FAZER LOGINCassandra Louise’s point of view"Ate!" Napahalakhak ako nang makita ang mabilis niyang pagrereklamo. Namula pa ang mukha niya habang nakasimangot at yakap yakap pa rin ang unan na para bang iyon ang kakampi niya. "Oh?" "Totoo kaya." "Hahahaha." "Ako ba ang laging nang-aasar?" "Inaasar mo rin naman ako." "Minsan nga mas malala ka pa." Biro ko.Napanguso siya at mabilis na umiling. "Hindi kaya." "Inosente ako." Napataas lang ang kilay ko. “Sakalin kaya kita ‘no?”Napailing na lang ako habang natatawa. "Sabihin mo 'yan kay Reed." "Feeling ko other version ka niya." Agad siyang napatahimik bago umiwas ng tingin. "Ate..." Bahagya siyang napasimangot at niyakap pa lalo ang unan na hawak niya. "Huwag mo na naman siyang isingit." Lalo lang akong natawa sa naging reaksyon niya. Halatang halata na tuwing si Reed ang napag-uusapan, ibang klase ang epekto sa kanya. Kanina pa niya sinusubukang umiwas sa topic, pero bawat pag-iwas niya, lalo lang siyang nahuhuli. "Ayan na naman."
Cassandra Louise’s point of viewHindi na niya naitago ang tuwa. Halos mapatalon siya bago mahigpit na niyakap ang pabango at paulit ulit pa iyong tiningnan na para bang baka bigla kong bawiin ang sinabi ko. "Thank you, ate!" Mahina akong natawa habang pinagmamasdan siya. She really was easy to please. Napakasimple lang ng mga bagay na nagpapasaya sa kanya, at nakakahawa ang excitement niya. Habang nakatingin ako sa kanya, kusa namang pumasok sa isip ko ang isang tanong na kanina pa gumugulo sa akin. "Aren't you curious?" Napalingon siya. "Kahit konti?" "Bakit may mga ganiyan akong gamit?" Huminto siya sa paglalagay ng pabango sa bag niya at seryosong tumingin sa akin. Akala ko ay pag-iisipan pa niya ang isasagot, pero kabaligtaran ang nangyari. "Not really." "I don't really care." "As long as wala kang masamang ginagawa." "Kung paano mo nakuha 'yan..." "Bahala ka na roon." "We trust you." Diretso niyang sinabi iyon nang walang pag-aalinlangan. Walang pagdududa sa boses
Cassandra Louise’s point of viewParang biglang tumigil ang mundo ni Agnes sa sinabi ko. Agad lumaki ang mga mata niya habang unti unting namumula ang pisngi hanggang sa tainga. Mabilis siyang umiwas ng tingin at kunwari'y abalang inayos ang unan sa kandungan niya, pero lalo lang siyang nahalata. Boom. Huli. Hindi ko na napigilang matawa. Napahawak pa ako sa tiyan ko habang pinagmamasdan ang obvious na reaksyon niya. "Hey." "Hey." "Don't you dare change the topic." "Ate naman!" Reklamo niya habang unti unting umaatras sa kama, para bang umaasang makakatakas siya kapag lumayo siya sa akin. Napailing ako habang natatawa sa obvious niyang reaksyon. Hindi ko na kailangang pilitin pa siyang umamin dahil sa mukha pa lang niya, halata nang may tinatago siya. Namumula ang magkabilang pisngi niya habang pilit na iniiwas ang tingin sa akin, saka niya niyakap nang mahigpit ang unan na para bang iyon ang sasalo sa kahihiyan niya. "Wala naman akong ginagawa," natatawa kong sabi habang na
Cassandra Louise’s point of view"Hello, ate kooo!" Masiglang bungad ni Agnes habang mabilis na pumasok sa kwarto ko. Wala man lang katok katok, diretso agad siyang sumilip sa pinto bago malawak na ngumiti nang makita akong nakaupo sa kama. Napatawa na lang ako. Nagpapahinga lang naman ako sa kwarto dahil wala si Vicente. Maaga itong umalis para sa sunod sunod na business meetings, pero bago pa siya umalis ay nagbilin pa talaga siya sa mga kasambahay. Hayaan lang daw akong magpahinga. At kapag nagprisinta akong gumawa ng kahit anong trabaho, kailangan daw siyang i-report agad. Napailing ako nang maalala iyon. Napaka-OA talaga. Ano bang akala niya ang gagawin ko rito sa kwarto? Titigan ang kisame buong araw? "Agnes." Natatawa kong sambit habang marahang tinanggap ang yakap niya. Humigpit pa ang yakap niya bago siya tuluyang bumitaw. "How are you?" "Super busy mo yata nitong mga nakaraang araw." Napanguso siya at mabilis na tumango, para bang iyon lang ang hinihintay niyang
Cassandra Louise’s point of view"Haaaaay!" Napabuga ako ng mahabang buntong hininga habang tamad na iniinat ang mga braso ko. Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ay agad akong napanguso at napakamot sa ulo. "Super nakakapagod." "Back to normal na naman." Mahina ko lang iyong ibinulong sa sarili ko habang naglalakad palabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon ngayon. Wala ring masyadong ganap nitong mga nakaraang araw. Hindi ako pinepeste ni Vicente, na siguradong abala na naman sa trabaho niya. Si Agnes naman ay may sarili ring pinagkakaabalahan. Madalas ko na lang silang marinig ni Reed na nagtatalo, pero parang normal na lang iyon sa kanilang dalawa. Honestly... Minsan natutuwa akong makita silang magkasama. They look cute together. Bagay silang mag-asaran. Kahit halos araw araw silang nagtatalo, halata namang komportable sila sa isa't isa. "Cassandra." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng mayordoma. "Po? Bakit po?" Takang tanong ko. Kakalabas ko pa lang ng kwarto, h
Reed Alaric’s point of viewBahagya kong ibinaba ang tingin sa slippers na suot niya bago muling ibinalik ang tingin sa mukha niya. Hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya. Kanina lang halos hindi siya makalakad nang maayos, pero ngayon ay mukhang kahit papaano ay nakakahinga na siya nang mas maluwag. "Do I need to get you a wheelchair?" Mabilis siyang napatingin sa akin, halos lumaki pa ang mga mata niya sa sinabi ko. "Excuse me?" I shrugged innocently. "What? I'm just asking." Bahagya akong ngumisi bago sinadya pang dagdagan ang pang-aasar. "Baka kasi kailangan mo na." "Tarantado." Inis na singhal niya habang masama akong tinitigan. Mahina akong natawa at bahagyang umiling. Hindi ko alam kung bakit, pero ang dali niyang asarin. Kahit simpleng biro lang, kitang kita agad sa mukha niya ang reaksyon. "Ay, galit." "Hindi ako galit." "Pagod lang." "Pareho lang 'yon." "Reed..." May babala sa boses niya, kasabay ng matalim na tinging ipinupukol sa akin. Pero imbes na mati







