Home / Romance / Desiring My Runaway Billionaire Uncle / Chapter 2: Flashback Before She Ran

Share

Chapter 2: Flashback Before She Ran

last update Huling Na-update: 2025-11-25 12:44:36

Islaine's Point of View

Hindi ko sinagot ang tawag ni Mathias. Pinatay ko na rin ang aking cellphone para wala na akong matanggap na tawag o text. Dumiretso na rin kami ng wedding car sa isang hotel kung saan ako nagpalit ng suot. Naroon na rin ang isang sasakyan na naghihitay sa akin. Maging ang mga maleta ko ay naroon na rin.

Then flashbacks happened before my eyes. Pagkatapos kong mahuli si Mathias at ang wedding coordinator ng kasal namin, umuwi ako sa bahay na tinitirhan naming dalawa para mag-empake.

I could vividly see how I held back myself while I rummaged through my closet last night — or was it during the dawn? Baka nasa alas dose o ala una na pala iyon ng umaga. Kinuha ko ang mga damit ko at pilit pinagkasya sa mga maleta ko. Kinuha ko rin ang ilang bagay na importante sa akin at sa tingin ko ay magagamit ko. Ang nasa isip ko lang talaga ay umalis at iwan ang lahat, pero wala akong ideya kung saan ako pupunta.

Nagtungo ako sa sulok ng higaan namin, huminga nang malalim. Ilang beses kong binulungan ang sarili ko na mag-isip, habang patuloy na pinipigilan ang pag-iyak. Hanggang sa pumasok sa isip ko si Auntie Nympha, ang isa sa tatlong kapatid ni mommy. She's my mom's stepsister, but she's the closest relative that I got even if she's already living in Italy after marrying an Italian businessman a few years back.

Tumawag ako sa kaniya, isang video call. Mahigpit akong napakapit sa aking cellphone at napakagat sa aking ibabang labi nang marinig ang pag-ring ng cellphone niya. Pagkatapos ng ikatlong ring, kung kailan mawawalan na ako ng pag-asa, sinagot niya iyon.

“Ciao, mia dolcissima nipote! What's with the sudden call, sweet heart? Getting excited for your wedding?” bungad nitong sabi sa akin. Nakikita kong tila nasa kusina siya. They're probably about to have their dinner. “Oh, what's with that look? Bakit parang hindi ka masaya?”

Hindi ako kaagad nakasagot. Napatitig lang ako sa kaniya. At dahil sa pansamantala kong pananahimik, napagtanto niyang may pinagdaraanan ako.

“I know there's something wrong. Tell me everything, sweetheart,” aniya at mas idinikit ang mukha sa cellphone. Halos sakupin na ng mukha niya ang buong screen.

So I told her everything in detail without letting a single grain of my tears run down on my cheeks. Sinabi ko rin sa kaniya na nag-impake na ako at ang plano kong lumayo at takasan ang lahat.

“You can live here with me in Italy,” mariin at seryoso niyang sabi. “I can arrange a flight for you para bukas na bukas ay makabiyahe ka na without letting them know.”

That's what I love about Auntie Nympha, always willing to help even if she's miles away from me. Hindi niya na rin binalak pang alalahanin si mommy at daddy at maging ang sasabihin ng pamilya ni Mathias. Ang gusto niya lang ay makatakas ako sa kasal namin ng gagóng lalaking iyon.

“Pero hindi imposibleng malaman nila na ikaw ang una kong pupuntahan. I'm certain that they'll follow me there,” sagot ko naman at napabuntong-hininga. “I want to go somewhere far, kahit dito lang sa Pilipinas. Sa isang isla, siguro? Basta somewhere na hindi ako mahahanap.”

Napapatango lang si Auntie Nympha hanggang sa mapahinto siya. Napahawak siya sa kaniyang baba na para bang nag-iisip, hanggang sa mapanganga siya at magtagpo ang dalawang kilay. May pumasok sa isipan niya!

“I know where you should go,” pagsasalita niyang muli at napangiti nang malapad. “Sa Isla del Deseo. Sa isla kung nasaan ang Uncle Nereus mo.”

Uncle Nereus? After how many years, ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan niya. Parang binaon na rin kasi sa limot ang katauhan niya sa pamilya namin. Uncle Nereus is my mommy's stepbrother and Auntie Nympha's full brother. Anak sila ni Lolo sa una nitong asawa. May isa pa silang kapatid, si Uncle Nathaniel. Siya lang ang tanging kapatid na may dugo ni Lolo at ni Lola. Half-brother siya ni mommy, ganoon din ni Auntie Nympha at Uncle Nereus.

But there's something bugging me about Uncle Nereus. I haven't seen him for years, around eleven years already. I was only seventeen during that time. Pa-graduate pa lang din ako no'n ng highschool at naghahanda para sa paglipad ko papuntang ibang bansa para roon mag-aral.

Uncle Nereus is the runaway heir of Delmar Group of Companies, that's all I know. But his sudden disappearance was out of my knowledge. Basta bigla na lang siyang umalis kung kaya si Uncle Nathaniel ang nakakuha ng puwesto na dapat siya ang magmamana. Hindi rin naman puwede si mommy dahil may sarili kaming kompanya subsidiary ng DGM.

“Wait, Uncle Nereus is in the Philippines?” tanong ko kay Auntie Nympha. And all this time, alam niya pala. I wish I had been inquisitive before and asked her about Uncle Nereus. Kaso naging abala rin ako sa pag-aaral no'n. He really is a great mystery.

Tumango siya. “Hindi na lang ako may alam. That includes you,” pagtatapat niya. “But the thing is, puwede ka roon. If your Uncle Nereus managed to live there without everyone knowing where he is, you, too, can.”

“Pero hindi ko alam kung nasaan iyon,” saad ko naman.

Napailing siya at parang natawa. “We've been there, actually. Remember that trip that we had when you were ten? Noong iniwan ka muna sa akin ng mga magulang mo dahil may business trip sila? Iyon ang Isla del Deseo.”

Oo, naalala ko nga iyon. Doon din sila nagkakilala ng naasawa niya ngayon. Pero bakit doon pinili ni Uncle Nereus? Life there is unimaginable. For a tourist, it's heaven. But to live there, it's hell.

“Now, sweetheart, what's your decision?” Auntie Nympha followed up. Her voice filled with concern. “If I were you, I'd go there. It's the best option, considering that you're in a hurry to run away from your wedding. Idagdag pa na I can help you rin.”

Huminga ako nang malalim, umaasa akong makakatulong ako para makapag-isip nang maayos. If I go and hide there, it would be a massive adjustment for me. Hindi para sa akin ang buhay doon.

It's a relief that Uncle Nereus is there, but I don't think he'd want me there. Hindi kami ganoon ka-close. Umiiwas din ako sa kaniya noon dahil kahit na alam kong mali, may lihim akong paghanga sa kaniya. He's undeniably hot, especially in his black business suit.

But it's the best option that I have. Kung iyon ang magiging susi para makalayo at hindi masundan, wala na akong ibang pagpipilian pa.

“I have made my decision,” saad ko at napalunok. “Pupunta po ako roon.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 8: At Least She's Trying

    Islaine's Point of View“Kanina ka pa ba nagising?” tanong sa akin ni Uncle Nereus nang makapasok siya sa loob ng bahay. Nang makita ko siyang bumaba sa bangka at naging abala roon, pumasok na ako. Ayaw kong isipin niyang binabantayan ko siya o hindi kaya ay hinihintay ko ang pagdating niya.Nandito ako sa tapat ng mesa, nagpupunas. Hindi ko na mabilang kung ilang punas ko na itong nagawa. Nakatutok ang mga mata ko sa basahan, pero dahan-dahan din itong naglakbay patungo kay Uncle Nereus nang marinig ko ang tanong niya.Hindi pa rin siya nagdamit. Nakasabit lang iyon sa balikat niya. Ngayon ay mas nakikita ko nang malinawan ang detalye ng brusko niyang pangangatawan. Tinapunan ko ng tingin ang kamay niyang may bitbit na balde. Ang laki ng braso niya at maugat.Para akong napapitlag nang mapatikhim siya. “Islaine?”Napatikhim din ako at saka napalunok. Kagyat lang akong napatingin sa kaniyang mukha. His brows met each other, forehead creasing.“A, kanina pa po,” sagot ko na lamang at t

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 7: First Morning

    Islaine's Point of View I could feel the weight of my eyelids upon opening my eyes. Kahit na tinatamad pa, napabangon na ako at napahawak sa aking tagiliran dahil sa sakit ng aking katawan. I have nothing to blame but this bed. Gawa ito sa kahoy at parang napaglipasan na ng panahon ang banig dito. Pero mas maayos na rin ito kumpara naman sa labas kung saan natulog si Uncle Nereus. Inayos ko muna ang aking hinigaan. Tinupi ang kumot at saka ipinatong sa ibabaw ng unan bago lumabas ng kuwarto. Alam kong umaga na dahil mainit na, pero medyo madilim pa rito sa loob dahil nakasirado pa ang lahat. Si Uncle Nereus naman ay tiyak akong nasa dagat na. Isa na siyang mangingisda, iyon ang sinabi niya sa akin kagabi. Pinaalalahanan niya rin ako na huwag magkuluwento sa kahit sino ng tungkol sa marangyang buhay na mayroon ang pamilya namin. Nagtungo muna ako sa may radyo at kinuha ang maliit at pabilog na salamin. Mugto pa ang aking mga mata at ang buhok ko naman ay medyo makalat—buhaghag. Inayo

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 6: His Usual Routine

    Nereus Point of View Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ang pagtilaok ng mga manok. Kaagad akong napabangon at pansamantalang napaupo sa papag na siyang tinulugan ko. Dito ako sa labas ng kuwarto natulog, samantalang nasa loob naman si Islaine. Bahagya akong napainat at napahawak sa aking likuran. Masakit sa likod ang papag. Parang nangalay din ang mga hita ko dahil hindi naman malapad ang papag—mahabang upuan lang ito. Napatayo na ako at saka binuksan ang solar lamp na nakalagay malapit sa radyo. Maging ang radyong de baterya ay binuksan ko na rin. Alas kuwatro pa lang ng umaga at kapag ganitong mga oras, walang kuryente. Tuwing ala una ng hapon hanggang ala una ng madaling araw lang may kuryente rito. Naririnig ko na sa labas ang tila bulungan ng mga kalalakihang nag-uusap. Bagong umaga na naman, pero walang bago para sa mga katulad naming mangingisda. Gigising ng maaga at pupunta sa laot. Paulit-ulit, walang bago, pero puno ng pag-asa at saya. Habang tumutugtog ang Mag

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 5: Doesn't Belong Here

    Nereus Point of View“Tumakbo ka sa iyong kasal?” Hindi makapaniwala kong sabi nang magtapat si Islaine kung bakit siya narito. Napabuntong-hininga na lang ako at napahawak sa aking noo. “Bukas na bukas, kailangan mong bumalik sa inyo.”Kaagad siyang napailing at humakbang palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Her hands were soft like cotton. Mas lalo lang ding nangibabaw ang kaputian niya nang mapahawak siya sa pulsuhan ko.Mula sa kaniyang kamay, naglakbay ang aking mga mata papunta sa kaniyang mukha. Kahit ayaw kong pansinin ang kagandahan niya, mahirap iyon ibalewala. Bumabagay lang ang kaniyang wavy na buhok sa mapungay niyang mata, matangos na ilong, kulay roses na labi at maliit na mukha. Pasimple naman akong napalunok nang bumaba ang aking titig sa napakalaking umbok sa kaniyang hinaharap. I know I shouldn't feel awkward, but I am too caught off guard for this. Not to mention that her cleavage is waving at me.“Uncle Nereus, ayaw ko nang bumalik doon. There's no way I'

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 4: The Runaway Billionaire Uncle

    Islaine's Point of ViewHindi pa tuluyang nakalubog ang araw kung kaya'y nakikita ko pa rin ang mukha niya. Hindi ako sigurado kung si Uncle Nereus ba talaga ito dahil hindi siya umimik nang sambitin ko ang pangalan niya. Kung boses ang pagbabasehan, alam kong si Uncle Nereus ko ito. Kabisado ko ang mababa, seryoso at ma-awtoridad niyang boses. Pero ang mukha niya—ang buong hitsura niya, ibang-iba sa Uncle Nereus na kilala ko.Ang dating maputi nitong balat na palaging nagtatago sa likod ng kaniyang suit at airconditioned na office na ay biglang naging kayumanggi. Iyon talaga ang una kong napansin. I wonder what he has been doing that made his skin more Filipino-looking. Ang kaniyang buhok naman ay katamtaman lang ang haba at tila hindi rin nasuklay nang maayos. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang ilang puting hibla ng kaniyang buhok.But then his black and commanding eyes were still there. Expressive yet authoritative. Siya ang tipo ng taong kaya kang kunin sa simpleng tingin.

  • Desiring My Runaway Billionaire Uncle   Chapter 3: Isla del Deseo

    Islaine's Point of ViewIt's been two hours since I ran away. May isang oras pa na biyahe bago ako makarating sa port kung saan naghihintay ang private yacht ng kakilala ni Auntie Nympha. Sa palagay ko, alas tres na rin ng hapon. Bukod kasi sa ala una dapat ang kasal namin, pansin ko ring tilang hindi na ganoon kaliwanag ang araw.Napaisip akong tawagan ngayon si Auntie Nympha. Pero kung bubuksan ko ang aking cellphone, baka maunahan pa akong matawagan nina mommy bago ko matawagan si Auntie Nympha. Hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat uli sa kaniya. Hindi ako makakatakas sa kasal na iyon kung ako lang.Panay tingin ako sa likuran ko kung may kahina-hinala bang nakasunod sa amin, pero wala naman. Kung sa bagay, ang alternative route na pili lang ang dumaraan ang dinaanan namin. Isinandal ko ang aking noo sa bintana ng sasakyan at napapikit.After arriving at the port, the private yacht will take me to another port, Bancalan Port, which will take a one-day trip. Pagkarating sa port nama

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status