LOGINIslaine's Point of View
It's been two hours since I ran away. May isang oras pa na biyahe bago ako makarating sa port kung saan naghihintay ang private yacht ng kakilala ni Auntie Nympha. Sa palagay ko, alas tres na rin ng hapon. Bukod kasi sa ala una dapat ang kasal namin, pansin ko ring tilang hindi na ganoon kaliwanag ang araw. Napaisip akong tawagan ngayon si Auntie Nympha. Pero kung bubuksan ko ang aking cellphone, baka maunahan pa akong matawagan nina mommy bago ko matawagan si Auntie Nympha. Hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat uli sa kaniya. Hindi ako makakatakas sa kasal na iyon kung ako lang. Panay tingin ako sa likuran ko kung may kahina-hinala bang nakasunod sa amin, pero wala naman. Kung sa bagay, ang alternative route na pili lang ang dumaraan ang dinaanan namin. Isinandal ko ang aking noo sa bintana ng sasakyan at napapikit. After arriving at the port, the private yacht will take me to another port, Bancalan Port, which will take a one-day trip. Pagkarating sa port naman, sasakay na naman ako sa isang mas maliit na bangka na siyang sasakyan ko na papunta sa Isla del Deseo. Hindi puwedeng idiretso ako ng private yacht papunta sa Isla del Deseo dahil rehistradong bangka lang ang puwedeng bumiyahe papunta roon. “Kuya, matutulog na muna ako. Wake me up kapag nasa port na tayo,” saad ko sa driver. “Okay po, Ma'am,” sagot naman ng driver. And after an hour, the driver woke me up. He helped me carry my things to the private yacht. Maliit kang ang yate. May isang crew at nasa anim na guests lang ang kasya. Narito sa main deck ang isang skipper na siyang kumukontrol sa takbo ng yate. Mayroon itong flybridge sa itaas at sa lower deck naman ay mayroong tatlong cabins. Nakatulog ulit ako nang makapasok ako sa aking kabina. Pagkagising ko naman ay gabi na at kumakalam na rin ang aking sikmura dahil sa gutom. Batid kong gutom na gutom ako, pero wala akong ganang kumain. Ganoon pa man, napabangon na lang ako at nagtungo sa main deck. Ngumiti sa akin ang skipper nang makita ako. “Mabuti at nagising ka na. Tumawag kasi ang Auntie Nympha mo kanina, nag-aalala sa 'yo.” He has a direct contact with Auntie Nympha. He must be a good friend, hindi basta kakilala lang. “Kumain ka na muna, hija,” saad pa nito at itinuro ang pagkain doon. “May pagkain sa fridge. Puwede mo rin iyong initin.” Tumango ako at nagtungo sa fridge para kumuha ng makakain. Tinapay lang ang kinuha ko dahil wala naman talaga akong gana. Pampawala lang din ng hapdi sa aking sikmura. “Ito ba ang unang beses na pupunta ka nang Isla del Deseo?” tanong nito sa akin. Hindi na muna ako sumagot. Naglakad ako papunta sa may couch at maliit na mesa para mapaupo roon. “No,” sagot ko naman at napatingin sa labas. Ang ganda ng kalangitan, napakaraming bituin. “Pangalawa na. Pero matagal na iyong una.” “Ilang araw mo bang balak manatili roon?” muli nitong tanong. Hindi ko alam kung may sinabi sa kaniya si Auntie Nympha. Ang alam ko lang ngayon ay naiinis ako dahil mukhang marami siyang tanong. Dapat pala sa cabin na lang ako kumain. “Sa tingin ko, ilang araw lang. Wala kasing masiyadong pagbabago roon. Hanggang ngayon, limitado pa rin ang kuryente. Wala ring signal. At higit sa lahat mahirap ang pamumuhay doon.” I already knew all of those things. Sa tingin ko ay matitiis ko naman iyon. Kinaya nga ni Uncle Nereus, ako pa kaya? And speaking of Uncle Nereus, I wonder how he is right now. Kung mahirap ang pamumuhay doon, ano kaya ang source of income niya? I guess he put up a business there. Hindi iyon imposible dahil tourist destination din naman ang isla. Dahil din sa business background ni Uncle Nereus, hindi rin imposibleng i-take advantage niya ang pagnenegosyo roon. May asawa na kaya siya? Ilan na kaya ang anak nila? Hindi ko pala iyon naitanong kay Auntie Nympha. If he already has his own family, will they let me stay with them? Alam na kaya ni Uncle Nereus na pupunta ako sa isla? “Ah, puwede po ba akong makitawag kay Auntie Nympha? Nalaglag kasi ang cellphone ko kanina sa biyahe,” pagsisinungaling ko. Napabuntong-hininga ang skipper, dismayado. “Puwede naman. Ang problema, nasa bahagi na tayo na walang signal. Magkakasignal lang kapag nasa port na tayo.” ----- Panay tulog lang ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil sa kapipigil ko sa aking sarili, nawalan na rin ako ng ganang umiyak. After a day of sailing, we've finally reached the Bancalan port. Nagpalit muna ako ng suot bago bumaba. I'm wearing a white fitted crop-top shirt paired with a long and flowy yellow skirt. Tinulungan ako ng skipper na hanapin ang maliit na bangkang sasakyan ko papunta sa Isla del Deseo. Hindi ko alam kung kaya nakatingin sa akin ang mga tao dahil mag-isa lang akong sasakay sa bangkang pangmaramihan sana o dahil sa ganda ko. Hindi rin naman nagsayang ng oras ang bangkero at bumiyahe na kami. Pinagmasdan ko lang ang malinaw na tubig. Kahit papaano ay napangiti ako nang makita ang ilang isdang tila sumasabay sa bangka. May iilang napatalon pa. Hindi pala ganoon kalalim ang dagat dito. Kaya pala rehistrado at maliliit na bangka lang ang puwede. Puwede kasing tumama sa reefs ang malalaking bangka, lalo na ang yate. Mula sa kalayuan, unti-unti ko na ring nakikita ang isla na mas lalong pinaganda ng papalubog na araw. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Medyo madilim na nang makadaong kami. Tinulungan ako ng bangkero na dalhin ang tatlo kong maleta sa bahaging hindi maabot ng alon ng dagat. Ngayong nandito na ako sa isla, saka ko lang napagtantong may nakalimutan ako. Hindi ko na natawagan uli si Auntie Nympha. Hindi ko rin natanong kung saan nakatira si Uncle Nereus lalo na ang itsura ng bahay nito. I guess this leaves me with no choice, but to find a place where I could rent. Considering that I have three pieces of luggage, things become harder for me. My skirt danced as the cold wind touched my skin. Mariin na lang akong napapikit at napahinga nang maluwag. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako dahil isa akong estranghero sa lugar na ito. Ngunit napamulat ako ng aking mga mata nang may magsalita mula sa aking likuran. “Kailangan mo ba ng tulong?” Para akong naestatuwa habang nanlalaki ang mga mata nang marinig ang boses nito. Kahit ilang taon na ang lumipas, kilalang-kilala ko pa rin ang boses na iyon. Hindi ako puwedeng magkamali. Unti-unti akong napalingon sa aking likuran hanggang sa mapaharap ako sa pinanggalingan ng boses. Nang mag-angat ako ng tingin dito, napalunok na lamang ako bago nakapagsalita. “U-uncle Nereus?”Islaine's Point of View“Kanina ka pa ba nagising?” tanong sa akin ni Uncle Nereus nang makapasok siya sa loob ng bahay. Nang makita ko siyang bumaba sa bangka at naging abala roon, pumasok na ako. Ayaw kong isipin niyang binabantayan ko siya o hindi kaya ay hinihintay ko ang pagdating niya.Nandito ako sa tapat ng mesa, nagpupunas. Hindi ko na mabilang kung ilang punas ko na itong nagawa. Nakatutok ang mga mata ko sa basahan, pero dahan-dahan din itong naglakbay patungo kay Uncle Nereus nang marinig ko ang tanong niya.Hindi pa rin siya nagdamit. Nakasabit lang iyon sa balikat niya. Ngayon ay mas nakikita ko nang malinawan ang detalye ng brusko niyang pangangatawan. Tinapunan ko ng tingin ang kamay niyang may bitbit na balde. Ang laki ng braso niya at maugat.Para akong napapitlag nang mapatikhim siya. “Islaine?”Napatikhim din ako at saka napalunok. Kagyat lang akong napatingin sa kaniyang mukha. His brows met each other, forehead creasing.“A, kanina pa po,” sagot ko na lamang at t
Islaine's Point of View I could feel the weight of my eyelids upon opening my eyes. Kahit na tinatamad pa, napabangon na ako at napahawak sa aking tagiliran dahil sa sakit ng aking katawan. I have nothing to blame but this bed. Gawa ito sa kahoy at parang napaglipasan na ng panahon ang banig dito. Pero mas maayos na rin ito kumpara naman sa labas kung saan natulog si Uncle Nereus. Inayos ko muna ang aking hinigaan. Tinupi ang kumot at saka ipinatong sa ibabaw ng unan bago lumabas ng kuwarto. Alam kong umaga na dahil mainit na, pero medyo madilim pa rito sa loob dahil nakasirado pa ang lahat. Si Uncle Nereus naman ay tiyak akong nasa dagat na. Isa na siyang mangingisda, iyon ang sinabi niya sa akin kagabi. Pinaalalahanan niya rin ako na huwag magkuluwento sa kahit sino ng tungkol sa marangyang buhay na mayroon ang pamilya namin. Nagtungo muna ako sa may radyo at kinuha ang maliit at pabilog na salamin. Mugto pa ang aking mga mata at ang buhok ko naman ay medyo makalat—buhaghag. Inayo
Nereus Point of View Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ang pagtilaok ng mga manok. Kaagad akong napabangon at pansamantalang napaupo sa papag na siyang tinulugan ko. Dito ako sa labas ng kuwarto natulog, samantalang nasa loob naman si Islaine. Bahagya akong napainat at napahawak sa aking likuran. Masakit sa likod ang papag. Parang nangalay din ang mga hita ko dahil hindi naman malapad ang papag—mahabang upuan lang ito. Napatayo na ako at saka binuksan ang solar lamp na nakalagay malapit sa radyo. Maging ang radyong de baterya ay binuksan ko na rin. Alas kuwatro pa lang ng umaga at kapag ganitong mga oras, walang kuryente. Tuwing ala una ng hapon hanggang ala una ng madaling araw lang may kuryente rito. Naririnig ko na sa labas ang tila bulungan ng mga kalalakihang nag-uusap. Bagong umaga na naman, pero walang bago para sa mga katulad naming mangingisda. Gigising ng maaga at pupunta sa laot. Paulit-ulit, walang bago, pero puno ng pag-asa at saya. Habang tumutugtog ang Mag
Nereus Point of View“Tumakbo ka sa iyong kasal?” Hindi makapaniwala kong sabi nang magtapat si Islaine kung bakit siya narito. Napabuntong-hininga na lang ako at napahawak sa aking noo. “Bukas na bukas, kailangan mong bumalik sa inyo.”Kaagad siyang napailing at humakbang palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Her hands were soft like cotton. Mas lalo lang ding nangibabaw ang kaputian niya nang mapahawak siya sa pulsuhan ko.Mula sa kaniyang kamay, naglakbay ang aking mga mata papunta sa kaniyang mukha. Kahit ayaw kong pansinin ang kagandahan niya, mahirap iyon ibalewala. Bumabagay lang ang kaniyang wavy na buhok sa mapungay niyang mata, matangos na ilong, kulay roses na labi at maliit na mukha. Pasimple naman akong napalunok nang bumaba ang aking titig sa napakalaking umbok sa kaniyang hinaharap. I know I shouldn't feel awkward, but I am too caught off guard for this. Not to mention that her cleavage is waving at me.“Uncle Nereus, ayaw ko nang bumalik doon. There's no way I'
Islaine's Point of ViewHindi pa tuluyang nakalubog ang araw kung kaya'y nakikita ko pa rin ang mukha niya. Hindi ako sigurado kung si Uncle Nereus ba talaga ito dahil hindi siya umimik nang sambitin ko ang pangalan niya. Kung boses ang pagbabasehan, alam kong si Uncle Nereus ko ito. Kabisado ko ang mababa, seryoso at ma-awtoridad niyang boses. Pero ang mukha niya—ang buong hitsura niya, ibang-iba sa Uncle Nereus na kilala ko.Ang dating maputi nitong balat na palaging nagtatago sa likod ng kaniyang suit at airconditioned na office na ay biglang naging kayumanggi. Iyon talaga ang una kong napansin. I wonder what he has been doing that made his skin more Filipino-looking. Ang kaniyang buhok naman ay katamtaman lang ang haba at tila hindi rin nasuklay nang maayos. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang ilang puting hibla ng kaniyang buhok.But then his black and commanding eyes were still there. Expressive yet authoritative. Siya ang tipo ng taong kaya kang kunin sa simpleng tingin.
Islaine's Point of ViewIt's been two hours since I ran away. May isang oras pa na biyahe bago ako makarating sa port kung saan naghihintay ang private yacht ng kakilala ni Auntie Nympha. Sa palagay ko, alas tres na rin ng hapon. Bukod kasi sa ala una dapat ang kasal namin, pansin ko ring tilang hindi na ganoon kaliwanag ang araw.Napaisip akong tawagan ngayon si Auntie Nympha. Pero kung bubuksan ko ang aking cellphone, baka maunahan pa akong matawagan nina mommy bago ko matawagan si Auntie Nympha. Hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat uli sa kaniya. Hindi ako makakatakas sa kasal na iyon kung ako lang.Panay tingin ako sa likuran ko kung may kahina-hinala bang nakasunod sa amin, pero wala naman. Kung sa bagay, ang alternative route na pili lang ang dumaraan ang dinaanan namin. Isinandal ko ang aking noo sa bintana ng sasakyan at napapikit.After arriving at the port, the private yacht will take me to another port, Bancalan Port, which will take a one-day trip. Pagkarating sa port nama







