Tumungga si Austin ng alak bago sumagot kay Kira. “Hindi ko alam. Siguro magagalit siya sa‘yo pero sa huli ay baka maintindihan ka rin niya. Mahal ka ni Lia, Kira. Ikaw ang kapatid na hiniling niya ngunit iba ang binigay sa kaniya ng tadhana. Kahit ano pa sigurong pagkakamali mo, papatawarin ka pa rin niya. Gano’n ka niya kamahal at gano'n siya kabuti.” Mapaklang ngumiti si Kira. “Pero wala, eh. Wala na si Lia. At habang-buhay kong dadalhin ang sikretong ito. Balak ko na ring ilibing sa limot dahil alam kong hindi magiging mabuting ama si Owen kay Leona. Baka masaktan lang ng kupàl na ‘yon ang bata sa huli. Sobrang sakit na ang dinulot ko kay Lia noong inilayo namin si Leona sa kaniya at pinalabas na patay na ang anak niya. Tandang-tanda ko pa kung paano siya humagulgol ng iyak. Hindi pa siya makapaniwala na ang batang hinintay niya ng siyam na buwan ay wala na. Kamuntikan pa nga akong bumigay at sabihin na lang sa kaniya ang katotohanan pero pinigilan ako ni tita. Pinangakuan niya a
“Here’s your food and drinks,” anunsyo ni Kira nang makabalik siya sa salas at nilapag ang pagkain ni Leona. “Kumain ka muna baby, ha.” “Kira,” tawag ni Austin. “Aalis na ako.” “T-Teka!” Pigil ni Kira nang tumayo na si Austin. “‘Wag ka munang umalis, Austin. Samahan mo muna kami, please? Saka dito ka na kumain. Wala akong kasamang kumain dahil nauna nang kumain si Leona.” Bumuntong hininga si Austin. “Sige pero uuwi rin ako mamaya.” “Oo, samahan mo lang muna kami ng bata. Isa pa ay hindi pa tayo tapos mag-usap, hindi ba?” Wala nang nagawa pa si Austin kung hindi ang manatili kasama si Kira at ang bata. Magkasama silang tatlong nanood ng telebisyon. Kung sinumang makakakita sa kanila ay iisiping isa silang buong pamilya. “Kira.”Nilingon ni Kira si Austin. “Yes?” “Mukhang inaantok na ang bata.” Tinuro ni Austin si Leona na pumipikit-pikit na. “Patutulugin ko muna ang bata. Kaya mag-stay ka muna, Austin. Magluluto ako ng hapunan.” Umalis si Kira at Leona sa salas.Naiwang mag-i
Wala sa sariling binuksan ni Austin ang pinto at naglakad papasok sa unit ni Kira. Natigilan siya saglit nang makita niya ang batang nakaupo sa mahabang sofa. Nagtama ang mga mata nila ni Leona at sa isa pang pagkakataon ay nasilayan niya ang buong mukha nito. Kahit saang anggulo ay wala siyang makitang pagkakahawig ng bata kay Owen. May pagkakahawig ang bata kay Lia pero sa paningin niya ay mas may pagkakahawig ito sa bagong chairman ng Ashton group. ‘Si Owen ba talaga ang ama ng anak ni Lia? O baka ibang bata itong nasa harapan namin? Pero hindi, eh. Kahawig siya ni Lia ng kaunti pero mas kahawig nito ang chairman. Para siyang girl version ni Mr. Ashton. Ni isang parte ng mukha ni Owen ay walang nakuha ang bata. Kaya paano magiging anak ito ni Owen?’ sambit ni Austin sa kaniyang isipan.Mas lumapit pa si Austin kay Leona at mas pinagmasdan pa ito.“Austin, don't say anything. Tayong dalawa ang mag-usap—”Hinila ni Austin papalayo si Kira para hindi marinig ng bata ang pag-uusapan n
Bumaling si Austin kay Kira. Ang mga mata niya ay puno ng pagkalito. Papalit-palit ang tingin niya kay Kira at sa bata. Nanginginig na nilingon ni Kira si Leona. “P-Pwede bang pumasok ka muna, Leona? Kakausapin ko lang muna siya.” “Sige po. Mamaya na lang po ako iinom,” tugon ng paslit saka tumalikod at pumasok. Naiwan sina Kira at Austin. Pareho silang tahimik. Nasa labas sila ng pinto ng unit ni Kira, wala rin namang taong dumaan o lumabas sa unit nila. Sila lang ang tao roon at ramdam na ramdam nilang pareho ang katahimikan.“Kira…” tawag ni Austin. “Sagutin mo ako. Sino ang batang iyon? Sa pagkakaalam ko ay wala kang pamangkin. Wala ka ring pinsang gano'n kaliit. Sino ang batang iyon?” “Austin…” “Kira sagutin mo ako,” seryosong wika ni Austin. “A-Austin,” sambit ni Kira hanggang sa napahagulgol na siya ng iyak. “I am sorry! Alam kong mali ang nagawa ko at habang-buhay ko itong dadalhin. Iniisip ko lang din naman ang kapakanan ni Lia kaya nagawa ko ang lahat ng ‘to.” “Ha? An
Dire-diretso si Kira sa may pintuan at binuksan iyon. Nagulat siya nang bumungad sa kaniya ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya. Si Austin. Mukhang kinakabahan ito.“A-Austin? Anong ginagawa mo rito?” Naalala na naman bigla ni Kira ang failed confession niya kay Austin at nakaramdam na naman siya ng hiya at sakit. Malamig niya itong tinapunan ng tingin. “Bakit ka nandito?” pagtatanong niyang muli nang hindi nito sinagot ang tanong niya kanina.“Kira… Bakit hindi ka pumasok? Sobrang nag-aalala ako sa iyo. Ni hindi mo nga ako nirereplyan o sinasagot man lang ang mga tawag ko. I was so worried about you.”“May ginawa lang ako. Isa pa, hinahanap ko rin ang cell phone ko kasi kung saan ko yata nailagay. Hindi ko na maalala,” kalmadong wika ni Kira. Umatras si Austin kaya lumabas na rin si Kira at medyo sinara ang pinto ng unit niya. “Baka sa makalawa pa ako makapasok. May kailangan muna akong asikasuihin.” “Hindi ba dahil iniiwasan mo ako?” Umiling si Kira. “Bakit naman kita iiwasa
“Leona, gusto mo ba ng mainit onmalamig na tubig para iligo?” tanong ni Kira sa paslit. Inosenteng nag-angat ng tingin ang paslit. “Kapag mainit po ba, mapapaso ako?” “H-Hindi.” Pinipigilan ni Kira ang tumawa. “Hindi naman siya sobrang init, sakto lang para iligo mo. Maligamgam lang. Oo, tama. Lukewarm water ang tamang term o maligamgam, hindi mainit.”“Malamig na tubig na lang po. Nakakatakot naman iyong mainit, baka po mapaso ako.” “S-Sige,” sambit ni Kira saka pinaliguan si Leona. Maliit ito kumpara sa average na height ng isang batang nasa apat na taong gulang. Marahil ay kulang sa nutrisyon ang mga kinakain nito sa ampunan kaya may kaliitan ito. “Ano bang madalas niyong kinakain sa bahay ampunan?”“Gulay po! Iyon po ang palagi naming kinakain. Iyong mga nakatanim po sa hardin ni Sister Lora. Kapag po sinuswerte ay nag-uulam po kami ng isda,” masiglang tugon ni Leona.“H-Hindi ba kayo umiinom ng gatas? O kaya nagkakarne o manok?” kunot-noong tanong ni Kira. “Minsan lang po.”N