Home / Romance / Desiring My Bestie's Dad (SPG) / Kabanata 1: Brokenhearted

Share

Desiring My Bestie's Dad (SPG)
Desiring My Bestie's Dad (SPG)
Author: Jelay Estrel

Kabanata 1: Brokenhearted

Author: Jelay Estrel
last update publish date: 2026-10-01 20:26:40

Scarlet's PoV

"KAILAN MO PA ako niloloko, Vic?!" nanginginig sa galit na tanong ko sa aking boyfriend.

Kumalas ang babaeng kahalikan nito at yumakap pa sa bewang ng boyfriend ko. Nginisihan niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Who is she, babe?" malanding tanong ng babae kay Vic habang nakatingin sa akin.

"She's my old friend babe," sagot ni Vic na nginisihan pa ako.

"Walang hiya ka!" umiiyak na sigaw ko at saka sinugod na ito.

Itinulak ako ni Vic nang malakas at napaupo ako sa gilid ng pader. Malakas ang akong pagkakabagsak.

"Scarlet, matagal na tayong tapos. Sinabi ko naman sa iyo kung hindi ka ready na ibigay ang gusto ko hindi na kita mahihintay. Hindi na uso ngayon ang pagiging Maria Clara! Tapos na tayo, Scarlet!" Tinalikuran ako ni Vic.

"Please." Hinabol ko pa siya at lumuhod sa kanyang harapan. "Mahal na mahal kita, alam mo iyan."

Sinipa naman ako ng babaeng kasama nito. "Poor girl!" singhal nito sa akin.

"Scarlet, humanap ka na lang ng ibang lalaki na babagay para sa iyo. Kalimutan mo na lang ako at mag-focus ka sa buhay mo. Pagod na akong unawain ka at pagod na rin akong maghintay." Tuluyan na akong tinalikuran ni Vic kasama ang seksing babae na nakayakap dito.

Umiiyak na nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na patungo sa kinaroroonan ng kotse ni Vic.

Minahal ko ng tapat si Vic, ginagawa ko ang lahat para maging mabuti akong girlfriend. Hindi ko nga lang maibigay ang hinihiling nito sa akin dahil gusto kong ibigay iyon kapag kasal na kami dahil iyon lang ang isang bagay na p'wede kong maipagmalaki.

Suot ko pa ang kulay brown kong apron, itim na cap at hairnet habang nakaupo sa gilid ng pader. Nagtratrabaho ako sa isang coffee shop at isa rin akong working student.

Maaga akong naulila sa aking mga magulang. Costumer ko si Vic at matagal niya rin akong niligawan. Noong sinagot ko siya gusto na niya akong angkinin kaso sinabi ko na hindi pa ako handa.

Lumipas ang dalawang buwan nahuli ko siya na may ka-text na ibang babae. Napatawad ko siya at nagkabalikan kami. Hanggang sa naulit iyon at mas lumala pa. Palagi niyang isinusumbat sa akin ang kakulangan ko bilang girlfriend niya. Hanggang sa tuluyan na ngang magbago si Vic. Tuluyan na niya akong tinalikuran at iniwan.

Inalis ko ang apron na suot ko at ang cap pati na rin ang hairnet ko. Ihinagis ko iyon sa daan habang umiiyak.

Pakiramdam ko nawasak ang buong puso ko. Si Vic ang first love ko. Marami kaming mga plano at marami siyang ipinangako sa akin.

Hindi ko namalayan na nakarating ako sa gitna ng kalsada. Bumuhos pa ang malakas na ulan. Panay ang pagtulo ng aking mga luha sa mga mata. Pakiramdam ko wala na akong dahilan para mabuhay pa.

Hanggang sa biglang may tumigil na itim na Porsche sa aking harapan. Nasilaw ako sa matinding liwanang na dala ng ilaw no'n. Napapitlag ako sa malakas nitong pagbusina.

Bumaba ang isang lalaki sa sasakyan tansiya ko nasa middle forties ang edad. Nakasuot ng puting sando, may mga tattoos sa katawan, mahaba ang buhok, may bigote at mahabang balbas. Marami itong peklat sa braso at may peklat din ito sa balikat.

May hawak na payong ang lalaki at hinila niya ako sa gilid ng daan.

"Here! Tama na ang modus na ito, Miss. Hindi ako matutuwa kung sasagasaan kita at baka matuluyan ka pa!" malamig ang boses ng lalaki. Hinawakan nito ang kamay ko at ibinigay sa akin ang payong na hawak nito. Sa pagdantay ng palad nito sa kamay ko kakaibang init ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako napalunok nang mapatingin dito.

Nakakunot ang noo ng lalaki sa aking harapan. Binuklat nito ang matabang wallet at binigyan ako ng pera. "Ten thousand pesos iyan! Itigil mo ang modus na ginagawa mo! Bigyan mo na rin ang mga kasamahan mo dahil sa susunod na makita ulit kita rito, tutuluyan na kitang sagasaan!" malamig na sabi pa niya sa akin. Seryoso ang mukha ng lalaki at mukhang hindi ito nagbibiro.

Hindi ko tinanggap ang pera ngunit hinayaan nitong mahulog iyon sa harapan ko. Magsasalita pa sana ako pero mabilis niya akong tinalikuran. Sumakay na ito sa sasakyan at matulin na pinaandar iyon.

Napatingin ako sa mga perang nagkalat sa daan. Pinulot ko iyon isa-isa at kapag nagkita kaming muli ay ibabalik ko sa hambog na lalaking iyon ang perang ibinigay nito sa akin.

Bigla akong natauhan sa nangyari. Bakit ko ba sasayangin ang buhay ko kay Vic? Muling bumuhos ang luha sa aking mga mata at kusa akong bumalik sa coffee shop na pinagtrabahuan ko.

Pabalik na ako nang makita ko si Anya. Nagulat pa siya nang makita niya ako na basang-basa sa ulan at may hawak na malaking itim na payong.

Ibinulsa ko ang perang basa na nasa kamay ko at tumingin sa aking matalik na kaibigan.

"Bestie! Ano'ng nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Binitawan ko ang hawak kong payong at pinahid ang luha sa aking mga mata.

Humagulhol ako sa harapan ni Anya.

Niyakap naman ako ng aking matalik na kaibigan. "Hayop talaga ang Vic na iyon! Sinabi ko na kasi sa iyo noon na hiwalayan mo na siya kaso hindi ka nakikinig sa akin!" umiiyak na sermon sa akin ni Anya.

Mayaman si Anya, lahat ng nais nito nabibili nito at walang ginusto na hindi nakukuha. Naging matalik na magkaibigan silang dalawa simula noong fourth year highschool hanggang ngayon na pareho na silang kolehiyo. At iisang kurso pa ang kinuha nila, Bachelor of Science in Tourism Management.

"Sorry, bestie!" umiiyak na sabi ko rito habang yakap-yakap ito nang napakahigpit.

Ipinagpaalam ako ni Anya sa manager ng coffee shop na pinagtrabahuan ko at dinala niya ako sa condo unit nito. Kahit na nahihiya ako ay sumama na ako rito dahil alam ko na magtatampo siya sa akin kapag hindi ko iyon ginawa.

"Magbihis ka muna, bestie." Magkasukat lang kami ni Anya kaya naman kapag may mga damit ito na hindi nito gusto ay ibinibigay nito sa akin.

"Magpapa-deliver lang ako ng foods natin."

Hinawakan ko ang kamay ni Anya. Nangingilid na naman ang luha sa aking mga mata. "Maraming salamat, bestie. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka."

"Maliit na bagay lang ito, Bestie. Kumpara sa mga ginagawa mo para sa akin, no. Magbihis ka na at ikuwento mo ang lahat ng ginawa sa iyo ng Vic na iyon!" galit na galit na sabi nito sa akin.

Bumuga ako nang malalim bago nagtungo sa malaking banyo nito. Isinandal ko ang aking likod sa pader at mariing pumikit. Hindi ko alam kung bakit ang estrangherong lalaki na iyon ang sumasagi sa isip ko sa halip na si Vic at ang ginawa nitong panloloko sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Scarlet Heart
grabee naman modus kaagad judgemental yarn
goodnovel comment avatar
Scarlet Heart
grabee ha who is she vic???
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 13: Bitter

    Scarlet's PoVINABALA ko ang sarili sa mga ipinapaayos sa akin ni Miss Digna. Unang araw ko pa lang sa trabaho pero pakiramdam ko isang linggo na ako rito. Maraming ipinagawa sa akin si Miss Digna, pabalik-balik pa ako ng first floor pa lang ulitin ang mga naunang ipina-xerox nito sa akin dahil mali raw.Hinihingal ako na tumigil sa harapan ng elevator. Pinahid ko rin ang pawis ko sa noo.Eksaktong kakatok ako sa office ni Sir Archer nang magbukas iyon. Nakita ko si Miss Digna na lumabas doon. Malapad ang ngiti nito sa akin.“Kanina ka pa hinihintay ni Boss. Napakabagal mo naman kasing kumilos, Hindi ka ba nag-breakfast?” pang-aasar pa niya sa akin.Hindi ko na lang siya sinagot. Unang araw ko kaya kailangan kong magtimpi. Ayoko ring magsumbong kay Anya kahit na kanina pa niya ako tinatawagan at kinukulit kung okay lang ba raw ako dito sa company ng Daddy niya.“Good morning, sir.” Magalang na pagbati ko rito.“Ang sabi sa akin ni Digna late ka na raw pumasok,” sabi nito na hindi naka

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 12: Possessive Yarn

    Scarlet's PoV“Miss Reyes, pamilyar ka naman siguro sa computers. Isa kasi iyan sa gagamitin mo para sa schedules ng meetings ni Boss Archer,” ani Miss Macy sa akin.“Miss Reyes!” muling untag nito sa akin.Mabilis akong napatingin dito. Nawala yata ako sa sarili ko dahil nakita ko si Archer na may kasamang ibang babae at mukhang close pa sila.Tsk!Ginagantihan ba niya ako?Akala mo naman tatalaban ako ng selos! Hindi no!“Yes, Ma'am Macy. May alam ako tungkol sa computer. Ano pa ang ibang kailangan kong gawin bukod sa mag-remind sa boss natin ng kanyang busy schedules.” Nagseryoso na ako habang natingin ako sa kanya.“Bilang personal assistant ni boss, kailangan mong sundin ang mga inuutos niya. Minsan may mga ipinapakuha siyang files sa ibang company. Bukod doon ikaw na ang bahala sa pagkain ni boss. Ikaw ang magbibigay sa kanya ng breakfast, lunch at dinner. Palagi mo rin siyang ipagtimpla ng kape nang hindi niya kailangang sabihin sa iyo. May listahan ng pagkain si Boss Archer da

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 11: Offer

    Archer's PoVNAPAILING na lamang ako habang palabas ako ng coffee shop. Sa totoo lang nagmumukha na rin akong stalker ni Scarlet. Alam ko kung nasaan ito. Alam ko kung anong oras ito umuuwi sa bahay nito at pumapasok sa coffee shop.Nag-offer ako sa kanya ng tulong kagabi dahil ayokong makita siyang nagtratrabaho sa mga bar o sa coffee shop. Gusto ko siyang tulungan dahil alam ko na kailangan niya ng tulong ko.Napabuga ako ng hangin at ipinilig ko ang aking ulo. Pinagbuksan ako ng pinto ni Dave.“Boss, tumawag nga pala sa akin ang secretary ninyo. Ang sabi niya nakahanda na raw ang vacation house ninyo sa La Union. Any time p'wede na raw pumunta si Miss Anya.”Napatango na lang ako rito. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at kinuha ang cellphone ko sa loob ng suot kong gray suit.“Lea, bakit kailangang si Digna ang magsabi kay Dave ng trabaho mo? Naka-leave ka na naman ba? Ano na naman ang dahilan at absent ka?” seryosong tanong ko sa personal assistant ko. Three years ko na siyang pers

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 10: Tumigil ang Mundo

    Scarlet's PoVSERYOSONG nagmamaneho ng sasakyan nito si Archer. Paminsan-minsan sinusulyapan ko siya. Sa totoo lang masaya ako na kasama ko siya ngayon. Walang mga sëksing babae na lumilingkis sa kanya.Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Bakit ko ba iyon iniisip? Normal lang naman iyon sa isang katulad niya.Minabuti ko na lang na tumingin sa labas ng binata ng sasakyan nito. Ngayon lang ako nakasakay sa isang mamahaling sasakyan kaya susulitin ko na.“Tungkol nga pala sa sinabi ko kanina. Ayokong ma-mis interepret mo ang sinabi ko sa iyo, Scarlet. Concern lang ako sa kalagayan mo. Maraming ibang trabaho na p'wede para sa iyo. Hindi mo kailangan na magtrabaho sa bar. Kung maliit ang kita mo sa coffee shop p'wede kang magtrabaho sa company ko. Tumatanggap naman kami ng mga working students.”Mabilis akong napalingon sa kanya. Concern siya sa akin dahil kaibigan ko si Anya. Kung mapapahamak kasi ako madadamay ang anak niya. Naiintindihan ko na ngayon at walang kahulugan ang lahat ng ito.

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 9: Maling Akala

    Scarlet's PoVNAKITA ko si Archer pero hindi ko siya pinansin. Nandito ako para magtrabaho at kung hindi ko ito gagawin wala akong allowance sa OJT namin pagkatapos ng summer vacation sa Clark International Airport.Tinawag ako ni Mister Lopez. Nakilala na namin siya kanina ni Rusty. Mabait naman siya mukha nga lang hindi gagawa ng tama.“Wine, please,” mahina nitong utos. Tumalima naman ako at nagtungo sa tabi nito.Kahit na hindi ko nakikita sa likod ko si Archer alam kong tinitignan niya ako.Napatingin naman sa akin ang isang matandang lalaki na panot ang buhok at malaki ang tiyan.“Miss, dito ka na sa tabi ko,” nakangiting pang-aalok nito sa akin.“Sorry, sir. Hindi kasi po kasi ako kasali sa mga babaeng dapat ninyong i-table. Excuse me po.” Tinalikuran ko na ang lalaki.“Benedict, hayaan mo na si Scarlet. Waitress lang siya ng bar at hindi siya guest relationship officer,” ani Mister Lopez.Bumuga ako nang malalim at nanatiling kalmado. Five thousand din ang sahod namin ngayon n

  • Desiring My Bestie's Dad (SPG)   Kabanata 8: Waitress

    Archer's PoV NAKATAAS ang isang kilay ni Eliza nang maabutan ko siya sa bahay ko. Nakaupo siya sa may couch at naka-cross legs. “Nakilala ko na ang kaibigan ni Anya. Tama nga ako dahil isang gold digger ang babaeng iyon. Mula pa pala noong highschool sila ang anak na natin ang sumasagot sa mga projects ng babaeng iyon. Hanggang ngayon na college na sila si Anya pa rin ang nagbibigay ng pera sa babaeng iyon! Kailangan mong makausap ang anak mo tungkol diyan! Ayokong magmukhang t@nga ang anak ko at hayaan lang ang babaeng iyon!” galit na galit na sabi nito sa akin. Bumuga ako ng hangin at napailing. Inalis ko ang black suit ko at ibinigay iyon kay Manang Aida, ang katulong namin sa bahay at Yaya ni Anya. “Sinabi ko na sa iyo na huwag mo nang pakialam ang anak natin. Matanda na siya at kaya na niyang magdesisyon sa kung ano ang tama at mali. Sa nakikita ko naman maayos ang pagkakaibigan nila ni Scarlet. Mula noong naging magkaibigan sila hindi na palaaway ang anak natin. Marunong na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status