Pauwi na ako sa aking condo subalit hindi parin magsink-in sa aking isipan ang mga nalaman ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagkautang kami kay Jarred Raqueza. Napahigpit ang hawak ko sa manibela.
Napagdesisyunan ko na magresign sa trabaho ko at tututukan ang kompanya. Kailangang-kailangan ako nina Mom at Dad. Napag-alaman ko na nagresign si Manong Garry sa kadahilanang wala na maipasahod sa kaniya. Napapikit ako ng mariin. Ano ba itong nangyayari? Karma ba ito sa ginawa nina Mom at Dad kay Jarred? Nang marating ang condo ay agad kong ipinark ang kotse sa loob at nagtungo sa ako sa aking kwarto. Pasalampak akong nahiga sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Patungo ako ngayon sa opisina ng Boss ko na si Ruel Herrano para mag-file ng resignation letter. Napabuga ako ng hangin habang minamaneho ang Mitsubishi. Mahal ko ang trabaho ko. Apat na taon na akong nagtratrabaho dito, napamahal na sakin ang trabaho subalit kailangan ko itong gawin. Nang marating ang opisina ni Mr. Ruel Herrano ay ipinark ko ang sasakyan di kalayuan sa opisina niyo. Umibis ako ng aking sasakyan at tinungo ang pintuan dala-dala ang envelope na naglalaman ng resignation letter ko. Kumatok ako ng tatlong beses hanggang sa may nagbukas ng pintuan para sakin. Si Jessa, ang Sekratarya ni SMr. Ruel Herrano. Nabungaran ko si Mr. Herrano na nakaupo sa kaniyang mesa. "Mr. Herrano, nandito po si Ms. Saderra." wika ni Jessa. Agad naman nag-angat ng tingin si Mr. Herrano mula sa ginagawa sa mesa at tiningnan ako. "Ms. Saderra good morning. Bakit ka napapunta dito? May problema ba sa site?" wika niya habang nakangiti sakin. Isang matamis na ngiti, ginantihan ko iyon ng isang ngiti na hindi man lang umabot sa aking mga mata. Lumapit ako sa mesa niya at inilipag ang envelope sa harapan niya. "Magreresign na po ako sa trabaho. Kailangan po ako ng magulang ko sa kompanya Mr. Herrano, may problema ang kompanya at kailangan nandoon ako para resolbahan ang gusot. Sana naiintindihan mo po ako Mr. Herrano." wika ko. Tumango-tango naman siya at kinuha ang envelope na nasa mesa. "Naiintindihan ko Ms. Saderra, pero kung sakali man na gusto mo ulit bumalik. Welcome ka pa rin." wika niya. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Napakabuti niya kaya nagtagal ako ng apat na taon sa kaniya. "Salamat po Mr. Herrano. Aalis na po ako." wika ko. Tumalikod na ako papuntang pintuan at bubuksan ko na sana iyon nang magsalita siya. "Kapag may problema ka Jasmine. Huwag kang mangingimi na lapitan ako." wika niya. Lumingon ako at tumango. "Makakaasa po kayo Mr. Herrano." wika ko at agad nilakad ang distansiya patungong pintuan. Pinihit ko iyon at binuksan. Lumabas ako ng opisina at tinungo ang Mitsubishi na naka-park di kalayuan. Sumakay ako at pinandar iyon. Pupunta ako kay Jarred Raqueza para malaman kung magkano ang utang namin. Ayaw ko mang gawin pero kailangan. Kailangan ko siyang makausap. Habang daan diko maiwasang kabahan. Anong sasabihin ko kapag nagkita kami? Anong magiging reaksyon niya kapag nakita ako? Napalunok ako. Bahala na. Basta ang mahalaga makausap ko siya. Ilang saglit lang narating ko na ang Racqueza's Steel Corporation. Ipinark ko ang sasakyan sa parking area ng building. Kinalma ko muna ang sarili ko bago binuksan ang pintuan ng aking Mitsubishi. Nang bumaba ako di ko maiwasan pangatugan ng mga tuhod. Kumapit ako sa sasakyan para kumuha ng suporta. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Lumunok ako at inayos ang sarili ko. Tumayo ako ng matuwid at nagpasyang pumunta sa entrance ng building. Binuksan iyon ng gwardiya nang makalapit ako. "Maraming Salamat po." wika ko sa gwardiya. Agad kong tinungo ang reception desk na nasa gilid ng lobby at nakita ko ang isang babae na may pagka-blonde ang buhok na abot hanggang balikat niya. Lumapit ako sa kaniya at tinanong kung pwede ako magset ng meeting kay Jarred Raqueza ngayon. "Wait mam. Tatawagan ko muna ang Secretary niya para malaman ko if free siya ngayon." wika nang babae na ang pangalan ay Sharia dahil sa nameplate nito. Tumango ako bilang pagtugon. Agad siyang nag-dial ng numero sa telepono at inilagay iyon sa kaniyang taenga. Tinanong niya kung pwede ako magset ng meeting. Hinintay muna niya ang sagot ng nasa kabilang linya na marahil ay ang Secretary ni Jarred. "Okay Sir. Thankyou." wika niya bago ibinaba ang telepono. Tiningnan siya nito pagkatapos maibaba ang telepono. "Pwede na daw po kayo magtungo sa opisina niya Ma'am. Sa 7th floor po ng building sa dulong bahagi ng hallway." wika niya. Nagpasalamat ako at agad na tinungo ang kinaroroonan ng elevator. Nasa dulo iyon sa kanang bahagi ng lobby. Nang bumukas iyon ay agad akong pumasok sa loob at pinindot ang 7. Nanginginig ako habang nasa loob at pataas na pataas na numero. Nang bumukas ang elevator na katunayan na 7th floor na ako ay tinalunton ko ang daan patungong dulo ng hallway. Tanging black heels ko lang na nagbibigay ingay sa marmol na sahig ang maririnig ng mga oras yun. Nang marating ko ang dulong hallway at nasa tapat na ako ng pintuan. Muli napabuntong-hininga ako. May naka-sulat sa pinto na "Office Of CEO." Dahan-dahan kung inilapit ang aking kamay na nakayukom para kumatok. Tatlong beses akong kumatok. Hanggang sa binuksan iyon ng isang babae na nakasuot ng office attire. "Good Morning Ma'am. Kayo po ba si Ms Saderra?" tanong niya sakin. "Opo." sagot ko. "Pasok po kayo. Hinihintay na po kayo ni Sir Racqueza." wika niya. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Jarred na nakaupo patalikod sakin at tinitingnan ang tanawin mula sa labas ng bintanang salamin ng building. Napalunok ako ng umikot ito gamit ang swivel chair. Tiningnan niya ako ng matiim hanggang sa napako iyon sa babaeng kasama niya. "Iwan mo muna kami Ms. Iya." wika ni Jarred. Yumuko naman ang babae at agad na lumabas ng silid. Silang dalawa nalang ngayon ni Jarred ang nasa loob. Tinitigan ako ni Jarred. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay sa ginagawa niya. "Please have a seat Ms. Saderra." wika niya at iwenestra ang kinaroroonan ng upuan na nasa harap ng kaniyang mesa. Agad kong tinungo iyon at naupo. "Bakit ka nagpaset ng meeting sakin Jasmine?" tanong niya habang mariin parin siyang nakatingin sakin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Mr. Racqueza nandito ako para tanungin kung magkano ang utang namin sayo." wika ko. Tumango siya at binuksan ang drawer ng mesa niya at may kinuhang maliit na cheque. "Tingnan mo dito. Nandyan ang sagot sa tanong mo." wika niya at iniabot ang cheque sa kaniya. Kinuha ko iyon at binasa ang nasa cheque. Halos manlumo ako sa natuklasan. Bakit ganito kalaki ang utang ng aming pamilya? Ganun na ba talaga kagipit ang kompanya para magkaroon ng ganitong lalaking utang? Naninikip ang dibdib ko. Paano ko mababayaran ang utang namin? Ibinalik ko ang cheque kay Jarred. "Bigyan mo ako ng dalawang buwan para mabayaran yan Jarred." wika ko. Kailangan ko ng kaonting panahon para makaupin ng ganung halaga. "No. May kasunduan kami ng iyong mga magulang. And 1 week nalang ang palugit para mabayaran niyo ang utang. Kung hindi, mapapasakin ang kompanya niyo. Dahil yun ang collateral na hiningi ko sa magulang mo." wika niya. Hindi ko na maiwasan mapaluha. Subalit pinahid ko iyon. Nakita ko sa mga mata ni Jarred ang awa sa kaniyang mga mata. Hindi, hindi niya dapat ako kaawaan. "Paano ko mababayaran in just 1 week Jarred? Give me another week. Gagawa ako ng paraan para mabayaran ang utang namin." wika ko sa nagsusumamong tinig. "Jasmine, alam mo kung gaano kahalaga ang kasunduan sa isang negosyo. Kaya 1 week lang. Kung hindi niyo yun mababayaran mapapasakin ang kompanya niyo." wika niya. Tumayo ako. "Okay. 1 week. Mababayaran ko ang utang namin sayo." wika ko at agad akong tumalikod para magtungo sa pintuan para lumabas. Alas syete na ng gabi, binabagtas ko ang daan patungo sa bahay. Subalit hindi parin magsink-in sa isip ko kung bakit ganun kalaki ang utang ng magulang ko. 200,000,000! Ang laki! Hindi man lang ba naisalba ang kompanya sa ganung halaga. Kailangan kong makausap si Mom at Dad. Nang marating ko ang bahay ay bumaba muna ako pinindot ang doorbell. Lumabas mula sa pintuan si Ate Melanie, at nagtungo sa kinaroroonan ko. 35 years old na ito. Nagpapasalamat ako kasi hindi pa siya umaalis sa bahay. Apat na taon na siyang naninilbihan samin. Binuksan niya ang gate para makapasok ako. Tinungo ko ang Mitsubishi at ipinasok sa loob ng bahay. Umibis ako ng sasakyan at hinintay si Melanie na makalapit sakin. "Asan sina Mom at Dad, Ate?" tanong ko kay Ate Melanie. "Nasa taas po ata Ma'am, sa kwarto po nila." wika niya. Agad akong naglakad papasok sa bahay at tinungo ang pangalawang palapag ng bahay. Nang matapat ako sa kwarto nila ay agad ko iyon ipinihit. Pagbukas ko ay tumambad sa harapan ko sina Mom at Dad na may mga papel sa ibabaw ng kama. Mukhang nagulat sila sa aking pagdating. "Anak." yun lang ang sinabi ni Mom. Si Dad ay naestatwa sa pagkakaupo. Lumapit ako sa kama at dinampot ang isang papel. Nakalagay doon ang pangalan ni Jarred Raqueza. Tiningnan ko pa ang iba, ganun din. "Ito ba yung mga resibo sa lahat ng utang ninyo kay Jarred?" tanong ko. Mahina man iyon pero mababanaag ang galit ko sa mga sinabi ko. "Oo, anak. Isang linggo nalang kasi ang palugit sa utang natin sa kaniya. Kaya hindi namin alam kung ano gagawin namin." wika ni Dad. Napapikit ako. Gusto nang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata subalit pinigilan ko. "Gagawa ako ng paraan para mabayaran natin ang utang natin." wika ko. Gustuhin ko mang magalit. Subalit hindi ko magawa. Sila parin ang mga magulang ko. Kung wala sila, wala ako sa mundong ito.Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p
Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha
Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C
Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an