Nagbago ng p'westo si Lia. Kung kanina ay nakikita siya ni Kiana, ngayon ay hindi na. Tanging si Leon na lamang ang nagkikita ng ekspresyon niya. Lumingon muna siya sa paligid at nang makumpirmang wala ng ibang tao, saka niya hinayaang pumatak ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan.“Wifey, what's wrong? The rescue is coming. Don't cry. Your father will be fine.” Leon comforted Lia with his words while checking her father’s pulse. “His pulse…”"Call them. Ask them to move more swiftly. His condition became worse.” Lia wiped her tears.Sumilip si Kiana at pilit na tinitingnan ang nangyayari pero wala siyang makita kung hindi ang likod nina Ria at Leon. “Shít. I need to change my position…” Napalingon siya sa paligid. Wala siyang ibang daan na nakikita kung hindi ang kinaroroonan ng mag-asawa. "Dàmn it. Hindi ako makakalipat ng pwesto. Hindi bale. Makikita ko pa rin naman kung gagawa ng aksyon si Ria o hindi. Bakit kasi hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Nagbubulunga
“Mr. Reed!” bulalas ni Leon nang makitang nawalan ng malay si Liam Reed sa harapan nila sa pangalawang pagkakataon. Ang una ay noong muntik na nitong makita si Lia bago pa man sila magkaroon ng unang hapunan kasama ang mga kamag-anak niya.Agad niyang dinaluhan ang matanda. Natataranta man ay hindi ipinahalata ni Lia ang nararamdaman niya. “I will call the emergency hotline.” Hiniga ni Leon nang maayos ang matanda at agad na niluwagan ang suot na damit nito upang magkaroon ng mas maayos na blood flow ang matanda. Pinulsuhan rin niya ito at saka tumingin kay Lia. “Nawalan lang yata siya ng malay. May pulso pa siya,” komento ni Leon. “But let’s wait for the rescue.” Tumango si Lia. “Sige.” Luminga siya sa paligid. Nais niyang eksaminin ang ama niya pero kailangan niyang maging maingat. Hindi pa malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit bigla na lamang itong lumitaw sa harapan niya. Ang unang pagkakataon ng pagkikita nila noon ay maaaring nagkataon lamang pero ang pangalawang beses na
“Hindi nga po siya si Lia. She is my wife. She is Ria Collins,” giit pa rin ni Leon. “No!” Marahas na tinulak ni Liam Reed si Leon ngunit hindi man lamang ito natinag. “She’s my daughter. Please let me talk to my daughter,” pagmamakaawa niya. Blangko ang utak ni Liam. Ang tanging nasa isip lamang niya ay nasa harapan na niya ang anak niya. Ang kaniyang buong akala niya ay hindi na niya makikita pang muli ang kaniyang anak. Para sa kaniya ay isang malaking himala na muli niyang nakita ang anak niya. Isa itong pagkakataon na ibinigay ng Diyos. “Nagmamakaawa ako sa iyo, hijo. Hayaan mo akong makalapit sa anak ko. Alam kong siya si Lia,” garalgal na turan ni Liam. Bumuntong hininga si Leon. Kung nahihirapan siya sa sitwasyon ay batid niyang mas nahihirapan si Lia. Kaya hangga’t maaari ay pipigilan niyang makalapit muli si Liam sa asawa niya. Pero… masakit rin para sa kaniya na makita ang ama ng asawa niya na nagmamakaawa na tila ba wala na ito sa huwisyo. Isang malamig na palad ang d
Parang huminto ang buong mundo ni Lia nang makita niya ang sariling ama. Tumatakbo ito papalapit sa direksyon nila at kitang-kita niya agad ang mga mata nitong punong-puno ng pangungulila, pagsisisi at pagkagulat.Bago pa man maiharang ni Leon ang sarili niya upang pigilan si Liam na lumapit kay Lia ay mabilis na nitong nayakap ang asawa niya. Pinagmasdan lang niya kung paano naging emosyonal ang matanda nang mayakap na nito sa wakas ang asawa niya.“L-Lia, a-anak…b-buhay ka…” naiiyak na sambit ni Liam at niyakap pa ng mas mahigpit si Lia. Hindi makagalaw si Lia. Nagulat siya sa pagyakap ng ama niya at sa biglaang paglitaw nito sa harapan niya. Halos madurog ang puso niya nang makita niyang umiiyak ito.“Oh, Lia! Patawarin mo si papa, anak, patawad sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko sa iyo. Patawad kung hindi ko naiparamdam sa iyo kung gaano ka kaimportante sa akin… kung gaano kita kamahal. Nagsisisi ako, anak sa mga kamaliang nagawa ko sa iyo. Hindi kita pipilitin na patawari
“Are you okay?” tanong ni Leon nang mapansin na tahimik ang asawa niyang si Lia. Papalabas na sa bulwagan sina Leon at Lia. Matapos nilang kausapin sina Owen at Kiana ay nagpasya na rin silang umalis na. Hinawakan ni Leon ang kamay ni Lia na nakasukbit sa braso niya. “May problema ba?” Hindi napigilan ni Leon ang mag-alala. Hindi man nagsasalita si Lia ay ramdam niyang may dinaramdam ito. Huminto sila sa harapan ng bulwagan. Upang masigurado ni Leon na ayos lang ang asawa niya. “Wifey?” muling anas ni Leon upang kunin ang atensyon ng asawa niya. Kumurap si Lia. Noon lamang siya natauhan. Mas lalong umusbong ang galit sa puso niya sa sinabi nina Owen at Kiana kanina. Nasusuka siyang alalahanin ang mga sinabi ng mga ito, lalong lalo na sa parteng minahal siya ng mga ito. ‘Mahal? Pagmamahal bang maituturing ang sinasabi nila kung nagawa nila akong ilibing ng buhay? Ni hindi man lang sila kinilabutan matapos sabihin ang mga katagang iyon?’ nagpupuyos na sambit ni Lia sa kaniyang iis
“Ako?” Itinuro ni Owen ang kaniyang sarili. “May ginawa ba ako uncle? As far as I remember, I didn’t do anything.” ‘Really, Owen? Wala kang ginawa? Baka nakakalimutan niyong inilibing niyo akong ng buhay ni Kiana!’ iyan ang gustong isigaw ni Lia pero nanatili lamang siyang tahimik. Sumeryoso ang mukha ni Leon. “Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagtingin mo kay Ria? You’ve been staring at her intently just recently. I know she looks like Lia, but may I remind you na magkaibang tao sila ng asawa ko. Kung namimiss mo si Lia, ayos lang. It is natural for you to miss someone you loved. However, it is not right for you to stare at someone, lalong lalo na sa asawa ko.” Kumurap sa gulat si Owen. Nalilito siya sa sinabi ng tiyuhin niya. Papalit-palit siya ng tingin kina Ria at Leon. Tapos ay napatawa siya. “I think nagkakamali ka, uncle. I am just fascinated how Lia and Auntie Ria look exactly the same, but that doesn’t mean na dahil kamukha siya ng yumaong fiancee ko ay gusto ko na o p
Kumunot ang noo ni Leon nang mapansin na nasa isang sulok si Lia kasama ang pamangkin niyang si Owen at ang fiance nitong si Kiana. Nakangiti naman ang asawa niya kaya nabawasan ang pag-aalala niya. Nahawa siya sa ganda ng ngiti ng kaniyang asawa kaya napangitinrin siya pero agad din iyong napalitan ng inis nang makita niyang nakatitig ng malagkit ang pamangkin niyang si Owen kay Lia. Parang may umusbong na kakaibang emosyon sa kaniya. Tila ba nais niyang dukutin ang mga mata ni Owen sa inis dahil hindi nito magawang maalis ang tingin nito sa asawa niya, kahit pa naroon si Kiana na fiance nito. ‘Alam kong maganda si Lia at maraming napapalingon sa kaniya pero bakit kapag si Owen ang nakatitig sa kaniya ay parang gusto ko itong hilahin at suntukin? Saka hindi ba napapansin ni Owen na matalim ang titig ng fiance nito sa asawa ko?’ isip-isip ni Leon.Mas lalong nadagdagan ang inis ni Leon nang makitang nakatingin si Owen sa labi ni Lia. Sa inis niya ay nagmartsa na siya palapit sa mga
Habang nakikipag-usap si Leon sa mga board of directors ay naiwan si Lia sa kaniyang inuupan kanina. Nakaalis na rin ang magkakapatid na Gray dahil tumawag bigla ang mga asawa ng mga ito. Medyo nakakaramdam na siya ng antok dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Papikit na sana ang kaniyang mga mata nang bigla siyang may nakitang kamay na naghihintay para i shake hand niya. Marahan niyang binaybay ng tingin ang kamay na iyon para makita kung sino ang nagmamay-ari noon. Pilit siyang napangiti nang tuluyan na niyang makita ang mukha ng taong nais makipagkamay sa kaniya.“Congratulations on your promotion, Auntie Ria." Malapad ang ngiti ni Owen habang nakatitig sa napakagandang mukha ng auntie niya.“Maraming salamat, Owen," tugon ni Lia sabay lahad ng kaniyang kamay. Medyo nanlaki ang mga mata niya nang hindi nakipag shake hands si Owen sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at saka hinalikàn. Mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay rito. “I think there's no need for that.
“Congratulations, Tama! Isa ka ng ganap na gurang!" nagbibirong wika ni Jett.“Gurang?" kunot-noong tanong ni Leon.“Matanda ka na raw kasi chairman ka na," natatawang sabi ni Lia.Napakamot si Leon sa kaniyang ulo at saka napatawa. Sanay na siya sa kakulitan ng magkakapatid lalo na ni Jett.“Congratulations, Chairman Leon," seryosong sambit ni Jackson. Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay. Iyon ang unang beses na tinawag niyang Leon si Tamahome kaya hindi na siya nagtaka kung bakit nabigla ang kaniyang kaibigan.Kinamayan ni Leon si Jackson. “S-Salamat, Jackson." Sumunod na naglahad ng kanilang mga kamay sina Jacob at Jett. Tulad ng kanilang nakatatandang kapatid, tinawag din nila sa totoong pangalan nito si Tamahome. Bakas sa mukha ng kaibigan nila ang kasiyahan.Napalunok si Lia. Maya-maya pa ay inilahad na rin niya ang kaniyang kamay. “C-Congratulations, Chairman Leon. You deserve that position,” nakayukong wika ni Lia.“Congratulations din sa'yo, VP Ria," tugon ni Leon haban