Share

Chapter 2

Ngayon ang dating ng sinasabi ni Nanay Lita na kakilala n'ya na bagong mamamasukang katulong dito sa aking mansion, hindi muna ako pumasok sa aking opisina dahil gusto kong kilatisin ang tinutukoy niya. Hindi kasi ako madaling magtiwala sa mga tao lalo na at kung babae ito.

Nandito ako sa loob ng library ng aking ama, mula ng namatay ang aking ama ay lagi na akong pumapasok dito, ito kasi ang paboritong tambayan n'ya sa tuwing malungkot ito, mga panahong hindi ko pa alam ang tunay na dahilan ng kanyang kalungkutan. Habang nasa malalim akong pag-iisip ay katok sa pintuan ang pumukaw sa akin.

"Come in." ani ko sa taong kumakatok na alam ko namang si Nanay Lita at ang inererekomenda niyang katulong.

Pagkabukas ng pintuan ay napatingin ako sa kasama nito na isang ginang na nasa edad mid 40s pa lamang at may kasama itong isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 20 naman. Napataas ang aking kilay dahil ang inaasahan ko lamang ay isang babae na mag-aapply bilang isang katulong.

"Hijo, ito nga pala si Anita Villanova at ito naman ay ang kaniyang anak na si Calix Villanova." ani nito sa akin sabay lagay ng envelope na malaki sa ibabaw ng aking lamesa. Hindi ko agad binuklat ang envelope na ibinigay ni Nanay Lita dahil nakatingin lamang ako sa lalaking kasama ng Anita Villanova. Matangkad ito na hindi nalalayo sa taas ko na six-footer, malaki din ang pangangatawan nito at masasabi kong maganda ang lahing pinagmulan ng lalaking ito.

"Ah anak ko ho pala si Calix, pasensya na ho kayo kung isinama ko na siya dito, baka lang kasi na nangangailangan ka ng personal driver mo, pwede po kasi ang anak ko." magalang na ani sa akin ni Aling Anita.

Hindi ako kumibo pero kinuha ko ang envelope at sinumalan ko itong buklatin. Pagkatapos kong basahin ang nilalaman nito ay ibinalik kong muli ang mga dokumento sa loob ng envelope at sumandal ako sa aking swivel chair.

"You can start now Aling Anita if that's okay with you." wika ko dito habang sa kaniyang anak naman ako nakatingin. Malaking ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at walang puknat ang pasasalamat nito sa akin.

"So, two kids ang pinag-aaral ninyo?" tanong ko dito. "Isa lang po sir, naghinto po muna si Calix upang matulungan niya akong mapag-aral si Bria, ang bunso ko pong anak na babae. College na po kasi siya at gusto ko po sanang mapagtapos kahit ang bunso ko lang muna." wika nito sa akin kaya naman napatango-tango naman ako.

Napatingin naman ako kay Calix at pinagmasdan ko itong mabuti kung mapagkakatiwalaan ko ba ito. Mukha naman itong mabait kaya naman bakit hindi ko bigyan ng pagkakataon.

"Do you have a driver license?" tanong ko dito at biglang kumislap ang kaniyang mga mata.

"Opo sir!" masigla niyang sagot sabay hugot ng kaniyang pitaka at kinuha ang lisensya niya at iniabot ito sa akin. Tinignan ko naman ito dahil gusto ko ring makasiguro na hindi ito peke. Pagkatapos kong tignan ang kaniyang lisensya ay ibinalik ko din ito sa kaniya.

"Thirty thousand." ani ko dito.

"S-Sir, a-ano po?" he stuttered with a shocked face after he heard what I said.

"Are you interested or not?" I asked, and then the big smile on his face flashed immediately.

"Naku, sir! Maraming-maraming salamat po!" pagpapasalamat nito sa akin,

Nagpasalamat din sa akin ang kaniyang ina at mababakas sa mga mukha nila ang matinding kasiyahan na hindi nila maitago. Hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit tinanggap ko si Calix kahit kaya ko naman ang magmaneho.

Pagkatapos kong sabihin sa kanila na dalhin sa akin ang mga dokumentong kailangan ko from Calix ay nagpaalam na rin ang mga ito.

Si Calix ay magsisimulang magtrabaho sa akin ngayong araw as my personal driver and aling Anita will start today as a housemaid.

Sunday ang day-off ni Aling Anita and ganoon na din ang kay Calix so they can have a family time on Sunday. Family time na kaylanman ay hindi ko na mararanasan pa dahil sa ginawa ng aking ina.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay tumayo na ako at tumungo ng kusina.

"Hijo, pinauwi ko muna sila upang makapag-paalam sila kay Bria, naku ang bata kasing 'yon ay hindi sanay na nalalayo sa kaniyang Kuya Calix kaya siguradong iiyak 'yon." ani sa akin ni Nanay Lita na natatawa pa dahil sa ikinukuwento niya. I am not interested about that woman or whoever she is kaya naman hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Nanay Lita sa akin.

"Nagugutom ka na ba? Nakaluto na ako baka lang gusto mong mag-agahan na." nakangiting ani nito sa akin.

Tumango naman ako dito at ngumiti naman ito sa akin at mabilis na naghain ng dalawang plato. Tumingin ako sa aking orasang pambisig at pagkatapos ay agad akong tumayo.

"Oh, saan ka pupunta?" gulat na ani sa akin ni Nanay Lita.

"Pwede pa ho akong pumasok sa opisina, pagdating po ni Calix ay papuntahin ninyo s'ya sa Decker Tower, magbibilin na lang ako sa guard para papasukin s'ya." ani ko kay Nanay Lita at nagmamadali na akong umakyat sa aking silid upang makapaghanda sa pagpasok sa aking opisina.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si nanay,

"Hijo hindi ka ba muna kakain ng agahan bago ka umalis?" tanong nito sa akin kaya naman napatingin akong muli sa aking orasang pambisig. Umiling lamang ako dito at pagkatapos ay nagpaalam na din ako sa kanya.

Pagkarating ko ng aking building ay inabutan ko na dito si Brandon.

"Oh, akala ko ba hindi ka papasok ngayon kaya ako ang nandito." ani nito sa akin habang binababa ko ang dala kong maliit na bag sa couch.

"Wala naman kasi akong gagawin na sa bahay, maagang nakarating ang bagong kasambahay ko at ang personal driver ko." wika ko dito na ikinagulat n'ya.

"What? Why do you need a personal driver?" nni nito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"I don't know, naawa lang ako dahil matindi ang pangangailangan nila para makapagtapos ang kapatid n'ya ng kolehiyo." wika ko dito kaya naman napapailing ito.

Pero totoo ang sinabi ko, nakaramdam ako ng awa sa kanila at hindi ko naman maintindihan sa sarili ko kung bakit.

"Well, okay na din 'yan kapag nagba-bar tayo at nalasing tayo, at least may driver tayo." ani niya na tumatawa ng malakas kaya naman napag isip-isip ko din na tama nga naman siya, hindi na kami matutulog sa bar na lagi naming ginagawa kapag nalalasing kami ng sobra.

Pagkatapos ng maghapon namin ni Brandon sa aking opisina ay nagkayayaan kami na uminom sa bar, nandito na rin naman ang aking driver kaya ang sasakyan ko na lamang ang aking dadalin upang si Calix na ang magmamaneho para sa amin sa pag-uwi.

"Daanan na lang daw natin si Jared para hindi na siya magdala ng sasakyan." ani ni Brandon kaya naman mabilis na kaming umalis ng aking building at sinundo muna namin ang isa naming kaibigan bago kami tumungo sa bar.

Nakarating kami sa The Big Three, isa sa pinaka sikat na bar sa lygar na ito. Umakyat agad kami sa VIP Area at nagsimula na kaming umorder ng alak na iinumin namin. Kasama namin dito si Calix ngunit water bottle lamang ang inorder ko para dito at makakaing hapunan para sa kaniya.

"Ngayon ka lang ba nakapasok ng bar Calix?" tanong sa kaniya ni Jared.

"Yes sir, wala naman po kasi akong pambayad sa mga ganitong lugar, sa halip na alak ay sa pagkain ko na lang po inilalaan ang mga kinikita ko dati." ani nito.

"Anong year ka na ba dapat kung hindi ka naghinto sa pag-aaral? tanong naman ni Brandon dito. Napapailing na lamang ako sa mga ito dahil tila ba sila nag-iinterview sa aking driver dahil sa ginagawa nila.

"Second year college po, ang kapatid ko po na si Bria ay first year college naman po ngayong pasukan at ang lahat ng kikitain ko ay ilalaan ko lamang po sa kaniyang pag-aaral." sagot nito na ikinatuwa naman namin. Well mukha ngang mabait ang taong ito.

"Mukhang mahal na mahal mo ang kapatid mo ah!" ani ni Jared.

"Opo! At handa po akong pumatay at mamatay para sa kapatid ko!" seryosong tugon nito na ikinagulat namin.

"Wow! Papatay at mamatay agad? Masyado naman 'yan!" seryosong turan ni Brandon dito habang napapailing naman kami ni Jared.

"Hindi ko po hahayaan na may manakit sa aking kapatid, ganoon ko po kamahal ang aking kapatid." nakangiti namang ani ni Calix kaya naman napatango-tango naman kami dito.

"So, para makapatay ka ng taong mananakit sa kapatid mo kung sakali man na may gagong mananakit dito eh huwag kang iinom ngayong gabi, para naman hindi ka malasing at baka tayong lahat ay pulutin sa morgue eh hindi mo na magagawa pang ipagtanggol ang kapatid mo." tumatawang ani ni Jared kaya naman nabatukan ko ito.

"Isasama mo pa kami sa morgue, mag-isa ka gago!" asik ko dito ng salubong ang kilay ko na ikinatawa naman nila.

"Oo nga naman, magpupunla pa si Decker ng tagapag-mana n'ya." tumatawang ani naman ni Brandon.

"Gago! Wala akong balak na magseryoso sa kahit na sinong babae lalong-lalo na ang punlaan sila." asik ko dito kaya naman lalo silang nagtawanan. Sarap pagsisisipain sa mukha ang mga ito.

Habang umiinom kami ay isang babae ang lumapit sa akin, hindi ito nagtatrabaho sa bar na ito dahil disente ang bar na ito, maging ang mga serbidora dito ay naka uniporme kaya naman napatitig ako sa mukha ng babaeng umupo sa aking tabi.

"Do I know you?" Ani ko dito ng nakakunot ang aking noo.

"No, but I do know you!" malandi niyang ani sa akin kaya naman napangisi ako ng pagak. Bigla niyang hinimas ang aking hita papalapit sa aking alaga kaya naman mabilis kong napigilan ang kaniyang kamay. Napatingin ako sa aking mga kaibigan na nakangising nakatingin naman sa akin. Ngumisi din ako sa mga ito, pagkatapos ay tinawag ko ang waiter upang magpahanda ako ng isang VIP room para sa babaeng kasama ko na hindi ako interesado sa kaniyang pangalan.

Kahit disente ang bar na ito ay may mga VIP room pa rin ito na maaari mong rentahan upang makapagpahinga o kaya naman ay may meeting na gustong dito sa bar ganapin.

Pagkabalik ng waiter ay inabot agad nito sa akin ang susi ng silid at nagpaalam na ako sa kanila ng may malaking ngiti sa aking labi.

Pag-pasok ko pa lamang sa loob ng silid ay hinubaran ko na agad ang babae at mabilis na sinibasib ko ang naghuhumindig niyang dibdib hanggang malalakas na ungol na lamang namin ang maririnig sa apat ng sulok ng silid at ang tunog ng pagsasalpukan ng mga hubad naming katawan.

Matapos ang mainit naming pinagsaluhan ay nilinis ko ang aking sarili at pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo upang maghugas ng aking kamay, paglabas ko mula sa banyo ay nilagpasan ko na ang babae at nagsimula na akong lumakad palabas ng silid.

"What? That's it? Ganoon lang at pagkatapos ay iiwanan mo na ako dito?" gulat n'yang ani.

"Yup! Nakapag-paraos na tayo ng init ng katawan hindi ba? Kaya that's it! Don't expect me to stay in bed with you Miss. Whatever your name is dahil hindi 'yon mangyayari!" ani ko dito at tumawa ako ng pagak bago ko nilisan ang silid.

"Asshole! Makakarma ka din bastos ka!" sigaw nito at wala naman akong pakialam. Siya ang lumapit at lumandi sa akin kaya huwag siyang magrereklamo at huwag din siyang umasta na akala mo ay matitipuhan ko siya, ginising lang niya ang natutulog kong sawa kaya naipasok ko ito sa lungga n'ya.

Pagbalik ko sa aming table ay inabutan agad ako ni Brandon ng isang kopita na may lamang alak.

"Cheers!" malakas na ani nito at pinag-untog na namin ang mga hawak naming kopita at pagkatapos ay mabilis ko ng sinaid ang laman nito.

2035/5000

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status