Share

Kabanata 63

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-05-14 22:18:57

Napatalikod si Lia nang mapansin niyang nakasuot lang ng boxer brief si Leon. Wala rin itong suot na kahit anong pantaas. ‘Normal na ba talaga sa kaniya ang ibalandra ang katawan niya sa harap ng isang babae?’

“Lia…”

Nabigla si Lia nang tawagin siya ni Leon kaya napaharap ulit siya rito. Awtomatikong napunta ang mga kamay niya sa mga mata niya.

“Bakit mo tinatakpan ang mga mata mo?"

“H-Hubàd ka kasi at saka nakasuot ka lang ng ano…ng boxer brief…” tugon ni Lia.

"Bakat ba?” nang-aasar na tanong ni Leon.

"Ang haba-haba at ang taba-taba niyan paanong hindi babakat?” Huli na ng mapagtanto ni Lia kung anong mga salita ang lumabas sa bibig niya.

Napatawa si Leon. "Wait. Are you secretly lookin—"

“NO!" Halos sumabog na si Lia sa sobrang init ng pakiramdam niya. Bukod sa kahihiyan, hindi niya rin maintindihan kung bakit nag-iba ang sirkulasyon ng dugo niya. Animo’y nakikipagkarera ang puso niya sa bilis ng tibok nito samantalang ang kaniyang utak naman ay paulit-ulit na ipinapaalala sa kaniy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sue Emblawa
hahaha sana aamin na cla pareho ng feelings nila.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 65

    "So how's my cooking skills? Papasa ba sa panlasa ng isang Doctora Lia Reed?” Ngumiti si Leon sabay taas ng dalawang kilay."I'm speechless. Hindi ko alam na ganito ka pala kasarap magluto.” Napatakip ang isang kamay ni Lia sa kaniyang bibig nang bigla siyang napadighay. Nagkatinginan sila ni Leon at sabay silang nagtawanan."Masarap talaga akong magluto pero siyempre, mas masarap ako kaysa sa mga niluluto ko.”"Tumigil ka na nga. Puro ka naman kalokohan eh! Sige na. Ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin. Gumayak ka na.” Tumayo si Lia at nagsimula nang damputin ang mga plato at kubyertos. Natigilan siya nang biglang dumampi ang kamay ni Leon sa kamay niya. Hawak nilang pareho ang isang plato."Ako na ang magliligpit. Maupo ka na lang sa living room at doon mo ako hintayin,” seryosong sabi ni Leon sabay higit sa plato pero hinigit din agad iyon pabalik ni Lia."Ako na. Maliligo ka pa at magbibihis. Kakaunti naman ang mga ito,” giit ni Lia."No. I didn't bring you here to become m

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 64

    “Kain na."Umawang ang labi ni Lia nang makita niyang nakahubad si Leon habang naghahain ng pagkain sa mesa. Bihis na bihis na siya at handang-handa na siyang umalis pero ang kasama niya ay hindi pa nakakaligo dahil mas inuna nitong ipagluto siya kaysa mag-asikaso ng sarili. Napako ang mga mata niya sa mga abs ng kaniyang asawa. Mas lalong umawang ang bibig niya.“Mukhang iba yata ang gusto mong kainin ah. Ayaw mo yata nitong inihayin ko sa mesa," pabirong wika ni Leon.Mabilis na nag-iwas ng tingin si Lia. Namula ang mga pisngi niya dahil sa naging kilos niya kanina. Hiyang-hiya siya kay Leon dahil nahuli siya nitong nakatitig sa mga abs nito. Hindi na lamang niya pinatulan ang pang-aasar nito dahil alam naman niyang mapipikon na naman siya. Baka madulas pa siya, mahirap na.“Marunong ka pala talagang magluto. Akala ko, nagbibiro ka lang," ani Lia. Nakatuon ang tingin niya sa mga pagkaing nasa mesa.“I used to do everything on my own. Matagal akong nag training sa kampo at na destino

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 63

    Napatalikod si Lia nang mapansin niyang nakasuot lang ng boxer brief si Leon. Wala rin itong suot na kahit anong pantaas. ‘Normal na ba talaga sa kaniya ang ibalandra ang katawan niya sa harap ng isang babae?’“Lia…”Nabigla si Lia nang tawagin siya ni Leon kaya napaharap ulit siya rito. Awtomatikong napunta ang mga kamay niya sa mga mata niya.“Bakit mo tinatakpan ang mga mata mo?"“H-Hubàd ka kasi at saka nakasuot ka lang ng ano…ng boxer brief…” tugon ni Lia."Bakat ba?” nang-aasar na tanong ni Leon."Ang haba-haba at ang taba-taba niyan paanong hindi babakat?” Huli na ng mapagtanto ni Lia kung anong mga salita ang lumabas sa bibig niya.Napatawa si Leon. "Wait. Are you secretly lookin—" “NO!" Halos sumabog na si Lia sa sobrang init ng pakiramdam niya. Bukod sa kahihiyan, hindi niya rin maintindihan kung bakit nag-iba ang sirkulasyon ng dugo niya. Animo’y nakikipagkarera ang puso niya sa bilis ng tibok nito samantalang ang kaniyang utak naman ay paulit-ulit na ipinapaalala sa kaniy

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 62

    Hinahaplos ni Leon ang mukha ni Lia nang bigla na lamang nitong hinagip ang kamay niya.“What are you doing?" Nanlaki ang mga mata ni Lia. “Bakit magkatabi tayo?" Agad niyang binuklat ang kumot niya. Napatayo siya bigla nang makita niyang iba na ang suot niya. Itinuro niya si Leon. “Anong ginawa mo sa akin? Bakit iba na ang suot kong damit? May nangyari ba sa atin kagabi?"Leon chuckled. “Alin ba sa mga tanong mo ang nais mong una kong sagutin?”"M-May n-nangyari ba s-sa a-atin kagabi?" nauutal na tanong ni Lia.“Paano kung sabihin kong meron?" Seryosong seryoso ang mukha ni Leon nang sabihin niya iyon."Then I will kill you,” pagbabanta ni Lia."Talaga? Papatayin mo ulit ako sa sarap?” pabirong wika ni Leon."I'm not kidding, uncle…" Tumawa nang malakas si Leon. “Relax. Masyado ka namang seryoso. Pasalamat ka at malakas akong magpigil. Alam mo bang ikaw ‘tong nag first move kagabi? Ikaw rin ang palaging lapit nang lapit sa akin." Namula bigla ang mukha ni Lia. ‘Did I do that? No. I

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 61

    Napapikit si Leon dahil sa sakit ng ulo niya. Napatingin siya kay Lia na ngayon ay himbing na himbing pa ring natutulog. He couldn't help but smile. Inalis niya ang buhok ni Lia na nakalawit sa mukha nito at saka isinumping sa tainga nito.“I can't believe that I will be hypnotized by someone who's younger than me," Leon murmured.Tumagilid si Leon at itinuon ang kaniyang isang braso sa kama. Patuloy niyang pinagmasdan ang natutulog niyang asawa. Nahagip ng mga mata niya ang orasan. Dalawang oras pa bago ang press conference. Muli siyang napangiti nang maalala niya ang nangyari kagabi.**Flashback**“No! You go first. Okay lang talaga sa akin." Pumipikit-pikit na ang mga mata ni Lia habang hawak niya ang kopita. Medyo lumalabo na rin ang paningin niya.“Kakainom ko lang. It's your turn, Lia. Common. Don't do that trick on me.” Iniabot ni Leon ang bote ng wine kay Lia pero hindi nito iyon tinanggap. "Okay. Let me pour it for you.”"No. I'm already wasted. I'm afraid, I'll get drunk.” N

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 60

    Lumaklak ng alak si Kiana matapos makipag-séx kay Owen. Kasalukuyan silang nasa exclusive villa nito. Napalingon siya nang maramdaman niya ang mainit na yakap ng kaniyang soon-to-be husband.“Don't tell me, bitin ka pa rin?" sarkastikong tanong ni Kiana.“Ito naman. Yumakap lang at humalik sa balikat eh.” Binitiwan ni Owen si Kiana at naupo sa tabi nito. Magkasama nilang pinagmasdan ang city lights."I still can't believe na may kamukha si Lia. Akala ko talaga, bumangon siya sa hukay at hinanap ang uncle mo para balikan tayo.”Ngumisi si Owen. "I told you. We have nothing to worry about. Kitang-kita naman natin ang bangkay ni Lia, hindi ba? She's resting in the middle of the woods until eternity. Nagkataon lang siguro na kamukha niya ang napangasawa ni Uncle Leon.”Tumango-tango si Kiana. Bigla siyang humarap kay Owen. "Pero hindi ko talaga makalimutan ang nangyari sa atin sa gubat last night. Muntik na akong atakihin sa puso.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Owen. "Yah. Me too. Saan k

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 59

    Habang hinihintay ni Lia ang pagbalik ni Leon ay nakatulog na siya. Bandang alas siete ay ginising na siya ni Leon. Pupungas-pungas pa siya. “L-Leon, tapos ka nang magluto?” tanong ni Lia kinukusot-kusot pa ang mata. “Oo, katatapos ko lang. Actually kanina pa dapat, pero hinayaan na muna kitang matulog. Mukhang kailangan mong matulog, eh.” Alam ni Lia na mas kailangan ni Leon ng tulog kaysa sa kaniya pero nakangiti pa rin ito sa kaniya kahit sobrang dami na ng ipinagawa niya rito. Ito pa ang nagpresinta na magluto at magligpit ng mga kalat samantalang siya ay magagaan lang na trabaho ang ginawa niya at madalas lang siyang nagmamando.“Halika na habang mainit pa iyong pagkain.” Tumango si Lia at nag-inat ng kamay. Nakuha naman agad ni Leon ang gusto ni Lia. Inalalayan niya itong tumayo. Naiiling na lang si Leon pero natutuwa siya sa kilos ni Lia. Pakiramdam niya ay komportable na ang kaniyang asawa sa kaniya at natutuwa siya sa tuwing umaakto ito na parang bata sa harapan niya. “

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 58

    Kanina pang nag-aayos sina Lia at Leon at hindi pa rin sila natatapos. Ilang beses silang papalit palit ng puwesto ng mga kagamitan. Hindi na mabilang ni Leon kung ilang beses niyang hinila ang mga furniture. Hindi naman niya magawang magreklamo dahil ayaw niyang isipin ni Lia na pagod na siya, kahit iyon ang totoo. Maghapon rin silang abala sa pagpipinta kaya may bakas ng mga pintura sa mukha at damit nilang dalawa. “Ito bang painting?” tanong ni Leon sa asawa. “Oo, ilagay muna natin sa mga karton. Basa pa iyong pintura, baka masira lang kapag isinabit na natin.” “Sige.” Tumango-tango pa si Leon. Ang mag-asawa lang ang naiwan sa villa dahil ayaw ni Lia na ipaubaya sa mga tauhan ang mga gawain. Pabor na pabor naman iyon kay Leon dahil nais niyang masolo ang misis niya. Pinag-day off niya lahat ng mga tauhan sa villa at binigyan niya pa bonus! Tuwang-tuwa ang mga tauhan niya at mukhang naintindihan rin ng mga ito na nais niyang solohin ang asawa niya. Nang umalis ang mga tauhan ay

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 57

    Mas lalong lumakas ang pag-iyak ng matanda. Agad na inutusan ni Lia si Leon na kumuha ng tissue o panyo at saka tubig.“Ayos lang po ba kayo?”Umiling ang delivery man. “Napakarami po naming nagmamahal kay Doctora Lia kaya marami rin po kaming nagluluksa sa biglaang pagkawala niya. Nabuhayan po ako ng loob nang makita ko po kayo kanina kasi akala ko, buhay pa si Doctora Lia at mali ang laman ng balita. Totoo po pala. Totoo po palang wala na siya.”Halos manlambot ang mga tuhod ni Lia sa kaniyang nasaksihan. Masakit para sa kaniya na palabasing patay na siya pero iyon lamang ang tanging paraan para maisiwalat niya ang lahat ng kahayupan at kasamaan nina Owen at Kiana! Talaga nga palang sagad sa buto ang kasamaan ng mga ito! Agad ding ipinamalita ng mga ito ang kaniyang kamatayan! Hinaplos niya ang likod ng matandang lalaki. Hindi niya alam kung paano niya pagagaanin ang nararamdaman nito.“Uminom po muna kayo ng tubig.”Napalingon si Lia kay Leon. “Thank you,” bulong niya.“Maraming sa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status