Share

Decker. His Painful LOVE
Decker. His Painful LOVE
Author: Extrangheras

Chapter 1

Kadarating lamang ni Decker sa kaniyang opisina ng kumatok ang kaniyang sekretarya.

Pagkapasok ng kanyang sekretarya sa loob ng kaniyang opisina ay pinagmasdan ni Decker ang pag-indayog ng balakang nito habang papalapit ito sa kinauupuan niya.

"Sir, tumawag ang ka-meeting ninyo na kung maaari ay sa bar na lang daw po niya kayo magkita, nagkaroon ng emergency kaya hindi siya makakarating." ani nito.

Parang walang naririnig si Decker dahil ang mga mata niya ay nakatitig naman ngayon sa malulusog na dibdib ng kaniyang sekretarya.

Muli siyang tinawag ng kaniyang sekretarya dahil para itong gutom na leon na pinagmamasdan ang halos hubad ng dibdib ng babaeng kaniyang kaharap.

"Okay, call him back at sabihin mong darating ako." ani naman nito na tila ba biglang natauhan.

Mabilis na inayos ni Decker ang mga gamit niya na nasa ibabaw ng kaniyang table, isa-isang inilagay ang mga ito sa drawer n'ya at inilock.

Tumayo ito at mabilis na ding nilisan ang kaniyang opisina at nagtuloy-tuloy na ito papalabas ng kaniyang building. Mabilis lamang siyang nakarating sa bar na tinukoy ng kaniyang sekretarya at masaya naman itong sinalubong ng may-ari nito.

"Akala ko ay hindi na matutuloy ang meeting ngayon buti na lamang at pumayag ka." masayang turan sa kanya ni Mister. Sanchez.

Pagkatapos ng kanilang meeting ay napansin ni Decker ang isang babae na panay ang pa-cute sa kaniya kaya naman bago ito tuluyang lumabas ng bar ay nilapitan niya ito.

"Do you work here?" tanong nito dito.

Muling pinagmasdan ni Decker ang kabuuan ng babae at napapangisi ito habang hinihimas niya ang kaniyang baba.

"Yes, gusto mo bang paligayahin kita?" wika nito kaya naman tinitigan ni Decker ang kabuuan ng babae at pagkatapos ay napangisi ito at tinignan si Mister. Sanchez na kanina pa pala sila pinapanuod.

"For you, it's free!" ani nito ng malakas kaya naman napangising muli si Decker at nauna na itong naglakad habang nakasunod lamang sa kaniya ang babae.

Halos kapusin ng hininga si Decker matapos niyang pagsawaan ang babaeng katatapos lamang niyang angkinin at pagkatapos ay n*******d itong tumayo at tinungo ang banyo.

Pagkatapos niyang maligo ay lumabas ito ng banyo na tanging tuwalya lamang ang saplot sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito habang ang butil-butil na tulo ng tubig sa kaniyang katawan ay pinagmamasdan lamang ng babaeng sinipingan nito kanina lamang.

"What the hell! Why are you still here?" galit na ani nito matapos makita ang babaeng pinagmamasdan siya habang kinukuha niya ang mga damit niya na ipinatong niya sa maliit na lamesa.

"What? Are you anticipating that I would leave right after we had sex?" nakasibangot na ani naman ng babae sa kanya.

"Get out!" Decker yelled at her furiously. The bar girl hurriedly rose to her feet, put each of her clothes on, and hurried out of the room.

"Damn you, asshole! Pagkatapos mong magpakasarap sa kandungan ko hanggang sa makaraos ka ay ipagtatabuyan mo ako! Damn you!" sigaw ng babae sa kaniya at mabilis na itong lumabas ng silid at malakas lamang na isinara ni Decker ang pintuan ng makalabas ito at pagkatapos ay nagbihis naman siya.

Tinignan niya ang kama at napailing, sa halip na magpahinga ay lumabas ito at nagcheck out.

Hindi niya ugali ang mahiga sa kama na hinigaan ng mga babaeng nakakasiping niya kaya nga kahit kailan ay hindi siya nag-uwi ng babae sa kanyang mansion maging sa condo man na pag-aari nito, lahat kasi ng ikinakama niya ay sa hotel lang niya dinadala.

Pagkalabas niya ng hotel ay mabilis na niyang tinungo ang parking lot at papasok na lamang ito ng biglang tumunog ang kaniyang telepono. Pagkakita niya kung sino ang tumatawag ay sinagot n'ya din agad ito.

"Bro nasaan ka?" ani ni Brandon mula sa kabilang linya.

"Pauwi pa lang ako, may kailangan ka?" sagot naman niya sa kanyang kaibigan, kumunot ang kaniyang noo dahil hindi naman normal na palagi siyang tinatawagan ng ganitong oras ni Brandon. Madalas silang mag-usap after work pero ngayon ay mukhang may problema ito na gustong sabihin sa kaniya.

"Dumaan ka muna sa opisina ko at may importante tayong pag-uusapan." ani nito kaya naman pagkatapos nilang mag-usap ay mabilis ng pinaharurot ni Decker ang sasakyan nito patungo sa opisina ng kanyang kaibigan.

Habang nagmamaneho siya patungo sa opisina ng kaniyang kaibigan ay nag-iisip naman siya kung ano ang maaaring pag-usapan nilang importante ni Brandon.

Pagkarating niya sa opisina ay kunot noo siyang sinalubong ng kaniyang kaibigan.

"Natraffic ko, ano ba ang mahalagang pag-uusapan natin ha?" ani niya habang papasok sa loob ng opisina ng kaniyang kaibigan.

"Hintayin muna natin si Jared, papunta na dito." tugon niya na ikinasalubong ng kanyang kilay. Umupo ito sa sofa at itinaas ang kaniyang dalawang paa sa coffee table at ngumiti habang nakatingin sa kung saan.

Jared showed up after some time.

"Damn, Jared ang tagal mo! I need to be home soon because Nanay Lita wants to talk to me, and she said it's important." he said while staring at him.

"He asked you to come here, not me!" Jared stated while poking Brandon with his finger.

As he glanced at Jared, Decker shook his head.

"Fine! So, what really is this pressing situation?" Decker glared frustratedly at Brandon.

His friend grinned broadly and spoke. "I think I'm in love!"

Hindi makapaniwala si Decker sa kanyang narinig, hindi siya makapaniwala na pinapapunta siya ng kaibigan niya sa opisina nito para lamang sabihin na in love siya.

"Oh my God! I'm not interested in your love nonsense!" Decker stated with rage.

Isa sa ugali ni Decker ang hindi naniniwala sa pag-ibig lalo na at may karanasan ito na hinding-hindi niya makakalimutan na hanggang ngayon ay nakatatak sa kaniyang isipan.

"Dude! Let me explain first," he said while giggling uncontrollably.

"No man, I don't want to hear your BS!" Decker spoke before scowling and stepped out the doorway.

"Where are you headed?" a confused, Jared enquired.

Hindi ito kumibo at nagpatuloy lamang sa paglalakad palabas ng opisina ng kaniyang kaibigan.

"Dude! Alam mo namang galit sa salitang L-O-V-E = love ang taong 'yon." ani ni Jared habang natatawang nakatingin kay Brandon.

Tumawa lamang si Brandon habang pinagmamasdan ang kaibigan niya na lumalabas ng kaniyang opisina.

"So, in-love ka nga ba?" tanong sa kanya ni Jared kaya nilingon niya ito ay nagtaas baba ang kaniyang dalawang kilay habang ngumingisi. "I think I am!" he answered.

"So, that is your important matter?" nakakunot noong ani ni Jared dito kaya naman napasapo na ito sa kanyang mukha dahil sa inis at hindi makapaniwala na pinapunta sila ni Brandon sa opisina nito ng dahil lang sa kaniyang walang kwentang problema.

"Decker was right, we don't want to hear your BS." inis na ani nito at naglakad na din palabas ng opisina ni Brandon.

"Where are you going?" tanong ni Brandon. "Pupuntahan ko si Decker, baka mas importante pa ang sasabihin ni Nanay Lita sa kanya kaysa diyan sa problema mo sa babae." naiiling na ani ni Jared.

"Dude sasama ako!" mabilis na sumunod si Brandon kay Jared papalabas ng kaniyang opisina at nagbilin lamang ito sa kaniyang sekretarya at pagkatapos ay patakbo na itong sumunod kay Jared.

❅───✧❅✦❅✧───❅

Decker's POV

Pagkarating ko sa mansion ay inabutan ko si Nanay Lita na nagluluto ng tanghalian.

Ang mansiong ito ay minana ko pa sa aking mga magulang na pumanaw na nuong ako'y labing-tatlong taong gulang pa lamang at tanging si Nanay Lita lamang ang kinagisnan kong pamilya na nag-alaga sa akin at aking lola na namayapa na limang-taon na ang nakararaan.

Wala na din ang aking lola at lolo sa mother side ko, si lolo naman sa father side ko ay hindi ko na nakilala pa kaya nag-iisa na lamang ako, namatay na kasi si lola sa father side ko limang-taon na ang nakararaan dahil sa sakit sa puso, siya ang nangalaga ng lahat ng negosyo namin hanggang sa ipinasa na nito ang lahat sa akin ng makaramdam na siya ng panghihina ng kaniyang katawan. May mga pinsan ako ngunit lahat naman sila ay sa ibang bansa na naninirahan dahil na rin sa mga negosyo nila doon.

"Nandito ka na pala hijo, kanina pa kita hinihintay, malapit na akong matapos magluto ng pananghalian natin kaya umakyat ka na sa itaas at magpalit ka na ng komportableng damit." Ani nito at nilapitan ko agad si Nanay Lita at niyakap.

"Sabi mo may pag-uusapan po tayong importante." sni ko dito at pinatay naman niya ang kalan.

Umupo ito sa upuang nakatapat sa lamesa kaya naman umupo na rin ako dito.

"Hijo, matanda na ako at kailangan ko na ng makakasama dito sa mansion mo, hindi katulad dati na kasama ko pa ang lola mo, ngayon ay nag-iisa na lamang akong gumagawa dito dahil ayaw mong magtiwala sa iba." malungkot na ani nito sa akin kaya naman napahugot ako ng malalim na buntong-hininga.

"Sige po Nanay Lita kung iyan ang makapag-papagaan ng kalooban mo ay hindi po ako tututol." wika ko dito na ikinatuwa naman niya.

"Tamang-tama hijo dahil may kakilala ako na naghahanap ng mapapasukang trabaho upang mapagtapos niya sa kolehiyo ang dalawa niyang anak. Wala na kasi ang asawa niya kaya siya na lamang ang mag-isang nagtataguyod sa dalawa niyang anak." ani naman nito.

Hindi ko na nagawang tanggihan pa ito dahil tama naman siya, matanda na siya at sa laki ng bahay na ito ay talaga namang mahihirapan siya kung mag-isa lang siya na gagawa ng lahat.

Pagkatapos naming mag-usap ni Nanay Lita ay naghain na agad ito kaya naman mabilis kong tinungo ang aking silid at nagpalit ng komportbleng damit at pagkatapos ay bumaba din agad sa unang palapag dahil naglalaway na ako sa pagkaing niluto ni Nanay Lita. "Umupo ka na dito at kakain na tayo, mamaya ko na lamang tatawagan si Anita upang ipaalam sa kaniya na maaari na siyang pumunta dito upang ikaw mismo ang mag-interview sa kanya." Masayang ani ni Nanay Lita.

Nginitian ko lamang ito at pagkatapos ay nagmamadali na akong umupo sa upuan na para lamang sa akin. Ako lamang ang maaaring umupo dito dahil nuong nabubuhay pa ang aking ama ay dito siya laging nakaupo kaya ayokong may ibang tao na uupo sa upuang ito.

Habang kumakain kami ng pananghalian ay naulinigan ko ang ingay na nanggagaling sa salas kaya naman nagsalubong ang aking mga kilay at mabilis akong napatayo upang tignan kung saan nanggagaling ang ingay na 'yon.

Tanging apat na guard ng gate, isang gardener at si Nanay Lita lamang ang kasama ko dito at hindi basta-basta pumapasok sa loob ng bahay ang mga guard kaya nagtataka akong may mga tao akong naririnig na nag-uusap.

"Dude!" ani ng isang boses na pumapasok sa loob ng kabahayan.

"What the hell! What are you doing here?" ani ko naman dito at napatingin ako sa taong nasa likuran niya na nakangising pumapasok din.

"Oh my god! I'm telling you now Brandon, I don't want to hear your bullshit!" I said annoyedly, he rolled his eyes at me and smirked.

"I know! Don't worry; we are not here because of my BS." nakasibangot n'yang ani sa akin kaya naman tinaasan ko ito ng kilay. Tumingin lamang ako sa kanila ng may pagdududa habang natatawa lamang sila. Kinunutan ko sila ng noo at napailing ako sa mga ito.

"Well, we are here to eat." he said while laughing, but I didn't believe him. I know he is up to something, and I have to figure that out.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jud07 Mateo
kaano ano po nya si josh moris
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status