Share

KABANATA 2

Author: Eyah
last update Last Updated: 2025-03-25 09:08:51

"DITO ka na muna magpalipas ng gabi. Pagpasensiyahan mo na itong kwarto, hindi kasi masyadong nagagamit kaya hindi rin palaging nalilinis.”

Ngumiti ako ng tipid kay Tiya Poleng, pinsang buo siya ni Mama. Sa kabilang barangay pa siya nakatira pero tiniis kong lakarin ang distansya makapunta lang dito sa kanila. Kung kay Ate Weng lang kasi ako pupunta ay malamang na matunton din agad ako nila Papa at baka pati si Ate Weng, madamay pa sa gulo ng pamilya namin. Nakakahiya na.

"O-Okay na po ako rito, Tiya. Salamat po kasi pinatuloy niyo ako,” mahinang sabi ko.

Lumapit siya sa akin at umupo rin sa tabi ko.

"Pwede kang manatili rito kahit gaano katagal mo gusto. Pabor iyon sa akin dahil wala naman akong anak na babae. Kapag nandito ka, para na rin akong nagkaroon ng babaeng anak. Alam mo naman si Tiyo Dan mo, masyadong busy sa trabaho. Ang Kuya Denver mo naman, hindi mapirmis sa bahay. Lalaki kasi at binata na rin,” pabungisngis na sabi ni Tiya Poleng. Ngumiti lang ako ng tipid. "Sige na, magpahinga ka na muna rito. Alam kong pagod ka. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang hapunan, ha?”

Tango lang ang naging sagot ko. Lumabas na si Tiya Poleng pero mayamaya lang din ay bumalik siya.

“B-Bakit po? May… nakalimutan po ba kayo?” mahinang tanong ko sa kanya.

“Ipapaalala ko lang sana sa iyo na huwag mo nang ulitin ang ginawa mo. Malaking kasalanan iyon at… naiintindihan kong may pinagdaanan ka ngayon pero hindi iyon ang solusyon. Masarap mabuhay, anak,” aniya.

Yumuko ako. Nahagip ng paningin ko ang pulsuhan na tinangka kong laslasin kanina. Nakabalot na iyon ng putting benda at nalinisan na rin ni Tiya Poleng.

Nahihiyang binalik ko ang tingin ko sa tiyahin ko at tumango.

“H-Hindi ko na po uulitin.”

Hindi na siya nagsalita at sinara na lang ulit niya ang pinto. At pagsarang-pagsara niyon, bumuhos na naman ang mga luha ko.

Tumingin ako sa picture frame na hawak ko pa rin.

"'M-Ma, sorry kung tinakasan ko muna sila Papa, ha? H-Hindi ko pa kasi kayang harapin sila at pakisamahan mag isa. N-Natatakot ako, Mama,” pagkausap ko sa larawan niya.

Pabaluktot akong humiga sa kama habang umiiyak pa rin at yakap ang picture ni Mama. Ang sakit sakit, ang bigat-bigat sa dibdib. Masyadong biglaan ang pagkawala niya, lalo at hindi rin ako naniniwala sa iginigiit nila Papa na "aksidente" lang ang pagkamatay ni Mama. May parte sa akin na nagsasabing hindi aksidente ang lahat. Alam kong hindi aksidente ang nangyari.

Sa pag iisip ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Nagising na lang ako na may mainit na kamay na ang humahaplos sa pagitan ng mga hita ko. May nararamdaman din akong mainit na hanging tumatama sa bandang leeg ko.

Napabalikwas ako ng bangon pero tumama ang noo ko sa kung saang bahagi ng katawan ng taong kasama ko ngayon sa kwarto. Napa-"aray" ako. Sapo ang masakit kong noo ay napatingin ako sa taong nakauntugan ko. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko siya.

"T-Tiyo Dan?!”

Hindi agad sumagot ang asawa ni Tiya Poleng. Sapo niya rin ang noo niya, doon yata kami nakauntugan. Magso-sorry na sana ako, pero nang maalala ko ang ginawa niyang paghawak sa pagitan ng mga hita ko kanina ay napaatras ako. Hinila ko rin ang kumot para takpan ang kabuuan ng katawan ko.

"B-Bakit niyo po ako hinawakan kanina? B-Bakit—”

"Anong hinawakan? Hinawakan saan?” tila gulung-gulo niyang tanong sa akin. "Hindi kita hinahawakan, Lara. Well, hindi pa. Pinapunta ako rito ng Tiya Poleng mo para tawagin ka at kakain na. Tatapikin pa lang sana kita sa balikat mo nang bigla kang bumangon at 'ayan, nagkauntugan nga tayo. Anong sinasabi mong hinawakan kita?”

Hindi ako nakasagot agad. Nagduda rin ako sa sarili ko kung totoo ba iyong naramdaman kong paghawak sa mga hita ko kanina at iyong mainit na hiningang tumatama sa leeg ko.

"Baka nananaginip ka lang. Normal iyan sa mga nagdadalamhati,” sabi ulit ni Tiyo Dan. "Sige na, bumangon ka na riyan at kakain na tayo. Kanina pa naghihintay sa hapag ang Tiya Poleng at Kuya Denver mo.”

Dahan-dahan akong bumaba sa kama at nauna nang maglakad palabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nandoon na nga sina Tiya Poleng at Kuya Denver—nakaupo. Handa na rin ang mga pagkain na nakalatag sa mesa.

"O, bakit ang tagal niyo?” kunot-noong usisa ni Tiya Poleng.

"Eh, 'eto kasing si Lara, tulog-mantika pala. Ang hirap gisingin! Nananaginip pa yata,” patawa-tawang sabi ni Tiyo Dan. Umupo na rin siya sa tabi ni Tiya Poleng. "Diyan ka na sa tabi ng Kuya Denver mo, Lara.”

Umupo ako sa tabi ng pinsan ko.

Nang magsimula kaming kumain, akala ko ay mababalot na ng katahimikan ang paligid. Pero mali ako. Nagsimula pang maging maingay ang hapag dahil sa masasayang kuwentuhan nila. Hindi ko magawang umimik dahil ang totoo, hindi ako sanay sa ganoon. Nasanay kasi akong tahimik na kumain mag isa. Wala akong matandaan na kumain kami nang sabay-sabay nina Papa, Mama, at Kuya. Hindi ko rin matandaan na naging ganito kami kasaya. Nakakainggit sila.

"Lara? Bakit ang tahimik mo?”

Napapitlag ako sa biglang tanong ni Tiya Poleng. Natahimik din sina Tiyo Dan at Kuya Denver, nakatingin din sila sa akin.

"W-Wala po, Tiya. H-Hindi lang po ako sanay sa ganito,” nakayukong pag amin ko.

"Saan? Sa… pagkain ng sabay-sabay? O sa ingay at kuwentuhan habang kumakain?” tanong niya ulit.

"P-Parehas po.”

Matagal na walang nagsalita sa kanila.

"Kung… Kung gusto mo, dito ka muna sa amin tumira kahit mga ilang buwan lang.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tiya Poleng.

"P-Po?”

Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Naiintindihan ko kung gaano kahirap ang pinagdaraanan mo ngayon, Lara. At sa lagay ng Papa mo, alam kong hindi ka rin niya masusuportahan sa pinagdadaanan mo ngayon.”

"Tama ang Tiya Poleng mo. Baka gutumin ka lang din doon sa inyo. Imbis na ibili ng makakain niyo eh, gamitin niya lang pambili ng alak at bisyo niya,” sabi pa ni Tiyo Dan.

Pagkatapos ng ilang segundong pag iisip ay napa-oo na lang din ako sa suhestiyon nilang mag asawa.

Pagkatapos kumain, bumalik na ulit ako sa kwarto at nagpahinga. Oras lang din ang lumipas at naramdaman kong hinila na ulit ako ng antok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Eyah
Notice: Starting on April 1 (ngayon po), DAILY na po ang magiging update sa kwento nina Lara at Ninong Azrael. EVERYDAY po at 8 PM. Salamaatttt...️
goodnovel comment avatar
Eyah
Salamat po sa pagbabasa sa munting istorya ko. Sobrang appreciated ko po kayoooo, pero MAS maa-appreciate ko po kung mag-iiwan kayo ng comments para lalo po akong ma-motivate at mas mapagbutihan ko po ang pagsusulat sa kwento nina Lara at Ninong Azrael. PS: Otw na si Ninooonggg...
goodnovel comment avatar
Eyah
Starting April 1 (now), DAILY na po ang update ng "Defend Me, Ninong Azrael". Every 8 PM po. Salamat sa pagbasaaa! ...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 30

    "LARA, where have you been? It's almost midnight."Imbis na takot ay gulat ang naramdaman ko nang biglang magsalita si Ninong Azrael. Kapapasok ko pa lang sa madilim na salas at boses na niya ang bumungad sa akin.Biglang bumukas ang malamlam na ilaw at doon, sa wakas ay nakita ko na si Ninong Azrael na nakaupo sa isa sa mga sofa. Mukhang kanina pa siya nandoon at naghihintay."N-Ninong—""Now tell me, saan ka galing?" seryosong tanong niya.Tinapik-tapik niya pa ang space sa sofa na malatozpit sa kanya. Paraan niya iyon para sabihin na lumapit ako sa kanya at umupo sa space na iyon."Now, I know kung bakit Lara's so afraid to go home late. It's because you're so mahigpit towards her!" biglang singit ng isang boses."Maecy?" gulat na saad ni Ninong Azrael.Nilagpasan ako ni Maecy at dire-diretso siyang lumapit kay Ninong Azrael. Yumuko pa siya at hinalikan ito sa labi, walang pakialam kahit na na nakikita ko sila. Bumalik tuloy sa akin ang mga nangyari noong gabi mg debut ko. Parang

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 29

    "TARA NA! NANDITO NA TAYO!""What, really? Finally!" bulalas ni Maecy.Dahil marahil sa excitement ay bigla siyang tumayo. As in, iyong straight na tayo. At dahil mababa lang ang bubong ng jeep, nauntog siya roon at lumikha pa iyon ng malakas na tunog."O-Ouch," daing niya, nakayuko na habang sapo ang ulo niyang nasaktan.Nagtawanan naman ang nasa paligid. Imbis na sawayin ko sila ay nakitawa pa ako."Yumuko ka kasi," sabi ko sa kanya. Tumayo na rin ako at nakayukong naglakad palabas ng jeep.Sumunod din sa akin si Maecy pero mukhang hindi pa tapos ang kahihiyan niya dahil paghakbang niya pababa, muli na naman siyang nauntog at muntik pang madulas.Natapik ko na lang ang noo ko habang kagat ang labi, nagpipigil ng tawa."You…!" bulalas niya lang at nauna nang maglakad papasok sa entrance ng mall.Hindi ko naman agad magawang sumunod sa kanya dahil hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko ngayon. Iyong Opulence Oasis na sinasabi niya, para nang five star hotel sa laki. Oo, first time

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 28

    BUONG araw na naging laman ng isip ko si Maecy at ang "friendship" na ino-offer niya.Ngayon, nakaupo ako sa bench malapit sa gate ng school—naghihintay sa pagdating niya. Hindi para taguan siya o takasan, kundi para sumama sa gala na sinasabi niya."Hey, Lara! I'm here na! I thought, you're gonna make tago."Tipid na ngiti lang ang sinagot ko kay Maecy. Medyo nagulat pa ako sa biglang paglitaw niya. Hinihintay ko kasing dumating ang sasakyan niya pero wala. Bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko."Ahm, nasaan iyong sasakyan mo?" wala sa sariling natanong ko."My car? Ano eh… Nasiraan ako on my way here. So I guess, we have to commute—""Ha? M-Magco-commute tayo?!" gulat na bulalas ko."O-Oo? Look, I'm so sorry, Lara. I didn't mean to cause such inconvenience. If you don't want to commute, I'm gonna call Azi na lang—""Hindi! H-Huwag na," putol ko sa kanya. "Sanay naman ako mag-commute. Ikaw iyong iniisip ko kasi—""You think I can't commute?" natatawa niyang sabi. Nag aalangan man

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 27

    NANLAKI ang mga mata ko nang makita kong naglalakad palapit sa amin si Maecy, dala-dala ang bag na naiwan ko sa sasakyan niya.Dire-diretso siyang lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo."A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makatayo na."You left your bag in the car that's why I've decided to bring it to you," sagot niya. Tumingin pa siya kay Kylen at sa mga kasama nito. "Are they bothering you? Sila ba iyong dahilan kung bakit nakadapa ka riyan sa sahig?"Hindi ko magawang kumibo agad. Naninibago ako. Malayung-malayo na ang tono ng boses niya kaysa kanina noong nasa sasakyan pa kami. Biglang nagkaroon ng diin iyong boses niya. Parang meron nang galit doon. May awtoridad."And who's this extra bitch? The guts to make pakialam, ha?" tukoy ni Kylen kay Maecy bago tumawa. Sinundan naman siya ng mga utu-uto niyang alipores."Yeah, I'm a bitch. I won't deny the hell of that. But do you know what this bitch can do to you and to your… cheap and gullible minions?"Inabot sa akin ni

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 26

    WALA pang alas sais ng umaga pero sinimulan ko nang maglakad palabas ng subdivision.Lunes ngayon at may pasok ako. Usually, hinahatid ako ni Ninong Azrael o kung hindi siya pwede, tumatawag siya ng tauhan niya para ihatid ako. Pero ngayon, pinili kong maglakad kasi… gusto ko lang. Gusto kong iwasan siya.*Peep-peep!Napapitlag ako at gulat na napaatras nang umalingawngaw ang dalawang magkasunod na busina. Lumingon ako sa pinanggalingan noon at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ang isang kulay pink na sasakyan. Nakahinto iyon, pero mayamaya ay umandar din at huminto ulit nang nasa harapan ko na. Unti-unting bumaba ang bintana niyon at bumungad sa akin ang mukhang pinaka hindi ko inaasahang makita ngayong araw."Hey! Papasok ka na? Wanna ride? Ihahatid na kita!" masiglang sabi ni Maecy at oo, siya nga ang sakay ng pink na pink na kotseng huminto sa harapan ko. All smiles pa siya habang nakatingin sa akin, hawak pa rin ang manibela ng sasakyan niya."H-Hindi na. Ano… may dadaa

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 25

    "GOOD morning, Lara. Breakfast?"Pilit na ngiti lang ang sinagot ko kay Ninong Azrael. Mag isa siyang nagkakape nang abutan ko sa kusina. Himala na walang laptop sa mesa. Himala rin na nakangiti siya. Parang ang ganda-ganda ng gising niya. Parang ang saya-saya niya.Paano namang hindi sasaya, eh may kababalaghan na naganap kagabi?Bumalik sa isip ko ang mga nakita ko kagabi. At syempre, bumalik din ang kakaibang sakit na dulot niyon. Hindi ko pa nga tanggap ang katotohanan na may ibang babae na sa buhay ni Ninong Azrael; kailangan ko pa talagang harap-harapan na makitang ginagawa nila iyon?Naghila ako ng upuan at walang kibong kumuha ng toasted bread. Pinahiran ko iyon ng strawberry jam at kinagat. Nakatulala lang ako."Do you want warm milk to compliment your toast?" rinig kong tanong ni Ninong Azrael.Umiling lang ako bilang sagot pero hindi ko siya tiningnan. Hindi ko kaya. "How about juice? We have lemon, orange—""Huwag na. Okay na ako rito. Sa labas na lang ako babawi ng kain m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status