LOGINArcher‘s PoV
ABALA ako sa pagpirma ng business proposals para sa mga suppliers ng Fierro Distilled Water at Energy Drinks nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong black suit. Kahit na busy ako ay sinagot ko pa rin ang tawag na iyon. Iniipit ko iyon sa pagitan ng aking tenga at balikat. “Yes, hello?” mahinang usal ko habang hinihintay na sumagot ito. “Daddy!” boses ng aking anak na si Anya. Malakas ang pagkakatawag niya sa akin ng daddy na halos mabingi ako. Binitawan ko ang hawak kong ballpen at isinandal ang likod sa leather chair ko. Sa tono ng boses ng anak ko mukhang may problema na naman ito. Napahawak ako sa aking sintido at hinintay ang iba pang sasabihin nito sa akin. “Dad, hindi na muna ako uuwi sa bahay this week. Kailangan kasi ako ng best friend ko, muntik na siyang mam@tay. And I can’t loose her. I love her so much, dad. So, I decided na mag-stay na lang muna dito sa condo ko para makita ko siya at baka magpak@matay pa siya ulit. Masiyado pa siyang bata at Marami pa siyang mga pangarap sa buhay, Dad!” Bumuga ako nang malalim at saka tumango. “Okay. Calm yourself and please. Huwag kang gagawa nang ikakapahamak mo, sweetheart. Kapag may problema tumawag ka sa akin or sa secretary ko. Marami pa akong meetings sa mga clients na kailangan kong puntahan.” “Yes, dad. Thank you. I love you!” natutuwang sabi pa nito sa kabilang linya. “Ano nga pa lang pangalan ng kai—” Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla na lang nitong tinapos ang pakikipag-usap nito sa akin. Ibinalik ko sa aking bulsa ang cellphone ko at nagpatuloy sa aking ginagawa. Hindi ko pa nakilala ang matalik na kaibigan na tinutukoy ng anak ko dahil palagi akong busy sa trabaho. Nagiging kampante na lang ako dahil may private body guard ang anak ko na siya namang nagkukuwento sa akin tungkol sa matalik nitong kaibigan na hindi ko pa nakikita. Bumuga ako nang malalim at napailing. Hindi ko nasubaybayan ang paglaki ni Anya, ang namayapa kong Ina ang nag-alaga dito simula nang maghiwalay kami ni Eliza. Nagpa-annull kami ng kasal ni Eliza noong ten years old pa lamang si Anya. Walang alam ang anak ko sa tunay na dahilan kung bakit ko tinapos ang aming relasyon ni Eliza. Gusto kong lumaki pa rin ang anak ko na may normal na pamilya. Magkaibigan naman kami ni Eliza ngayon at maayos din ang relasyon ko sa kanyang mga magulang. Habang pinipirmahan ko ang mga documents ay napatigil ako. Bigla kong naaalala ang dalagang muntik ko nang mabangga kagabi. Kung hindi siguro ako naging maagap sa pagtapak ng preno baka tumilapon sa malayo ang dalagang iyon na kasing edad lang ni Anya. Napailing ako habang iwinawaksi sa aking isip ang mukha ng dalagang iyon. Maganda, inosente at may mapupungay na mga mata. Ang mga labi nito, perpekto ang hugis at mamula-mula. “Oh, mind!” sermon ko sa aking sarili. Iwinaksi ko ang pag-iisip sa babaeng iyon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga revised renew contracts ng mga clients. Gusto ko kasi na malinaw ang mga nakasulat doon para hindi na ako magkaroon ng problema in the future. KINABUKASAN nagtungo ako sa isang coffee shop dahil may imi-meet akong kliyente. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit ang dalagang gumugulo sa aking isipan. Nakasuot ng kulay blue na apron, kulay brown na cap, white t-shirt at black pants. Naka-black shoes at may naka-pin na “SCAR” sa suot nitong apron. May hawak itong menu at iniabot nito iyon sa akin. May hawak din itong ballpen at maliit na notebook. “May I take your orders, sir?” nakangiting tanong nito sa akin. Tiningala ko siya at ibinalik ang menu na ibinigay nito sa akin. “Black coffee lang sa akin, miss.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Gusto po ba ninyong tikman ang best seller namin, sir. Hazelnut croissant cookie.” “May allergy ako sa nuts, miss.” Nagsalubong ang mga kilay nito. “Okay,” matipid na sabi niya na pilit na lang akong nginitian. Napailing ako sa inasal ng dalaga. Mukhang naiinis yata siya sa ginawa ko kagabi. Sa sobrang pagod ko noong araw na iyon ay siya ang napagbuntunan ko ng galit at inis ko sa trabaho. Bumalik siya sa table ko na dala ang order ko na black coffee. “Scar… right? Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko at sa inasal ko sa iyo noong nakaraang gabi. Hindi ko gustong may masabi akong masama at hindi maganda sa iyo. Naalala ko lang kasi ang anak ko at hindi rin kasi tama ang ginawa mo.” Iyon ang sinabi ko kahit na may iba sana akong gustong tanungin dito. Gusto ko sanang itanong kung bakit ba siya umiiyak? Gusto ko sana siyang payuhan na huwag niyan aksayahin ang oras niya sa mga walang kuwentang lalaki. Gusto ko siyang pangaralan at sermunan dahil muntik ko na siyang mabangga. Gusto ko ring sabihin sa kanya na marami pang ibang lalaki diyan. Tsk! “Maraming salamat sa concern mo, sir. Hindi ko binalak na magpakam@tay. Wala din akong gustong ipaliwanag sa inyo, sir. At gusto ko lang sabihin na wala akong Modus. Nagkataon lang na may nangyari at hindi ko iyon ginusto.” May dinudukot ito sa bulsa at alam ko kung ano iyon. “Huwag mo nang ibalik sa akin ang perang ibinigay ko sa iyo. Hindi ko na tinatanggap ang mga bagay na naibigay ko na sa iba. Kung ayaw p'wede mo iyng ibigay na lang sa iba na mas nangangailangan.” Magsasalita pa sana ang dalaga nang biglang dumating ang kliyente na ka-meet ko. Iniwan na niya kaming dalawa at inasikaso pa nito ang ibang costumers. Napapatingin ako sa kanya habang kausap ko si Mister Trias, ngunit sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay iniirapan niya ako. Hindi ko tuloy maiiwasan na hindi mapangiti. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng interest sa isang babae… at sa kaedad pa ng anak ko.Scarlet's PoVILANG beses akong napabuga ng hangin dahil kanina pa ako nauuhaw. Gusto kong lumabas ng kuwarto ko pero naiisip ko si Archer baka naroon pa ito sa kusina o kaya nasa may receiveng area o kaya naman nasa labas pa ng bahay.Napatingin ako sa aking cellphone, alas onse na ng gabi. Marahan kong binuksan ang p*nto ng aking kuwarto upang hindi ako makagawa ng ingay.Nagtungo ako sa may kusina at kumuha ng baso sa cabinet. Sinalinan ko iyon ng malamig na tubig at saka uminom. Tahimik lang ako sa kusina at pinakiramdaman ang aking paligid.Pabalik na ako sa kuwarto ko na dala ang baso na may laman pang tubig nang marinig ko na may umuungøl sa kuwarto ni Archer. Naisip ko na baka nanaginip ito ng masama kaya dali-dali akong nagtungo roon. Maingat kong hinawakan ang seradura at binuksan nang maingat ang p*nto. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Archer na hawak ang mahaba at matabang sandata nito. Nangingislap pa ang dulo no’n habang mabilis nitong nilalaro iyon paitaa
Scarlet's PoVMABILIS akong tumayo at tumakbo patungo sa may guestroom. Ini-lock ko rin ang pinto at saka napasabunot sa aking buhok.Kung p'wede nga lang akong maging bula ginawa ko na. Kung may magic sana ngayon ay umalis na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nakita na niya ang mga bundok ko! Hayst!Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Tinapik-tapik ko ang aking magkabilang pisngi. “Scarlet… girl!” Paulit-ulit ko iyong sinabi hanggang sa muli kong marinig ang boses ni Archer.“Scarlet! Hindi pa ba umuuwi si Anya?”Mabilis akong nagbihis. Hindi ako lumabas pagkatapos kong magbihis. Sinilip ko lang siya na nasa tapat pa rin ng guestroom at mukhang hinihintay niya akong lumabas.“Scarlet, kalimutan mo na iyong nangyari kanina. Aksidente lang iyon at hindi naman ako interesado sa nakita ko. Sa susunod kasi bago ka lumabas ng kuwarto mo siguraduhin mong may damit ka na.”Sa sinabi nito lalo lang akong napahiya. Sinabihan pa naman akong hindi ito interesado sa nakita? Hay! Nakakahiya!
Scarlet's PoVHINDI ko namalayan ang pagdating ni Anya. Nakatulala lang kasi ako habang nakatayo sa may balcony.“Bestie! Okay ka lang ba? Kanina pa kita nakita na nakatayo rito sa may balcony. Tinanong ko ang mga security guards kung may problema ka ba o may ginawa sa iyo si Daddy kaso hindi daw nila alam.”“Ha? Ba-Bakit mo pa gustong itanong? I-Ibig kong sabihin wa-wala namang ginagawang masama sa akin ang daddy mo.” Iniwasan ko ang mga mapanuring mata ni Anya. Kinuha ko mula sa kanya ang maleta na hawak nito. Nagtungo kami sa may couch at inilagay ko ang mga iyon sa tabi ng couch.“So, bakit ka nga nakatulala at mukhang malayo ang iniisip mo?”“Wa-Wala… a-ano kasi… wala akong extrang damit. Hindi ko nakuha iyong bag ko sa bahay. Dumiretso kasi kami dito ng Daddy mo. Inihatid lang niya ko dahil may urgent meetings pa siya kasama ni Miss Marissa.”“Si Tita Marissa.” Nawala ang ngiti sa mga labi ni Anya pagkabanggit sa pinsan ng mommy nito.“Close sila ng daddy mo.”“Yup, bestie. As
Scarlet's PoVWALA akong imik habang nasa loob kami ng sasakyan ni Archer. Pakiramdam ko may malaking pader sa pagitan naming dalawa.Naiinis ako sa kanya.Ngunit ano ba ang karapatan ko para mainis?Hindi ba dapat matuwa ako dahil nagkakagusto na siya sa iba? Hindi ba dapat iniiwasan ko siya?Napatingin na lang ako sa bintana ng sasakyan ni Archer. Ibinaba ko iyon at saka ako huminga nang malalim.Hindi naman siya nagreklamo nang ibaba ko ang bintana ng sasakyan kahit na bukas ang aircon.Tumikhim si Archer sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon.“Buo pa rin ang sahod na matatanggap mo sa pagtratrabaho sa kompanya ko. Itra-transfer ko iyon sa bank account mo,” seryosong sabi nito sa akin.“Salamat, sir.” Napipilitang sabi ko sa kanya. Ayoko namang isipin niya na iniiwasan ko siya.“May two weeks kayo ni Anya para mag-stay sa vacation house. Alam mo naman siguro na hanggang ngayon grounded pa rin siya. Magiging busy ako sa business meetings ko kaya hindi ko siya mababantayan. Makakaasa na
Scarlet's PoV“Sir?” Inaantok na tanong ko rito. Bigla itong tumigil sa pagbaba ng mukha at naramdaman ko na linayuan niya ako.“Ano ba ang iniisip mo? Hindi ko sinabing matulog ka dito. Sumabay ka na sa akin.”Nagmadali naman akong tumayo. Napatingin ako ng oras sa cellphone ko. Ala una pa lang naman. Ilang oras ba akong nakatulog? Two hours?Nasapo ko ang noo ko at napailing.Napuyat ako kagabi dahil kung ano-ano na lang ang nasa isip ko.Masiyado kasi akong selos@.Muli kong sinapo ang noo ko at tinapik pa ang pisngi ko. Hindi ko napansin na nakahinto sk Archer sa harapan ko kaya muling tumama ang kamay ko sa kanyang matigas na likod.Muling tumikhim ito at dahan-dahan na hinarap ako.“Scarlet, in love ka na ba ulit?”Mabilis akong napatingin sa kanya. Tiningala ko siya iyon nga lang nakayuko siya sa harapan ko kaya naman sa ginawa ko muling nagdampi ang aming mga labi.Mabilis akong umatras pero nahawakan niya ang bewang ko na kaagad din Naman niyang binitawan.“Kung palagi mo iya
Scarlet's PoVSUMUNOD ako kay Archer patungo sa office niya. Wala akong ideya kung bakit siya galit. O kung totoo na bad mood siya tapos sa akin niya ibubunton.Humaba ang nguso ko habang nakasunod ako sa kanya.Hindi ko napansin na bigla siyang huminto.“Aray ko naman!” pagrereklamo ko dahil nauntog ako sa matigas na likod niya. Grabe ang katawan nito parang bato.Nagpatuloy si Archer sa paglalakad. Wala ba siyang pakialam sa akin? Hindi na ba kami close?Naiinis na sinundan ko siya sa loob ng opisina niya. Nagtungo siya sa kanyang mini refrigerator at inabutan pa ako ng malamig na tubig.“Oh, pampakalma.”Naiinis na tinanggap ko iyon. “Sir, kung may problema po kayo dito sa office huwag ninyong ipasa sa akin. Kung naiinis kayo dahil sa ka-date ninyo huwag po ninyong dalhin dito sa trabaho.”Nagsalubong ang kilay nito. “Ano?!” bulyaw pa niya sa akin na halos ikabingi ko.May regl@ ba ngayon si Archer?“Easy!” Iniabot ko sa kanya ang malamig na tubig na ibinigay niya sa akin. “Malamig







