Share

KABANATA 1

Author: Eyah
last update Last Updated: 2025-03-25 09:05:43

ISANG linggo mula nang biglang mamaalam si Mama. Nailibing na rin siya kanina pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap iyong nangyari. Parang ang hirap paniwalaan.

Parang kahapon lang noong nangako siyang ipagsho-shopping niya ako. Pero ngayon, wala na. Mukhang hindi ko talaga tadhana ang makaranas ng mga ganoong bagay at mas gugustuhin ko iyon, lalo na kung maibabalik noon ang buhay ni Mama.

"Lara, kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako palagi, ha? Laging bukas ang bahay ko para sa iyo.”

Tango lang ang nakaya kong isagot sa sinabi ni Ate Weng, siya na lang ang kasama kong naiwan dito sa sementeryo. Niyakap niya pa ako bago siya nagpaalam sa akin. Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap, para bang ayoko na siyang paalisin.

Nanatili pa ako sa harapan ng puntod ni Mama hanggang sa magdilim. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakatitig sa mukha niyang sa tarpaulin ko na lang nakikita.

Hanggang pag uwi ko sa bahay, hindi ko pa rin mapigilan na maiyak. Gustuhin ko mang huminto na, hindi ko magawa. Parang may sariling isip ang mga mata ko na patuloy lang sa pagluluha.

"Tumigil ka na sa kadramahan mo. Kahit anong iyak mo, hindi na mabubuhay ang mama mo.”

Tumingin ako kay Papa na hindi makapaniwala. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Parang hindi man lang siya apektado sa pagkawala ni Mama. Sa isang linggong nakaburol ito sa bahay namin ay hindi ko rin siya nakitang umiyak isang beses man lang.

"'Pa… Minahal mo ba talaga si Mama? K-Kung oo, bakit parang wala lang sa iyo ang pagkamatay niya? B-Bakit parang okay lang sa iyo na wala na siya? Bakit—”

*Pak!

Isang malakas at matunog na sampal ang lumapat sa pisngi ko, dahilan para mahinto ako sa pagsasalita. Hinawakan ko ang pisngi kong nag iinit at napahagulhol lalo ng iyak.

“WALA KANG KARAPATANG KUWESTIYUNIN ANG PAGMAMAHAL KO SA MAMA MO! AKO PA RIN ANG TATAY MO AT ANAK LANG KITA!”

Hinagis niya ang bote ng alak sa dingding ng kwarto naming, dahilan para mabasag iyon at kumalat ang bubog sa paligid. Tinalikuran na ako ni Papa pagkatapos noon. Umalis na siya.

Naiwan akong umiiyak habang nakahawak pa rin sa pisngi kong manhid na dahil sa lakas ng sampal ni Papa. Nang mapatitig ako sa mga bubog na nasa sahig ay kung anu-anong ideya na ang pumasok sa isip ko.

Tutal, halata naman nang mas magiging miserable na ang buhay ko ngayong wala na si Mama, baka mas mabuti kung tapusin ko na lang din ito ngayon na. Susundan ko na lang si Mama at kung may mall man sa kabilang buhay, baka roon, matupad na niya ang pangako niyang shopping sa akin.

Gumapang ako palapit sa nagkalat na bubog nang hindi inaalis ang tingin sa mga iyon. Kinuha ko ang pinakamalaking piraso at dahan-dahang inilapat sa pulsuhan ko. Habang unti-unti kong idinidiin ang bubog sa pulso ko ay lalong kumikirot ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.

Pumikit ako ng mariin habang lalo kong dinidiin iyong bubog. Huminga ako ng malalim. Itatarak ko na sana nang mas madiin at mas malalim iyong bubog nang muli ay nakarinig ako ng isa pang tunog ng nabasag.

Sa gulat ay napadilat ako. Hinanap ko agad iyong pinanggalingan ng tunog at… nakita ko sa sahig ang isang picture frame. Iyon iyong nahulog at nabasag. Napaisip ako kung paano nalaglag iyon gayong wala namang malakas na hangin at wala rin naman bumabangga sa aparador na pinaglalagyan niyon.

Dala pa rin ang bubog ay gumapang ulit ako palapit naman sa picture frame. Kinuha ko iyon. Pero nang makita ko ang laman ng picture frame ay napahagulhol na naman ako. Si Mama. Hindi kaya…

Napatingin ako sa hawak kong bubog at sa pulso kong may mga gasgas na at bahid ng dugo. Parang natatauhan na hinagis ko sa kung saan iyong bubog.

Bago pa pasukin na naman ng hindi magandang ideya ang utak ko ay dali-dali rin akong lumabas ng kwarto dala ang basag na picture frame na may larawan ni Mama. Sa labas, narinig ko pang tinatawag ako ni Kuya Leio pero hindi ko na siya pinansin. Sa isip ko, gusto ko lang munang makalayo sa magulo naming bahay at kay Papa. At may alam na akong isang lugar kung saan pwede akong manatili muna.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 30

    "LARA, where have you been? It's almost midnight."Imbis na takot ay gulat ang naramdaman ko nang biglang magsalita si Ninong Azrael. Kapapasok ko pa lang sa madilim na salas at boses na niya ang bumungad sa akin.Biglang bumukas ang malamlam na ilaw at doon, sa wakas ay nakita ko na si Ninong Azrael na nakaupo sa isa sa mga sofa. Mukhang kanina pa siya nandoon at naghihintay."N-Ninong—""Now tell me, saan ka galing?" seryosong tanong niya.Tinapik-tapik niya pa ang space sa sofa na malatozpit sa kanya. Paraan niya iyon para sabihin na lumapit ako sa kanya at umupo sa space na iyon."Now, I know kung bakit Lara's so afraid to go home late. It's because you're so mahigpit towards her!" biglang singit ng isang boses."Maecy?" gulat na saad ni Ninong Azrael.Nilagpasan ako ni Maecy at dire-diretso siyang lumapit kay Ninong Azrael. Yumuko pa siya at hinalikan ito sa labi, walang pakialam kahit na na nakikita ko sila. Bumalik tuloy sa akin ang mga nangyari noong gabi mg debut ko. Parang

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 29

    "TARA NA! NANDITO NA TAYO!""What, really? Finally!" bulalas ni Maecy.Dahil marahil sa excitement ay bigla siyang tumayo. As in, iyong straight na tayo. At dahil mababa lang ang bubong ng jeep, nauntog siya roon at lumikha pa iyon ng malakas na tunog."O-Ouch," daing niya, nakayuko na habang sapo ang ulo niyang nasaktan.Nagtawanan naman ang nasa paligid. Imbis na sawayin ko sila ay nakitawa pa ako."Yumuko ka kasi," sabi ko sa kanya. Tumayo na rin ako at nakayukong naglakad palabas ng jeep.Sumunod din sa akin si Maecy pero mukhang hindi pa tapos ang kahihiyan niya dahil paghakbang niya pababa, muli na naman siyang nauntog at muntik pang madulas.Natapik ko na lang ang noo ko habang kagat ang labi, nagpipigil ng tawa."You…!" bulalas niya lang at nauna nang maglakad papasok sa entrance ng mall.Hindi ko naman agad magawang sumunod sa kanya dahil hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko ngayon. Iyong Opulence Oasis na sinasabi niya, para nang five star hotel sa laki. Oo, first time

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 28

    BUONG araw na naging laman ng isip ko si Maecy at ang "friendship" na ino-offer niya.Ngayon, nakaupo ako sa bench malapit sa gate ng school—naghihintay sa pagdating niya. Hindi para taguan siya o takasan, kundi para sumama sa gala na sinasabi niya."Hey, Lara! I'm here na! I thought, you're gonna make tago."Tipid na ngiti lang ang sinagot ko kay Maecy. Medyo nagulat pa ako sa biglang paglitaw niya. Hinihintay ko kasing dumating ang sasakyan niya pero wala. Bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko."Ahm, nasaan iyong sasakyan mo?" wala sa sariling natanong ko."My car? Ano eh… Nasiraan ako on my way here. So I guess, we have to commute—""Ha? M-Magco-commute tayo?!" gulat na bulalas ko."O-Oo? Look, I'm so sorry, Lara. I didn't mean to cause such inconvenience. If you don't want to commute, I'm gonna call Azi na lang—""Hindi! H-Huwag na," putol ko sa kanya. "Sanay naman ako mag-commute. Ikaw iyong iniisip ko kasi—""You think I can't commute?" natatawa niyang sabi. Nag aalangan man

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 27

    NANLAKI ang mga mata ko nang makita kong naglalakad palapit sa amin si Maecy, dala-dala ang bag na naiwan ko sa sasakyan niya.Dire-diretso siyang lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo."A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makatayo na."You left your bag in the car that's why I've decided to bring it to you," sagot niya. Tumingin pa siya kay Kylen at sa mga kasama nito. "Are they bothering you? Sila ba iyong dahilan kung bakit nakadapa ka riyan sa sahig?"Hindi ko magawang kumibo agad. Naninibago ako. Malayung-malayo na ang tono ng boses niya kaysa kanina noong nasa sasakyan pa kami. Biglang nagkaroon ng diin iyong boses niya. Parang meron nang galit doon. May awtoridad."And who's this extra bitch? The guts to make pakialam, ha?" tukoy ni Kylen kay Maecy bago tumawa. Sinundan naman siya ng mga utu-uto niyang alipores."Yeah, I'm a bitch. I won't deny the hell of that. But do you know what this bitch can do to you and to your… cheap and gullible minions?"Inabot sa akin ni

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 26

    WALA pang alas sais ng umaga pero sinimulan ko nang maglakad palabas ng subdivision.Lunes ngayon at may pasok ako. Usually, hinahatid ako ni Ninong Azrael o kung hindi siya pwede, tumatawag siya ng tauhan niya para ihatid ako. Pero ngayon, pinili kong maglakad kasi… gusto ko lang. Gusto kong iwasan siya.*Peep-peep!Napapitlag ako at gulat na napaatras nang umalingawngaw ang dalawang magkasunod na busina. Lumingon ako sa pinanggalingan noon at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ang isang kulay pink na sasakyan. Nakahinto iyon, pero mayamaya ay umandar din at huminto ulit nang nasa harapan ko na. Unti-unting bumaba ang bintana niyon at bumungad sa akin ang mukhang pinaka hindi ko inaasahang makita ngayong araw."Hey! Papasok ka na? Wanna ride? Ihahatid na kita!" masiglang sabi ni Maecy at oo, siya nga ang sakay ng pink na pink na kotseng huminto sa harapan ko. All smiles pa siya habang nakatingin sa akin, hawak pa rin ang manibela ng sasakyan niya."H-Hindi na. Ano… may dadaa

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 25

    "GOOD morning, Lara. Breakfast?"Pilit na ngiti lang ang sinagot ko kay Ninong Azrael. Mag isa siyang nagkakape nang abutan ko sa kusina. Himala na walang laptop sa mesa. Himala rin na nakangiti siya. Parang ang ganda-ganda ng gising niya. Parang ang saya-saya niya.Paano namang hindi sasaya, eh may kababalaghan na naganap kagabi?Bumalik sa isip ko ang mga nakita ko kagabi. At syempre, bumalik din ang kakaibang sakit na dulot niyon. Hindi ko pa nga tanggap ang katotohanan na may ibang babae na sa buhay ni Ninong Azrael; kailangan ko pa talagang harap-harapan na makitang ginagawa nila iyon?Naghila ako ng upuan at walang kibong kumuha ng toasted bread. Pinahiran ko iyon ng strawberry jam at kinagat. Nakatulala lang ako."Do you want warm milk to compliment your toast?" rinig kong tanong ni Ninong Azrael.Umiling lang ako bilang sagot pero hindi ko siya tiningnan. Hindi ko kaya. "How about juice? We have lemon, orange—""Huwag na. Okay na ako rito. Sa labas na lang ako babawi ng kain m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status