Share

Desiring The Priest (SSPG)
Desiring The Priest (SSPG)
Author: Kurdapya Fuentebella

Kabanata - 1

last update publish date: 2026-09-12 15:27:37

“Have you taken your vow yet, Father?"

Isang malanding tinig na pumutol sa pagmuni-muni ni Knight. Puno ng makapal na kolorete ang mukha at halatang kinapos sa tela ang suot na dalawang metrong piraso ng damit. Humahalimuyak ang matapang nitong pabango habang bahagyang dumidikit ang katawan nito sa kaniyang braso at ngumunguya pa ng bubblegum.

Napabuntong hininga nang malalim ang binata. Dalawang buwan na lamang at oordinahan na siya upang maging ganap na pari. Bago ang kaniyang huling hakbang sa bokasyon, binigyan siya ng pamunuan ng seminaryo ng tinatawag na period of discernment, isang maikling panahon upang makapag-isip sa labas ng kumbento at mapatunayan sa kaniyang sarili na karapat-dapat siyang maging tagapaglingkod.

Nasa gitna sila ng tinatawag nilang Paradise Island. Isang pribadong isla sa gitna ng karagatan na binili ng angkan ng mga Montenegro ilang dekada na ang nakalilipas. Mula sa kinatatayuan ni Knight, kitang-kita ang ganda ng paligid, ang kulay turkesang tubig-dagat na sumasayaw sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang pinong puting buhangin sa dalampasigan, at ang nakakarelaks na hampas ng alon sa pundasyon ng mansyon. May mga infinity pool na tila dumadaloy diretso sa karagatan.

Subalit sa kabila ng natural na ganda ng kalikasan, ang loob ng mansyon ay isang pugad ng kadiliman at kahalayan. Dito nila dinadala ang mga babaeng gusto nilang angkinin at matikman mula sa mga sikat na artista, kilalang modelo, hanggang sa mga pambato sa beauty queen pageant. Sising sisi si Knight kung bakit siya sumama. Inakala niya noong una na simpleng pahinga at usapang pampamilya lamang ang pakay ng paanyaya ni Joseph. Ngunit heto siya ngayon, nakatayo sa gitna habang napapalibutan ng mga tentasyon. Napapitlag siya ng biglang hinawakan ng malanding babae ang likod niya. Kaagad siyang napaatras at kumunot agad ang noo.

"Not yet, ma'am," malamig at pormal na sagot ng binata nang hindi man lang ito sinusulyapan nang diretso.

“So puwede pa bang–”

“Don’t touch me!” mariin niyang putol sa sasabihin nito bago pa siya nito mahubaran.

“Suplado, hmmp!” mataray nitong inayos ang buhok saka ibinaba ang tingin sa dibdib ni Knight bago muling naglakad palayo habang paimbay ang balakang. Nanatiling patayo at tuwid ang tindig ni Knight.

"Ano, pinsan? Wala ka talagang nagugustuhan sa kanila? Iyon na si Janice ang pinakamaganda, sexy at porselana ang binigay ko sa ‘yo ayaw mo pa rin talaga?”

Pag-iling na lamang ang isinukli niya sa pamimilit nito sa kaniya. Niyaya siya nitong maupo kaya sumuunod siya.

“Bro, ‘wag ka namang KJ diyan! Join us!” turan ng isa pa nilang pinsan habang pinapalibutan ito ng tatlong magagandang babae.

Bumunghalit ng tawa ang iba pa niyang mga pinsan. Sa kabilang dulo ng mesa, lantaran at walang pakundangan ang pagse-sex ng dalawa niyang kamag-anak sa ibabaw mismo ng lamesa, habang ang ibang mga babae ay patuloy na nagbubuhos ng alak at nagpapakain ng prutas sa mga lalaki.

“Baka naman bakla ka, bro? Puta! Walang bakla sa lahi natin!” segunda pa ni Lebron sabay bato sa kaniya ng serbesa ng beer pero mabilis siyang nakailag.

"Iwanan niyo na 'yan si Knight! Banal 'yan!" sigaw ng isa pa niyang pinsan na si Lucas habang nakakandong sa kaniya ang isang sikat na commercial model.

"Baka kapag humawak 'yan ng babae, kidlatan tayo rito sa isla!"

Nagtawanan nang malakas ang lahat sa mahabang lamesa. Ginawang katatawanan ng kaniyang sariling dugo ang kaniyang piniling landas.

"Seryoso, Knight," muling sabi ni Joseph sabay tayong hawak ang baso ng scotch.

"Isang gabi lang. Mamili ka riyan o kahit sinong gusto mong babae. Alam mo naman lahat ng gusto natin ay nakukuha natin ‘diba?”

“Sige na, bro. Puting-puti ang mga 'yan, makinis, at gagawin ang kahit anong gusto mo. Huwag mong sabihing hindi tumitigas ang nasa loob ng pantalon mo?"

Nanatiling tahimik si Knight. Ang kaniyang mayuming mukha, matutulis na rahang, at malalim na matang kulay abo ay walang naipakitang kahit anong emosyon. Hindi siya nagalit sa mga tukso ng kaniyang mga pinsan. Sa halip, may isang bagay na napatunayan si Knight sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa kaniyang paligid.

Hindi siya natutukso.

Kahit gaano kaganda, kaputi, o kahubog ang mga babaeng nakapaligid sa kaniya, kahit maghubad pa ang mga ito sa kaniyang harapan, nanatiling malamig ang kaniyang pakiramdam. Walang kahit anong pagnanasa na gumising sa kaniyang katawan. Ang tawag ng laman na kinaguguluhan ng kaniyang mga pinsan ay walang silbi sa kaniya. Buo ang kaniyang paninindigan na ang kaniyang puso at katawan ay nakalaan lamang sa mas mataas na layunin.

Ibinaba ni Knight ang kaniyang tingin sa whiskey na kaniyang hawak, bago muling tumingin nang diretso kay Joseph.

"I can’t do that, Joseph. Swear I’m good.," banayad ngunit pormal na boses ni Knight na nakapatahimik sa ilang taong malapit sa kaniya.

"Tsk. Napakaselan mo talaga," naiiinis na ilag ng ulo ni Josep bago muling hinalikan sa leeg ang kasamang modelo.

"Bahala ka. Sayang ang gabi mo rito sa Paradise Island."

Tinalikuran ni Knight ang mahabang lamesa at ang maingay na lipon ng mga tao. Naglakad siya patungo sa balkonahe ng mansyon kung saan mas naririnig ang tunay na tinig ng karagatan. Hinihipan ng malamig na hangin ang kaniyang maikling buhok. Nakatingin siya sa madilim na karagatan na nasisilangan ng liwanag ng buwan.

Napatunayan na niya ang kaniyang sarili sa lunsod at sa marangyang mundong ito. Walang babae o karangya ng pamilya Montenegro ang makakapagpabago sa kaniyang desisyon na pumasok sa paglilingkod.

Magpapari siya at walang makakahadlang sa desisyon niyang ‘yon.

Sa halip na manatili sa Paradise Island kung saan tila walang katapusan ang mga ingay at obligasyon, nagpasya siyang umuwi sa Maria Makiling Island. Dalawang buwan na lamang ang natitira bago ang araw ng kaniyang ordinasyon. Sa maikling panahong iyon, iisang bagay lamang ang nais niyang gawin, ang makasama ang kaniyang mga magulang.

Sa mga nakalipas na taon, naging bihira ang pagkakataong makauwi siya nang hindi minamadali ng oras. Nakagapos ang kaniyang mga araw sa mahigpit na disiplina ng seminaryo at sa mabigat na kaakibat ng kaniyang apelyido. Ngunit ang dalawang buwang ito ay naiiba. Marahil, ito na ang huling pagkakataon sa kaniyang buhay na maaari siyang mamuhay at umuwi bilang isang anak lamang. Pagkatapos ng kaniyang ordinasyon, tuluyan nang magbabago ang kaniyang daigdig.

Maagang umalis si Knight sa Paradise Island kinabukasan. Isang pribadong jet ng pamilya Montenegro ang naghihintay sa kaniya sa maliit na paliparan ng isla. Habang umaakyat siya sa hagdan ng eroplano, lumingon siya sa huling pagkakataon sa malawak na mansyong kaniyang iniwan. Walang bahid ng panghihinayang sa kaniyang mga mata. Sa halip, isang kakaibang gaan sa dibdib ang kaniyang naramdaman. Hindi siya natukso!

Makalipas ang isang oras na paglalakbay sa himpapawid, unti-unting bumaba ang eroplano sa payapang paliparan ng Maria Makiling Island. Mula sa bintana, tumanaw si Knight sa labas. Sinalubong siya ng luntiang kabundukan, malawak na palayan, at ang sariwang hanging tila nag-aanyaya sa kaniyang magpahinga. Malayo ito sa luho at karangyaan ng siyudad.

Pagkababa ng eroplano, hindi na siya nag-abalang magpatulong sa mga tauhan. Siya mismo ang humila sa kaniyang maliit na maleta patungo sa naghihintay na sasakyan. Pagkalipas ng ilang minutong pagbiyahe, narating niya ang Montenegro Mansion.

Hindi ito kasing engrande o kasing higpit ng pangunahing mansyon ng pamilya sa lungsod. Malawak ang lupain nito, ngunit puno ng mga matatayog na puno at mga makukulay na halamang inalagaan mismo ng kaniyang ina. Pagkabukas pa lamang ng gate, bumukas din ang p***o ng mansyon. Isang babae ang halos patakbong lumabas patungo sa kaniya.

“Anak!”

“Mom?” napangiti siya nang malapad habang patakbo sa kaniya si Lira.

“My baby…” humihikbi nitong usal nang mayakap siya nito nang mahigpit.

Napapikit si Knight at isinubsob ang mukha sa balikat ng ina, dumadaloy sa kaniya ang init at pagmamahal ng isang butihing ina.

“I’m home, Mom.”

Ngunit sa halip na kumalma, mas lalo lamang humigpit ang yakap ni Lira. Humahagulgol na ito sa kaniyang dibdib.

“Mom, please don’t cry,” marahang pakiusap ni Knight habang hinihimas ang likod nito.

“I miss you my Knight. Mahal na mahal kita anak.”

“I missed you too, mom. I love you.”

Bahagyang lumayo si Lira at hinawakan ang magkabilang pisngi ng anak. Puno ng luha ang kaniyang mga mata habang sinusuri ang mukha ni Knight. “

Hindi mo alam kung gaano kita nami-miss araw-araw. Tignan mo nga ang sarili mo, mukha kang puyat ang lalim ng mata mo. Kumakain ka ba nang maayos doon? Natutulog ka ba? O baka naman puro ka na lang dasal at pag-aaral?”

Napatawa nang mahina si Knight sa lambing at pag-aalala ng ina.

“I’m fine, Mom. Maayos po ang lagay ko.”

“Fine?” Napailing si Lira at kasabay niyon ang muling pagpatak ng kaniyang mga luha.

“Ilang buwan na lang, Knight... tuluyan ka nang magiging pari.”

Tumahimik si Knight. Tinitigan niya ang ina na ngayon ay pilit na pinupunasan ang sariling mga luha. Bilang isang ina, walang pagsidlan ang kaniyang karangalan at saya dahil natutupad ng kaniyang anak ang banal na tawag ng paglilingkod sa Diyos. Ngunit bilang isang ina rin, hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding lungkot. Alam niyang kapag naordinahan na ito, hindi na magiging katulad ng dati ang lahat. Hindi na niya ito maiisip na basta na lamang tawagan upang pauwiin. Hindi na niya ito maaaring hintaying dumating sa bahay kapag gusto niya itong makasama, at hindi na niya muling maaangkin ang oras ng kaniyang anak. Higit sa lahat, hindi manlang niya makikita ang apo niya sa kaniyang pinakamabait na anak.

“I’m so proud of you, anak,” mahinang usal ni Lira habang nanginginig ang boses.

“Pero mamimiss kita nang sobra-sobra... Hindi ko alam kung paano ko sasanayin ang sarili ko.”

Napayuko si Knight, naramdaman din ang kirot sa kaniyang puso.

“I know, Mom. I’m sorry…but this is my calling.” Tugon niya.

Muli siyang niyakap ng kaniyang ina saka pinugpog ng halik sa mukha na tila ba ay nanatili siyang bata sa paningin ni Lira.

“Halika na sa loob,” nakangiting sabi ni Isabella habang pinupunasan ang natitirang luha sa kaniyang pisngi.

“Niluto ko ang lahat ng paborito mong pagkain.”

“Mom, nag-abala ka pa. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon.”

“Paanong hindi? Dalawang buwan na lang ang mayroon tayo. Susulitin natin ang bawat araw!”

Natawa si Knight at tumango. “Yes, Mom.”

Bago pa man sila tuluyang makapasok sa bahay, narinig nila ang ilang magalang na boses mula sa bahagi ng malawak na hardin.

“Sir Kingston, pasensya na po talaga sa istorbo. Hindi na po kasi namin alam kung saan kami kukuha ng pambayad sa mga binhi at abono ngayong buwan.”

“Oho, Mayor. Kung hindi po kami makakapagtanim ngayon, wala na po kaming kakainin o aanihin sa mga susunod na buwan.”

Napalingon si Knight sa pinanggalingan ng boses. Sa ilalim ng isang malaking puno sa hardin, nakaupo ang kaniyang ama na si Kingston Montenegro at nakapila ang mga taong nanghihingi ng tulong.

Nakasuot lamang ito ng simpleng puting polo at maitim na pantalon, walang mamahaling relo o anumang bakas ng karangyaan. Sa kabila ng pagiging kilalang abogado at alkalde ng isla, nananatili itong mababa ang loob. Sa harap nito ay tatlong magsasaka na bakas ang pagod at alalahanin sa mukha. Ang dalawa sa kanila ay hawak ang kani-kanilang lumang sumbrero habang nakayuko sa hiya.

Hindi tulad ng ibang mga miyembro ng angkang Montenegro na kinatatakutan at hindi man lang malapitan ng mga mahihirap dahil sa takot pero sina Kingston at Lira ay malayo sa ganitong pag-uugali. Bagay na kinalakihan niya kaya malapit ang loob niya sa mga mahihirap.

“Hindi ninyo kailangang mangutang sa mga mambubusabos para lamang makapagtanim,” mahinahon at pumatag na sabi ni Kingston sa mga magsasaka.

“Pero Mayor, wala na po kasing gustong magpahiram sa amin—”

“Aakuin ko ang gastusin sa mga binhi at pataba ninyo ngayong cropping period,” putol ni Kingston sa kanilang pag-aalala.

Nanlaki ang mga mata ng mga magsasaka. “S-Sigurado po kayo, Mayor Kingston? Napakalaking halaga po niyon...”

Ngumiti nang bahagya ang ama ni Knight. “Pumunta kayo bukas sa munisipyo at hanapin ninyo ang agricultural office. Ipapalista ko kayo sa programa para sa buong tulong-pinansyal at suporta sa mga magsasaka. Walang babayarang interes, at hindi ninyo kailangang isangla ang inyong mga lupa.”

Naiyak sa tuwa ang isa sa mga magsasaka at napahawak sa kamay ni Kingston. Walang pagsidlan ang pasasalamat ng mga tao habang pauwi na sila. Saka lamang napansin ni Kingston ang kaniyang anak na nakatayo hindi malayo sa kaniya. Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Sandaling nagkatinginan ang mag-ama bago lumabas ang isang malawak at mainit na ngiti sa mga labi ng kaniyang ama.

“Knight.”

“Dad.”

Mabilis na lumapit si Knight sa ama, at agad siya nitong sinalubong ng isang mahigpit at yakap.

“Welcome home, son,” bulong ni Kingston habang tinataptap ang kaniyang likod.

“Good to see you, Dad.”

Bahagyang humiwalay si Kingston at hinawakan ang magkabilang balikat ng anak, pinagmamasdan ang binata nang may malalim na pagmamahal. “

Gaano ka katagal dito sa atin?”

“Dalawang buwan po.”

“Mabuti,” tumango si Kingston, at may kakaibang ningning na gumuhit sa kaniyang mga mata.

“Then we have two full months to make up for all the time we lost.”

Mapait ngunit may kasamang kagalakan ang ngiting sumilay sa mga labi ni Knight.

Habang masaya silang nag-uusap at naghahanda para sa pananghalian, hindi nakaligtas kay Knight ang biglaang pagbabago sa hitsura ng kaniyang ama. Pagpasok ni Kingston sa bulwagan matapos makipag-usap sa ilang opisyal ng munisipyo sa pamamagitan ng kaniyang telepono, halata ang matinding pag-aalala at lalim ng iniisip sa kaniyang mukha.

Napakunot-noo si Knight habang pinagmamasdan ang ama. Kahit kailan ay bihira niyang makitang mabagabag si Kingston.

“Dad, may problema ba?” tanong niya.

Bumuntong-hininga si Kingston at naupo sa kabisera. Banaag sa mukha nito na hindi lang basta problema kundi malaking problema.

"Ang lugar sa kabundukan ng San Isidro ay nakatakdang pamimigay ng ayuda at medikal na serbisyo para sa mga katutubong Tribo ng Mahinhin ngayong linggo. Ngunit umatras ang ilang tauhan mula sa munisipyo, pati na ang ilang mga sundalo at kapulisan na dapat ay magsisilbing escort at seguridad."

"Bakit daw po?"

"May mga ulat na naglipana at nag-aabang ang mga armadong grupo ng mga rebelde at terorista sa mga daan patungo sa kabundukan. Takot ang mga tauhan dahil napakalayo ng lugar, napakatarik ng mga bangin, at kabisadong-kabisado ng mga NPA ang bawat pasikot-sikot doon. Kung magpapadala ako ng maraming armado, baka isipin ng mga rebelde na umaatake tayo at magkaroon ng engkwentro kung saan ang mga katutubo ang maiipit. Pero kung kakaunti naman ang pupunta, masyadong delikado para sa mga mamimigay ng ayuda."

Lumapit si Lira at hinawakan ang balikat ng kaniyang asawa.

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban muna ang pamimigay ng tulong, baby?"

Umiling si Kingston. "Hindi maaari, wife. Dalawang buwan nang walang suplay ng gamot at pagkain ang mga Katutubong Mahinhin dahil sa tag-ulan at sa mga pagharang ng mga rebelde. Nagkakasakit na ang mga bata at matatanda. Nakaasa sila sa tulong ng munisipyo. Kung hindi makakarating ang ayuda, mas marami ang mamamatay sa gutom at sakit."

Natahimik silang mag-ina sa salaysay ng ama. Naramdaman ni Knight ang kabigatan sa puso ng kaniyang ama. Bilang pinuno ng isla, ayaw nitong may naiiwang mamamayan, lalo na ang mga katutubong kapos sa buhay at malayo sa kabihasnan.

"Ako ang pupunta, Dad. Ako ang maghahatid ng ayuda sa Sitio Mahinhin."

Mabilis na napalingon sina Kingston at Lira sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ng kaniyang ina samantalang umiling naman ang kaniyang ama.

"Hindi!" mabilis at matigas na sagot ni Kingston.

"Masyadong delikado, Knight. Hindi mo kilala ang bundok na iyon. Ang mga armadong grupong iyon ay walang sinasanto at walang kinatatakutan. Hindi ko itataya ang buhay ng anak ko!"

“Mom, dad–”

"Knight, baby, no..." pigil muli ng kaniyang ina na biglang nag-alala.

"Dalawang buwan na lang at magiging pari ka na. Huwag ka nang lumusong sa ganitong uri ng panganib!"

"Dad... Mom... tila nakakalimutan ninyo kung sino ako bago ako pumasok sa seminaryo," mahinahong sabi ni Knight. Natahimik si Kingston at napatingin sa kaniyang anak.

"Bago ako nagpasyang maglingkod sa simbahan ay dumaan ako sa pinakamadilim na pagsasanay. Hindi ako simpleng mamamayan lamang. Dati akong miyembro at tagapagmana ng pinakamalaking pamilya ng mafia sa bansa. Magaling ako sa pakikipaglaban. Kabisado ko ang bawat galaw sa barilan, ang pagbasa sa kilos ng kalaban, at ang survival sa gitna ng kagubatan. Mas kabisado ko pa ang amoy ng panganib kaysa sa sinumang sundalo o NPA. Nakakalimutan mo bang dugong Montenegro ang nanalaytay sa ugat ko?" sinabayan niya ng pagtawa upang kumalma ang mga magulang lalo na ang ina niya.

Napatitig si Kingston sa kaniya, tila nagbabalik sa kaniyang alaala ang kakayahan ng anak. Bago pa man piliin ni Knight ang krus at ang kasuotang pampari, pumatay at nakipaglaban na ito sa pinakamalalamig na digmaan ng kanilang organisasyon.

"Ngunit Knight, magpapari ka na—"

"At iyon mismo ang gagamitin kong proteksyon, Dad," putol ni Knight.

"Magsusuot ako ng kasuotang pampari, ang aking cassock. Magpapakilala ako bilang isang misyonerong pari na naghahatid ng tulong sa mga katutubo. Kahit gaano kasama ang mga rebelde sa bundok, may katiting pa ring takot at respeto ang mga iyon sa mga taong simbahan. Hindi nila basta-basta ginalaw ang mga pari dahil alam nilang magdudulot iyon ng malaking galit sa publiko at sa mismong mga katutubong naniniwala sa Simbahan isa pa, may mga dala tayong ayuda.”

Bumuntong-hininga si Knight at mas lumapit sa kaniyang ama.

"Bukod doon, Dad, ako mismo ang mag-aaral sa pasikot-sikot at kabuuan ng bundok habang naroon ako. Aalamin ko ang mga kuta nila, ang kanilang mga daanan, at ang kanilang bilang. Sa ganitong paraan, makakakuha ako ng importanteng impormasyon na magagamit mo at ng mga awtoridad upang masugpo at malinis ang mga terorista sa lugar nang hindi nalalagay sa panganib ang mga katutubo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Desiring The Priest (SSPG)   Kabanata - 2

    Nanginginig ang mga kamay ni Lira sa kaba, ngunit nakikita niya ang matinding determinasyon sa mukha ng kaniyang anak. Si Kingston naman ay nanatiling nakatitig sa anak. Alam niyang kapag nagdesisyon si Knight, walang sinuman ang makakapagpabago ng isip nito—lalo na kung ang layunin ay ang tumulong at maglingkod."Sigurado ka ba rito, Knight? Ang bundok na iyon ay walang pagpapala. Isang maling galaw mo lang, maaari kang mamatay.""Nasa ilalim ako ng pagpapala ng Diyos, Dad. At kung kailangan kong gamitin ang aking mga dating natutunan sa mafia para protektahan ang aking sarili at ang ayuda ng mga katutubo, gagawin ko. I can handle myself. You know what I'm capable of."Isang malalim na buntong-hininga muli ang pinakawalan ni Kingston bago dahan-dahang tumango. Lumapit siya sa anak at hinawakan ang balikat nito nang mahigpit. "Mag-ingat ka, Knight. Huwag mong kakalimutan na may naghihintay sa 'yo na umuwi rito.""Makakaasa ka, Dad."“Anak naman…” napaiyak na lamang ang ina niya pero

  • Desiring The Priest (SSPG)   Kabanata - 1

    “Have you taken your vow yet, Father?" Isang malanding tinig na pumutol sa pagmuni-muni ni Knight. Puno ng makapal na kolorete ang mukha at halatang kinapos sa tela ang suot na dalawang metrong piraso ng damit. Humahalimuyak ang matapang nitong pabango habang bahagyang dumidikit ang katawan nito sa kaniyang braso at ngumunguya pa ng bubblegum. Napabuntong hininga nang malalim ang binata. Dalawang buwan na lamang at oordinahan na siya upang maging ganap na pari. Bago ang kaniyang huling hakbang sa bokasyon, binigyan siya ng pamunuan ng seminaryo ng tinatawag na period of discernment, isang maikling panahon upang makapag-isip sa labas ng kumbento at mapatunayan sa kaniyang sarili na karapat-dapat siyang maging tagapaglingkod. Nasa gitna sila ng tinatawag nilang Paradise Island. Isang pribadong isla sa gitna ng karagatan na binili ng angkan ng mga Montenegro ilang dekada na ang nakalilipas. Mula sa kinatatayuan ni Knight, kitang-kita ang ganda ng paligid, ang kulay turkesang tubig-d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status