka ‘pag nawala ako may mangyari na naman.” Umiwas ng tingin si Ymar. Dahil sa kapabayaan niya ay napahamak ang kapatid sinisisi niya ang sarili doon. Nalaman na rin ng magulang niya ang nangyari sa kan’ya— hagulgol ang inabot niya sa ina at mangiyakngiyak naman ang kan’yang ama. “Tapos na ‘di ba? Wala nang balak gawin iyon. Nandito rin naman ang mga tauhan mo. Demetrius, umuwi ka na muna alam kong gusto mong nasa tabi ng anak ko pero kailangan ka rin ng mga anak mo.” “Tama ang mother-in-law mo, hijo. Nandito naman kami sige na.” Humigpit ang kapit ni Demetrius sa kamay ng asawa. The twins, of course the twins need him. Wala ngayon ang ina at siguradong hahanap-hanapin ng mga ito ang kalinga niya. He stood up and kissed the head of his wife. “I’ll be back,” h
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments