Dire-diretso si Lia sa pagpasok sa operating room. Agad niyang tiningnan sa echocardiogram ang lagay ng puso ng kaniyang papa. ‘Confirm. Cardiac tamponade nga. Paano nagkaroon nito si papa? He's healthy and he's not even involved in an accident to have a trauma. He has no penetrating chest trauma or blunt chest trauma.’“Chairman, sino po ang babaeng ‘yon? Alam niyo bang bawal mag opera ang isang doktor kung hindi siya resident at kung hindi siya ina-allowed ng hospital na mag opera? Maaari po siyang mawalan ng lisensya!"“I am the new Chairman and I am giving my permission for her to conduct the operation. Higit sa lahat, mas mahalaga pa rin ang buhay ng pasyente." Tiningnan ni Leon ang general surgeon. “What I can't allow is to watch someone as incompetent as you to operate the patient. You can't even tell what's going on. Hahayaan na lang ba nating mamatay ang pasyente?" Tumaas ang kilay niya.Hindi nakasagot ang general surgeon. Wala siyang laban sa Chairman. Wala siyang nagawa ku
Pabalik-balik sa paglalakad si Lia. Nasa restroom na siya at hinihintay na niya si Leon. Nag-aalala na siya sa kondisyon ng kaniyang papa. Hindi pa naman gano'n ka komplikado ang kondisyon nito noong isinakay ito sa ambulansya pero sigurado siyang anumang oras ay mararanasan na nito ang cardiac arrest. She still needs to confirm his father's condition via echocardiogram or other imaging modalities.“Nasa’n ka na, Leon?” Palinga-linga si Lia sa may pintuan. "Natandaan kaya niyang lahat ang mga ipinapakuha ko sa kaniya?” Napatingin siya sa wristwatch niya. "It's been ten minutes since my father arrived here. I wonder if he's still unconscious or if he's already awake. He will be awake if my observation is wrong. I hope, mali ako ng diagnosis.”Lumipas ang tatlong minuto. Wala pa ring Leon na dumadating."Where the hell is he?” Kinuha ni Lia ang kaniyang cell phone at binuksan ang kaniyang email. Muli niyang tiningnan ang floorplan na ipinadala sa kaniya ni Leon. Tiningnan niya iyon para
Nang makaalis sina Kiana at Owen ay saka lamang lumingon sina Lia at Leon. “Sinasabi ko na nga ba. Si Kiana na naman ang may pakana kung bakit biglaang lumitaw sa harapan ko si papa.” Kinuyom ni Lia ang kaniyang mga kamao. “Oras na malaman kong may kinalaman ka sa nangyari kay papa, hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo, Kiana." “Wifey, let's go. We need to hurry, ‘di ba?" paalala ni Leon. Akala niya ay kasunod na niya sa likuran niya ang kaniyang asawa. Mabilis na tumakbo si Lia para abutan niya si Leon. They need to hurry. Kailangang-kailangan na ng kaniyang papa na maoperahan. Nang makarating sa sasakyan sina Lia at Leon… “How are you going to operate? You have no consent to do the operation. You are not affiliated to our nearest hospital. Mawawalan ka ng lisensya kapag may nakaalam nito,” ani Leon habang pokus sa pagmamaneho ng mabilis. Kulang na lang ay mag-wang-wang na rin siya para lang tumabi ang mga sasakyan sa kalsada at bigyan siya ng daan. "No one will k
Nagbago ng p'westo si Lia. Kung kanina ay nakikita siya ni Kiana, ngayon ay hindi na. Tanging si Leon na lamang ang nagkikita ng ekspresyon niya. Lumingon muna siya sa paligid at nang makumpirmang wala ng ibang tao, saka niya hinayaang pumatak ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan.“Wifey, what's wrong? The rescue is coming. Don't cry. Your father will be fine.” Leon comforted Lia with his words while checking her father’s pulse. “His pulse…”"Call them. Ask them to move more swiftly. His condition became worse.” Lia wiped her tears.Sumilip si Kiana at pilit na tinitingnan ang nangyayari pero wala siyang makita kung hindi ang likod nina Ria at Leon. “Shít. I need to change my position…” Napalingon siya sa paligid. Wala siyang ibang daan na nakikita kung hindi ang kinaroroonan ng mag-asawa. "Dàmn it. Hindi ako makakalipat ng pwesto. Hindi bale. Makikita ko pa rin naman kung gagawa ng aksyon si Ria o hindi. Bakit kasi hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Nagbubulunga
“Mr. Reed!” bulalas ni Leon nang makitang nawalan ng malay si Liam Reed sa harapan nila sa pangalawang pagkakataon. Ang una ay noong muntik na nitong makita si Lia bago pa man sila magkaroon ng unang hapunan kasama ang mga kamag-anak niya.Agad niyang dinaluhan ang matanda. Natataranta man ay hindi ipinahalata ni Lia ang nararamdaman niya. “I will call the emergency hotline.” Hiniga ni Leon nang maayos ang matanda at agad na niluwagan ang suot na damit nito upang magkaroon ng mas maayos na blood flow ang matanda. Pinulsuhan rin niya ito at saka tumingin kay Lia. “Nawalan lang yata siya ng malay. May pulso pa siya,” komento ni Leon. “But let’s wait for the rescue.” Tumango si Lia. “Sige.” Luminga siya sa paligid. Nais niyang eksaminin ang ama niya pero kailangan niyang maging maingat. Hindi pa malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit bigla na lamang itong lumitaw sa harapan niya. Ang unang pagkakataon ng pagkikita nila noon ay maaaring nagkataon lamang pero ang pangalawang beses na
“Hindi nga po siya si Lia. She is my wife. She is Ria Collins,” giit pa rin ni Leon. “No!” Marahas na tinulak ni Liam Reed si Leon ngunit hindi man lamang ito natinag. “She’s my daughter. Please let me talk to my daughter,” pagmamakaawa niya. Blangko ang utak ni Liam. Ang tanging nasa isip lamang niya ay nasa harapan na niya ang anak niya. Ang kaniyang buong akala niya ay hindi na niya makikita pang muli ang kaniyang anak. Para sa kaniya ay isang malaking himala na muli niyang nakita ang anak niya. Isa itong pagkakataon na ibinigay ng Diyos. “Nagmamakaawa ako sa iyo, hijo. Hayaan mo akong makalapit sa anak ko. Alam kong siya si Lia,” garalgal na turan ni Liam. Bumuntong hininga si Leon. Kung nahihirapan siya sa sitwasyon ay batid niyang mas nahihirapan si Lia. Kaya hangga’t maaari ay pipigilan niyang makalapit muli si Liam sa asawa niya. Pero… masakit rin para sa kaniya na makita ang ama ng asawa niya na nagmamakaawa na tila ba wala na ito sa huwisyo. Isang malamig na palad ang d