“Kiana, Owen, sagutin niyo ang tanong ko!” Kuyom ang mga kamao ni Liam habang hinihintay ang pagbuka ng bibig ng dalawa.“Daddy, may autopsy report na mula sa mga pulis kaya alam na namin kung ano ang ikinamatay ni Lia.” May kinuhang papel si Kiana mula sa kaniyang bag. Ibinigay niya iyon sa kaniyang ama-amahan. “Here. You can check it.”Nakatingin lang si Liam sa papel na hawak ni Kiana.“Tito, alam kong malungkot ka ngayon dahil sa pagkamatay ni Lia pero nais kong sabihin at ipaalala sa’yo na hindi ka nag-iisa. Kiana and I are grieving too,” singit ni Owen.Tumaas ang dalawang kilay ni Jake at napangiti siya ng lihim. Madaling sabihin na nagluluksa ang isang tao pero mas makikita iyon sa ikinikilos nito.“Daddy, maniwala ka naman sa akin. Alam kong nasulsulan ka na ng mga kaibigan ni Lia. Don’t believe them. Malaki lang ang galit nila sa akin, daddy. Mas paniniwalaan mo pa ba sila kaysa sa akin?” Itinuro ni Kiana ang papel na nasa kamay ni Liam. “Read that. Kasama na rin diyan ang f
Napahinto si Lia sa paglalakad nang marinig niya bigla ang boses ng kaniyang ama. “P-papa?” bulong niya. Tumigil din agad si Leon. Tiningnan niya si Lia. “What’s wrong, wifey?” “Parang narinig ko ang boses ni papa,” tugon ni Lia. Nagdalawang isip pa si Leon kung tatapikin niya ang likuran ni Lia pero ginawa niya rin naman. “Namimiss mo lang siguro ang papa mo kaya naririnig mo ang boses niya. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa’yo, hindi mo maitatanggi sa akin na nag-aalala ka pa rin sa kaniya.” “He’s still my father. Wala namang perpektong magulang tulad ng wala ring perpektong anak. Ang ipinagtataka ko, napakalinaw ng boses niya. Parang…parang nasa malapit lang siya.” Napahawak si Lia sa kaniyang dibdib. Tila nagsisikip iyon. Masama ang loob niya sa papa niya pero mahal pa rin naman niya ito. Akala niya ay kaya niya itong tiisin, nagkamali siya. “A-Anak, b-buhay k-ka…” “Did, d-did you hear that? I can really hear his voice,” Lia said. Kumunot ang noo ni Leon. May narinig d
“Matagal pa ba ang ambulansya? Dalhin na lang kaya natin si papa sa pinakamalapit na hospital.” Hindi mapakali si Lia. Maya’t-maya niyang tsinetsek ang pulso ng kaniyang papa. She couldn’t even breathe well. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kapag nauwi sa stroke o heart attack ang kalagayan ng kaniyang papa. May sakit kasi ito sa puso.“Hindi tayo p’wedeng umalis. Don’t worry, the ambulance is already on its way here. Walang mangyayaring masama sa kaniya kaya kumalma ka.” Lumingin si Leon sa paligid. Inaabangan niya ang kaniyang kaibigang doktor pero ni anino nito ay hindi pa rin niya makita. Napatingin siya sa kaniyang cell phone nang bigla iyong tumunog. Nagtext ang kaniyang kaibigan. “Hindi raw maaasikaso ng kaibigan kong doktor si papa pero naibilin na raw niya ang tungkol dito sa isa sa mga kabaro niya. Siya na lang daw ang magpapaliwanag ng nangyari kay papa kapag nagkaroon na ito ng malay,” seryosong turan niya.“Anong tawag mo kay papa?” Sa dami ng mga sinabi ni Leon
Austin tilted his head when he noticed a man and a woman had run away from the scene.“Are you the doctor?”Biglang napayuko si Austin nang makita niya kung sino ang nagsalita. “Good evening, Chairwoman. Yes po. Ako po ang doktor na naatangang magdala sa pasyente sa hospital,” magalang niyang sagot.“Your name?” Doña Rehina asked.“Austin Sy po.” Pagkasabi noon ay agad na dinaluhan ni Austin ang pasyente. Agad siyang napaupo nang makita niya kung sino ang nakahiga sa sahig. "Tito Liam!”Nagkunot ng noo si Donya Rehina. ‘He knows the patient.’Mabilis na tsinek ni Austin ang vital signs ni Liam. "His vitals are fine. Go ahead. Put him in the ambulance,” utos niya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang posisyon ng mga binti nito. ‘Someone was here before we came.’“Dr. Austin, please ensure the safety of that man,” Donya Rehina ordered.“Makakaasa po kayo, Chairwoman.” Nag-aalangan si Austin na magtanong kay Donya Rehina kung may iba pa bang naunang nagkita sa pasyente bago ito dumating
Matapos makalabas sa elevator ay nakahinga nang maluwag si Lia. Nakatigil lang siya sa tapat ng elevator. Tila naiwan pa ang kaluluwa niya sa loob noon matapos ang nangyari. Napanguso siya. ‘Hindi ko gets si Uncle Leon. Panay ang titig sa akin. Kapag naman tinatanong kung may problema ba, ‘di naman sumasagot. Simula nang nangyari kanina sa elavator ay mas lalo akong nailang sa kaniya! Gusto ko na lang talagang magpalamon sa lupa.’Tumikhim si Leon. “Now, shall we go?” Inilahad niya ang kaniyang kamay. Papalit palit ang tingin ni Lia sa kamay ni Leon at sa mukha nito. Napalunok siya sa kaba. Kung kanina ay halos mabaliw siya sa mga haplos nito, paano pa kaya ngayon?Lumunok si Lia bago ipinatong ang kamay sa palad ni Leon. “Let’s go,” namamaos na wika ni Lia. ‘Fuck! Mali yatang inalalayan ko siya. Para bang mawawalan ako ng bait dahil sa pagkakadikit naming muli. Focus, Leon! Focus!’ pagkakastigo ni Leon sa sarili. “Ahh,” namamaos na anas ni Lia kaya napatingin si Leon sa kaniya.
“Babe,” malambing na wika ni Owen at hinimas-himas ang braso ng kasintahan. “While hinihintay natin na makumpleto tayo. How about—” Napakrus ng braso sa inis si Kiana, “What now, Owen?” Ngumisi si Owen, “Alam mo naman kung ano ang gusto ko, babe.” “What?” maarteng tanong ni Kiana. “Ano nga kasi?”Pinagapang ni Owen ang isang kamay niya sa hita ni Kiana. Habang ang mga mata naman niya ay mariing nakatititg kay Kiana. Umawang ang labi ni Kiana. Mas lumapad pa ang ngisi sa labi ni Owen at pinisil ang hita niya. Napasinghap siya sa gulat at sa sensasyong nararamdaman niya. Inilapit ni Owen ang labi niya sa tainga ni Kiana. “Now. Let’s go to the bathroom. I am sure hindi naman nila mapapansin na wala tayo. They are all busy talking. Saka alam ko naman na hindi mo ako matatangihan, babe. I know you want me too.” Hindi sumagot si Kiana kaya mas diniinan pa ni Owen ang pagkakahawak niya sa hita ng nobya. At nilapat ang labi niya sa tainga nito. Nagtaasan ang mga balahibo ni Kiana. Nap
“Owen, let's get change first. Nabasa ang damit natin kanina sa restroom. May malapit namang mall dito. Tara na muna mamili ng pamalit bago tayo humarap sa uncle mo at sa asawa niya. Nakakahiya kung haharap tayong ganito lalo na sa lola mo. Gosh! Hindi ko alam kung kaya kong harapin siya dahil sa nangyari kanina," pabulong na sambit ni Kiana. Pinigilan niya si Owen sa agarang paglapit nito sa table kung saan naroroon ang mga Ashton.“Pumunta na tayo roon. Hayaan mo nang basa! Kaunti lang naman ‘yan," pagtutol ni Owen. Nakangiti siya sa kaniyang Uncle Leon habang pilit na hinihila si Kiana.“No! We need to change! Hindi ako haharap sa uncle mo sa ganitong hitsura. I'd rather die than be humiliated in front of your family. Hindi ko gusto ang way ng pagsasalita ng uncle mo. Masyado siyang straight forward. Sigurado akong pupunahin niya ang basang suot natin, kahit pa kakaunti lang ang portion na nabasa. Kung ayaw mong sumama sa akin, bahala ka. Ikaw na lang ang humarap sa kanila. Hindi n
“L-Lia…” bulalas ni Owen nang muling mag sink in sa utak niya ang boses na kaniyang narinig. Hahakbang na sana siya palapit sa kinaroroonan ng asawa ng kaniyang uncle para alisin ang maskara nito nang bigla siyang nilingkis ni Kiana na parang isa itong ahas."Babe, ang tagal mo naman. We need to go para mas maaga tayong makabalik dito.” Nahagip ng mga mata ni Kiana ang babaeng nasa tabi ng rich at hot uncle ni Owen. ‘Siya na ba ang asawa ni Uncle Leon? Mukha namang walang kamangha-mangha sa kaniya. And what's with that mascara thingy? Siguro nahihiya siyang ipakita sa lahat ang pagmumukha niya dahil ubod siya ng pangit!’ Ngumisi siya. "Babe, halika na.”"Pe-pero…”"Sige na, Owen. Sumama ka na sa girlfriend mo at nang makabalik kayo kaagad,” utos ni Donya Rehina.Nang marinig ang utos ng kaniyang lola ay hindi na itinuloy ni Owen ang kaniyang balak. Babalik pa naman sila at sa pagbalik nila ni Kiana ay makikita na rin niya nang maayos ang mukha ng kaniyang magiging auntie. Malapit na s
“Hmm,” wika ni Lia nang buksan ang paper bag. May dalawang sandwich roon at fries. “Thank you, Leon.” Napahinto siya sa pagsasalita. “Tayo lang namang dalawa rito kaya okay lang naman sigurong tawagin kita sa pangalan mo." Tumango si Leon. “O-Oo naman. Hubby and wifey are just our endearment when people are around. Anyway, y-you’re welcome. Now eat, baka nagwawala na ang mga bulate mo sa tiyan,” natatawang sabi niya.Pabirong umirap si Lia. “Wala akong kahit isang bulate sa tiyan, ano! Ikaw ba, hindi ka pa nagugutom?” “Marami naman akong nakain kanina sa restaurant at saka baka kulang pa sa iyo ‘yan–” “Hindi ako masiba, ‘no! Tig-isa na lang tayo nitong sandwich. Baka isipin mo ang damot ko,” biro pabalik ni Lia. “I can’t eat, Lia. Nagmamaneho ako.” Ayaw pa rin talagang kumain ni Leon. Busog na busog pa siya dahil sa dinner kanina.Ngumisi si Lia. “Problema ba ‘yon?” Kinuha niya ang isang sandwich at saka binuksan. “Hindi ka naman siguro maarte at maselan, hindi ba?”“Of course not
Nakatuon ang atensyon ni Leon sa daang tinatahak ngunit panaka-naka siyang sumusulyap kay Lia na nakatingin naman sa bintana. Kasalukuyan silang naglalakbay patungo sa secret villa niya. Hindi na p'wedeng manatili si Lia sa dati nitong tirahan dahil kina Kira, Austin at Liam. Kailangan nila ng ibayong pag-iingat para wala ng makaalam na buhay pa si Lia kaya napagpasyahan nilang lumipat ng tirahan – iyong walang nakakaalam, malayo sa mga matang maaaring makadiskubre ng lihim nilang dalawa.Kailangan makasiguro ni Leon na safe silang dalawa ni Lia kaya dadalhin niya ito sa kaniyang lihim na hideout. Siya lang ang nakakaalam kung saan iyon at piling-pili lamang ang mga tauhang kinukuha niya para pagsilbihan siya. Tanging si Lia pa lamang ang iuuwi niyang babae roon. Contracted wife man niya ito, wala na siyang pakialam. All he cared about is her safety and welfare.“Lia?” hindi mapigilang tawag ni Leon sa asawa. “Hmm?” wika ni Lia ngunit ang mga mata niya ay nanatili pa ring nakatitig s
“Jake, paupuin mo na muna ang bisita mo," alok ni Donya Rehina. Iniba niya ang usapan dahil ramdam na ramdam na niya ang init sa bawat salitang binibitiwan ng kaniyang mga apo at ng bagong salta sa kanilang pamilya.“Naku, hindi na po, chairwoman. Dumaan lang naman po ako dahil may ibinigay po sa akin si Jake. Hindi rin po ako magtatagal kasi kailangan ko pong bumalik agad sa chapel. Nakaburol po kasi ang best friend ko roon,” ani Kira."I'm sorry for your lost, hija. Alam kong hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay kaya hindi na kita pipiliting manatili rito,” may pusong sabi ni Donya Rehina."Sobrang sakit po talagang mawalan ng best friend," nakayukong sabi ni Kira. Nag-angat siya ng tingin at tinapunan ng tingin si Jake. “Pasensya ka na kung kailangan ko nang umalis." “I understand. Ingat ka." Bumesó si Jake kay Kira.“Ate Kira, dito ka na muna. Please stay for at least ten minutes more. Wala akong makausap dito eh," singit ni Patricia.“I'm sorry, Patty. Bawi na lang ako next
‘Ki-Kira?! A-Anong ginagawa mo rito?!’ Bahagyang napakapit sa kaniyang upuan si Lia nang magtama ang mga mata nila ng pinakamatalik niyang kaibigan na babae. Nais niyang aminin dito ang lahat pero wala siyang pagpipilian kung hindi ang manahimik at sundin ang planong inilatag ni Leon sa kaniya. Siya ang unang may pakana ng pagpapanggap na iyon kaya hindi p'wedeng siya mismo ang mag-aalis ng maskarang pinili niyang isuot.“Wifey, do you know her?" Si Leon na mismo ang siyang bumasag sa katahimikan ni Lia. Batid niyang kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip nito.Nakangiting umiling si Lia. “I only see her tonight, hubby. Ikaw, do you know her?” Mapaglarong ibinalik niya ang tanong sa kaniyang asawa.“Nope," matipid na tugon ni Leon. Sumandal siya sa upuan at saka tinitigan si Jake. ‘Jake has a sharp mind. I'm curious if he already knew about Lia’s identity.’Nagtama ang mga mata nina Kira at Lia pero laking pagtataka ni Lia nang hindi man lamang siya pinaghinalaan ni Kira. Maliban
"Mama!” Hindi makapaniwala si Guada na ipinagkatiwala ni Donya Rehina ang kanilang mga negosyo sa isang dating profiler! Napakaraming taon na ang ginugugol niya sa kumpanya pero hindi pa rin siya bigyang pansin ng matandang Ashton! Hanggang CEO na lamang ba siya ng isa sa mga companies nito?“My decision is final. Ang sinumang tututol sa pasya ko ay malayang makakaalis sa mga kumpanya ko,” anunsyo ni Donya Rehina.Natahimik sina Guada at Rolly. Wala silang nagawa kung hindi ang magtatatakar nang palihim sa ilalim ng mesa.“Lola, hindi ko po yata matatanggap ang regalo niyo. Wala po akong alam sa pagnenegosyo. Hindi po ako qualified na maging vice president ng Ashton's Group of Companies. Maybe you can give it to someone else who's more capable than me," pagtutol ni Lia. Ang totoo, gustong-gusto niya ang naging pasya ng matanda kaso siyempre, hindi naman niya p'wedeng ipakita sa lahat na pabor siya sa desisyon nito lalo na at balak niyang kunin ang loob ng mag-asawang Rolly at Guada.“
“Mama, pasensya ka na talaga sa ikinilos ng mga bata kanina. Marahil ang nadala lang sila ng bugso ng kanilang mga damdamin. Maging kami nga po ay nagulat din dahil kamukhang-kamukha ni Ria ang aking paboritong mamanugangin sana na si Lia eh. I hope you will understand the—”“Guada, this has nothing to do with what happened earlier. Nangyari man o hindi ang nangyari kanina ay sasabihin ko pa rin ito sa inyo," ani Donya Rehina."Hindi na ako magugulat kung papalitan niyo po si Owen bilang President ng Ashton Group. Sa ilang taon niyang pamamahala, wala namang pagbabago sa estado ng mga kompanya natin. Sa halip na tumaas ang gross profit, bumaba pa,” mahinang wika ni Jake. Napangibit siya nang biglang tinapakan ng mama niya ang kaniyang paa. Aangal sana siya nang minulagaan siya nito.“I second the motion," pagsang-ayon naman ni Patricia.“Isa ka pa," suway ni Guada.“Bakit po, mama? Tama naman kasi ang sinabi ni kuya. Wala naman talagang matinong nagawa si Kuya Owen sa loob ng ilang ta
“Le-Leon…Ibig kong sabihin, h-hubby…” Nauutal na si Lia dahil hindi pa rin binibitiwan ni Leon ang kamay niya. Tapos na siyang kumain at hinihintay na lamang niyang matapos ang iba pa para makapaghanap na siya ng bagong apartment. Hindi na kasi siya p'wedeng bumalik sa dati niyang inuupahan dahil sigurado siyang pupunta roon sina Austin at Kira sakali mang mabalitaan ng mga ito ang pagkamatay niya. Napag-alaman din niyang humanap pa ng bangkay sina Owen at Kiana para palabasing patay na talaga siya. Sa tulong ng magkakapatid na Gray ay nagkaroon sila ng mata ni Leon sa ginagawa ng pamangkin nito at ng ampon niyang kapatid.“Bakit, wifey? May gusto ka pa bang kainin?" Kumindat si Leon kay Lia. Uulitin pa niya sana ang linya niya kanina kaso natatakot siyang mabato na siya ng kutsara o ng kung anumang kubyertos ng kaniyang Kuya Rolly.Umiling si Lia. Tiningnan niya ang kamay ni Leon na nakahawak pa rin sa kamay niya. Nakalagay sa kanilang nilagdaang kontrata na bawal hawakan ang isa’t-i
“Wifey, may gusto ka pa bang kainin na wala sa plato mo maliban sa akin?” nakangising tanong ni Leon.Nasamid sina Jake, Patricia, Guada at Rolly sa sinabing iyon ni Leon. Hindi sila makapaniwala na ang seryoso at istriktong si Leon ay magsasalita ng gano’n.“Leon, pigilan mo muna ang sarili mo. Kung nabitin ka sa inyong honeymoon ay magsabi ka lamang sa akin at bibigyan ko kayo ng libreng ticket at accomodation kung saang bansa niyo gustong magbakasyon. Basta siaiguraduhin niyo lamang na pagbalik niyo ay may laman na ang matres ni Ria,” nakangiting turan ni Donya Rehina.Halos mailuwa ni Lia ang kinakain niya. Hindi niya alam kung sasakyan ba niya ang kapilyuhan at kapilyahan ng mag lola.Saka lamang ulit napansin ni Leon ang sirang dress ni Lia. Hinubad niya ang kaniyang coat at isinuot iyon sa kaniyang asawa. “I’m sorry, wifey. I forgot that your dress is ruined. After this dinner ay sasamahan kitang mamili ng mga bagong damit kahit saan mo gusto.”Uminom ng malamig na tubig si Lia
“Hija, pasensya ka na sa nangyaring gulo kanina. Hindi ka tuloy nakakain nang maayos.”“Ayos lang po, Lola Rehina. Nauunawaan ko naman po sila,” nakangiting wika ni Lia.Nagpunas ng table napkin sa kaniyang bibig si Guada. “Ria, saan kayo nagkakilala ni Leon?”“Ate, your question is not necessary.” Hinawakan ni Leon ang kamay ni Lia.“Why? I’m just asking. Masama bang magtanong ng personal na bagay sa asawa mo, Leon? She’s already part of our family. Tama lang naman siguro na makilala namin siya nang husto, hindi ba?” Ibinaba ni Guada ang table napkin. Tumingin siya kay Ria at nginitian niya ito. ‘Tama sina Owen at Kiana, kamukhang-kamukha ni Ria si Lia kung hindi lamang dahil sa nunal niya sa itaas ng kaniyang labi.’“We met at the CIA office, three years ago,” Lia replied confidently. Leon looked at her with a confused look but she managed to smile. “Right, hubby?”“Yes. That should only be between us since it’s a private matter. We met while working. There’s nothing romantic about