Alas sais na ng gabi subalit hindi pa dumarating si Jarred. Nagluluto ako ngayon para sa hapunan. Naalala ko ang beaf steak na niluto ko. Nagustuhan kaya niya ang niluto ko? Nasarapan ba siya sa niluto ko? Hays. Malalaman ko rin mamaya pagdating niya.
Nagluluto ako ngayon ng adobong manok. One of my favorite. Kailangan kasi kapag nakauwi na siya nakapagluto na ako at tapos na sa mga gawaing bahay. Nakakapagod talaga. Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa pagod na nararamdam ko. Natigil ako sa pagluluto nang may maulinigan akong yabag papalapit sakin. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Si Jarred na matamang nakatingin sakin. Humarap ako sa kaniya at nginitian siya. "Magandang gabi po Sir." bati ko sa kaniya. Hindi man lang siya ngumiti sakin pabalik. Ano pa ba aasahan ko? Malamang ang malamig na pakikitungo niya sakin. Akala ko ayos na kami noong nakaraan araw lalo at nag-sorry siya. Pero hindi pala. Hindi kaya naisip niya na mali ang ginawa niya at hindi siya dapat humingi ng sorry sakin? Madaming tanong sa aking isipan na si Jarred lang ang makakasagot. Nang hindi pa rin siya nagsasalita at nakatingin lang sakin ay tumalikod na ako para tingnan ang niluluto ko at para maiwasan ang kabang nararamdaman ko. Oo, aaminin ko. Kahit ganito siya sakin. Apektado pa rin ako ng presensya niya. Bumuntong-hininga siya na para bang nahihirapan. Natigilan ako. Bakit naman siya mahihirapan? Malamang gustong-gusto niya ang mga pagpapahirap na ginagawa niya sakin. Bigla kong naisip ang naging usapan nila ng lalaking kasama niya kanina sa Office. Nakarinig ako ng dalawang yabag na marahil aalis na siya kaya nagsalita na ako bago pa siya makaalis. "Sir Jarred. Pwede magtanong?" tanong ko. Tsaka humarap sa kaniya. Nakatalikod pa ito nang makaharap ako sa kaniya. "Ano yun Jasmine?" mariin ang pagkakabanggit niya nang aking pangalan. Lumunok muna ako bago nagsalita. "Alam ba ng kasama mong lalaki kanina sa Office kung sino ako?" tanong ko. Naghintay ako nang sagot niya. Akala ko hindi na siya magsasalita ngunit lumingon siya subalit hindi ako abot ng kaniyang paningin. "Hindi. Hindi ko sinabi sa kaniya. Magbibihis lang ako at kakain na tayo. Pakibilisan nalang ang pagluluto. Nagugutom na ako." wika niya. Tsaka nagtuloy-tuloy na sa paglabas ng kusina. Napabuntong-hininga ako sa nalaman at the same time gumaan ang aking pakiramdam. Sabay kaming kumakain ni Jarred. Magkaharap kami ngayon sa mesa. Ano kayang iniisip niya ngayon. Mukhang nagustuhan naman niya ang niluto kong adobong manok, dahil magana siyang kumakain. Napangiti ako sa isiping iyon. Biglang nag-angat ng tingin si Jarred at nahuli akong nakangiti. Kumunot ang noo niya. "Hindi ko gusto ang ulam na prine-pare mo sakin kaninang tanghali. Kaya ang nangyari si Vince ang kumain. Bumili nalang ako ng lutong ulam sa kalapit na karinderya dahil rush hour na rin yun." wika niya. Napatingin ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata. Bakit pa niya ako pinagod magluto ng lunch niya kung hindi rin naman pala niya gusto ang niluto ko. Hindi naman siya nagsabi kung ano lulutuin. Niluto ko yun dahil yun ang paborito niya. Paanong hindi niya nagustuhan. Tapos malalaman ko iba pala ang kumain. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. "Diba paborito mo yun? Paanong hindi mo nagustuhan? Kapag nagdadala ako ng beaf steak noong college na luto ni Mom gustong-gusto mo. Bakit ngayon hindi na ba?" tanong niya. Oo, kapag nagluluto si Mom ng ulam para sakin. Pero madalang lang iyon dahil abala din siya sa kompanya. Minsan niya lang ako ipagluto ng ulam pero beaf steak ang laki kong inererekomenda na iluto niya dahil yun ang paborito ni Jarred. Pakiramdam ko napahiya ako. Ni hindi man lang niya tinikman ang niluto ko bago man lang sana siya bumili ng ibang putahe. Nasasaktan na talaga ako. Tumikhim siya bago nagsalita. "People changed Jasmine. Hindi sa lahat ng pagkakataon paborito natin sa isang bahay. Maaring ngayon gusto mo pero kapag nagtagal di na pala. Diba? Noong una gusto mo pero tinapon mo lang na parang wala lang dahil hindi sa lahat ng pagkakataon magugustuhan natin iyon. You got my point?" wika niya. Sinalubong niya ang mga titig niya. Ako ba ang tinutukoy niya sa mga sinabi niya. Sasabihin ko ba ang tunay na rason? Sabagay, kahit sabihin ko naman alam ko naman na di siya maniniwala at di ako pakikinggan. Tumango nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin. Baka kapag sumagot ako makatikim lang ako ng maaanghang na salita galing sa kaniya. Itinuon ko muli ang atensyon ko sa kinakain. Nakita ko na di nito ginagalaw an pagkain niya kaya tiningnan ko siya. Nahuli ko siyang nakatitig sakin. At nakita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot. Nagulat siya. Bumuntong-hininga siya at ibinaba ang mga kubyertos na hawak sa plato tsaka tumayo. "Tapos na ko." wika niya tsaka naglakad palabas ng kusina. Napaisip ako. Bakit ganun ang nakita ko sa kaniyang mga mata. Bakit siya nalungkot. Natapos ako sa paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng kusina bago nagpasyang pumunta sa aking kwarto. Nang makarating ako doon. Hindi ko na mapigilan ang umiyak. Pinaghirapan ko ang beef steak na yun para sa kaniya. Ginawa kong espesyal yun para sa kaniya pero hindi pala niya kinain. Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ng cellphone ang pangalan ni Celine Lagrado. Hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyayari sakin ngayon. She was my closest friend. Baka mamaya mag-alala siya sakin ng sobra kapag kwento ko lahat ng nangyayari sakin. I knew her very well. Alam niya kung gaano ako nasaktan sa paghihiwalay namin Jarred. And she always there to comfort me. Alam kong magtatampo siya kapag nalaman pa niya sa ibang tao, kaya mas maganda kung sasabihin ko sa kaniya. Napakagat-labi ako. Di ko pa siya makakausap naiiyak na ako. I press the answer button and placed the cellphone in my ear. "Thanks God! You answered it." wika niya. Huh? Tiningnan ko saglit ang cellphone at naka- 20 missed calls siya! Hindi ko naman pwede gamitin ang cellphone kapag oras ng trabaho. "Sorry busy lang Celine." wika niya. "Busy sa pag-aasikaso sa bahay ni Jarred. Tama?" tanong niya sakin. Napakagat-labi ako. Paano niya nalaman. Oh shet! Marahil tinanong niya sina Mom at Dad. Nang hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita. "I knew it already. Why you do that? Ginagawan ka ba niya ng di maganda?" tanong niya sakin. Hindi ko alam kung magsasabi ba ako sa kaniya o sasarilinin ko nalang. Napabuntong-hininga ako. Mas mabuti kung sasabihin ko nalang. "I'm sorry Celine. Ayaw ko lang naman mag-alala ka. Kaya diko na sinabi sayo." wika ko. Alam ko na nagtatampo na siya ngayon. "Bakit di mo sinabi sakin? Edi sana nakatulong ako. Jasmine you are my best friend. And I care about you. Ramdam ko kasi na parang hindi maganda pakikitungo sayo." sabi niya. Paano naman nito nasabi yun? "Bakit mo naman nasabi Celine?" "I called you lunch pero di mo sumasagot ang tawag. Dapat meron kang break time sa sarili mo hindi lang lagi trabaho. So I knew it already. We should talk another day. Magkita tayo Jasmine. Madami tayong pag-uusapan. I miss you so much. Ikwento mo lahat ng mga dapat ikwento sa araw na yun." wika niya tsaka binaba ang tawag. Hindi ko na nasabi ang mga dapat kong sabihin. Ayos lang iyon ang mahalaga alam niya na. Napahiga ako sa kama. Kapag nalaman niya na pinapahirapan ako ni Jarred. Siguradong mag-aalburuto iyon at baka sugurin si Jarred. Hindi ako humiram ng pera sa kanila dahil ayaw ko. Tiyak na magdududa siya kapag humiram ako ng pera sa kaniya. Kilala niya ako. Alam niya kung gaano ako kasinop sa pera. At hindi siya mangingiming pahiramin ako. Maliit na bagay sa kanila ang 200 million pero di ko kayang abusuhin ang kabaitan niya. Dahil madami na siyang nagawa para sakin.Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p
Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha
Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C
Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an