Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang repleksyon ko suot ang uniporme na bigay ni Jarred sakin. Napanguso ako. Dress siya na stripe may pagka-balloon ang estilo, may bulsa sa harap. Yung mga sinusuot ng mga katulong sa fairytale ganun ang suot ko. Ano bang naisip ni Jarred at ito ang ipinasuot niya sakin?
Napabuntong-hininga ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng pangalawang palapag ng makasalubong ko si Jarred. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin. Napangiti siya ng makita ako. "Bagay mo pala yung uniporme. Mamaya ipagluto mo ako ng pananghalian. Dalhin mo sa office. Dapat ganiyan ang suot mo Jasmine." wika niya tsaka ipinagtuloy ang pag-akyat. Naiwan akong nakatulala. Tiningnan kong muli ang suot kong uniporme. Tsaka napapikit ng mariin. Hindi ito maaari. Hindi ako pwedeng pumunta sa office nang ganito ang suot ko. Pero wala akong magagawa dahil siya ang amo ko at dapat ko siyang sundin. Ano nalang mukhang ihaharap ko sa receptionist at sa mga taong makikita ako baka yung iba makilala ako. Napaupo ako sa baitang ng hagdan. Noong nakita ako ng receptionist napaka-ayos ng pananamit ko. Na sa unang tingin palang sakin mahihinuha na may kaya ako sa buhay. Yes, that's the fact. Hindi ako nagsusuot nang mga mumurahing damit dahil kaya naman bilhin iyon ng magulang ko at kaya Kong bilhin dahil may trabaho ako. I prepared wearing clothes na may pangalan o kilala. Pero ngayon heto ako nakasuot nkang uniporme ng isang katulong. Ayos lang naman sakin na dito sa bahay magsuot ng ganito pero kung pupunta na ako sa ibang lugar. Parang di ko kakayanin. Napabuntong-hininga ako. I need to face the fact. Ito ang consequences ng pagkakautang namin kay Jarred Raqueza na ngayon hindi maganda ang pakikitungo sakin. Tumayo ako sa mula sa pagkakaupo at magsimula nang gawin ang mga trabaho ko. Napakagat-labi ako. Hanggang kailang ko kayang magtiis? Pero kakayanin ko matapos ang isang taon. Mabilis lang lilipas iyon at magiging malaya na ako kay Jarred, pero bakit parang hirap isipin na maghihiwalay na ako sa kaniya pagkatapos ng kontrata? SUMAPIT ang oras ng pananghalian. Nakapagluto na ako nang pananghalian. Ang niluto ko ay beaf steak, paborito niya ito noong college kami. Marunong akong magluto dahil natuto ako simula noong humiwalay ako sa mga magulang ko noong nag-graduate ako ng college. Sigurado na paborito pa rin niya ito hanggang ngayon. Inihanda ko na ang lunch box para doon ilagay ang beaf steak at kanin. Nang matapos ako nilagay ko ang mga iyon sa isang paper bag. Binitbit ko iyon at lumabas ng kusina patungo sa labas ng bahay. Nakita kong nakatayo sa harap ng sasakyan ang lalaking sumundo sakin sa bahay noong araw ko dito sa bahay slash mansyon ni Jarred. Marahil nasa trenta pataas ang edad niya. Nang makita siya nito ay agad siyang nagtungo sa driver's seat para maupo. Natigilan ako, di man lang niya ako pinagbuksan ng pinto. Napailing ako. Sabagay ano pa nga bang aasahan ko? Special treatment? Hindi mangyayari ngayon dahil sa mga pagkakataong ito parehas lang kami tagapagsilbi ni Jarred Raqueza. Lumapit na ako sa van at binuksan ang pintuan. Pumasok ako sa loob at naupo. Tiningnan ako nang lalaki mula sa rear view mirror ng van. Pinatakbo na niya ang sasakyan palabas ng mansyon. Hindi ko pa pala alam pangalan ng driver ni Jarred. Siguro naman ayos lang na tanungin niya. Para mabati ko siya kapag nakikita ko siya. Dahil panigurado hindi ito ang unang paghatid ko nang tanghalian kay Jarred. "Pwede ko po ba malaman ang pangalan niyo po?" tanong ko. Tiningnan niya ako mula sa rear view mirror. "Ashon po. Ashon Oclivo po. Pasensya na po kayo Ma'am. Kung hinayaan ko po kayo magbukas ng Van. Nakatapat po kasi tayo sa CCTV, baka makita po ni Sir Jarred. Pinagbilin po niya sakin na hindi ko kayo dapat bigyan ng special treatment. Nasabi ko po ito, dahil ayaw ko po na isipin niyo na hindi maganda pakikitungo ko sa inyo. Huwag niyo nalang po sasabihin sa kaniya na sinabi ko po sa inyo." paliwanag niya sakin. Hindi na ako mabibigla kung bakit iuutos iyon ni Jarred. Talagang gusto niyang maramdaman ko na talagang katulong lang ako sa pamamahay nito na hindi hindi pwedeng bigyan ng respeto o pakitunguhan ng iba bilang isang babae. Na isa nalang akong basura sa kaniya. Kung alam niya lang ang isinakripisyo ko para sa kaniya. Tiningnan ko si Ashon mula sa salamin at binigyan ng matamis na ngiti. "Okay lang sakin Ashon. Naiintindihan ko. Makakaasa ka na hindi ko sasabihin sa kaniya mga sinabi mo." wika niya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Sobrang sakit. Siguro masyado lang ako naaapektuhan dahil hanggang ngayon mahal ko parin siya. At yung dating pakikitungo niya sakin napalitan ng galit. Napalunok ako. Huminto bigla ang sasakyan. Napatingin ako sa unahan. "Ma'am panyo po. Punasan niyo po ang luha niyo po." wika niya habang nakalahad sa aking harapan ang panyo niya. Kinuha ko iyon at pinunasan ang luha ko na dumaloy na sa aking pisngi. "Salamat." wika ko. NARATING na namin ang Raqueza Steel Corporation. Lumabas na ako ng van dala ang paper bag na naglalaman ng pananghalian ni Jarred. Tiningnan ko ang oras sa suot na relong-pambisig. 11:30 am palang. Maaga pa. Alas dose kasi siya nanananghalian. Tiningnan ko ang gusali na nasa aking harapan. Napakaganda talaga nito. Napakatayog. Ang layo na talaga ng narating ni Jarred. Napakaswete ng mapapangasawa niya. I'm so proud of him. Naglakad na ako patungo sa glass door. Bahala na, wala na akong pakielam kung anong iisipin nila. Pinagbuksan ako ng gwardiya na nakatayo sa gilid ng glass door. "Salamat po." wika ko bago pumasok sa loob ng gusali. Nakita ako ng receptionist na nasa gilid na mukhang abala sa ginagawa. Nagtataka siyang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako sa paraan ng kaniyang pagsipat. Nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti siya sakin. Lumapit ako sa kaniya at ipinatong sa reception desk ang dala kong paper bag. "Ibibigay ko sana ito kay Sir Jarred Raqueza Ma'am." wika ko. Tumango siya at nagsimulang mag-dial sa telepono. Mukhang tatawagan niya si Jarred. "Sir nandito po yung maid ninyo. Papuntahin ko na ba siya diyan?" tanong niya. Hindi ko maiwasang mapaikot ang aking mga mata sa term na ginamit niya sakin. Hindi man lang niya ginandahan. Sabagay maid naman talaga ako. Hindi naman niya nakita ang ginawa ko dahil nakabaling siya sa kabilang side. "Okay Sir." wika niya at ibinaba ang telepono tsaka siya humarap sakin. "Pwede ka na daw magtungo roon." wika niya tsaka muling bumalik sa ginagawa. Tumalikod na ako para magtungo sa elevator dala ang pananghalian ni Jarred. Habang naglalakad pinagtitinginan ako ng mga empleyado na labas-masok sa gusali marahil ang iba ay maglulunch at ang iba ay tapos na mag-lunch. Diko maiwasang iyuko ang aking ulo sa ginagawa nilang pagsuri sakin. Na para bang isa akong basahan na napadpad sa gusali. Napabuntong-hininga ako. This really tortures me. Nang marating ko ang elevator ay nakahinga ako ng maluwag. Pumasok ako sa loob at hinintay na makaakyat ang elevator sa patutunguhan ko. Nang bumukas iyon ay nilakad ko ang hallway patungo sa office ni Jarred na nasa pinakadulong bahagi. Nang matapat ako doon ay agad ko iyong kinatok. Napakunot-noo ako ng walang nagbukas ng pinto. Naka-leave pa ba si Iya? Yung Sekratarya ni Jarred. Kumatok ulit ako subalit mas malakas na iyon. Ilang saglit lang bumukas na ang pinto at tumambad sa akingng harapan ang isang lalaking matangkad na nagmistula akong bata sa tangkad niya. Naka-pormal attire, at mahihinuha na may magandang katawan base sa nakaporma na muscles sa braso niya. Na mapag-aalamang batak na batak na ehersisyo. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Namula ako sa ginawa niya. "Yes Miss. Pasok ka." wika niya at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok ako sa loob. Sumunod yung lalaki sakin pagkatapos niyang isara ang pintuan. "Siya ba niyang tinutukoy mong katulong mo?" tanong ng lalaki kay Jarred. Lumapit naman ako kay Jarred at inilagay sa mesa niya ang dala kong pananghalian niya. "Yes, siya nga. Jasmine, Jasmine Saderra." Kailangan pa niyang sabihin ng buo ang pangalan ko sa lalaki? Hindi ko maiwasan na mapakagat-labi dahil sa inis na nararamdaman. Nakita kong napatingin sakin si Jarred. "Mauna na po ako Sir Jarred." wika ko at tumalikod na patungo sa labas ng pintuan. Subalit, bago ako makalabas nagsalita ang lalaki. "Jasmine Saderra? Ang may-ari ng Saderra's Coffee Factory?" tanong niya. Bago ko pa man marinig ang mga sasabihin ni Jarred. Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Paglabas ko ay diko maiwasang mapabuntong-hininga. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Marahil oo, ang sagot ni Jarred at marahil nagtataka na rin ang lalaki kung bakit katulong ako ngayon kung may kompanya pala kami. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Awa at lungkot sa sarili dahil nandito ako sa ganitong sitwasyon. At galit dahil sa ginagawa sakin ni Jarred Raqueza.Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p
Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha
Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C
Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an