
Desired by the Billionaire
“Isang daang milyon!” sigaw ng isang misteryosong lalaki.
Si Cassandra Louise Ledesma ang lihim na tagapagmana ng pamilya Ledesma na itinago ng kaniyang lola na si Soledad upang mailayo sa mga taong nagbabalak agawin ang kanilang yaman. Upang mamuhay nang payapa, pinili niyang magtrabaho bilang isang simpleng maid.
Sa isang charity auction, pabiro siyang isinama bilang isa sa mga "auction item." Ang inakala ng lahat na simpleng kalokohan ay nauwi sa matinding gulat nang may magbid ng isang daang milyong piso para sa kaniya.
Sa kabilang dako naman ay si Amadeo Vicente Sandejas, ang pinakabatang bilyonaryo at CEO sa buong mundo. Isang lalaking malamig, subsob sa trabaho, at walang interes sa pag ibig. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, siya ang misteryosong bidder na gumastos ng napakalaking halaga upang walang ibang makakuha kay Cassandra.
“Mula nang marinig kong isasama ka sa auction, tinapos ko na ang laban. Dahil alam kong walang ibang dapat manalo kundi ako.
“Kung tutuusin ay barya lang naman ang isang daang milyon piso, Cassandra.”
Saan nga ba sila dadalhin ng isang daang milyong pisong bid na nagsimula bilang isang biro? Magagawa kayang baguhin ng babaeng binili niya ang pusong matagal nang isinara ni Vicente, o ang mga lihim na kanilang itinatago ang siyang tuluyang maglalayo sa kanila?
Read
Chapter: Chapter 213Cassandra Louise’s Point of ViewNasa conference room ako nang dumating si Marco dala ang bagong report mula sa legal team. May nakita raw silang discrepancy sa temporary access authorization na konektado sa dating business division.“May update na ba tungkol sa subordinate?” tanong ko.“Wala pang final confirmation, ma'am. Pero may bagong document na maaaring magpaliwanag kung bakit hindi nagtutugma ang dates sa access logs.”Inilapag niya ang folder sa harap ko.Binasa ko ang report. May temporary authorization na ibinigay sa isang dating empleyado para magproseso ng records habang inaayos ang transition ng dating senior staff. Ang problema, mas maaga ang petsa ng authorization kaysa sa access log na nasa investigation report.“May extension record ba?” tanong ko.“Hinahanap pa. May possibility na hindi naisama sa unang batch ng archived files.”“Then we need to find it. Hindi natin puwedeng ipagpalagay na valid ang access kung hindi kumpleto ang authorization.”“Opo. Ipinasa na rin
Last Updated: 2026-11-27
Chapter: Chapter 212Reed Alaric’s Point of ViewNasa opisina kami ni Agnes nang dumating ang bagong report mula sa investigators. May resulta na raw ang initial review ng personnel records, at kailangan naming makipagkita sa legal team para talakayin ang mga detalye.“May pangalan na ba?” tanong ni Agnes habang binubuksan ang email.“May pangalan na sa report,” sagot ko. “Pero hindi pa ibig sabihin na siya ang nagbigay ng instruction.”Binasa niya ang unang bahagi ng dokumento.“Dating senior staff sa business division. Pero ayon sa employment records, umalis siya sa kumpanya bago ang final approval ng revised inventory.”“Which means, hindi pa natin alam kung paano ginamit ang pangalan niya sa communication log.”Nagpatuloy kami sa pagbabasa. May kopya ng personnel record, dates ng employment, at isang listahan ng mga approval na ginawa niya noong nagtatrabaho pa siya sa division.Napansin ni Agnes ang isang entry.“Look at this. May approval siya sa original inventory review, pero hindi sa revised repo
Last Updated: 2026-11-27
Chapter: Chapter 211Cassandra Louise’s Point of ViewNakatanggap ako ng tawag mula kay Agnes bago magsimula ang unang meeting ko sa araw na iyon.“May update na ba?” tanong ko.“May pangalan na silang natukoy sa communication log,” sagot niya. “Pero kailangan pa ng final verification mula sa personnel records.”“May koneksyon ba siya sa dating business division?”“Dating senior staff siya roon. Hindi pa namin puwedeng sabihin kung ano ang naging role niya sa pagbabago ng inventory reports.”“Understood. Ipaalam mo sa akin kapag kumpleto na ang verification.”Pagkatapos ng tawag, inilapag ko ang phone at bumalik sa mga dokumentong nasa mesa ko. May ilang reports na kailangang aprubahan bago ang susunod na transition meeting. Kahit nagpapatuloy ang investigation, kailangan pa ring umandar ang kumpanya.Makalipas ang ilang minuto, dumating si Daniel.“Ma'am, may request ang legal team na mag-schedule ng meeting tungkol sa employee notice.”“Na-review na ba nila ang draft?”“Opo. May ilang revisions lang tun
Last Updated: 2026-11-27
Chapter: Chapter 210Amadeo Vicente’s Point of ViewNasa conference room ako nang matanggap ko ang update mula kay Marco tungkol sa interview ng dating administrative coordinator. May ilang detalye raw itong nakumpirma, pero hindi pa rin malinaw kung sino ang nagbigay ng instruction para sa pag-review ng original inventory files.Binasa ko ang report bago ko siya tinawagan.“May bagong lead ba?” tanong ko.“May nakita ang investigators sa old communication log. Posibleng matukoy kung sino ang nagdala ng request sa administrative coordinator.”“Posible pa lang?”“Opo. Kailangan pa nilang i-compare sa ibang records.”“Then wait for the verification. Huwag muna nating gamitin ang pangalan sa anumang report na hindi pa final.”“Understood, sir.”Pagkatapos ng tawag, bumalik ako sa mga dokumentong kailangan para sa partnership transition. Nagsimula na ang joint review ng ilang departments, at kailangan naming siguraduhing hindi maaapektuhan ang operations habang nagpapatuloy ang investigation.Maya-maya, dumat
Last Updated: 2026-11-27
Chapter: Chapter 209Agnes Riley’s Point of ViewNagsimula ang araw namin ni Reed sa pag-review ng bagong documents mula sa legal team. May naka-schedule na interview ang dating administrative coordinator, at kailangan naming ihanda ang mga tanong tungkol sa instruction na natanggap niya noong panahon ng restructuring.“May update ba kung kailan siya darating?” tanong ko habang binubuksan ang laptop.“Ten o’clock daw,” sagot ni Reed. “Kasama niya ang legal representative niya, at naroon din ang investigator.”“Good. At least, formal ang proseso.”Inayos namin ang timeline sa harap namin. May tatlong mahalagang petsa: ang pag-request ng temporary access sa original inventory files, ang paglabas ng revised inventory report, at ang pagtanggap ng instruction ng administrative coordinator.Hindi pa malinaw kung magkakaugnay ang lahat, pero sapat na ang mga ito para magtanong nang mas maayos.“May isang bagay akong gustong linawin,” sabi ko. “Kung ang coordinator ang tumanggap ng instruction, bakit hindi siya a
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: Chapter 208Cassandra Louise’s Point of ViewMaaga akong dumating sa opisina dahil may naka-schedule kaming meeting kasama ang management team tungkol sa unang phase ng partnership transition.Nasa conference room na ang ilang department heads nang pumasok ako. Nasa tabi ko si Daniel, na siyang nagdala ng updated schedule at listahan ng mga kailangan pang tapusin.“Good morning, everyone,” bati ko.Isa-isang bumati ang mga naroon bago nagsimula ang meeting.Tinalakay namin ang progress ng bawat department, ang bagong reporting process, at ang mga kailangan pang ayusin bago tuluyang mailipat ang management responsibilities sa bagong structure.“May concern po ang finance department tungkol sa access sa old financial records,” sabi ng isa sa mga department heads. “May ilang files na hindi pa namin mabuksan dahil nasa restricted archive pa rin.”Tiningnan ko ang report.“Those files should remain restricted habang hindi pa tapos ang verification. Hindi natin kailangang madaliin ang access kung may p
Last Updated: 2026-11-25
Chapter: Chapter 63Ysabel's Point of View Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabahala sa lahat ng natuklasan namin. Ang katotohanang maaaring may taong sadyang nanakit sa mga babaeng naging malapit kay Maximo, o ang posibilidad na ang taong iyon ay matagal nang konektado sa pamilya Montenegro. Ilang oras na akong nakaupo sa study room, nakaharap sa mga lumang dokumentong ipinadala ni Reed. Nasa harapan ko ang pangalan nina Helena, Marissa, at Camille. Tatlong babaeng magkakaiba ang naging papel sa buhay ni Maximo, pero tila iisa ang naging kapalaran pagdating sa mga taong gustong ilayo sila sa kanya. “Hindi ka pa rin tapos?” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Agnes. May dala siyang tasa ng kape at maliit na plato ng biscuits. “Konti na lang,” sagot ko. Inilapag niya ang dala sa tabi ko at sumilip sa mga papel. “Ito ba 'yong tungkol sa mga babaeng nasaktan noon?” Tumango ako. “May nakita kaming pare-parehong authorization code sa mga report nila. At lumabas din ang pangalan ni Elena Varela
Last Updated: 2026-11-20
Chapter: Chapter 62Maximo's Point of View Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang nakita ni Ysabel sa likod ng litrato. For the women who were silenced. Hindi iyon basta mensaheng iniwan ng isang taong gustong magbigay ng impormasyon. May babala sa bawat salitang nakasulat doon, na para bang may gustong ipaalala sa amin na hindi lamang si Gabriel ang may alam sa nangyari noon. At mas lalong hindi ko nagustuhan ang posibilidad na ang mga babaeng naging bahagi ng nakaraan ko ay sadyang pinatahimik. “Senyorito.” Napatingin ako kay Reed na kararating lamang sa study room. May hawak siyang makapal na folder at ilang printed documents. “May nahanap ka na ba?” tanong ko. Inilapag niya ang mga dokumento sa mesa. “Three women, sir. Sila ang may pinakamalinaw na koneksiyon sa mga insidenteng ikinuwento ninyo dati.” Binuksan ko ang folder. Nandoon ang pangalan ni Helena, isang babaeng nakilala ko noong mga unang taon ko sa negosyo. Matagal kaming nagkaroon ng magandang relasyon hanggang sa makatanggap
Last Updated: 2026-11-19
Chapter: Chapter 61Ysabel's Point of View Hindi ko maalis ang tingin ko sa larawang hawak ko. Paulit-ulit kong sinusuri ang bawat detalye nito, umaasang may mapapansin akong maaaring magpatunay kung tunay nga bang si Gabriel Montenegro ang lalaking nasa litrato. Malinaw ang mukha niya kahit medyo malayo ang kuha. Mas matanda na siya kumpara sa mga litrato sa loob ng nakatagong silid, ngunit walang duda sa pagkakahawig. Siya nga iyon. Ang lalaking matagal nang pinaniniwalaang naglaho. “May napansin ka ba?” tanong ni Maximo mula sa likuran ko. Bahagya akong napalingon. Nasa kabilang bahagi siya ng mahabang mesa, nakasandal ang isang kamay sa ibabaw nito habang nakatingin sa litrato. “Hindi ko pa alam,” sagot ko. “Pero hindi ako kumbinsidong basta na lang ipinadala sa atin ito.” Lumapit siya at tumayo sa tabi ko. “You think someone wants us to find him?” “Posible. Pero bakit ngayon? At bakit sa atin ipinadala?” Hindi agad siya sumagot. Kinuha niya ang litrato at pinagmasdan ang likurang bahagi ni
Last Updated: 2026-11-18
Chapter: Chapter 60Maximo's Point of ViewHindi ko nagustuhan ang naging reaksyon ni Veronica nang ipakita namin sa kanya ang mga lumang voucher.Ilang segundo siyang nakatitig sa dokumento bago niya iyon tuluyang ibinaba sa mesa. Hindi siya nagsalita agad, ngunit sapat na ang pagbabago sa kanyang mukha upang malaman kong may nakilala siya.“Mother,” tawag ko.Marahan siyang napabuntong-hininga.“Where did you find this?”“In Father's old records room.”Muli niyang kinuha ang voucher at pinagmasdan ang initials sa ibaba.“M.A.”“Do you recognize it?”Tumango siya nang bahagya.“Those were the initials used by someone who handled your father's confidential correspondence.”Napatingin ako kay Ysabel.“Do you know the person's name?”“Hindi ko alam ang buong pangalan niya. Ang alam ko lang, hindi siya direktang nagtatrabaho sa mansion. May sarili siyang opisina sa labas ng estate at madalas siyang nakikipag-ugnayan kay Matias.”“Bakit hindi namin siya nakita sa records?”“Because his identity was never inc
Last Updated: 2026-11-17
Chapter: Chapter 59Ysabel's Point of ViewHindi ko inaasahang isang lumang pangalan ang muling magbubukas ng panibagong bahagi ng nakaraan ko.Elias Varela.Paulit-ulit kong binasa ang pangalang iyon sa dokumentong iniwan ni Reed. Hindi ko alam kung may kaugnayan ba talaga siya kay Elena, pero hindi ako mapakali sa posibilidad na may isang taong patuloy na nagbabayad sa dating empleyado ng Arietta family kahit matagal na itong umalis sa trabaho.Bakit?At ano ang kapalit ng perang iyon?“Ysabel, breakfast na.”Napalingon ako kay Agnes na nasa may pintuan.“Sandali lang. Tatapusin ko lang ito.”Lumapit siya at sumilip sa papel na hawak ko.“Iyan na naman ba ang mga pangalan?”Tumango ako.“May bagong nadagdag.”“Hindi ka ba napapagod?”Bahagya akong napangiti. “Minsan.”“Kung ganoon, magpahinga ka naman kahit kaunti. Hindi naman mawawala ang mga dokumentong iyan.”Inayos ko ang papel at isinara ang folder.“Okay. Bababa na ako.”---Pagdating ko sa dining area, naroon na si Maximo. May hawak siyang table
Last Updated: 2026-11-17
Chapter: Chapter 58Maximo's Point of ViewHindi ko nagustuhan ang natanggap kong tawag mula kay Reed kinaumagahan.Ayon sa kanya, may nakita silang bagong bakas ng presensya sa lumang property na pag-aari ng dating business associate ng aking ama. Ngunit bago pa nila masuri ang loob ng bahay, may isang sasakyang dumating at agad ding umalis.Walang malinaw na plaka. Walang makilalang sakay.Ang mas nakakabahala, may isang bagay na nawawala sa property.Ang lumang cabinet na pinaniniwalaan naming pinaglalagyan ng mga dokumento.“Are you sure it was taken?” tanong ko habang nakatayo sa harap ng study table.“Yes, Senyorito. The caretaker confirmed na naroon pa iyon last week. Pero nang bumalik siya kahapon, wala na.”“May nakapasok ba sa bahay?”“May nakita siyang bakas ng sapatos malapit sa likurang pinto. Hindi niya lang matukoy kung ilan ang pumasok.”Napahigpit ang hawak ko sa telepono.May nakakaalam na hinahanap namin ang original agreement.At kung tama ang hinala ko, hindi na lamang kami basta nag
Last Updated: 2026-11-17