Share

Kabanata 36

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-04-22 09:09:48

Tulad ni Owen, si Kiana ay hindi rin makagalaw. Tila nawala ang lahat ng lakas niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Nakatitig lang siya sa mukha ni Lia. Halos mawalan na ng dugo ang mukha niya. Halos kumawala na ang puso niya sa kaniyang dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito!

‘Lia? M-Minumulto na ba talaga kami ni Lia? Pero hindi! Imposible ang lahat ng ‘to! Patay na si Lia. Patay na siya! Kami mismo ni Owen ang naglibing ng buhay sa kaniya! Imposibleng nakaligtas siya nang gabing iyon. Walang nakakaalam ng lugar na ‘yon kung hindi ako at si Owen. Wala ring nakasunod sa amin sa gubat kaya paanong umahon siya mula sa hukay ng kamatayan?!’ Pilit pa ring sinisiksik ni Kiana sa isipan niyang patay na si Lia. Hindi na rin magkamayaw ang kaniyang mga mata kung saan siya titingin. Pakiramdam niya ay maiihi siya ng wala sa oras! Kung totoong ito nga ang kapatid niya, sigurado siyang mabubulok silang dalawa ni Owen sa kulungan! Sigurado rin siyang mawawala sa kaniya ang lahat ng ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rose Abanilla
ayun may imbistigador na hala kayo kiana at owen
goodnovel comment avatar
qwerty
i give u 3 gems for a beautiful updates today. keep it up ms.A tnx
goodnovel comment avatar
Sue Emblawa
hahahahaha fights! ang ganda ng story!!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 182

    “Halos limang taon, Lia. Limang taon kitang sinusundan minsan, pinapanood mula sa malayo. Wala eh. Torpe ako. Nahihiya akong lapitan ka noon hanggang sa nabalitaan k9 na lang na may katipan ka na. Hindi ko inaasahang ikakasal ka na pala. Ang mas masaklap pa ay sa pamangkin ko pa. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, si Owen pa talaga ang mapapangasawa mo. Pakiramdam ko noon ay ginagago ako ng tadhana. Sabi ko sa sarili ko, ipapaubaya na kita kay Owen kung sa kaniya ka sasaya. Kasi wala naman akong karapatan sa iyo. Kahit alam ko ngang ginaga.go ka na ng pamangkin ko, nanahimik lang ako dahil sino ba naman ako para pumapel sa relasyon niyo? Pero noong pagtangkaan niya ang buhay mo, ibang usapan na ‘yon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang makita ang taong nagligtas sa buhay kong mamatay na lang bigla. Lalong lalo na at ang taong iyon ay mahal na mahal ko.” “M-Mahal mo a-ako?” Halos hindi na makahinga si Lia sa kaniyang narinig. Ang puso niya ay parang sasabog na sa lakas n

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 181

    Hindi nakagalaw si Lia. Tulala lang siya habang hinahayaan si Leon na sii.lin siya ng halik. Labag sa kontrata ang ginagawa nila ngayon pero hindi niya maintindihan kung bakit pati siya ay nawalan na ng lakas na pahintuin ang contracted husband niya.Mabagal ang bawat halik na iginagawad ni Leon kay Lia. At sa bawat halik na iyon ay ramdam ni Lia ang bigat ng nararamdaman ni Leon. Ang mga luha ni Leon ay pumapatak na sa magandang mukha ni Lia. Gan’on paman ay patuloy pa rin si Leon sa paghalik kay Lia hanggang sa hinayaan na siya nito sa kagustuhan niya. Nagpadala na ito sa mga halik niya. Ilang saglit pa ay humiwalay na siya rito. Namungay ang mga mata niya habang nakatitig sa tulala niyang asawa.“Lia…” sambit ni Leon. Hindi sumagot is Lia kung hindi tiningnan niya lang si Leon. Hinihintay niyang dugtungan nito ang sasabihin nito. Isa pa, nahihiya siya rito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero sa tingin niya ay mali ang nangyari. Hindi sila p'wedeng magkaroon ng physical atta

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 180

    “Leon?” tawag ni Lia sa asawang abala sa pag-iinom ngunit hindi sumagot si Leon. Hindi yata nito napansin ang presensya niya. Nakayuko kasi ito habang may hawak-hawak na baso ng alak. Nagtataka si Lia kung bakit umiinom si Leon at higit sa lahat ay kung bakit hindi siya nito hinintay. Hindi naman sila nagkatampuhan pero bakit tila ilag ito sa kaniya?“May nagawa kaya akong mali?” bulong ni Lia sa sarili niya. “Wala naman kaming naging tampuhan eh. May nangyari kayang hindi ko alam? Ano kayang problema niya? Bakit hindi niya sinasabi sa akin?” sunod-sunod na tanong niya sa kaniyang sarili.Muli ay tinawag ni Lia ang asawa upang makuha ang atensyon nito, “Leon." Lumingon si Leon at agad siyang napatayo nang makita niya si Lia. “W-Wifey…” “Kanina pa kitang tinatawag hindi mo naman ako sinasagot. May nangyari ba?” nag-aalalang tanong ni Lia. Imbes na sumagot ay biglang tumakbo si Leon papalapit kay Lia at niyakap ito nang mahigpit. Napaigtad si Lia sa gulat. Nagtataka man ay niyakap

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 179

    “Ano ‘yon, Leona? Hindi kita maiintindihan kapag hindi ka nagsalita.” Lumabi si Leona at nag-angat ng tingin. “Kasi po nagluto po ako ng pagkain para po sana sa ating tatlo.” “What? Nagluto ka? Marunong kang magluto?” gulat na tanong ni Kira. Agad niyang sinipat si Leona kung may paso ba ito. “M-Marunong naman po ako. Tinuruan naman po kami sa bahay ampunan.” Inalala ni Kira kung ilang taon na ba si Leona. Apat na taong gulang palang ito kung hindi siya nagkakamali pero bakit tila mature na ito kung kumilos at magsalita? Hindi nga lang tuwid ang pagkakabigkas nito ng mga ilang salita pero kung kumilos ito ay parang sampung taong gulang na o mahigit pa. Matagal nang pinag-iisipang ampunin ni Kira si Leona. Nang mawalang pareho sina Liana at Lia, pakiramdam niya ay napunta sa kaniya ang obligasyon dahil siya lang ang may alam ng buong katotohanan…at lalong lalo na, bilang kabayaran sa nagawa niya kay Lia. Iyon ang mga naging rason niya kaya ngayon ay inampon niya ito. Pero sa nakik

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 178

    Nagising si Kira nang makaramdam siya ng uhaw. Naupo siya habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Nang alisin niya ang kumot na nakatakip sa katawan niya ay napasinghap siya nang makita ang sariling hu.bo’t hu.bad. Saka lang niya naalala ang lahat. Nag-flash sa isipan niya ang lahat ng nangyari kagabi. Mula sa pagdating ni Austin, sa pag-amin niya sa buong katotohanan hanggang sa nangyari sa kanila pagkatapos.Tiningnan ni Kira ang kanang gawi niya ngunit hindi na niya nakita si Austin. Nang kapain niya ang bedsheet ay naramdaman niya ang init, mukhang kakaalis lang nito. Napangiti siya. Hindi niya akalaing may mangyayari sa kanilang dalawa.“Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Austin…” marahang sambit ni Kira habang hinahaplos-haplos ang parte kung saan humiga si Austin. Malapad ang ngiti sa labi niya. Tila ba mapupuknat na ang labi niya sa lapad ng pagkakangiti niya. “Napakagandang umaga!” Bumangon si Kira at agad na nagbihis. Baka maabutan siya ni Leona na nakahu.bad. Naka

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 177

    Natigilan si Austin sa naging reaksyon ni Leon. “I'm sorry. You're a man so I think, wala namang mawawala sa'yo kung pagsasamantalahan ka ng kung si–”Hinampas ni Leon ang mesa. “Pu.tang.ina! Collecting pussies isn't my thing! Dahil hindi mo ako binalaan o tinulungan, five years ago, hindi ko na maiibigay ng buo ang sarili ko sa asawa ko. Someone already tasted my body. Someone already robbed my soul! And you’re here telling me you knew I was f.ucking drugged? Ginagago mo ba ako?”Nakaramdam ng guilt si Austin pero wala na siyang magagawa pa. Ilang taon na ang lumipas at narito lang siya dahil may batang involve. “I'm sorry but I think, we need to get to the bottom of this. May operasyon pa ako mamaya. Let’s get straight to the point.” Sarkastikong tumawa si Leon. Napapantastikuhan siya sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Austin. “So kilala mo ang babaeng naka one night stand ko noon? Anong pangalan niya? Saan siya nakatira? Kailangan ba niya ng pera? Because f.uck, hinding-hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status