Habang hinihintay ni Lia ang pagbalik ni Leon ay nakatulog na siya. Bandang alas siete ay ginising na siya ni Leon. Pupungas-pungas pa siya. “L-Leon, tapos ka nang magluto?” tanong ni Lia kinukusot-kusot pa ang mata. “Oo, katatapos ko lang. Actually kanina pa dapat, pero hinayaan na muna kitang matulog. Mukhang kailangan mong matulog, eh.” Alam ni Lia na mas kailangan ni Leon ng tulog kaysa sa kaniya pero nakangiti pa rin ito sa kaniya kahit sobrang dami na ng ipinagawa niya rito. Ito pa ang nagpresinta na magluto at magligpit ng mga kalat samantalang siya ay magagaan lang na trabaho ang ginawa niya at madalas lang siyang nagmamando.“Halika na habang mainit pa iyong pagkain.” Tumango si Lia at nag-inat ng kamay. Nakuha naman agad ni Leon ang gusto ni Lia. Inalalayan niya itong tumayo. Naiiling na lang si Leon pero natutuwa siya sa kilos ni Lia. Pakiramdam niya ay komportable na ang kaniyang asawa sa kaniya at natutuwa siya sa tuwing umaakto ito na parang bata sa harapan niya. “
Kanina pang nag-aayos sina Lia at Leon at hindi pa rin sila natatapos. Ilang beses silang papalit palit ng puwesto ng mga kagamitan. Hindi na mabilang ni Leon kung ilang beses niyang hinila ang mga furniture. Hindi naman niya magawang magreklamo dahil ayaw niyang isipin ni Lia na pagod na siya, kahit iyon ang totoo. Maghapon rin silang abala sa pagpipinta kaya may bakas ng mga pintura sa mukha at damit nilang dalawa. “Ito bang painting?” tanong ni Leon sa asawa. “Oo, ilagay muna natin sa mga karton. Basa pa iyong pintura, baka masira lang kapag isinabit na natin.” “Sige.” Tumango-tango pa si Leon. Ang mag-asawa lang ang naiwan sa villa dahil ayaw ni Lia na ipaubaya sa mga tauhan ang mga gawain. Pabor na pabor naman iyon kay Leon dahil nais niyang masolo ang misis niya. Pinag-day off niya lahat ng mga tauhan sa villa at binigyan niya pa bonus! Tuwang-tuwa ang mga tauhan niya at mukhang naintindihan rin ng mga ito na nais niyang solohin ang asawa niya. Nang umalis ang mga tauhan ay
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ng matanda. Agad na inutusan ni Lia si Leon na kumuha ng tissue o panyo at saka tubig.“Ayos lang po ba kayo?”Umiling ang delivery man. “Napakarami po naming nagmamahal kay Doctora Lia kaya marami rin po kaming nagluluksa sa biglaang pagkawala niya. Nabuhayan po ako ng loob nang makita ko po kayo kanina kasi akala ko, buhay pa si Doctora Lia at mali ang laman ng balita. Totoo po pala. Totoo po palang wala na siya.”Halos manlambot ang mga tuhod ni Lia sa kaniyang nasaksihan. Masakit para sa kaniya na palabasing patay na siya pero iyon lamang ang tanging paraan para maisiwalat niya ang lahat ng kahayupan at kasamaan nina Owen at Kiana! Talaga nga palang sagad sa buto ang kasamaan ng mga ito! Agad ding ipinamalita ng mga ito ang kaniyang kamatayan! Hinaplos niya ang likod ng matandang lalaki. Hindi niya alam kung paano niya pagagaanin ang nararamdaman nito.“Uminom po muna kayo ng tubig.”Napalingon si Lia kay Leon. “Thank you,” bulong niya.“Maraming sa
“Pakilagay na lang po n‘yan dito,” ani Lia sa delivery man.“Ma’am, papirma na lang po rito para sa katunayang natanggap niyo na po ang items," sabi ng delivery man.“Napakabilis talaga ng delivery ng mga furnitures. Kakaorder ko lang kanina eh. Sayang naman," bulong ni Leon.“Sir, may kulang pa po ba? May problema po ba?" kunot-noong tanong ng delivery man nang mapansin niyang bumubulong-bulong si Leon. “Ano po bang sinasabi niyo po, Sir Ashton?"Pilit na napangiti si Leon. “Wala po, manong. Pakisabi po sa boss mo na napakabilis ng serbisyo niya. Tatawag po kamo ako ulit mamaya sa kaniya para magpasalamat.”Pinipigilan ni Lia ang mapatawa sa nangyayari. Medyo narinig niya ang ilang salitang binubulong-bulong ni Leon kanina. Matapos niyang pumirma sa papel ay iniabot na niya iyon sa delivery man. "Maraming salamat po,” nakangiting wika niya.Tinanggap ng delivery man ang papel mula sa asawa ni Leon Ashton. Biglang umalon ang kaniyang noo nang mapagmasdan niya nang maigi ang mukha ng b
“So what do you think?” tanong ni Leon sa asawa. Iginala ni Lia ang mga mata sa salas. Napangiwi siya nang makita ang mga furnitures na naroon at ang mismong pagkakaayos ng mga ito. Hindi siya magaling sa pag-aayos o tungkol sa mga trends pero hindi maipagkakaila na hindi na maganda ang mga furnitures na nasa salas ni Leon at higit sa lahat, outdated na. “Do you want me to be honest?” tanong ni Lia. Napatawa si Leon dahil kahit mismo siya ay alam na outdated at hindi maganda ang ayos ng mga furnitures sa salas ng kaniyang lihim na villa. Hindi niya kasi ito naaasikaso pero nililinis naman ito ng mga caretaker. “You can be honest. Wala namang pumipigil sa iyo. At isa pa, alam kong hindi maganda ang ayos dito sa loob,” biro pa ni Leon. “Wala na. Alam mo naman pala eh.” Ngumisi pa si Lia para asarin si Leon. “So, what do you want to do?” Humakbang si Leon papalapit kay Lia. Napakurap si Lia. Pakiramdam niya ay biglang nag slow motion ang lahat. At bawat salita ni Leon
“Hmm,” wika ni Lia nang buksan ang paper bag. May dalawang sandwich roon at fries. “Thank you, Leon.” Napahinto siya sa pagsasalita. “Tayo lang namang dalawa rito kaya okay lang naman sigurong tawagin kita sa pangalan mo." Tumango si Leon. “O-Oo naman. Hubby and wifey are just our endearment when people are around. Anyway, y-you’re welcome. Now eat, baka nagwawala na ang mga bulate mo sa tiyan,” natatawang sabi niya.Pabirong umirap si Lia. “Wala akong kahit isang bulate sa tiyan, ano! Ikaw ba, hindi ka pa nagugutom?” “Marami naman akong nakain kanina sa restaurant at saka baka kulang pa sa iyo ‘yan–” “Hindi ako masiba, ‘no! Tig-isa na lang tayo nitong sandwich. Baka isipin mo ang damot ko,” biro pabalik ni Lia. “I can’t eat, Lia. Nagmamaneho ako.” Ayaw pa rin talagang kumain ni Leon. Busog na busog pa siya dahil sa dinner kanina.Ngumisi si Lia. “Problema ba ‘yon?” Kinuha niya ang isang sandwich at saka binuksan. “Hindi ka naman siguro maarte at maselan, hindi ba?”“Of course not
Nakatuon ang atensyon ni Leon sa daang tinatahak ngunit panaka-naka siyang sumusulyap kay Lia na nakatingin naman sa bintana. Kasalukuyan silang naglalakbay patungo sa secret villa niya. Hindi na p'wedeng manatili si Lia sa dati nitong tirahan dahil kina Kira, Austin at Liam. Kailangan nila ng ibayong pag-iingat para wala ng makaalam na buhay pa si Lia kaya napagpasyahan nilang lumipat ng tirahan – iyong walang nakakaalam, malayo sa mga matang maaaring makadiskubre ng lihim nilang dalawa.Kailangan makasiguro ni Leon na safe silang dalawa ni Lia kaya dadalhin niya ito sa kaniyang lihim na hideout. Siya lang ang nakakaalam kung saan iyon at piling-pili lamang ang mga tauhang kinukuha niya para pagsilbihan siya. Tanging si Lia pa lamang ang iuuwi niyang babae roon. Contracted wife man niya ito, wala na siyang pakialam. All he cared about is her safety and welfare.“Lia?” hindi mapigilang tawag ni Leon sa asawa. “Hmm?” wika ni Lia ngunit ang mga mata niya ay nanatili pa ring nakatitig s
“Jake, paupuin mo na muna ang bisita mo," alok ni Donya Rehina. Iniba niya ang usapan dahil ramdam na ramdam na niya ang init sa bawat salitang binibitiwan ng kaniyang mga apo at ng bagong salta sa kanilang pamilya.“Naku, hindi na po, chairwoman. Dumaan lang naman po ako dahil may ibinigay po sa akin si Jake. Hindi rin po ako magtatagal kasi kailangan ko pong bumalik agad sa chapel. Nakaburol po kasi ang best friend ko roon,” ani Kira."I'm sorry for your lost, hija. Alam kong hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay kaya hindi na kita pipiliting manatili rito,” may pusong sabi ni Donya Rehina."Sobrang sakit po talagang mawalan ng best friend," nakayukong sabi ni Kira. Nag-angat siya ng tingin at tinapunan ng tingin si Jake. “Pasensya ka na kung kailangan ko nang umalis." “I understand. Ingat ka." Bumesó si Jake kay Kira.“Ate Kira, dito ka na muna. Please stay for at least ten minutes more. Wala akong makausap dito eh," singit ni Patricia.“I'm sorry, Patty. Bawi na lang ako next
‘Ki-Kira?! A-Anong ginagawa mo rito?!’ Bahagyang napakapit sa kaniyang upuan si Lia nang magtama ang mga mata nila ng pinakamatalik niyang kaibigan na babae. Nais niyang aminin dito ang lahat pero wala siyang pagpipilian kung hindi ang manahimik at sundin ang planong inilatag ni Leon sa kaniya. Siya ang unang may pakana ng pagpapanggap na iyon kaya hindi p'wedeng siya mismo ang mag-aalis ng maskarang pinili niyang isuot.“Wifey, do you know her?" Si Leon na mismo ang siyang bumasag sa katahimikan ni Lia. Batid niyang kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip nito.Nakangiting umiling si Lia. “I only see her tonight, hubby. Ikaw, do you know her?” Mapaglarong ibinalik niya ang tanong sa kaniyang asawa.“Nope," matipid na tugon ni Leon. Sumandal siya sa upuan at saka tinitigan si Jake. ‘Jake has a sharp mind. I'm curious if he already knew about Lia’s identity.’Nagtama ang mga mata nina Kira at Lia pero laking pagtataka ni Lia nang hindi man lamang siya pinaghinalaan ni Kira. Maliban